MISS FOREIGNSYANA [Under Revi...

By Read_Gin

113K 6.1K 128

Sassy Lopez is a bubbly alluring maiden who grew up in the province. Desperate to help her family she decided... More

MISS FOREIGNSYANA
𝗖𝗛𝗔𝗣𝗧𝗘𝗥 𝟭
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53

CHAPTER 11

2.7K 195 4
By Read_Gin

Sassy's POV


"Wow.. ang ganda ng school na 'to"

Hindi ko mapigilang humanga sa laki ng gusaling nasa harap ko. Hindi ako makapaniwalang mag aaral ako dito. Umikot ako at pinagmasdan ang mga students na may kaniya kaniyang pinagkakaabalahan. Maraming naka uniform na pero may iilang tulad ko na nakasuot lang ng casuals dahil bago din siguro sila dito. Napatingin ako sa dalawang foreigner na dumaan sa harap namin. Kapansin pansin ang blonde na buhok ng babae. Napahawak ako sa buhok ko.

"You don't have to hide your hair color anymore. Theirs no need to dye it," sabi ni Kyle. Napatingin ako sa kaniya, hindi ako nakapagsalita. Ngumiti siya.

"Hindi kita nakilala dahil sa buhok mo. I've never seen you in long hair, akalain mo 'yon bagay pala sayo," tumawa siya ng mahina.

"Tsh ako ba inuuto mo nanaman?," bwelta ko.

Umiling siya. "Nah"

Maraming students sa corridor. Mukha naman silang friendly. Nakasunod sa'kin si Kyle, ayoko ngang sumabay sa kaniya sa paglalakad. Kung ano ano naiisip at nasasabi ko e. Baka madulas nanaman dila ko at masabing 'yes Kyle crush kita' Aish! Ano ba. Akala ko sa'kin napapalingon at napapatingin ang ibang students. Kay Kyle Vin pala. Edi siya na ang peymus.

"C'mon bakit ba ayaw mong aminin na ikaw 'yong Sassy na nakilala ko sa probinsya noon?," tanong niya.

"Bakit ko aaminin e hindi nga ako 'yon?," sabi ko habang hindi siya nililingon.

Palihim akong ngumisi. Hinding hindi mo 'ko mapapaamin. Pwera nalang kung sabihin mong crush mo ko dati pa BWAHAHAHA! Ay teka hindi.. iniwan niya pa rin ako.

Ang hirap maging best friend mo, naf-fall ako sa araw araw na magkasama tayo. Kaya mas mabuti na 'to. Boss kita, alalay mo 'ko.

Habang naglalakad sa hallway natanaw ko sina Kent at Kean. Kumaway sila at naghalf run papunta sa'min. Nagbatian sila ni Kyle 'yong parang secret hand shake nila gano'n.

"Grabe Dre akala ko kung sinong model ang kasama mo, si Sassy pala," sabi pa ni Kean.

Napansin kong nakatingin sa'kin si Kent. Ngumiti siya kaya ngumiti din ako bilang tugon. Naaalala ko talaga sa kaniya si kuya tsk tsk tsk.

"Anong model? Saan banda ang model diyan?," bwelta ni Kyle. Tinignan ko siya ng masama.

"Epal," mahinang usal ko.

"Saan na punta niyo? Classmate ba natin si Sassy?," tanong ni Kent. "Yeah" Si Kyle na ang sumagot.

"Pakopyahin n'yo 'ko sa English subject ah," biro ko. Napatingin silang tatlo sa'kin. Tumawa lang ako.

Napansin kong ang daming napapalingon mapababae o lalaki nang magpatuloy kami sa paglalakad sa corridor. Malabo namang sa'kin sila nakatingin. Naisip kong kilala ang tatlong kasama ko dito sa school na 'to. May iilang babae na nagbubulungan at impit ang kilig habang nakatingin kay Kyle.. Minsan kay Kent.. tsaka kay Kean. Hindi ko sila masisisi, ang lakas din ng dating ng tatlong 'to.

