Chapter 109:

735 63 17
                                    

Thrizel's POV

Isang linggo na ang nakalipas. Nagtataka ako sa mga kaibigan ni Thrale dahil panay daw hanap sa akin sa hideout, iyon ang balita sa akin ni Brooks. Hinahanap nga raw ako ng mga 'yon. Nasigurado nilang wala ako sa poder ni Brooks kaya sigurado akong nagtataka na si Thrale at hinahanap na ako no'n.

Ang balita naman kay Blue, nasa apartment ko pa rin siya. Nandito nga ngayon sa resto, half day lang ako ngayon dahil gusto akong makita ni Lolo El. Pupunta kaming dalawa ni Blue roon. Paalis na sana kaso biglang tumunog ang aking selpon. Si Link ang tumawag.

"Bakit hindi mo man lang sinabi sa aming wala ka na sa poder ni Brooks? Dalawang linggo ka riyan sa resto nila Gio? Anong pumasok sa kokote mo para magtrabaho? Mas lalong magagalit ang mga magulang mo kapag nalaman nilang nagtatrabaho ka!" Napapikit ako sa kaniyang pagsigaw. Mukhang nalaman na nila. "Nagtrabaho ka para ano? Umiwas doon sa gagong Cide na 'yon? Kung hindi pa nalaman nila Ryke na wala ka sa poder ni Brooks, hindi pa namin malalaman 'to. At wala kang balak sabihin, huh?"

Napahinga ako nang malalim. Napabuntong hininga na rin. "Paano ba nalaman ni Thrale na wala ako sa poder no'n? Saka hindi aamin si Brooks na nagtratrabaho ako. Hindi niya rin sasabihin ang nangyayari sa akin sa hideout niya." Nakakapagtaka. Nilaglag ba ako ni Brooks? Pinilit ba siya ni Thrale?

"Walang choice si Kein kun'di ang mapaamin dahil napaamin na rin si Gio na tinulungan niya kayo na makahanap ka ng trabaho. Kilala mo ang dalawang 'yon, malapit si Thrale kay Gio kaya hindi makapagtago ng sikreto ang lalaking 'yon. Nalaman ko nga ngayon, anong ireaksyon ko? Naiinis ako, hindi ba? Paano ang mga magulang mo? Ang akala nila inaalagaan ka ni Thrale pero hindi. Nagkaniya-kaniya kayo."

Wala akong masabi dahil tama naman ang kaniyang pinagsasabi. "Sorry." Humingi nalang ako ng tawad. Hindi ko akalaing malalaman agad nila ang kalokohan kong 'to.

"Saang resto iyan? Kapag hindi ako busy, mapupuntahan kita. I will do everything para makaalis ka riyan." Desidido ba talaga siya? Ayokong umalis dito.

"Masaya ako rito, hayaan mo muna ako sa ganito. Wala namang ibang nangyayari sa akin. Kaya ko naman ang ganitong trabaho. Mabuti nga 'yon dahil matatanda ang mga kasama ko, nahahawa ako sa pagiging matured nila. Napapaiwas din ako sa mga gulo. Ito ang unang pakikisalamuha ko sa mga matatanda, Link. Hayaan mo ako about this."

Kapag gustong-gusto ko, wala nang nagagawa si Link kaya tanging pagbuntong hininga nalang ang kaniyang nagawa. Hindi niya rin naman p'wedeng utusan si Gio na tanggalin ako rito basta-basta. Kung ano ang sinabi ko kanina, iyon na. Wala akong balak umalis dito.

"Wala si Thrale ngayon dito." Paninimula ulit si Link nang matahimik kami ng ilang sandali. "Alam mo kung saan pumunta? Doon sa hideout ni Brooks. Hahanapin niya raw 'yong bumugbog sa 'yo. Sinubukan kong pigilan, 'gaya ko ramdam na ramdam ko na rin ang inis sa kaniya kaya wala akong nagawa. See, Thrizel? Kung saan-saan ka pumapasok. Akala mo ba hindi ko malalaman 'yong nangyari sa rooftop noong nakaraang linggo? Lahat ng sinasabi mo kay Dominic, nalalaman ko. Lahat tungkol kay Mr. X."

"Nag-iingat naman ako. Hanggang ngayon hindi ko pa rin kilala si Mr. X. I have no idea pero don't worry, wala naman siyang ginagawang masama sa akin."

Natahimik ng ilang sandali si Link. Para siyang may iniisip. Hindi kalaunan, nakuhang magsalita. "Alam kong si Mr. X 'yong nakausap namin ni Thrale noong hinanap ka namin. Nakamaskara siya. Nagulat ako nang makilala niya ako. Sino siya sa tingin mo, Thrizel?"

"Wala akong maisip kung sino siya dahil hindi siya nagbibigay ng kahit anong clue. Minsan mabait siya sa akin. Minsan naman ay nakakatakot. Pinaglalaruan niya ako, sa tingin ko natutuwa siya sa kaniyang ginagawa."

Loving My Brother #2: Who's Thrizel?Where stories live. Discover now