Chapter 113:

705 57 6
                                    

Thrizel's POV

"Ilang beses ko bang sasabihing bawal lang lumabas?!"

Napapikit ako sa kaniyang sagot. Ilang araw na akong hindi kumakain, hindi niya ako binibisita o kinukumusta. Kaya ang ginawa ko ay tumakas sa bintana para kumuhang pagkain sa kusina, bigla nga lang akong nahuli ng aking tatay.

"I'm hungry, dad."

Tila akong batang kalye dahil sa aking hitsurang napakadungis. Kung ilang araw akong walang kain, ganoon din ako na walang ligo. Halata naman sa aking tatay na hindi niya ako bibigyan ng awa.

"Lalabas ka lang kapag umuwi ang nanay mo!" Sinalampak niya ako sa sofa. Tumama pa ang aking baba kaya napasimangot ako roon. Kamalas-malasan nga naman.

Iniwan ako ng tatay ko dahil pumunta siyang kusina. Makalipas ang ilang minuto, naglapag siya ng pagkain sa lamesa. Tuwang-tuwa naman ako pero nang makita ko ang pagkain, agad nawala ang aking saya.

"Ayoko niyan, hilaw. Hindi ka naman marunong magluto." Nakuha ko pang humalukipkip habang nakanguso. "Gusto ko si mom ang magluluto, ayoko sa 'yo."

"Kung ayaw mong kumain, edi 'wa-"

"Saglit! Ito na nga, kakain na." Hinawakan ko pa siya sa kaniyang pulsuhan para pigilan. Wala akong nagawa kun'di kainin ang pilit niyang luto.

"May ibang pamilya na ang nanay mo. Hindi niya na tayo babalikan. Kung gusto mong umuwi siya, magmakaawa ka. Sa tingin mo ba mahal ka niya? Kung mahal ka niya, hindi ka niya iiwan dito. Kung mahal ka niya, isasama ka niya."

Napatigil ako sa pagkain at napaisip-isip. Kunot noo ko siyang tiningnan saka nagsalita. "Ang drama mo."

"Wala ka bang galang?!"

"Sabi mo hindi kita tatay!" Sigaw ko pabalik.

Tumayo ako dahil tapos naman na kumain. Mabilis akong tumakbo pabalik sa bodega. Sinundan naman ako ng lalaking 'to.

"Makulit ka t-"

Hindi niya natuloy ang kaniyang sasabihin nang isarado ko ang pinto. "Ako na magkukulong sa sarili ko, hindi ka na kailangan. Alis na po." Matapos kong sabihin 'yon, wala na siyang naging tugon. Ang tanging nagawa ko nalang ay umupo sa sulok at magmukmok.

Thrale's POV

Nandidito ako ngayon sa emergency room dahil kay Thrizel. Ilang oras na akong nagbabantay ngunit hindi siya magising. Ayos lang naman ang kaniyang kalagayan, sabi ng doktor. Panatag ako sa nalaman pero ang pinagtataka ko lang, tulog pa rin siya hanggang ngayon. Magtatakip silip na. Pahinga lang naman ang kailangan niya. Kailangan ba dapat ay dalawang araw tulad ng dati? Hindi ko siyang magawang iwan, gusto kong ako mismo ang magbabantay sa kaniya.

Wala pa akong kain mula kanina. Kahit kasi hindi ko alamin, pakiramdam ko may nagmamanman sa amin. Pati ba naman sa ospital, nakukuhang magmanman ni Mr. X? Kapag umalis ako. Paano nalang kung may gawin siyang masama sa kapatid ko? Nasa ospital kami. Kayang-kaya niyang patayin 'to. Mahina pa ang pakiramdam ni Thrizel, hindi siya magising-gising.

Kumalam ang aking tiyan, hinawakan ko lang 'to. Yumuko ako sa kama dahil nakaramdam ako ng pagod ngayong araw. Gusto ko sanang matulog nang biglang may pumasok. Nagulat pa ako dahil nandidito si Link.

"Paano mo nalamang nandidito ako?" Pagtatanong ko na hindi siya tinitingnan. Hawak-hawak ko lang ang kamay ng aking kapatid.

"Hawak mo ang cellphone mo. Huwag ka nang magtaka kung paano ko nalaman kung nasaan ka." Kalmado siya kung magsalita. "Anong nangyari kay Thrizel? Akala ko ay iba kang dinadalaw kaya nandidito ka."

Loving My Brother #2: Who's Thrizel?Where stories live. Discover now