Chapter 116:

627 51 0
                                    

Thrizel’s POV

Tatlong araw na ang nakalipas simula ang pangyayaring ‘yon. Nailibing na rin si lolo pero hindi ako pumunta. Ayokong makita siyang nakahiga sa gano’n. Tatlong araw na ang lumipas pero ito pa rin ako ngayon, hindi mawala sa isip ang sinabi ng doktor na wala na siya. Hindi ko matanggap. Sandali ko lang pala siya makakasama.

Tinigil ko ang pag-iisip ko dahil nasa harapan ko si Z. “Saan ka na pala ngayon?” Wala na siyang kasama sa bahay ng kaniyang lolo. Siya nalang ang mag-isa.

Ngumiti siya sa akin. “Kukunin ako ng mga tita ko, Thrizel.”

Sa pagkakaalam ko, maraming pumuntang kamag-anak ni lolo. Kung marami, bakit hindi man lang nila kinuha at inalagaan? Bakit si Z lang ang nagbabantay sa kaniya?

“Dito nalang siguro tayong dalawa. Iuuwi na ako sa probinsya. Mamimiss kita, salamat sa pagkakaibigan natin.” Yinakap ako nito. Agad din namang humiwalay. “Mag-iingat ka pala, ah? Patawarin mo na ang mga kaibigan mo. Mukha namang pinagsisisihan nila ang kanilang ginawa.”

Bakit hindi man lang niya kayang magalit sa mga ‘yon? Alam niya kung anong ginawa niya sa kaniyang lolo. Masyadong mabait ang babaeng ‘to. Saka ‘yong tatlong ‘yon, hindi na nagpapakita sa akin. Dapat lang.

“O, sige na. Mag-ingat ka.” Ngumiti na ako sa kaniya at tumalikod. Dumiretso ako sa kotse kung saan nakatayo sila Brooks, Blue at Thrale. Oo, kasama ko sila. Pati si Thrale, kasama ko na naman.

“Let’s go. Tapos na kami mag-usap.” Kaswal kong pagyayaya. Titig na titig sila sa akin. Sinusuri kung mabigat ba ang loob ko. Oo, mabigat pero kaya ko ang sarili ko. Kaya kong maging ayos, ilang araw lang ang kailangan.

“Tara na.” Pumasok na si Brooks sa kotse. Sumunod kaming tatlo.

Nasa gitna kami ng biyahe nang magsalita si Thrale. “Ano nang mangyayari sa kaibigan mo? Saka ‘yong tatlo, ‘yong may Isla.” Napatingin ako kay Brooks dahil napatingin siya kay Thrale. Nagpatuloy si Thrale. “Huwag ka ngang makipagkaibigan sa gano’n, hindi ko gusto ang mga ugali nila.”

“Tatay, huwag mo naman idamay ang aking Isla.” Harap sa amin ni Blue. Nakaupo siya sa passenger seat. “Mabait ‘yon si Isla, promise. Ang masama lang ang ugali, si Nafe.”

“Masama rin ugali nito.” Napairap ako kay Thrale na katabi ko dahil tinuro ako nito. Sinandal ko nalang ang ulo ko sa bintana. Wala akong gana.

Maya-maya lang, biglang tumunog ang selpon ni Thrale. May natanggap siyang mensahe. Binasa niya ‘yon saka tumingin sa‘kin. “Hindi raw tuloy ang uwi nila mom. Matatapos naman na ang kanilang ginagawa kaya tatapusin na muna nila ‘yon para magstay dito sa Pilipinas.”

Napatango nalang ako. “Kumusta naman ang paghahanap mo kay Anissa?” Kusang lumabas ‘yon sa bibig ko. Wala akong pakialam kung ayaw niyang pag-usapan.

“Tinigil ko na.” Bahagya pang nagulat ang dalawa sa harap. Hindi naniniwalang tinigil ni Thrale. “Tinigil ko na dahil siya na mismo ang nagpatigil sa akin. Gusto niyang tumuon sa kaniyang sarili. Ayaw niya ako isama kaya tumigil na ako. I respect her decision, ginawa ko ang aking parte para bumalik siya.”

“If I’m Anissa, hindi na kita babalikan.” Inismiran ko pa siya.

“Hindi naman ikaw si Anissa!” Napapikit ako nang bulaslasan ako nito. “Kung ikaw nga, hindi naman kita hahanapin, hindi ako maghihintay sa ‘yo.”

“Really, huh? As if namang mamahalin kita. Kung mamimili ako sa lima, hindi kita pipiliin ‘no.” Nangunot ang aking noo nang magkatinginan sina Brooks at Thrale, sandali lang naman ‘yon. “Ang pangit mo kaya maging boyfriend, Thrale. Maintindihin na ang nakuha mo, maayos na babae at mabait. Sinayang mo lang. Hays, sa tutuosin ang swerte mo na sa kaniya. Ikaw lang ‘tong tanga.’

Loving My Brother #2: Who's Thrizel?Where stories live. Discover now