Chapter 145: Own me

1.2K 61 21
                                    

A/N: WARNING!

Thrizel’s POV

“One tequila.”

Mabilis na binigay ng bartender kaya agad kong ininom. Napatakip pa ako ng bibig dala ng antok. Dumadalawa na ang aking paningin dahil kanina pa kami nandirito ni Silas. Hindi ko makalimutan ang pinag-usapan namin kanina ni Thrale. Hindi ko matanggap na tinalikuran niya ako. Ito ang paraan ni Silas para hindi ako malunod sa pag-iyak. Agad siyang remesponde para makalimot sa pangyayari kanina. Nagtagumpay naman siya, imbes na umiyak ako animo akong nababaliw dito na natatawa mag-isa.

“Naunang umuwi sa ‘yo si Thrale, ‘di ba? Nakita ko talagang nakasakay si Anissa sa kaniyang kotse.” Pagpapatuloy ni Silas sa kaniyang pagkukwento. Nang bumalik kasi ako sa loob, hindi ko na naktia si Ate Anissa. Mukhang nagkasalisi kami. “Bakit naman magkasama ang dalawang ‘yon? Nakakainis si Thrale. Kakatapos lang ng pag-uusap niyong iyon, dumidikit na sa ex-girlfriend.”

“Ayos lang naman sa akin ‘yon.” Muli kong ininom ang nilapag ng bartender. “Alam ko namang hindi masamang impluwensya si Ate Anissa sa kaniya. Kung masaya siya roon, hindi ako tututol. Alam ng lahat na maayos siyang babae.” Napayuko ako dahil nakaramdam ng hilo. “Kung gusto ni ate ang desisyon ng aming mga magulang sa kanila ni Thrale. Go... Mapagkakatiwalaan siya kumpara—”

“Sa ‘yo?” Putol niya sa aking sasabihin.

Inosente akong humarap dito. “Oo, haha! Na kay Ate Anissa na yata ang lahat. Maganda, matalino, maayos ng babae at gusto ng lahat. Una palang, ang hirap niya nang kalabanin. Kung makakalaban ko na naman siya, tama na. Wala akong kakampi kapag tungkol kay Thrale. Pinabayaan na rin ako ni Link. See? Sarili ko lang ang kakampi ko sa sitwasyong ganoon.”

Rinig ko ang kaniyang pagbuntong-hininga. Hindi ko na siya pinansin. Hindi siyaa nakikipagsayaw sa ibang babae. Siguro ayaw niya pa rin sa mga ‘to. Mailap talaga siya. Ilang minuto ang lumipas, may lalaking huminto sa aking harapan.

“Hi, miss, can I dance you?” Naglahad siya ng isang kamay. Tiningnan si Silas, nagtaka dahil wala na siya sa aking tabi. Saan nagpunta iyon?

“Sure.” Ngumiti ako ng matamis. Hindi ko maaninag ang kaniyang mukha dahil sa hilo. Dinala niya ako sa dance floor kung saan maraming nagsasayawan.

Tinaas ko ang aking dalawang kamay at nag-umpisa nang sumayaw. Napangiti pa itong nagyaya sa akin. Wala akong pakialam kung para na akong baliw. Ang gusto ko lamang ay magsaya. Ramdam ko ang palad ng lalaking ‘to sa aking baywang. Mainit ang kaniyang mga kamay. Masyadong malapit ang kaniyang katawan.

“Anong pangalan mo?” Baritono ang kaniyang boses. Kung susukatin ko siya sa tangkad, mas lamang lang siya ng ilang taon sa akin.

“I... I’m...” Tila nakalimutan ko ang aking pangalan. Huminto ako para alahahanin. Muling sumayaw at sumagot. “I’m Kalie.” Pagsisinungaling ko.

“What a nice name.” Ngayon, hawak niya ang isang kamay ko.  Hinahaplos niya ‘yon gamit ang kaniyang hintuturo. Gustong-gusto ko ang kaniyang ginagawa. Parang gusto ko na lang matulog.

“So, you, anong pangalan mo?” Pumipikit-pikit na ako. Siguro kapag hiniga ako sa higaan, agad akong makatutulog.

“Shade. I’m Shade.”

“Wow.”

Nang matapos kaming sumayaw, ginaya niya ako sa isang pintuan. Bumungad sa amin ang ibang magpartner na naghahalikan. Inayos ko ang paningin ko na baka nag-iilusyon lang ako pero tama ang aking nakikita. Hinayaan naming dalawa ‘yon. Patungo kami sa hindi ko alam hanggang huminto siya sa isang pinto.

Loving My Brother #2: Who's Thrizel?Where stories live. Discover now