MISS FOREIGNSYANA [Under Revi...

Von Read_Gin

113K 6.1K 128

Sassy Lopez is a bubbly alluring maiden who grew up in the province. Desperate to help her family she decided... Mehr

MISS FOREIGNSYANA
𝗖𝗛𝗔𝗣𝗧𝗘𝗥 𝟭
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53

CHAPTER 30

2.1K 149 2
Von Read_Gin

Sassy's  POV

September 08.

"Dati favorite number kita e, ngayon parang ewan ko.. ayoko na sayo!," mariin kong ginuhitan ng malaking X ang number 8 sa kalendaryo gamit ang itim na marker.

"Maawa ka naman sa kalendaryo 'be," boses ni ate Nida. Nasa likod ko na pala siya. Bumuntong hininga ako at pabagsak na umupo sa silya.

"Bakit hindi ka pa nagbibihis? Isang oras nalang bago ang kasal," umupo si ate Nida sa katapat na silya.

"Hindi ako pupunta," peke akong tumawa.

"Sassy pinapatawag ka ni young master, pumunta ka daw sa kwarto niya," biglang sumulpot si Madam Flor mula sa pinto. Nagkatinginan kami ni ate Nida. Maloko siyang ngumisi pero nanatiling byernes santo ang mukha ko.

"Bakit daw?," matamlay kong tanong kay madam Flor.

"Aba malay ko, bakit hindi mo puntahan?," bwelta niya. Napipilitan akong tumayo at naglakad palabas ng kusina.

Nakasalubong ko si mama, namumugto pa rin ang mga mata niya at ang putla niya. Ilang araw na kaming hindi nagkikibuan. Gusto ko siyang yakapin lalo't sobrang bigat ng nararamdaman ko ngayon at kailangan ko siya. Pero hindi ko alam, parang may kung anong pwersa ang nagpipigil sa'kin na gawin 'yon. May kaunting tampo pa rin ako kay mama dahil na rin sa ginawa niyang pagsampal sakin no'ng isang gabi.

Napayuko ako at kahit labag sa loob ay nilampasan ko siya. Sorry, Ma.

"Kumain ka ng agahan bago ka umalis ng bahay," rinig kong sabi ni mama. Parang biglang hinaplos ang puso ko. Nang lumingon ako ay wala na siya. Napangiti nalang ako, kahit papano alam kung nag aalala pa rin sakin si mama.

Tinahak ko ang daan papunta sa kwarto ni Kyle. Nakabukas ang pinto, nanatili ako sa labas. Nakatayo siya sa harap ng salamin suot ang itim na americana. Napahawak ako sa pader habang nakatingin sa kaniya. Inaayos niya ang buhok, nakatalikod siya sa'kin kaya siguradong hindi niya ako napansin.

Akala ko ako ang makakasama mo sa altar.

Tahimik kong pinahid ang luhang bumagsak sa pisngi ko. Nang muli akong mag angat ng tingin para tignan siya doon ko lang napagtanto na nakita niya ako. Nakatingin siya sa repleksyon ko sa salamin. Nilingon niya ako at nagtama ang mga mata naming dalawa. Hindi ko na napigilan ang mga luha kong nag uunahan sa pagbagsak.

"Why are you crying?," casual niyang tanong. Peke akong ngumiti. "Wala"

"Diba dapat ako ang umiyak? I need to marry someone else since the person that I want to marry doesn't love me back," bwelta niya.

Pinunasan ko ang mga luha ko at tumingin sa kaniya ng diretsyo. Lumapit ako sa kaniya. Ngumiti ako at hinawakan ang pisngi niya. "Mahal din naman kita, Kyle"

Biglang lumambot ang mga titig niya. Aalisin ko na sana ang pagkakahawak sa pisngi niya pero hinawakan niya ang kamay ko. Hinalikan niya ang likod ng palad ko.

"I know that you love me too," halos pabulong niyang tugon habang nakatingin sa mga mata ko. "All this time I'm trying to make my self believe that you don't, para hindi mahirap sa'kin ang gawin 'to"

Niyakap ko siya ng mahigpit. Ramdam ko rin ang pananabik sa mga yakap niya. "Baka ito na ang huling beses na mayayakap kita," usal ko.

