Chapter 143:

685 53 14
                                    

Thrizel’s POV

“Do you like Ate Anissa?” Tanong ko nang mapansin kong nakatitig na naman si Silas kay Anissa. Kapag talaga titingin siya kay Anissa, napapako na agad ang titig niya.

“Of course not.” Pagtanggi niya at inilihis na ang paningin. “May naalala lang ako.”

Napatango-tango na lang ako. Ininom ang juice na sa aking harapan. “Huwag mo nang ituloy. Alam ko kung ano ‘yan.” Hindi ko siya tiningnan. Tumingin ako kina Thrale at Anissa na nag-uusap. Nanahimik na rin si Silas na halatang nalaman ang tinutukoy ko.

“Kumusta na kaya ni Brooks, ‘no?” Pagtatanong niya. Hindi niya na talaga mapigilan ang pagiging madaldal niya simula nang umuwi ako.

“Baka may anak na sila ni Isla.” Nilapag ko ang juice nang maubos ko. Humalukipkip ako. “Move on ka naman na kay Isla, ‘di ba? Kapag umuwi si Brooks, kailangan mong suportahan. Ayos na rin naman kayo.”

“Alam ko ang mga gagawin ko.” Bahagya niya pa akong sinimangutan. “Himala, hindi ka panay, Thrale. Nagkakagusto na ba sa iba?”

Sa tanong siya, nataasan ko siya ng kilay. “Manahimik na nga lang, bata.” Tatayo na sana ako nang tumunog ang aking selpon. May mensahe na agad kong binasa.

“Sino ‘yan?” Pang-uusisa nito.

“Si Callum, nakikipagkita sa akin mamayang gabi. Nakakapagtaka. Ano kayang kailangan nito? Ayos naman kami dahil nakapag-usap na.” Hindi kami masyado malapit sa isa’t isa kaya dapat lang na magtaka ako. Kung ano kami noong mga bata, magkaiba ang ngayon.

“Makipagkita ka,” sagot agad niya dahilan para mangunot ang noo ko dahil nakakapagtaka. Pumayag siya? “Pero sasama ako...” Kaya naman pala. Ayaw na ayaw talagang naiiwan ko. “Kumusta na pala ang pakiramdam mo? Pagod ka lang siguro noong nakaraan.”

“Ayos na ako.” Tumalikod na ako para pumasok sa loob. “Sumunod ka na lang sa akin kapag naboring ka.” Wala na akong nakuhang tugon dito kaya tuloy-tuloy na akong naglakad papasok. Hindi ko na rin nakita sina Thrale at Ate Anissa. Hindi ko sila napansin kung saan nagpunta.

“Oh? Nasaan si Silas, anak?” tanong ni mom nang makatapak ako sa loob.

Nilagay ko muna ang baso sa lababo bago siya sagutin. “Nasa labas po.” Naghugas ako ng kamay. “Oo nga pala, mom. Makikipagkita ako kay Callum mamayang gabi, hindi date kaya hindi na kailangang magpaganda. Hindi ko po alam kung anong sadya ‘no.”

“Mag-ingat ka. Dalhin mo ang cellphone mo para alam ko kung nasaan ka.” Natatrack pa rin ni Link ang aking cellphone number. Nalalaman kung saan ako pumupunta. “Isama mo na rin si Silas, hindi naman pala date.”

“I will, mom. By the way, nasaan po si Kuya Thrale?” Tinatawag ko talaga siyang kuya kapag kaharap ko ang aming mga magulang.

“Kasama si Anissa sa labas, hindi ba?” Sinipat pa ni mom ang bintana. “Ewan ko sa dalawang iyon kung saan nagpunta. Nasa labas naman ang kotse ng kuya mo.”

Baka naman nandirito lang sila sa loob ng bahay o baka naglakad-lakad lang sa labas? Pero hindi ko napansin. Bakit ko pa ba iniisip? Hays. Nagpunas na ako ng kamay at napagpasyahang umakyat sa kwarto. Matutulog muna ako, baka kasi panay hikab ako kapag kaharap ko na si Callum.

Nakahiga ako ngayon sa kama nang may magmensahe na naman sa akin. Nagulat ako nang makita ang pangalan ni Thrale. Imposibleng magpadala siya ng mensahe.

From: Thrale
Pakisabi kay mom, mamaya na ako uuwi. Nandito ako kina Anissa. Kailangan kasi nila ng tulong.

Naalala ko ‘yong sinabi niya noong nakaraang gabi. Wala silang relasyon ni Anissa. Bakit panay pa rin lapit si Thrale sa ex-girlfriend niya? Baka naman pinapaniwala niya lang ako. Hindi ba halata na nagseselos ako? Sana iniiwasan niya man lang ‘yon. Ewan, pagiging isip bata ba ang ganito? Ay, hindi pagiging isip bata. Walang kami kaya paano niya susundin ang gusto ko? Magkapatid pa rin kami hanggang ngayon.

Loving My Brother #2: Who's Thrizel?Donde viven las historias. Descúbrelo ahora