Chapter 119.

609 52 9
                                    

Thrizel’s POV

Ilang araw na naman akong nandirito sa bodega. Ni hindi man lang ako nabisita ng aking nanay pero kahit ganoon, hindi ako nagkaroon ng sama ng loob. Naniniwala pa rin akong kukunin niya ako rito. Sa kasamaang palad, iisang beses lang akong dalhan ng pagkain sa isang araw ng aking tatay. Hindi iyon dahilan para manghina ako. Nilalakasan ko nalang ang aking loob. Mahal ako ng nanay ko.

Nakahiga ako rito sa sahig. Tanging lumang comforter ang sapin. Napatayo lang nang bumukas ang pinto. Nakita kong masama ang tingin ng aking  tatay. Hinawakan niya ako sa pulsuhan at hinatak. Masakit ang ginawa niyang ‘yon pero wala siyang  nakuhang reklamo sa akin. Nagpaagos lang ako kung saan niya ako gustong dalhin. Nangunot ang noo ko dahil sa hardin ang tungo namin. Nang makarating, bigla ako nitong tinulak sa swimming pool.

“Diyan ka hangga’t hindi ka kinukuha ng nanay mo! Mamatay ka sa lamig!”

Hindi ako marunong lumangoy. Hindi ko alam kung paano i-aangat ang sarili ko sa tubig na ‘to. Hindi maabot ng aking mga paa ang baba. Pakiramdam ko, kahit anong oras ay mamamatay ako at ito ang oras na ‘yon. Habol hininga akong lumalaban.

“I-I—I hate you!” Mangiyak-ngiyak akong sumigaw kahit nahihirapan sa pagsasalita.

Pansin kong tumalon siya sa pool. Akala ko tutulungan ako nito pero hindi, hinawakan niya ang aking buhok para ilunod. Matapos ang ilang segundo, inahon niya ako. Iyak na ako nang iyak no’n. Galit na galit ang kaniyang mga mata. Walang duda na hindi ako kakaawaan. Natigil lang ‘yon nang biglang may sumigaw.

“Anong ginagawa mo sa anak natin?!” Mula sa gilid, nakita ko ang aking nanay. Wala man lang akong naramdaman.

Inahon ako ng tatay ko sa pool. Napaupo ako sa sahig habang ubo nang ubo. Masakit ang aking mga mata. Nakainom din ako ng tubig. Agarang lumapit ang nanay ko, hinawakan niya ako pero tinanggal ko ang mga kamay niya. Bahagya pa siyang nagulat.

“Anak, anong problema?”

Hindi ko siya sinagot. Tuloy lang ako sa paghabol ng hininga. Nang makita ko ang pool, takot akong umatras ng upo baka kasi itulak na naman ako ng gago kong tatay. Kinukuha nila ang tingin ko pero panay ako iwas doon. Pagyuko nalang ang tanging nagawa ko at umiyak.

“Anak...” Muli akong nilapitan ng aking nanay. “Nandito na si mommy, oh. Huwag ka nang matakot...” Hinawakan niya ako sa magkabilang pisngi para harapin. Tuloy pa rin ang pag-agos ng luha ko. “Shhh, don’t cry...” Sabay yakap sa akin pero tinulak ko siya palayo.

“Ayoko na sa ‘yo...” Dire-diretso kong sagot. Walang pag-aalinlangan. Hindi pinag-iisipan kung may masasaktan. “Ngayon ko napagtanto na hindi kita kailangan...” Para mawala ang sakit sa lalamunan, humikbi ako. “Umalis ka na, wala akong nanay.”

“Ana—” Muli sana siyang lalapit nang umatras ako.

Tumitig ako sa kaniyang mga mata. “Panay ho ako hintay sa inyo...” Nanginginig ang aking ibabang labi. “Umaasa akong kukunin niyo ako rito. Dumating lang kayo noong mamamatay na ‘ko...” Napayukom ako ng kamao. “Ano pang silbi ng pagpunta niyo rito?!”

Pilit niya akong kinukuha pero panay ako layo. “Anak, gumagawa ako ng paraan para kunin k—”

“Hindi iyon ang totoo!” Buong lakas kong sigaw. “Dahil buntis ka! May bago kang anak! Hindi mo na ako naisip dahil diyan!” Tinuro ko ang tiyan na. “Kung hindi mo ako kailangan, umalis ka na! Hindi na rin kita kailangan! Hindi ko kailangan ng mga magulangggg!” Napatigil ako sa pagsasalita dahil bigla na naman akong umiyak.

Loving My Brother #2: Who's Thrizel?Where stories live. Discover now