"I can forget about the wedding, pwede tayong lumayo," saad niya. Kumalas ako sa pagkakayakap at tumingin sa kaniya.

"Hindi pwede. Kung sana lang hindi naging ganito ang kapalaran nating dalawa," tipid akong ngumiti.

"I can't do this, Sas" bakas ang lungkot sa mga mata niya. Hinawakan ko ang dalawang kamay niya.

"Kailangan nating kayanin, lagi mong tandaan na merong Sassy Lopez na minahal ka simula noon.. at hindi na 'yon magbabago kahit ano pa ang mangyari. H'wag kang mag alala, best friend mo pa rin ako," sabi ko habang pinipigilan ang sariling maging emosyonal.

Namumula na ang mga mata niya. Inangat ko ang kamay at pinahid ang butil ng luhang bumagsak sa gilid ng mata niya. Bigla niyang hinawakan ang baywang ko at hinila palapit sa kaniya. Napapikit ako nang maglapat ang labi naming dalawa. Isang makapigil hiningang halik ang iginawad niya. Naghiwalay lang ang mga labi naming dalawa nang parehong habol na ang hininga. Napahawak ako sa batok niya nang muli niya akong sunggaban ng halik.

"I love you," sambit niya sa pagitan ng aming mga halik.

Bumagsak ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. "Mahal din kita"

Bigla kaming nakarinig ng mga yapak ng sapatos palapit. Mabilis ko siyang itinulak. Pareho kaming napatingin sa taong nakatayo sa nakabukas na pinto.

"Young master kailangan niyo ng pumunta sa simbahan," Ani madam Flor.

Napayuko ako at tahimik na pinunasan ang mga luha.

"Alright.," maikling tugon ni Kyle. Nagbow si Madam Flor, bumaling siya sa'kin bago tuluyang umalis.

"Sige na, b-baka hinihintay ka na nila," nauutal na sabi ko.

"Hahayaan mo na ako? Parang pinapamigay mo na ako ah," parang batang turan niya. Mapait akong ngumiti at lumapit sa kaniya. Inayos ko ang coat niya.

"Kailangan kasi.. h'wag kang mag alala baka next life maging mabait na sa'tin ang universe," tumawa ako ng mahina.

Narinig namin ang malakas na busina ng kotse mula sa labas. Narinig ko ang buntong hininga niya.

"Hinihintay ka na," saad ko.

Hinalikan niya ang buhok ko. "I'll always love you"

"Sa oras na makalabas kayo ng simbahan, mangako ka na kakalimutan mo na ang nararamdaman mo para sa'kin. Gusto kong mahalin mo si Jessica.. h'wag mo siyang hahayaang masaktan"

Niyakap niya ako ng mahigpit at ramdam ko ang pag iyak niya. Kahit ako ay nasasaktan din ng sobra.

Ang sakit lang isipin na mahal naman namin ang isat isa pero bakit hindi pwedeng makasama ko siya hanggang sa pagtanda.

Sa bawat hakbang niya paalis parang libo libong palaso ang tumatama sa puso ko. Sa pagbabalik niya, alam kong malayo na sa nakasanayan ang magiging turingan naming dalawa. Mag iiba na lahat, wala na akong karapatan na mahalin siya.

Pinanuod ko mula sa bintana ng kwarto niya ang pag alis ng kotse. Wala akong balak na pumunta, para ano pa? Para mas lalong durugin ang nabasag ko ng puso?

Habang naglalakad sa hallway biglang tumunog ang cellphone ko. Sunod sunod ang text galing sa hindi ko kilalang number.

*WAG KANG PUPUNTA SA KASAL NI KYLE NAKIKITA KA NAMIN*

*Mamatay ka sa inggit, ikakasal na si Kyle*

*Subukan mong mag eskandalo sa kasal ni Jessica at Kyle kilala ko ang pamilya mo*

*Umuwi ka nalang sa probinsya mo foreignsyana!🤬😡*

"Sabi niyo e," hinayaan ko nalang at inoff ang cellphone.

