Chapter 104:

689 55 29
                                    

Thrizel’s POV

“Aray!” Daing ko nang diinan ni Brooks ang paggamot ng sugat sa gilid aking labi.

Hanggang ngayon ramdam ko pa rin ang hapdi. Ang lapad-lapad ng kamay ni Cide, hindi kalakihan ang aking pisngi. Naalala ko pa nga nang sampalin niya ako, napatabingi pa ako ng ulo. Ganoon kalakas ang pagkakabuwelo niya.

“Wala ka bang balak gantihan ang Cide na ‘yon?” Napatingin ako kay Isla na nagtitingin-tingin sa mga gamit ni Brooks. Ngayon lang sila nakapasok dito.

“What revenge do you want?” Maselang pagtatanong ni Brooks habang dinadampian ng ointment ang gilid ng aking labi. “Revenge for Thrizel?” Napatigil siya sa paglalagay. Tiningnan si Isla. “Ubusin ang tauhan ni Cide saka siya isunod? Hindi ako patol nalang nang patol. Mga alagad ko lang kaya nang iyamutmot si Cide.”

Narinig ko ang pagsinghal ni Nafe. Tinapon ang sigarilyo sa bintana. “Hindi titigilan ni Cide iyang lampa mong kasama.” Ako ang kaniyang tinutukoy ngunit wala lang sa akin kung mamaliitin ako nito. “Oh, ano nang gagawin mo? Kalat ang mga tauhan ni Cide.”

“Ikaw na magplano tutal excited ka.” Sabat ni Blue habang nagtitimpla ng kape. Nakatayo siya sa gilid ng lamesa.

Inismiran siya ni Nafe. “Manahimik ka, bata.”

“Stop fight, okay?” Si Faru naman na nagkakamot ng binti. “Ang lamok naman dito, Brooks.” Bakas sa kaniyang mukha ang naiirita.

Muli na naman sumabat si Blue. “Bawal kaya sa hideout ni Boss Brooks ang maarte kaya sila na mismo nagpapaalis sa ‘yo.”

“S-Shut up—” Sinuyod niya ng tingin ang kabuoan ni Blue. Iniisip kung anong pangalan nito. “Smurf!”

Sa pagbanggit niyang ‘yon. Sumama ang mukha ni Blue. “Mukha ba akog smurf, huh? Palibhasa banlag.”

Sa kabilang gilid ko naman, ramdam ko ang pagkapikon ni Faru. “What?!”

Babatuhin niya sana si Blue nang magsalita si Isla. “Stop, Faru. Kung nilalamok ka, lumabas ka.”

“Lalabas talaga ako!” Tila batang lumabas si Faru sa hideout. Nakanguso pa ito habang bitbit ang kaniyang sling bag.

Natapos na si Brooks sa paggamot ng aking sugat. Humarap siya sa dalawa kong kaibigan. “Lumabas na kayo. Mag-uusap kami.” Tamad niyang tiningnan ang dalawa.

Nangunot ang kaniyang noo dahil agad na tumakbo si Blue sa pintuan at hinarang ang sarili niya. Puno pa ang bibig nito.

“Boss Brooks, huwag si Isla!” Nakababa ang dalawang kilay animong nagpapaawa kay Brooks.

“Tumabi ka riyan, Smurf.” Tinulak ni Nafe si Blue para makaalis sa pinto sabay hatak sa kamay ni Isla. Doon nakalabas ang dalawa.

Busangot ang mukha ni Blue na bumalik sa pagkakaupo. Tinuloy niya ang kaniyang pagkain habang masama ang tingin kay Brooks. Dahil doon, kinutusan siya ni Brooks sa ulo kaya mas lalong sumama ang loob nito.

Kinuha niya ang kaniyang plato at kape. Tumalikod siya mula sa amin na halatang nagtatampo. Maya-maya ay ayos naman na iyan. Nababaliw lang dahil nandito si Isla kanina. His crush.

“Gio knows many restaurants because of his parents, pagmamay-ari din nila ang iba.” Nililigpit ni Brooks ang first aid kit habang nagsasalita. “Hindi ka na p’wede rito, Thrizel.”

Nangunot ang aking noo. “At bakit hindi ako p’wede?!” Agad akong kumontra dahil pakiramdam ko hindi ko gusto ang kaniyang desisyon.

“Yes, Nafe is right, hindi ka titigilan ni Cide. Apply at a restaurant or fast food chain. Separate us first. When I bring you back to your house, I know you don’t want to. Iyon lang ang naisip kong paraan. You can rent apartment or what. Kung nakukulungan ka sa budget, I’ll help.” Mukhang seryoso talaga siya sa gusto niya.

Loving My Brother #2: Who's Thrizel?Where stories live. Discover now