Chapter 105:

738 69 16
                                    

Thrizel’s POV

Isang linggo na akong nagtatrabaho. Minsan ako lang umuuwi mag-isa sa nirentahan kong apartment. Ngingiti lang ako kapag hindi abala sila Brooks at Blue na nabibisita ako rito. Iba pa rin talaga kapag kasama sila. Kapag uuwi ako, wala man lang akong makausap. Walang bubungad sa aking tao. Iyong pagod ka na, mag-isa ka pa.

Ganito ba talaga ang buhay? Kapag nasa murang edad talaga, mahirap buhayin ang sarili. Ikaw mismo gagawa ng paraan para mabuhay ka. Hindi ko naman tinatanggap ang perang binibigay ni Brooks, kaya ko namang magbayad ng bayaran. Ginusto ko ‘to, para sa akin ang ginagawa kong ‘to.
Ilang buwan nalang naman, alam kong uuwi na ang mga magulang namin. Sa isang iglap, babalik ang lahat.

“Ms. Wrent, I called you many times.”

Napatingin ako kay Chef Sanchez na nakatingin sa akin. Kung susukatin ko ang kaniyang edad, sa tingin ko ay twenty-four. Makisig ang kaniyang katawan kaya ang ibang babae sa resto na ‘to, kinakikiligan siya. Ako lang ang pinakabata. Wala naman silang reklamo sa akin dahil alam ko ang mga ginagawa.

“Ah, sorry, Chef. Bakit po?” Yes, ginagalang ko siya. Inuulit ko, ako lang ang pinakabata. Lahat sila ay legal age.

“Pakitapos ang paghihiwa ng carrots.”

Tinanguhan ko siya. Minsan ay crew ako kapag sobrang dami talaga ng costumers. May kapalit ako sa lababo, ‘yong kitchen dishwasher na babae. Kulang pa sila sa tauhan kaya aligaga kami sa mga gawain. Hamak na sikat naman ang resto na ‘to pero bakit wala pa silang tinatanggap? Alam ko dumadaan sa interview. Hindi ako dumaan doon dahil kay Gio.

“Hindi porque kaibigan ka ni Sir Gio ay kukupad kupad ka na.” Masungit na puna sa akin ng manager. Nakasandal siya sa pintuan, tiningnan ang aming mga ginagawa.

“Pasensya po.” Hingi kong paumanhin na bahagya pang yumuko.

Binilisan ko na ang paghiwa ng carrots. Nang matapos iyon ay hinugasan ko sa lababo bago ibigay kay Chef Sanchez. Hiniwa ko na ang iba pang pinapahiwa niya. Habang nasa trabaho ako, biglang tumunog ang aking selpon. May tumatawag. Hindi ko pinansin, pinatay ko ‘to at tinuon ang atensyon sa ginagawa. Muli na namang tumawag kaya napatingin na sa akin ang mga kasamahan ko rito.

“Pasensya ulit.” Napabuntong hininga ako at pinatay ang selpon. Sino ba kasi ang tumatawag na ‘to? Hindi niya ba alam na nasa trabaho ako?

Isa na naman ito sa mga kaibigan ni Thrale. Baka sina Elkhurt o Ryke. P’wede rin namang sina Dominic o Link. Hindi naman nila alam na nagtatrabaho ako. Ang alam nila ay nasa pag-aalaga ako ni Brooks. Hindi rin pumupunta si Thrale sa hideout, mas mabuti na ‘yon.

“Ms. Wrent!” Napatingin ako sa pintuan dahil tinawag ako ng aming manager. May hawak itong serving tray, may pagkain doon. “Someone is looking for you. Ikaw daw ang maghatid nito sa kaniya.”

Nangunot ang aking noo. Sinong iistorbo sa aking ginagawa? Putakte. Wala akong ibang pagpipilian kun’di ang maghugas ng kamay. Nagpunas muna ako bago pumunta sa manager. Tinuro ako nito kung saan nakaupo ang costumer na nag-iinarte. Habang naglalakad ako, kita ko siyang mag-isang nakaupo. Nakasuot siya ng sumbrero, hindi ko maaninag ang mukha dahil nakayuko.

Nagsalita agad ako nang narating ko siya. “Here’s your order, sir.”

Hindi niya ako nilingon. Nakayuko lang talaga siya. May sinenyas siya sa aking umupo raw ako sa kaharap niyang upuan.

Umiling ako. “I’m sorry, sir. May trabaho pa ako. Hindi ako p‘wede makijoin sa inyo.”

Tumalikod na ako para bumalik sa kusina kaso bigla itong nagsalita.

Loving My Brother #2: Who's Thrizel?Where stories live. Discover now