Chapter 92:

860 63 16
                                    

Thrizel’s POV

Ilang oras na ako ritong nakaupo sa aking kama, ni hindi ako nagsasalita. Gustong-gusto ko nang makalabas ngunit ang aking kasama sa silid na ito, halatang taliwas sa aking gusto. Wala akong balak sagutin ang kaniyang tanong, hindi na dapat siya mausisa dahil mas lalong umiinit ang ulo ko sa kaniya. Ang tanging ginagawa ko nalang dito ay ilibot ang paningin sa buong kwarto pero dapat iwas sa lalaking nakatitig sa akin ngayon. Naiilang ako sa paraan ng kaniyang ginagawa. Kanina ko pa ramdam, napako na yata ang tingin nito sa akin kaya hindi magawang ilihis.

Binalingan ko siya, kahit ginawa ko iyon, hindi niya inalis ang tingin niya sa akin. Umaakto siyang hindi apektado o walang pakialam. Hindi ko alam ang dahilan ng kaniyang pagtitig, hindi ko makita sa kaniyang mga mata. Hindi ko mawari kung sinusuri ba ako o dahil gusto niya lamang. Napaikot nalang ako ng aking mga mata at pabagsak na hiniga ang sarili sa kama. Ang kaninang magandang paggising ko ay sira na. Tuloy-tuloy siguro iyon kung hindi si Thrale ang bumungad sa akin kanina.

“Do you have no intention of answering my questions?” Sa loob ng ilang oras, ngayon niya lang nakuhang magtanong. Hindi ko iyon sinagot, ang mga tingin ko ay nananatiling nasa kisame. Halata naman sa aking wala akong balak magsalita.

Kinuha ko comforter, binalot ang aking katawan dito. Tanging pagbuntong hininga lang ang aking ginagawa. Katahimikan lang ang nananaig sa aming dalawa. Gusto ko man kumain pero pinipigilan ako ng aking pagmamalaki. Ayokong kumain na galing kay Thrale. Kaya ko namang bumili ng aking almusal.

Habang nakatalukbong, rinig ko ang yapak ni Thrale na papunta sa aking gawi. Hindi ako nakaramdam ng kaba, kalmado lang ako habang hinihintay ang kaniyang gagawin. Parang gusto ko nalang matulog, hintayin ang araw na papalabasin niya ako rito. Ayokong-ayoko na kasama ang lalaking ‘to.

“I know I told you to eat but you don’t eat. Your stubbornness is severe.” Ani Thrale dahilan para tanggalin ko ang comforter sa aking mukha.

Kunot noo ko siyang hinarap. “Ayokong kumain, you cooked for me, right? Hindi ako kakain.” Walang emosyon kong pagmamatigas dito. Bumaling ako sa iba ngunit agad na napabalik ang atensyon ko sa kaniya dahil may kinuha ito sa kaniyang bag. Napatayo ako nang makumpirma ko kung ano iyon.

“You don’t want to eat what I cooked for you. We will eat downstairs, there is a restaurant there.” Walang paalam nitong kinuha ang kaliwa kong kamay. Agad kong inagaw iyon sa kaniya.

“Bakit may posas ka? Nababaliw ka na ba talaga, Thrale?” Mahigpit kong yakap ang aking mga kamay. Mukha kasing desidido siya sa gusto niyang gawin.

Inuulit ko, hindi kita papakawalan hangga’t hindi mo sinasagot ang aking tanong.” Walang kahirap-hirap niyang kinuha muli ang aking kaliwang kamay. “Call me kuya, kapag naririnig ko ang pangalan ko galing sa ‘yo, mas lalo akong naiinis. Binibigyan mo ako ng dahilan para hindi kita pakawalan.” Nakaposas ang kanang kamay niya sa isa, ang isa naman ay sa akin. Wala na akong naging palag dito. Kung aagawin ko ang aking kamay, magkakasugat lang ako.

Maglalakad na dapat siya ngunit hindi pa ako nakakatayo. Tamad itong lumingon sa akin, hinihintay kung kailan ako kikilos. Labag sa loob ko ang tumayo. Naglakad na siya palabas kaya wala akong ibang pagpipiliin kun’di ang sumunod sa gusto niyang puntahan. Sumakay na kaming elevator, masyado tuloy kaming magkalapit dahil sa lintik na posas na ‘to. Sa bawat pagtatabi namin ni Thrale, gusto kong lumayo ng dalawang metro.

“Anong gusto mong kainin?” Baritonong boses ang nilaan niya sa akin. Diretso lang ang kaniyang tingin, hindi ako nililigon.

“Wala.” Simple kong sagot. Nakatingin ako sa aking mga paa, pakiramdam ko kapag inangat ko ang aking ulo masamang tingin niya ang bubungad sa akin. Kabisado ko na ang kilos ni Thrale, malamang may papasok na agad sa aking isip kung ano ang gagawin niyang kilos.

Loving My Brother #2: Who's Thrizel?Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang