Chapter 131:

599 50 7
                                    

Thrizel’s POV

Naiwan akong mag-isa rito sa kotse. Ilang minuto lang naman iyon dahil dumating si Thrale. Umurong ako sa upuan kung saan ang passenger seat dahil diretso siya sa driver seat. Hindi niya ako tinitingnan, iwas na iwas siya sa akin kaya wala akong ibang nagawa kun’di ang mapabuntong hininga. Sinara niya ang pinto at binuksan na ang mahina ng kotse.

Bago siya magmaneho. Nagsalita ito habang nakatingin sa labas. “Uuwi na tayo.”

“Bakit hindi mo man lang ako pinapansin? Nagsorry naman na ako.” Inilihis ko ang tingin ko sa kaniya. Tinuon ko sa labas dahil grabe ang kaniyang galit sa akin.

Naramdaman ko ang kaniyang tingin na sinuyod ang aking kabuoan. “Tingnan mo nga ang hitsura mo. Sirang blazer, necktie nalang ang nakasuporta sa suot mo para matakpan ‘yang katawan mo. Look at your legs, hindi mo ba iyan tatakpan? Lalaki ang nagmamaneho.” Naibaba ko ang laylayan ng blazer. Napailing-iling siya. “Hindi nag-iingat. Isa pang pangbabastos ng lalaki sa ‘yo, lalabas kang nakapanjamas at longsleeve araw-araw.”

Hindi na ako umimik dahil nagmaneho na siya. Sa biyaheng iyon, tahimik lang kaming dalawa. Lumingon ako sa likuran dahil may mga nakasunod na kotse sa amin. Mukhang iyon ang aming mga kasama. Hindi kalaunan, nakarating na kaming hotel. Papasok na kami sa loob, doon lang dumating ang mga nakasunod sa amin.

Sumakay kaming elebeytor. Wala talagang nagsasalita sa aming dalawa. Seryoso lang ang mukha nito, pormal ang paglalakad. Napansin ko rin ang kaniyang leeg, nasira ang porma niya dahil nasa aking ang necktie. Napanguso ako roon.

Nang matunton namin ang pasilyo, magkasalubong ang aking mga kilay dahil hindi siya pumasok sa pintuan kung saan ang kwarto naming lahat. Pumasok siya sa kaharap nito kaya nagtataka akong sumunod sa kaniya. Nang makapasok, isang kama lang ang nandoroon. Sinipat ko pa ang unang kwartong tinuluyan namin kanina bago isara ang pinto.

“Nagbago na?” Tanong ko rito. Humarap siya sa salamin at naghubad ng damit. Boxer nalang ang natira. Namula ang mukha ko nang may maalala. “Sumama nalang tayo sa kanila. Ayokong kasama ka kapag nasa hotel.” God, naalala ko iyong siya ang nagdamit sa akin. Inamin niya iyon.

Napatigil siya sa kaniyang ginagawa. Pinasadahan ako ng tingin mula paa hanggang ulo. “Hindi ka lasing, bakit kita bibihisan? Saka nakita ko na ‘yan.” May kaunting sumilay na ngisi sa kaniyang labi.

“Seryoso ka ba talagang ikaw ang nagbihis sa akin n’on?!” Naitaas ko ang boses ko.

Napabuntong-hininga muna siya bago umiling-iling. “Bakit hindi mo hulaan? Katawan mo, dapat naramdaman mo.” Wala talaga siyang balak sabihin. Nang malaman ko dahil sinabi niya noon, bumalot lahat ng kahihiyan sa akin ‘no.

“Nakita nga kitang nakabrief noong pumasok ako sa kwarto mo.” Humahulipkip ako dahil napatingin siya sa akin. “Hmm? Hindi mo naaalala?” Iyon lang naman iyong pinatawag siya sa akin ni mom habang umuulan. Tulog mantika siya n’on kaya pumasok na ako sa kwarto. Nakita ko siyang nakagano’n.

Ang akala ko, sisigawan ako ng lokong ‘to pero hindi. Nakuha pang magyabang. “It’s okay, you enjoyed the view.”

Nanlaki ang aking mga mata. Papalatakan sana siya nang bigla itong pumasok sa banyo. Nilakasan pa ang pagsara ng pinto, pinaparating na ayaw niyang marinig ang dapat kong sabihin. Kainis itong lalaking ‘to. Umupo ako sa kama na masama ang loob. Naghihintay sa kaniya.

Nang makita ko ang sarili ko sa aking salamin. Sinigawan ko siya. “Saan ako kukuha ng damit kung nasa kabilang kwarto?! Gusto kong maligo! Kadiri ang halik ng hayop na ‘yon!”

Loving My Brother #2: Who's Thrizel?Where stories live. Discover now