Chapter 87:

973 54 13
                                    

Thrizel’s POV

“Thrizel! Thrizel! Why are you ignoring me? What’s problem?” Sunod-sunod na tanong sa akin ni Aevie ngunit hindi ko sinasagot. Patuloy lamang ako sa paglalakad.

Wala pa kami sa hideout ni Brooks, bumaba agad ako sa klase. Pinahinto ko ang sasakyan sa kaniya kaya iyan siya ngayon, panay habol sa akin. Ako naman ay hindi siya pinapansin. Sinahihan kong tumigil dahil kaya ko namang umuwi mag-isa. Naramdaman ko ang kamay niyang humawak sa aking pulsuhan kaya huminto ako.

“Hey, I’m so sorry kung hindi kita pinaalis. Mukha namang kilala mo ang mga kaibigan ko. Kaano-ano mo ba sila? Konektado ka ba?”

Tinitigan ko ito sa mga mata. Hindi katagalan, tumalikod muli ako at naglakad nang mabilis. Hahawakan sana ako nito muli nang magsalita ako. “Kaya hindi kita pinapansin dahil alam kong itatanong mo kung anong nangyari sa botique gown. God, Aevie, ramdam mo namang umiiwas ako sa gusto mong malaman. Ang gusto ko, hayaan ang pangyayaring ‘yon. Kung ikaw may pakialam at nagtataka, ako hindi. So stop asking me, hindi sila big deal sa akin, okay?”

“What do you mean hindi big deal? Zel, miss ka na raw nila then Thrale said na umiiwas ka, what’s your reason? They are my friends, may mga gusto rin akong malama—”

“Ewan ko sa mga ‘yon.” Pagsasalita ko habang patuloy pa rin sa paglalakad. “Sa totoo lang, hindi ko sila kilala.” Matigas kong sabi. “Marami akong nakaaway, Aevie. They just pretend to be nice to me because they are your friends. Tuso ang aking mga kaaway. Ayokong magkagulo sa botique gown ni tita kaya gusto ko nang umalis.” Hindi ito nagsalita. Mukha namang nakumbinsi ko siya sa aking pagsisinungaling. Ayoko ng maraming tanong tungkol sa mga ‘yon.

“Okay, I’m sorry. I’m really sorry, Zel.” Tumakbo ito para makapunta sa aking harapan. Hinawakan niya ang aking kamay at tinitigan sa mga mata. Patalikod siyang naglalakad dahil hindi ako humihinto. “I’m so sorry, please?”

“Ayos lang sa akin.” Ngumiti ako ng pilit dito. Gumanti naman siya.

“Yehey!” Tuwang-tuwa niyang sabi. Nakasanayan ko na ang taong ‘to. Ganiyan talaga ‘yan. “Uuwi ka na ba?”

“No, diretso ako sa bar.”

Pababa sa boxing floor. Dahil doon nauna na akong maglakad. Hindi na raw siya sasama sa akin dahil aasikasuhin niya pa ang kaniyang debut pero alam kong hindi iyon ang dahilan. May dahilan siya at parehas kami pero kahit gano’n, nakukuha ko pa ring bumaba.

Nakarating naman akong bar, pumasok na. Walang gaanong tao, mga waiter ang bumungad sa akin. Nginitian ako ng aking mga kakilala, tinanguhan ko naman sila. Pumasok na ako sa isang room, doon ang elevator. Naghintay lang ako ng saglit bago makarating sa baba. Bumungad sa akin ang napakaraming tao. Karamihan ay 18 years old to 21 years old.

“Hey, Thrizel.” Kaway sa akin ng isang lalaki. Tumango ako sa kaniya.

Hindi ko makita ang boxing kaya umakyat akong hagdan, tumambay ako sa railings at doon nanoood sa taas. Naalala ko tuloy noong school year, niyayaya ako ni Brooks na maging referee sa away nila. Nagulat ako dahil boxing naman pala ang gaganap pero hindi, may mga oras na nagsasapakan talaga sila. Minsan lang naman ‘yon. Hindi rin bumababa ang mga pulis dito dahil ang alam nila, boxing area lang talaga ang nasa baba. Paulit-ulit din ang mga nagsisipuntahan, para bang ang hirap makapasok dito.

“From the blue corner!” Sigaw ng emcee.

Tiningnan ko ang lalaking ‘yon, hindi ko siya kilala. Sa sobrang pagiging mailap ko rito, kahit paulit-ulit ang nagsisipuntahan. Wala talaga akong makabisadong mukha.

Loving My Brother #2: Who's Thrizel?Where stories live. Discover now