Nasa kanan ko si Kyle tapos sa kaliwa ko si Kent. Nasa tabi naman ni Kent si Kean. Nakita ko 'yong isang babae palihim pang nagpicture kay Kyle. Nakita ko nagflash 'yong camera pero hindi yata napansin ni Kyle. Tinignan ko ng masama ang babae. Pwede namang si Kent o si Kean bakit kailangan si Kyle pa ang picturan?

"Kamusta namang Boss si Kyle?," nakangising tanong ni Kean. Hindi kami magkakatabi sa upuan. Dahil tigdadalawa lang per desk. Magkatabi kami ni Kyle. Nasa tapat kami nila Kean at Kent.

Sumulyap ako kay Kyle bago lingunin si Kean. "1 star," pabulong kong sambit.

"Anong ibig sabihin no'n?," natatawang tanong ni Kean. Ang daldal pala niya. Buti nalang wala pa 'yong teacher namin.

"Hindi ko nirerekomenda na mag apply din kayo bilang assistant niya, magsisisi kayo," biro ko. Natawa si Kean kaya nahawa rin ako sa tawa niya.

"As if I'm not here and I can't hear you," rinig kong tugon ni Kyle habang nagpipindot sa cellphone niya. Hindi ko nga pinansin. Nahuli kong nakatingin sa'kin si Kent, mabilis siyang umiwas.

"Uy Kent, naaalala ko sayo si Kuya," sabi ko. Gulat naman siyang napatingin sa'kin. Humagalpak nanaman ng tawa si Kean.

"AHAHAHAHA Seryoso? Ilang taon na ba kuya mo?," tanong ni Kean.

"19, isang taon lang ang tanda niya sa'tin," si Kyle ang sumagot. Napatingin ako sa kaniya pero tutok pa rin siya sa cellphone.

"Whoah pano mo nalaman 'yon dre?," nagtatakang tanong ni Kean.

Mabilis na lumingon si Kyle, ngayon pareho na kaming nakatingin kina Kean at Kent. "We're best friends," nakangiting sambit ni Kyle saka ako inakbayan. Matalim ko siyang tinitigan. Inalis ko ang braso niya sa balikat ko.

Best friend daw. Crush kita baliw!

"Ah 'yong lagi mong kinukwento dati na nakilala mo sa probinsya?," tanong ni Kent. Napataas ang kabilang kilay ko.

"Anong kinukwento niya?," hindi ko na napigilang magtanong. 

"Lagi kang kinukwento sa'min niyan noon, umiyak pa nga yan dahil—" Hindi na natapos ni Kean ang sasabihin dahil biglang nagsalita si Kyle. "Shut up!"

"He tells us about how nice you are as a friend," dagdag ni Kent. Natawa si Kyle tsaka nakipag apir kay Kent. How nice as a friend pala ha.

Pero narinig ko umiyak daw siya? Bakit?! Tsaka talagang friend lang ako sa kwento niya? Sure na 'yon?

"Kalimutan niyo na, hindi naman ako 'yong tinutukoy niyong kaibigan niya," sabi ko.

"Here we go again. Look, ayaw niyang umamin na siya ang nakilala ko noon sa probinsya," ani Kyle sa dalawang kaibigan.

"PFT— baka nakalimutan ka na Dre. Hindi ka daw gano'n ka special," tumawa si Kean.

Tumingin sakin si Kyle at seryoso ang mukha niya. "Did you already forget about me?"

Napalunok ako, hindi ko alam ang sasabihin. Natahimik din si Kean at Kent dahil sa inasal ng kaibigan. Letche anong drama 'yan Kyle Vin!?

Matamlay akong pumasok sa school. Medyo masama ang pakiramdam ko pero pinilit kong pumasok kasi mas lalo akong magkakasakit kapag hindi ko nakita si Kyle hehehe.

"You look pale", bungad niya nang makapasok ako sa classroom. Cleaners nila ngayon kaya maaga siyang pumasok para maglinis kasama ang Wednesday group.

"Pale? Balde yun diba? Grabe ka ang sakit mo magsalita ah", napanguso ako bago siya lampasan. Umupo ako sa upuan ko.

