MISS FOREIGNSYANA [Under Revi...

By Read_Gin

113K 6.1K 128

Sassy Lopez is a bubbly alluring maiden who grew up in the province. Desperate to help her family she decided... More

MISS FOREIGNSYANA
𝗖𝗛𝗔𝗣𝗧𝗘𝗥 𝟭
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53

CHAPTER 17

2.4K 174 4
By Read_Gin

(A/N: You can check the media above for Kyle Vin's bracelet. Photo not mine. Credits to the rightful owner)

Kyle Vin's POV

"Birthday ko bukas, pumunta ka ha!"

I nod and smiled. Nakaupo kami ni Sassy sa hagdan sa gilid ng stage. It's already past 4 PM. Marami pang naglalaro sa playground.

"Ilan taon ka na bukas?," tanong ko.

"Thirteen. Ikaw ilan taon ka na ba? Tsaka kailan birthday mo?"

"Thirteen na ako, tapos na birthday ko no'ng January pa. Pareho tayo ng date, 23, October ka nga lang"

"Ah"

Muli kaming natahimik at parehong pinagmasdan ang ibang mga bata na naglalaro sa playground. Maya maya pa napalingon siya sa'kin. Bumaba ang tingin niya sa wrist ko.

"Alam mo ba kung bakit minsan inaasar ka ng classmates na'tin na bading ka daw? Kahit hindi naman totoo kasi ano pogi mo kaya para maging bading," she chuckle.

"Si Ronaldo at Marcelito lang naman ang nang-aasar sa'kin," tugon ko. Tumango siya bilang pagsang ayon.

"Naiingit lang sayo ang dalawang 'yon kasi hindi sila kasing gwapo mo, mukha kasi silang unggoy" Pareho kaming natawa. Maya maya lang hinawakan niya ang kamay ko at sinipat ang bracelet na nasa wrist ko.

"Dahil 'yon dito," tinuro niya ang bracelet.

"Bakit?"

"Alam mo ba? First day of school palang poging pogi na ako sayo, ang angas kasi ng dating mo kahit mukha ka namang mabait tsaka ang linis linis mo tignan. Para bang sampung beses ka naliligo araw araw. Tindig mo palang alam ko ng magiging crush— este magiging best friend kita. Pero nang makita ko ang bracelet mo? BOOM! Do'n ko naintindihan kung bakit first day of school palang napagtripan ka na nila Ronaldo at Marcelito. Bakit kasi sa dami ng bracelet 'yan pang flower flower ang napili mo?," she explained. Napakamot ako ng sintido. Hindi ko alam na dahil pala sa bracelet ko kaya ako napagkakamalang bading. I don't have any idea that wearing a beaded flower bracelet is just for girls.

"Should I just keep it? H'wag ko nalang sigurong suotin," sabi ko habang tinatanggal ang bracelet. She stopped me.

"H'wag! Ano ka ba, hayaan mo sila sa kung anong gusto nilang isipin. Ang mahalaga wala kang nasasaktang iba. Tsaka ang cute nga niyang bracelet mo," she smiled. Muli niyang isinuot sa'kin ang bracelet. Napangiti ako.

"This is a gift from my Lola before she pass away," kwento ko.

"Huh? Teka sorry dahan dahan lang sa English gift lang naintindihan ko hehe"

"Regalo 'to ng Lola ko bago siya mamatay," pag uulit ko. Napatakip siya ng bibig at napasinghap.

"Talaga? Kailan lang? Sorry ah condomence nalang sayo tsaka sa pamilya niyo," she tapped my shoulder. Hindi ko alam kung malulungkot ako o matatawa.

"You mean, condolence?," hindi ko napigilan ang sariling icorrect 'yon. Napatingin siya sa'kin.

"Hindi ko alam, siguro? Ah basta! Nakikiramay ako," sabi niya. Natawa ako ng mahina.

5PM.
We decided to go home. Palabas na kami ng gate ng school. Hindi ko alam na may nag aabang pala sa'min sa labas.

"Pa'no pala ako makakapunta sa birthday mo bukas? Hindi ko alam kung nasa'n ang bahay niyo," sabi ko.

"Edi magkita nalang tayo dito, susunduin kita tapos sabay na tayong pumunta sa b—," hindi natapos ni Sassy ang sasabihin niya dahil bigla nalang sumulpot sina Ronaldo at Marcelito.

"Waaaaaaaah! BADING! BADING!"

Bumuntong hininga ako. Heto nanaman sila. Lalampasan na sana namin sila pero muli silang humarang. Malayo na kami sa gate kaya siguradong hindi na kami mapapansin ng school guard.

