Chapter 98:

735 65 34
                                    

Thrizel’s POV

“Blue!” Bulaslas ko nang makita kong tumakbo ito.  Napapagpag ako ng aking likuran. Napatingin na rin sa langit dahil magdidilim na.

Kahit masakit ang aking paa ay hinabol ko pa rin ang loko-loko na ‘yon. Nakita ko siya sa isang pintuan ng kwarto, nakatayo ito habang hinihintay ako. Nais niya talagang habulin ko siya dahil sa kaniyang pangbubuyo. Nilagyan niya lang naman ang buhangin ang aking likuran. Tahimik akong nakatayo at tinatanaw ang dagat na maharan ang pag-alon.

Muli kong tinugis ang lalaking ‘yon, dumaan siya sa hagdan hindi dumiretso sa elevator. Kapag naabutan ko ‘to, sasapakin ko ‘to sa ngala-ngala. Tawa nang tawa si Blue, tuwang-tuwa sa kaniyang ginagawa. Sa kasamaang palad niya, bigla siyang natisod sa isang baitang ng hagdan. Natawa ako dahil doon pero patuloy pa rin ito sa pagtakbo.

“Kapag naabutan, sasakalin kita!” Sigaw kong pagbabanta sa kaniya. Nakarating kaming pasilyo, hindi na ako maaaring sumigaw dito dahil sobrang tahimik, wala man lang gumagawa ng ingay.

Nawala sa paningin ko si Blue. Nang matanaw ko ang pintuan ng aming kwarto, nakita kong nakatayo siya roon. May ngising pang-asar. Sinamaan ko siya ng tingin at tumakbo na. Nang nakalapit ako sa kaniya, lilingkis sana sa kaniyang katawan nang bigla itong pumasok sa loob. Tanaw ko pang bumagsak siya sa sahig ngunit may kasama. Naramdaman ko ring bumagsak din ako sa sahig dahil biglang lumihis si Blue.

Tumayo ako ng parang walang nangyari dahil hindi naman masakit. Nagpapag ako ng aking sarili at tiningnan si Blue. Nabigla ako nang makita ko kung sino ang nadaganan ni Blue, si Thrale na nagdidilim na ang mukha. Natatawang tumayo ang loko-loko. Agad ding naman tumayo si Thrale.

“What the hell are you doing, Blue Man?” Walang damit pang-itaas si Thrale. Pinagpagan niya ang kaniyang sarili, matapos iyon ay hinawakan ang isang daliri ng kaniyang paa dahil iyon yata ang tumama sa kanto ng pinto nang bumagsak sila.

“Sorry, Tatay ni Thrizel.” Napakamot ng ulo si Blue.  Hindi naman mataos ang pagsasabi niya ng tawad. Pakiramdam ko natatawa pa nga ito dahil may sumalo sa kaniyang pagbagsak.

“Hindi na nga kita pinapansin, nadadamay pa rin ako. May atraso ka pa sa akin. Ang paghulog mo sa kapatid ko sa swimming pool at ang pagpapahiya sa akin sa mall.” Seryoso ngayon ang mukha ni Thrale. Mukhang nasaktan siya sa pagbagsak nilang dalawa.

“Nasapak mo naman ako sa pool, ah?” Pangangatwiran ng lalaking ‘to.

Inis na nilihis ni Thrale ang kaniyang tingin kay Blue. Bigla itong napatingin sa akin, ang kaninang madilim na mukha ay biglang nawala. Nagtitigan lang kaming dalawa. Hindi ako umiwas. Siya ang umiwas nang lumabas siya. Binangga niya pa ang aking balikat.

“Ang sungit talaga lagi ng tatay mo ‘no?”

Nangunot ang aking noo dahil wagas pa ang kaniyang ngiti. “Nasungitan na nga tayo, nakangiti ka pa. Anong nangyari sa ‘yo?”

Taas noo itong humarap sa akin. “Natutuwa ako dahil tinawag niya akong Blue Ma—”

Walang pasintabi ko siyang sinapak sa panga. “Lakas ng trip mo.”

Pumasok na ako sa loob. Dumiretso sa banyo dahil nandodoon naman na ang aking mga damit. Gusto ko nang maligo. Nagshashampoo ako ng aking buhok, habang nakaharap ako sa salamin bigla akong napatingin sa panyo ni Thrale na nakapatong. Iniisip ko tuloy ang dalawang letrang nakaburda roon.

“May tao?”

“Ye—”

Bago pa ako sumagot, pumasok na si Arella. Napasimangot ako dahil doon. Hindi na ako nagreklamo dahil nasa loob na siya, naghubad  na rin siya ng kaniyang damit. Parehas kaming walang saplot habang naliligo.

Loving My Brother #2: Who's Thrizel?Where stories live. Discover now