Chapter 130:

627 51 8
                                    

Thrizel's POV

Nakarating na kaming party. Sa labas palang ay marami ng tao. Karamihan ay grupo-grupo sa p'westo. May umiinom, may sumasayaw sa dance floor at may kumakanta sa stage. Masyadong maingay. Kaming sampo ay sabay-sabay na pumasok. Nauna si Xia na sinasabi ni Rya na ito ang may kaarawan. Maraming sumasalubong sa kaniya para bumati. Ganitong event pala ang gusto niya, mayayaman nga naman.

"Tara, sa loob tayo." Nginitian niya kaming nasa kaniyang likuran.

Nakahawak pa rin ako sa braso ni Thrale, naglalakad kami papasok. Naiilang ako dahil tinitingnan ako ng ibang lalaki. Sinulyapan ko ang aking kuya, nasa iisang direksyon lang ang kaniyang paningin. Ayaw ilibot ang paningin dahil sa mga babaeng pinagnanasahan siya. Oo, kung tingnan nila si Thrale, tila nila itong hinububaran. Mabuti at mahaba ang pasensya nito.

Nang makapasok kami sa loob, dilim ang bumungad ngunit may ilaw naman, iba-iba nga lang ang kulay. Sobrang dami ring tao rito, karamihan ay kasing-edaran ni Thrale o nila Rya. Tuluyan na kaming pumasok at naupo sa isang mesa, magkakasama kaming lahat doon. Nang makaupo ako, tinanggal ko na ang kamay ko sa braso niya. Wala namang reklamo kaya panatag ako.

"Taliwas muna kami, huh?" Paalam ni Gio kasama ang babaeng partner niya. Tinanguhan siya maliban sa akin. Sunod na nagpaalam ay sina Elkhurt kasama ang babae niya. Anim nalang kaming nandidito.

"Uhm, Thrizel. Umiinom ka ba? Kukuha ako ng drinks." Napatingin ako kay Rya na nakaupo sa aking harapan.

Naiilang akong ngumiti. "Ah, ye-"

"Ako na ang kukuha." Wala ng sabi-sabi si Thrale. Tumayo na siya. Nahalata ko ang kaniyang kilos. Sinisigurado niyang walang mangyayari sa akin ngayong gabi kaya mas pinili niyang siya na ang kumuha.

Wala na akong naging imik. Nakatingin lang ako sa mga taong nagsasayawan sa gitna. Hindi katagalan, dumating si Thrale, binigay niya agad ang beer sa akin na nasa baso. May tiwala ako sa kaniya kaya walang duda ko iyong ininom. Tumayo sina Brooks at Rya sumama sa kanila si Thrale kaya tatlo nalang kaming nandirito. Hindi ko alam kung saan sila pupunta, hindi naman ako niyaya ng aking kuya.

"Thrizel, ayos lang bang mag-isa ka lang dito? May babae akong kasama, kailangan kong i-sama." Tukoy ni Ryke sa kaniyang partner na si Xia. "Pupunta lang kaming parents niya. Kung gusto kong sumama, p'wede naman."

Ngumiti ako ng pilit dito. "No, ayos lang ako rito." Tumango silang dalawa bago umalis. Inilibot ko ang aking paningin na baka nandirito si Dominic. Alam mo naman iyon, kung nasaan ako, nandoroon din siya pero wala akong nakita kaya inom at kain nalang ang ginawa ko sa mesang 'to.

"Can I dance you?" Anang lalaki na nasa aking harapan. Sa sukat ko sa kaniyang edad ay labing walo. Masyadong matangkad, maputi at hindi ko maikakailang perpekto ang kaniyang mukha. Sa isang salita, bakl-gwapo.

Hindi ako nakasagot agad. Nag-iisip muna ako kung tatanggapin ko ba ang kamay niyang nakalahad. Ako lang naman ang nakaupo rito kaya hinawakan ko na ang kamay nito. Nakangiti niya akong inalalayan papunta sa dance floor.

Maingat ang kaniyang paghawak sa aking baywang at kamay. Habang nagsasayaw, nagsalita siya. "Hindi ko akalaing maisasayaw ko ang pinakamagandang babae rito." Hindi ko alam kung nambobola siya pero nakuha kong ngumiti. "Simula pagpasok mo, hindi ko na inalis ang paningin ko sa 'yo. Bakit ka nga pala nag-iisa sa table niyo? May partner ang lahat ng pumupunta rito."

Tumitig ako sa kaniyang mga mata. Kulay ito kayumanggi. "May pinuntahan lang sila. May kani-kaniyang mundo. Ayos lang naman sa akin kung ako lang ang nag-iisa. Ikaw? Nasaan ang kasama mo?"

Loving My Brother #2: Who's Thrizel?Where stories live. Discover now