Chapter 146:

1K 52 24
                                    

Thrizel’s POV

Nagising ako sa sinag ng araw mula sa aking bintana nang tumapat ito sa aking mukha. Papikit-pikit pa ako na tila hinahanap ang sipag para sa pagbangon. Nang maramdaman kong may buhok na tumutusok sa aking balat, agad akong napabaling sa aking tabi. Imbes na magulat, ngiti agad ang sumilay. Mahimbing ang kaniyang tulog habang ginagawang unan ang aking braso. Nilapit ko ang mukha ko sa kaniya, inamoy ko ang kaniyang buhok.

Gamit ang isang hintuturo, hinawakan ko siya sa kilay. Sunod ay sa ilong pababa sa labi. Kahit tulog siya, may ngiting nakakurba pa rin sa kaniyang labi. Halatang masaya ang kaniyang tulog. Ang sarap titigan ng kaniyang mukha. Hindi ako magsasawang sabihin na perpekto talaga ang sa kaniya. Makapal ang mga kilay, mahaba ang pilik mata, matamis ang ilong at pulang-pula ang labi. Tila buhok pa ng mais ang kulay ng kaniyang buhok. Sa pagtitig kong ‘yon, may humahaplos sa aking puso. Hindi makapaniwalang nasa bisig ko siya ngayon. Kaharap ko ang lalaking mahal na mahal ko.

Kusa siyang napadilat na nasa akin agad ang tingin. Nang masilayan niya ang mukha ko, mabilis siyang natuwa. “Magandang umaga, mahal...” Muli siyang pumikit. Mas lalo pang siniksik ang sarili sa akin. “Ganito pala ang pakiramdam kapag ikaw ang bubungad paggising ko ng umaga. Napakasarap.”

Yumakap siya sa akin kaya tumagilid ako para tugunan ‘yon. “Hindi ka pa ba nagugutom?” Sinipat ko siya. Nakanguso ang kaniyang labi.

“Gusto ko rito lang tayo maghapon.” Para siyang bata kung humiling. Kapit na kapit sa akin. Seguristang hindi ko siya iiwan.

Sumilay ang kaunting ngiti sa labi ko. Sinuklay ko ang kaniyang buhok gamit ang isang kamay at nagsalita. “Kailan nating kumain at maligo. Ayokong mangako dahil binigo kita ng isang beses pero, Thrale... Ayoko nang lumayo sa ‘yo. Hindi na ako lalayo.” Hinalikan ko siya sa ilong.

Napatango-tango siya. Tumingin sa pintuan. “Nakatatakot lumabas. Paano kung mga magulang natin ang bumungad? Anong ipapaliwanag?”

Napahinga ako nang malalim. “Kung sakali man, ako naman ang haharap sa kanila. Nandito na ako, oh. Kalma.”

Tumayo siya kaya tumayo rin ako. Napaiwas ako ng tingin dahil tanging boxer lang ang suot niya. Hindi ko man lang naramdaman kanina. Nakaharap tuloy siya sa akin habang nakaiwas ako ng tingin.

“Nahihiya ka ba sa akin?” Inosente niyang tanong. Tinungo ang pintuan.

“Hindi ‘no.” Hinarap ko siya dahil nakatalikod na ‘to sa akin. “Mukhang nakauwi na ang parents natin. Pumunta ka ng kwarto mo. Malalagot tayo kapag wala ka roon. Magtataka sila kapag nakitang magkasama tayo.”

“By the way, masakita ba?” Nangunot ang aking noo sa kaniyang tanong. Nakatingin pa sa akin na hinihintay ang aking sagot. Nang maintindihan, sumagot ako.

“Oo.” Prente kong tugon. “Ang haba niyan, e.”

Natawa siya sa aking tinuran. “Gusto mo bang hawakan? Joke, mahal. Labas na ako, huh?” Tumango ako sa kaniya. “Mahal na mahal na mahal kita.”

Hindi pa siya lumabas. Hinihintay ang aking tugon. “I love you more, mahal.”

Napalabi siya. Tango-tangong lumabas habang nagpipigil ng ngiti. Halata namang kinikilig, iniiwasan pa. Sinilip ko ang labas, walang tao roon. Kumaway muna siya sa akin bago maglakad patungo sa kwarto. Sinara ko na ang pinto. Pumunta ako sa kama para ligpitin ang damit ni Thrale na naiwan dito. Sinama ko ang bed sheet dahil may dugo roon. Ako na lang siguro ang maglalaba.

Naligo muna ako bago lumabas ng kwarto para kumain. Pagkadating ko sa baba, magulang agad namin ang nakita. Hindi ko magawang ngumiti dahil sa desisyon nila kagabi. Masama ang loob ko kaya tahimik ang kusina. Ni hindi ko nga nagawang bumati.

Loving My Brother #2: Who's Thrizel?Where stories live. Discover now