"Kyle Bading! Bading!," pang aasar pa ni Marcelito.

"Titigil kayo o hindi? Gusto niyong makatikim nito ha?," humakbang si Sassy palapit sa kanila at umamba ng suntok. Nanatili akong nakatayo sa likod niya.

Tumawa ang dalawa. "H'wag ka ng makialam dito Sassy, tropa tayo," sabi ni Ronaldo.

"Takot lang kayo kay kuya e! Tigilan niyo ang pang aasar kay Kyle dahil kung hindi, isusumbong ko kayo kay Kuya Sam," pananakot ni Sassy pero hindi natinag ang dalawa. Tumawa lang sila at muli akong inasar.

"Bading si Kyle Vin, bading! Bading! Bading!," Ronaldo and Marcelito sang in chorus.

Nakakuyom na ang dalawang kamao ni Sassy. Nang makita kong lalapitan niya sila mabilis kong hinila ang braso niya. I let her stay behind me.

"Unggoy! Unggoy! Unggoy! Ang panget niyong dalawa!," she yelled at Ronaldo and Marcelito.

"Hayaan mo na sila," saway ko. Masama pa rin ang tingin niya sa dalawa.

"Ano lalaban ka?," nanghahamong saad ni Marcelito. Humakbang siya palapit kaya muli kong tinulak si Sassy para manatili sa likod ko.

"I can handle this," I tell her.

"Hindi, dalawa tayo dito Kyle. Hindi ko na hahayaang palagi ka nalang asarin ng mga unggoy na 'to," humakbang siya palapit sa'kin.

"But I promised na hindi ko na hahayaang masaktan ka," I said.

"Okay lang masaktan ako basta kasama kita," she smiled.

"Ano 'yan Sas bading pa crush mo? AHAHAHA," humagalpak ng tawa si Ronaldo.

Hindi ko na napigilan ang sariling lumapit sa kaniya at kwelyuhan siya. Napaatras si Marcelito. "Hindi talaga kayo titigil?," mariing tanong ko.

Bakas ang takot sa mukha ni Marcelito habang nakatingin kay Ronaldo na kinukwelyuhan ko. Masama ang tingin sa'kin ni Ronaldo. Nag aapoy ang mga mata niya at ilang segundo nalang siguradong handa na siyang maghimagsik.

"Ulitin niyo pa 'to ng isang beses, magsisisi kayo," mahina ang pagkakasabi ko pero madiin. Kumunot ang noo ni Ronaldo. Tinulak niya ako. Napaatras ako at agad na binalanse ang sarili kaya hindi ako tuluyang natumba.

"Ang sama niyo talaga!," umambang susugod si Sassy sa kanila pero mabilis ko siyang napigilan. Walang sinasanto si Ronaldo, nakikita kong kahit babae sasaktan niya.

Lumapit si Ronaldo kaya itinabi ko si Sassy. Parang yelo nalang na nanigas si Marcelito sa kinatatayuan niya.

"Ayoko sa bading!," umamba ng suntok si Ronaldo pero nakailag ako. Buong pwersa kong inangat ang kamao, lumipad 'yon sa mukha ni Ronaldo. Nawalan siya ng balanse at natumba. Bakas ang kaba sa mukha ni Marcelito nang sumulyap ako sa kaniya.

"Yes! Ang galing mo Kyle!," nag apir pa sakin si Sassy. Palihim kong hinipo ang kumikirot kong kamao. Ang tigas pala ng mukha ni Ronaldo.

"Anong nangyari dito?"

Sabay kaming napalingon nang marinig ang boses na 'yon. Kuya ni Sassy.

"Kuya Sam!," tumakbo si Sassy papunta sa kaniya.

"Kuya tignan mo pinabagsak ni Kyle si Ronaldo," masayang kwento ni Sassy sa kapatid habang palapit sila sa kinaroroonan namin.

Mabilis na kumilos si Marcelito at ginising si Ronaldo. Dumilat ito at kahit nahihirapan pang tumayo inalalayan siya ni Marcelito maglakad paalis.

"'Yon ba 'yong palaging nang aasar sa inyo?," Kuya Sam asked. Sassy nod cheerfully. Tumingin si Kuya Sam sa kaniya at pinasadahan siya ng tingin.

"Nasaktan ka ba ng mga lokong 'yon?"

"Hindi, kasi pinrotektahan ako ni Kyle," inakbayan ako ni Sassy. Napatingin sa'kin ang kuya niya. Tsaka sa braso ni Sassy na nakapatong sa balikat ko.

