Chapter 120:

692 49 9
                                    

Thrale's POV

Ilang araw na ang nakalipas. Nandidito kami ngayon sa bahay, kaming tatlo nila Thrizel. Kahit anong pilit ko rito sa babaeng ‘to na tumigil na sa pagtatrabaho, ayaw niya pa rin dahil daw may mga nakilala na siya roon. Ayaw niya rin dito manatili sa bahay pero bumibisita naman siya minsan. Todo bantay ako sa kaniya, baka kung ano na naman ang gawin ni Callum. Sapat na rason na yata ang ginawa namin para matakot sila, hindi ba?

“Malakas na ba talaga ang kutob mong siya si Arella?” Bulong ni Link sa aking gilid. Oo, iyan ang pinag-uusapan namin kanina pa. Nakatingin nga lang kami kay Thrizel na kumakain sa lamesa. Mabuti nga hindi kami napapansin.

“3 years old ako nang umalis si mom, buntis na siya sa kapatid ko. Pagdating ni Thrizel dito, I’m 5 years old, she’s 4 years old. Hindi ba dapat magtaka na ako n’on? Kung siya ang totoong kapatid ko, 17 years old ako, 14 o 15 years old siya. Iyong sinabi pa ni Callum na si Arella si Thrizel and remember? Iyong sa selpon niya, sketch sa batang babae. Kamukhang-kamukha ni Thrizel, magkamukha rin naman sila ni Redelyn Gauniria. Sinabi mong napapanaginipan niya ang batang ‘yon. Sapat na pruweba na iyan, Link.”

Hindi sumagot si Link. Iniisip kung anong magiging plano niya. Tumayo siya at pumunta sa gawi ni Thrizel. Sumunod ako. “Uhm, Thrizel.” Agaw atensyon niya rito. “P’wede ko bang makita ang kanang tagiliran mo? Naaalala ko kasing may sugat ka roon.”

Napatigil si Thrizel sa pagkain. Nangunot pa ang noo pero nakuha namang tumayo. Tutok na tutok na kami ni Link nang itaas niya ang damit niya roon. Nang matapos ‘yon, nagtitigan kami ng aking pinsan. Wala kaming nakita.

“Iyon ang sabi ni Tita Threa...” Mahina niyang bulong para hindi marinig ng aking kapatid. “Sa kanan ang balat ni Arella, wala, wala tayong nakita, Thrale. Hindi totoo ang sinasabi ni Cal—”

“Balat ko? Ito, oh!” Humarap sa amin si Thrizel para ipakita ang kaliwang tagiliran niya. Hahawakan sana iyon ni Link para suriin pero hindi natuloy nang mapansin niyang babae pala si Thrizel.

Nagkatinginan kaming tatlo. Salit-salitan lang. Bigla akong kinabahan. Titig na titig ang mga mata ko sa mukha ni Thrizel. Bakit hindi ko man lang makita ang mukha ni Arella sa kaniya?! Nasaan ang peklat?!

“Bakit? Ano bang mayroon?” Inosenteng tanong nito. Nagtataka na dahil parehas kaming natigilan ni Link.

“Thrizel, aren’t you wondering? Ang sabi ng mommy mo, may balat sa tagiliran si Arella. Naalala mo ‘yong sinabi ni Callum, hindi ba? Mga panaginip mo, iyong batang babae...” Gustong-gustong sabihin ni Link sa aking kapatid na siya ang aming pinsan. Nagpapaliwanag talaga siya.

“Iyong batang babae? Nakita ko na ang mukha niya.” Nananatili siyang nakatayo, nakatingin sa amin. “Hindi ako ‘yon dahil may peklat siya sa kanang pisngi katulad ni Redelyn Gauniria.”

Sa kaniyang sinabi, mas lalong naganahan si Link. “Tanongin mo ang sarili mo, bakit napapanaginipan mo ang batang babaeng ‘yon? Thrizel, hindi iyon panaginip, isa iyong ala-ala. Isa lang ang ibig sabihin, ikaw si Arella.”

Walang naging reaksyon si Thrizel. Muli siyang bumalik sa pagkakaupo. “Wala lang sa akin kung sino ako. Kung may amnesia nga ako at ako si Arella, ayos lang sa akin. Kung hindi naman at ako talaga ang kapatid ni Thrale, mas pabor sa akin. Hindi big deal sa akin ang pagkatao ko. Ang mahalaga, masaya ako sa kong ito buhay ngayon.” Uminom siya ng tubig. “Tama na ang kakahanap niyo kay Arella. Patay na siya, patahimikin niyo. Saka tigilan niyo na ang pagbabanggit sa akin. Mas lalo akong nacucurious kung sino ba talaga ako. Ayokong dumating sa punto na hahanapin ko kung sino ang mga magulang ko.”

Loving My Brother #2: Who's Thrizel?Where stories live. Discover now