"No, I mean ang putla mo", sumunod siya sa'kin habang may bitbit pang bunot. "Kumain ka na?"

Tumayo siya sa tapat ko. Tumango ako at ngumiti. "Ikaw, kumain ka na?," tanong ko.

"Yep"

Yumuko siya ng kaunti at saka inilapat ang palad sa noo ko. "Whoa ang init mo, sana hindi ka muna pumasok masama ang pakiramdam mo" Hinubad niya ang jacket saka ipinatong sa balikat ko.

"Okay lang ako, salamat"

Bakas ang pag aalala sa mukha niya pero wala din naman siyang magagawa. Ayokong umabsent.

"AHEEEEM! AHEEEEM! Nilalanggam na kami"

Pareho kaming napalingon sa mga kaklase naming nasa likod. Nagwawalis ang iba sa kanila, ang iba naman nando'n sa teachers table nagchichismis. Natatawa akong tumingin kay Kyle. Ngumiti lang siya.

Buong magdamag akong kinulit ni Kyle na kesyo masama ang pakiramdam ko umuwi na daw ako. Nagpresenta pang siya na daw magsasabi kay ma'am na iexcuse ako pero sabi ko h'wag na. Nang magsimula na ang klase parang okay pa ako. Pero nang kalagitnaan na nagsimula na akong mahilo at parang mas lalo akong nilamig. Hindi dahil sa math formulas ah, masama lang talaga pakiramdam ko.

"I will give you 5 more minutes to review before we start our ten item test," sabi pa ni ma'am.

Sinimulan ko ng magreview ng notes ko. Wala pang isang minuto parang bumibigat na ang talukap ng mga mata ko. Pinilit kong dumilat at manatiling gising. Maya maya pa..

"Be careful Kyle, let your classmates help you. Baka mabitawan mo si Sassy"

"Kaya ko po ma'am, hindi naman siya gano'n kabigat"

Naalimpungatan ako nang maramdamang parang lumulutang ako. Pagdilat ko bigla nalang kumirot ang ulo ko. No'ng una malabo pa ang nakikita ko. Pero maya maya lang luminaw na. Nakita ko ang mukha ni Kyle. Nakatingin lang siya sa harap. Doon ko lang napagtanto na buhat buhat niya ako. 'Yong pang bridal style. Nakasunod si ma'am sa likod, nag aalala siya at parang nagpapanic habang may dinadial sa cellphone. 'Yong mga chismosa kong classmates nakasunod din pala.

"Kyle," nahihirapan kong sambit. Yumuko siya para tumingin sakin. Ngumiti siya. Sa mga oras na 'to parang okay na ulit ako. Ang mga ngiti lang niya ang nagpapagaan sa pakiramdam ko.

"Dadalhin kita sa clinic"

Dinala nga niya ako sa clinic. Pakiramdam ko tuloy prinsesa ako tapos si Kyle ang prinsepe ko. Siya ang tagapagligtas ko. Ang lakas niya para buhatin ako hanggang dito sa clinic. Dahil recess na namin, nanatili nalang si Kyle sa tabi ko. Nakahiga ako dito sa clinic. Nakaupo lang siya sa silya sa tabi ng higaan.

"Sinabi ko na sa'yo sana hindi ka na pumasok, nahimatay ka tuloy," sermon sa'kin ni Kyle.

"Sorry.. pero salamat ah dinala mo 'ko agad dito. Mahal mo talaga ako 'no?," biro ko. Tumawa ako ng mahina.

"Oo naman, palangga taka"

Napangiti ako. Bigla nalang nag init ang pisngi ko. Ako nagturo sa kaniya no'n ah. Palangga taka means mahal kita in hiligaynon.

"Best friend tayo e kaya mahal kita," sabi niya.

Napawi ang ngiti ko. "Best friend?"

Masigla siyang tumango at ngumiti. May sasabihin pa sana ako pero dumating 'yong school nurse tsaka si Merly. May hawak na sandwich at juice si Merly, bumangon ako at inabot niya sa'kin 'yon.

"Kainin mo daw 'yan," sabi ni Merly.