"Mabuti. Ingatan mo ang kapatid ko kapag kasama mo siya," seryosong sabi niya habang nakatingin sa'kin.

"O-Opo kuya," I stuttered. Sassy's brother is one year older than us. But he looks so mature in his age. Siguro dahil na rin namulat siya sa trabaho sa bukid gaya ng nakwento sa'kin ni Sassy. Sa kalapit na school siya nag aaral dahil first year highschool na siya. He's a big and tall man. Kaya natatakot sa kaniya sina Ronaldo at Marcelito.

"Pinopormahan mo ba kapatid ko? Palagi kang bukambibig niyan sa bahay," Kuya Sam asked laughing. Nakaupo kami sa waiting shed. Nanlaki ang mga mata ni Sassy sa gulat. Hindi ako nakasagot. Naramdaman ko na lang na biglang nag init ang pisngi ko at hindi ako makatingin kay Sassy.

Ngumiti si kuya Sam at ginulo ang buhok ko. "Mukha ka namang matino pero h'wag muna ngayon mga bata pa kayo"

I wonder if Kuya Sam still remember me. Nakwento pa kaya ako ni Sassy sa kanila matapos ang ilang taon na hindi kami nagkita? I don't have any idea about Sassy's mom and dad back then. Hindi pa ako nakakapunta sa bahay nila kahit isang beses. I wish I had.. pero hindi ako nakapunta sa birthday niya.

"Sa'n kayo pumunta? Hindi na kayo bumalik sa cafeteria ah," bungad ni Kent nang makaupo ako sa upuan ko. Halos lahat ng classmate namin nandito na. I glanced at my watch. Mabuti naman at hindi kami nalate, wala pa ang teacher.

"Sinamahan ko siya sa labas," tipid kong tugon.

"Sorry Dre, hindi ko naman alam na sasabihin 'yon ni Monica kanina," Kean said.

Hindi ako umimik. Wala namang kasalanan si Kean. Hindi niya naman kontrolado ang utak ng girlfriend niya.

I don't wan'na blame Kean about how his girlfriend acts in front of Sassy. Kilala ko si Monica at gano'n na siya sa halos lahat ng makasalubong niya. Kinausap ko si Sassy tungkol do'n pero ayaw na niyang sumama ulit kapag nandiyan ang mga kaibigan ko. Especially, Monica.

"Asan na pala si Sassy?," Kent asked.

"I think she's on the wash room, susunod nalang daw siya," tumingin ako sa pinto pero wala pa siya.

Bigla kong naalala na nakita ko si Hiro kanina. Ano namang ginagawa ng isang 'yon dito? Matagal na rin bago ko siya huling nakita. Ang alam ko, lumipat na sila sa ibang syudad three years ago. Nakakapagtaka na bigla nalang siyang susulpot.

Nilingon ko sina Kent at Kean. "I saw Hiro earlier, kailan pa nakabalik 'yon dito?," I asked. Napakunot ang noo ni Kent gano'n din si Kean.

"Si Hiro? Nakita mo din siya? Akala ko no'ng isang araw kamukha lang niya ang nakita ko e.," saad ni Kean. Ibig sabihin mag iilang araw na siyang nandito? O baka buwan?

Nagkatinginan kaming tatlo. Hindi maganda ang kutob ko. Nang makita ko palang si Hiro alam ko ng may mali.

"Don't worry about anything, nandito man siya o wala matutuloy pa rin naman ang kasal ," Kent stated.

"Oo nga dre, wala ng magagawa si Hiro. Dalawang mabibigat na pamilya ang kakalabanin niya," dagdag ni Kean.

Napasandal ako sa upuan. Napahawak ako sa sintido. Damn it! Nawala sa isip ko ang kasal.

"Kaya ang payo namin sayo sundin mo na, habang maaga pa mag enjoy ka dahil palapit na ang araw na matatali ka na sa magiging asawa mo," Kean tapped my shoulder. I heard their chuckles.

Continue Reading

You'll Also Like

99.4K 6.7K 4
Maia Celine Zorales vowed to never cross paths with Finley Angelo Suarez again... which was hard considering that they are attending the same school...
35.2M 1.2M 37
Agatha suffers from a rare disorder that makes her sleep in a long period of time. But what happens when the modern-day sleeping beauty meets an idio...
909K 37K 53
ELYU SERIES #1 In the sleepy town of San Juan, La Union, the waves are unrelenting. Sereia Montanez leads a quiet life with no desire to rule the wav...
2.8M 53.5K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...