Chapter 139:

623 50 18
                                    

Thrale’s POV

Sa kinagawian, nagpawelcome party si dad. Sobrang dami ng bisita, kani-kaniya silang pag-uusap. Mas maraming bisita sa hardin dahil doon kinakausap ng aking mga magulang ang kanilang mga kaibigan. Nakakapagtaka nga dahil wala man lang dumadating na kaibigan ni Thrizel. Hindi pa rin ba siya nagbabago? Hindi pa rin ba siya nakikisalamuha at ayaw niya ng kaibigan? Kahit sina Aevie, wala akong nakita. Ayaw ba siyang kumustahin? Wala akong balita kay Amira dahil hindi nagkukwento itong si Elkhurt.

Nandirito ako ngayon sa upuan, tapat ng pool habang umiinom ng beer. Katabi ko si Ryke na napahalf day sa kaniyang trabaho dahil dito. Hindi siya nadidistorbo sa trabaho pero para kay mom, kaya niyang lumiban, huh. Wow. Kapag sa akin ang daming dahilan? Lugi talaga ko sa mga ito. Ang mga tingin ko ay nasa iisang direksyon, na kina Blue at Thrizel na magkahapong magkasama. Kung kukumustahin niyo si Blue, nakukuha niyang ngumiti sa harap ng aking kapatid. May kinikilos din siyang iba dahil panay siya sipat kay Anissa, linga nang linga. Hindi gawain ng lalaking ‘yon ang tingin nang tingin sa babae.

“May trabaho si Thrizel sa America. Iniwan niya ‘yon para umuwi sa Pilipinas?” Na kay Thrizel na rin ang tingin ni Ryke. Mukhang napansin niya kung kanino nakatuon ang tingin ko.

“Siguro.” Simple kong sagot at lumagok ng inumin. “Wala na akong masabi. Matutulog na ako.”

I was about to stand up when he touched my wrist. “Ang kwento mo kanina, tinawag kang kuya ni Thrizel. Bago kayo umalis, nangako sa isa’t isa. Why don’t you talk to her? Hurry up, Thrale.”

Napahinga ako nang malalim. “Hindi pa ako handang kausapin niya. Sa buong maghapong hindi namin pag-uusapan, wala akong nakuhang tingin mula sa kaniya.” Napailing-iling ako. “I don’t want to think about her so I just want to sleep. I’ll only hurt myself kung mag-iisip pa ako. Nakakasawang masaktan. Iisipin ko palang huli naming pag-uusap noon, masakit na sa akin.”

“May karapatan kang kausapin siya lalo na’t mahal niyo ang isa’t is—”

Hindi niya natapos ang kaniyang sasabihin dahil tumayo ako. “I have no rights because she’s not my girlfriend.” Uminom muna ako ng beer bago iwan si Ryke roon.

Sinasalubong pa ako ng mga kaibigan ni dad. Nginingitian, minsan ay tinatapik ang balikat. Karamihan dito ay mga pulis, may matataas na ranggo. Natigil lang sila nang makapasok ako sa loob ng bahay. Walang tao rito, lahat sila ay nasa labas para magkasiyahan. Umupo ako sa sofa, nilapag ko ang bote sa lamesa at pinatong ang ulo para makapagpahinga. Nasa ganoon akong posisyon nang may sumikmura sa akin kaya masama kong tiningnan kung sino ‘yon.

“Gago ka ba, Gio?!” Natatawa naman sa likuran niya si Elkhurt. Parang baliw pa ito dahil may mga bulaklak sa ulo na halatang pinitas sa mga halaman ni mom.

“Magsaya ka naman. Nakasimangot ka.” Umupo si Gio sa kaharap kong sofa.

“Manahimik ka, Teacher Morales.” Inalis ko ang paningin ko sa dalawa at muling pumikit. Nananahimik ako rito tapos biglang manggugulo.

“HAHAHAHAHAHAHAHAH tapos naging dean si Gio, ‘no? Yes, Dean Morales? HAHAHAHAHAHAHAHAHA natatawa ako kapag kakalampagin niya ang mesa. Imbes na kumalabog, nabutas pa sa galit e. HAHAHAHAHAHAHAHAH—Aray!” Nagsalubong agad ang kilay ni Elkhurt nang batukan siya ni Gio.

“Shut up, ang pangit mo tumawa.” Nakuha niya pang irapan si Elkhurt.

Nilapitan naman ng isa ang mukha niya sa tainga ni Gio. “Nye nye nye, Teacher Morales! Teacher Morales! Teacher Moralessssssssssss!”

“Woi! Nakakarindiiii!” Tinakpan niya ang kaniyang tainga. “Ang tanda-tanda mo na, hindi ka pa rin nagbabago.” Akala ko tutugunan ni Elkhurt ang pamumuna sa kaniya ni Gio pero hindi. Animo itong walang narinig, pumunta sa salamin para tingnan ang sarili niya. Gandang-ganda siya e.

Loving My Brother #2: Who's Thrizel?Where stories live. Discover now