MONICA'S POV

Bitch I can't attend an important event nanaman. I hate it! Dali dali akong lumabas ng bahay bitbit ang paper bag matapos kong malaman na hindi pala pumunta sa simbahan si Sassy. Now I need to drive to the mansion of Fuentes'.

Ilang minuto lang nakarating din ako. I rang the doorbell at pinagbuksan ako ni Vivian.

"I want to talk to Sassy," I tell her.

"Bakit?," napatingin siya sa paper bag na hawak ko. Medyo nakaawang ang paper bag kaya nakita niya ang laman. Mabilis ko 'yong itinago sa likod ko.

"Why do you need to ask? Where is she?," may bahid ng inis kong tanong. Inirapan niya ako. I rolled my eyes too. Attitude!

Tumalikod siya at naglakad papasok sa loob kaya sinundan ko siya. We walked through the maids corridor and stopping by the single room. She knocked the door. Umikot ang doorknob at bumukas ang pinto. Bumungad ang matamlay na mukha ni Sassy. Napatingin siya sa'min ni Vivian.

"Gusto ka daw makausap," Vivian told her. I nod and smiled, "Yeah"

Tumingin ako kay Vivian at sumenyas na umalis na siya. She just glared at me before walking out.

"Anong pag uusapan natin?," Sassy asked. Mabilis ko siyang nilingon. I showed my angelic and friendly smile.

"Nothing, I just want to hang out with you," I utter.

Napakunot ang noo niya. "Diba kasal ng pinsan mo ngayon?"

Oh bitch! Mabilis akong nag isip ng sasabihin. "I-I have a gift pala," inabot ko sa kaniya ang paper bag. Hindi niya tinanggap at sa halip ay tinignan niya lang ako. I don't have any choice but to get inside of her tiny room and drop the paper bag on the bed.

"I bought it for you talaga, unang kita ko palang diyan alam kong babagay talaga sayo. Its worth uhm a million dollars but nevermind— bakit di mo isukat? Let's try?," Wala na akong pakealam kung sobrang weird na ng ikinikilos ko lalo't feeling close na ako sa kaniya. Hinawakan ko ang braso niya at hinila siya paupo sa bed. Yumuko ako at isuot sa kaniya ang boots.

"Bakit mo ginagawa 'to?," confusion is evident in her eyes.

"Because I wanna be friends with you? C'mon h'wag mo naman akong pag isipan ng masama, nakakahurt ka naman ng feelings," I pouted.

"Sorry, naninibago lang kasi ako— hindi ka naman ganiyan dati," she said.

Sinimulan ko ng isuot sa kaniya ang boots. My babies kailangan ko na kayong ipamigay for the sake of my safety.

"People change, Sassy.," I tell her. Tumayo na ako dahil tapos ko ng masuot sa kaniya ang boots. "See? Bagay na bagay sayo"

Tumayo siya at  manghang mangha sa boots na suot. Ugh isang beses ko palang nasusuot yan e. Nagsimula siyang maglakad at mukhang nahihirapan pa sa taas ng heels.

"Okay enough of that, magbihis ka aalis tayo. Isuot mo lang 'yang boots," sabi ko.

"Saan tayo pupunta?"

"Uhm.. coffee— Let's have a coffee at my favorite shop? Diyan lang sa malapit"

Hindi na siya nakahindi. Thank goodness! I drive to the nearest coffee shop. I could feel that she's still confuse of my actions but I don't care. I need to get rid of that boots. Right here, right now.

"Mag order ka lang ng kahit anong gusto mo," I tell her. Maraming tao dito sa coffee shop. Good timing, isn't it? I can't picture out the scene later, I'm excited and nervous at the same time.

Her phone rings while telling her order to the waitress. Sinagot niya ang tawag. Palihim akong nakinig.

"Hello?"

The expression on her face says it all. Whoever the caller is, hindi maganda ang sinabi niya kay Sassy. Sassy, ended the call. I got curious.

"Who's that?," I asked.

"Ah.. wala," she replied.