"At pagkatapos, inumin mo 'tong gamot ha. Parating na ang sundo mo, umuwi ka muna at magpagaling sa inyo. Pumasok ka nalang kapag maayos na ang pakiramdam mo," bilin ng nurse. Bumaling siya kay Kyle at binigay ang gamot at tubig. Tumango ako. Lumabas na ang nurse at naiwan kaming tatlo nila Merly at Kyle. Umupo si Merly sa gilid ng kama.

"Kinabahan ako sayo kanina, Sassy! Akala ko talaga iiwan mo na kami," sabi ni Merly. Natawa ako sa sinabi niya. "Di pa ako pwedeng mamatay"

"Hindi talaga.," seryosong tugon ni Kyle. Napasulyap sa'kin si Merly. Siniko niya ako saka nagpakawala ng makahulugang ngiti.

Matapos kong maubos ang sandwich at juice binigay na sa'kin ni Kyle ang gamot at tubig. "Titignan ko lang sa labas kung nando'n na ang kuya mo. Take your medicine," bilin niya bago lumabas ng clinic.

Nang makalabas siya napatili si Merly habang niyuyugyog ang balikat ko. "Gravittttyyyyyy!!! Ang sweet niyo naman, kayo na ba?"

Muntik ko ng maibuga ang tubig dahil sa sinabi nya. "Asa. Best friend daw kami e," mapait akong ngumiti. 'Yong ngiting kasing pait ng gamot na ininom ko ngayon lang.

"Ay.. Hindi pwede! Ano 'yon kukunin niya role ko? Ako lang best friend mo dito," Ani Merly.

Lunch break.
Kakalabas lang namin ng classroom.  Hindi ako gaanong nastress kasi puro introduce yourself pa lang naman ang naganap kanina.

"Sunduin ko lang si Monica, mauna na kayo sa cafeteria," sabi ni Kean. Nauna na siyang maglakad sa kabilang direksyon. Naiwan kami ni Kyle at Kent.

"Let's go," ani Kyle. Hindi pa kami nagsisimulang humakbang tumunog ang phone niya. Tumingin siya sa'kin bago sagutin ang tawag.

"Hello? Yeah this is Kyle Vin Fuentes"

Nagsimula na kaming maglakad. Napapagitnaan ako ni Kent at Kyle. Sumulyap ko kay Kent pero tahimik lang siya habang nakatingin sa unahan. Napatingin nalang ako kay Kyle. Sino kayang kausap niya?

"Yeah.. I will. I appreciate the invite, send my regards to Mr and Mrs Quiño," sabi pa niya sa kausap. Nang maibaba ang tawag sumulyap siya sa'kin. Mabilis akong nag iwas ng tingin. Pero nahuli ako ng mga mata ni Kent.

"I thought PA ka ni Kyle," sabi niya.

"Oo, bakit?"

Masyadong seryoso ang mukha ni Kent ngayon, naistress yata 'to sa introduce yourself kanina e. "Trabaho mo 'yon diba? Ang sumagot ng tawag. To reply on texts, emails, set Kyle's schedules etcetera," sabi niya.

"C'mon Dre, kailan ka pa naging concern sa trabaho ng PA ko?," tumawa si Kyle. Hindi umimik si Kent.

Hindi ko naman alam ang itutugon. Trabaho ko pala 'yon? Ang sumagot ng tawag at texts? Aba malay ko hindi naman binibigay sa'kin ni Kyle ang cellphone niya.

Continue Reading

You'll Also Like

83.9K 5.5K 15
Rocket Grimalde is the not-so-known playboy of Eastern Hills International School. Sa kabila ng reputasyon nito bilang dakilang palikero, the school...
2.8M 53.5K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...
176M 3.9M 68
[BAD BOY 2] You can't turn a bad girl good, but once a good girl's gone bad, she's gone forever. Yang ang motto ni Candice. Sa pagmamahalan na meron...
5.4M 275K 64
(Academy Series #2) Being the son of an acting chairwoman of the academy pushed Jax to keep his identity hidden. Introduced himself as a scholar, he...