"C'mon I'm a good friend. Don't you trust me? Hindi ako judgemental, promise" I smiled.

Napipilitan siyang tumingin sa'kin. I guess I'm really good at convincing people. I'm so proud of me! Now spill the tea, Sassy.

"Nito kasing nakaraan marami na akong natatanggap na hindi magagandang message at tawag galing sa hindi ko naman kilalang number, minsan sumusobra na makapagbanta," kwento niya.

"What do you mean? They're threatening you? Pwede silang makulong dahil do'n. Don't worry iblock mo nalang ang mga numbers na 'yan," I said. Napangiti siya. I smirked. Maybe nakukuha ko na ang loob niya. Sympathy always works huh.

"Thank you," she said smiling.

That's right, Sassy. Isipin mong kakampi ako. I think I need to make it more deeper. She need to think I'm really in her side.

"You know the reason why I'm here and not on the wedding of Jessica?," umakto akong malungkot.

"Bakit?"

"Nalaman ko lang kahapon na sina Tita Perly at Tito Ortiz pala ang may pakana ng fake news na kumakalat ngayon. That thing about uhm your confession daw kay Kyle. I saw what really happened, nando'n ako sa party "

Her eye's widened. "Talaga? Alam mong hindi ako ang umamin diba? Narinig mo ang isinagot ko kay ma'am Melisa," she stated.

"Yeah, yeah.. but as you see binaliktad ng parents ni Jessi ang nangyari. For the sake of their families reputation. 'Coz think about it, kapag pinalabas sa TV na umamin sayo si Kyle about his feelings for you what do you think will happen to Jessica? The world knows they're getting married. So instead na mapunta kay Jessi at Kyle ang kahihiyan, sayo itinapon nila Tita. And that hurts me, kasi I know na hindi mo deserve ang masaktan ng ganito," mahabang lintanya ko. I pat her hand whom resting on the table. I could see her eyes' starting to get watery.

"Salamat. Sorry kung pinag isipan kita ng masama," she utter. I smiled.

Her phone rings again. "Akin na, ako na ang sasagot," I tell her. Nakangiti niya namang inabot sakin ang cellphone.

"Fuck off! Don't ever call nor text this number again asshole!," I ended the call. Ibinalik ko na sa kaniya ang cellphone. Hindi pa siya makapaniwalang tumingin sakin.

The phone rings again. Nagkatinginan kaming dalawa. Dinampot ko ang cellphone niyang nakapatong sa mesa at muling sinagot ang tawag.

"Are you stupid? I said don't call—"

[Sassy, kuya Sam mo 'to ano bang nangyayari sayo?]

Napatigil ako ng marinig ang boses na 'yon. "Oh bitch.," napatingin ako kay Sassy. "Uhm I think ikaw na muna ang kumausap," mabilis kong inabot sa kaniya ang cellphone.

"Hello?"

Ugh bigla akong pinagpawisan 'don ah. Now I know may kuya pala si Sassy.

"Kuya ikaw pala 'yan," I watched her talk to the phone for a minute.

Until I decided na it's time. Tumayo ako, napalingon sa'kin si Sassy.

"I'll just go to the bathroom," I lied.

She nodded and smiled before turning back to the phone call. I suddenly felt a sudden jolt in my heart. Realizing that she's so innocent .. Geez this ain't the right time for this kind of thoughts! I need to do what I need to do.

I turned my back against her and walk towards the door. I took a deep breath before dialing on my phone. I took a glance of her for the last time from the glass wall. She's smiling while talking on the phone with her kuya.

I clicked the call button.

"Hello? Police Station, I found the suspect for the kidnapping of Jessica Quiño. Please hurry baka may masaktan pa siyang tao dito"

Weiterlesen

Das wird dir gefallen

14.8K 864 26
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...
14K 394 24
Have you ever met someone for the first time and wondered if they'd become an important part of your life or they'd just passed by like a fleeting br...
2.8M 53.4K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...
1.2M 54.2K 69
(COMPLETED) After enrolling on her new school, Rue thought that her life would be peaceful unlike with her old school. She loves figthing back then b...