MISS FOREIGNSYANA [Under Revi...

By Read_Gin

113K 6.1K 128

Sassy Lopez is a bubbly alluring maiden who grew up in the province. Desperate to help her family she decided... More

MISS FOREIGNSYANA
𝗖𝗛𝗔𝗣𝗧𝗘𝗥 𝟭
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53

CHAPTER 8

2.7K 173 0
By Read_Gin

Sassy's POV


"Utang na muna 'to ah, kapag nakuha ko na ang sweldo ko saka na kita babayaran," sabi ko habang tinutulungan siyang ilagay lahat ng pinamili sa likod ng kotse. Hindi siya umimik.

Habang nasa gitna ng byahe pauwi, hindi ko maiwasang isipin ang dalawang babae kanina 'don sa mall. Gusto nilang magkaroon ng boyfriend na tulad ni Kyle. Sabagay kung mukha lang naman ang pag uusapan, sino bang hindi magkakagusto sa kaniya? Pero teka naiinis pa rin ako kasi tinawag nila akong jologs tsaka galing daw sa ibang panahon. Argh nanggigigil ako! Gusto ko silang balikan at makipagtrashtalkan sa kanila.

"What's with that face?" tanong ni Kyle.

Sumulyap ako sa kaniya. "Bakit anong nasa mukha ko?," tanong ko din pabalik.

"Nah"

Tanghali na ng makauwi kami kasi ang haba ng traffic. Si madam Flor ang nagbukas ng gate para makapasok ang kotse. Napataas naman ang kilay niya ng makitang bumaba ako mula sa kotse ni Kyle. Nakita kong nakasilip lang si Vivian sa double door na nakaawang ng konti.

"Nasa compartment ang mga pinamili ko ipasok niyo sa bahay," utos ni Kyle. Dali dali naman akong nagtungo sa likod ng kotse para tulungan si Madam Flor. Lumabas si Vivian at tumungo rin sa kotse para tumulong.

Napansin kong hindi pa rin umaalis si Kyle kaya nag angat ako ng tingin. Nakatingin lang siya sa'kin. "Anong ginagawa mo?," tanong niya.

"Tumutulong? Ipapasok 'to sa loob diba?," sabi ko.

"Ikaw ba inutusan ko?"

Napataas ang kilay ko sa tinuran niya. Pero mabilis din siyang tumalikod at nauna ng pumasok sa loob ng mansyon. Nagkatinginan naman kaming tatlo nila madam Flor at Vivian. Nagkibit balikat lang ako at muli na sanang babalik sa ginagawa nang..

"Sassy!"

Napalingon ako sa double door, nakasilip do'n si Kyle.

"Oh?"

Napatingin sa'kin si Madam Flor. "Sassy ayusin mo ang pagsagot kay young Master," mahinang sambit niya.

"Ah.. hehe sorry po," nasabi ko nalang. Napailing si Madam Flor. Naglakad ako palapit Kay Kyle. "Bakit?"

"Tawag ka ni mama," Ani Kyle.

"Mama?," naguguluhang pag uulit ko.  Mommy naman tawag niya kay ma'am Melisa ah.

"Mama mo, tsk"

"Si mama?"

"Paulit ulit?," may bahid ng inis niyang tugon. Naguguluhan pa rin ako.

"Tinatawag ako ni mama?," tanong ko ulit.

"Kasasabi ko lang, tsk bahala ka nga," pumihit siya at nagtungo sa grand staircase.

"Ang gulo mo kasi, tinawag mong mama 'yong mama ko.," reklamo ko pero hindi niya na ako nilingon.

Hinanap ko si mama at nakita ko siya sa kitchen.

"Ma!," nakangiti akong lumapit kay mama at niyakap siya. "Ibinili po ako ni Kyle ng school supplies, may gagamitin na po ako bukas. Pero sabi ko babayaran ko po 'yon kapag nakuha ko na ang sweldo ko. Kailan ba pwedeng kunin ang sweldo ma? Sabay lang ba tayong sasahod? Uuwi ba tayo sa probinsya para bumisita kina kuya kapag sumahod na tayo? Pwede kayang—"

"Shhh dahan dahan lang ano ka ba naman," pag aawat pa sa'kin ni mama. Natawa nalang ako habang nakayakap sa braso niya. Nagluluto si mama ng caldereta, lagi talagang masarap ang ulam dito e.

"Sorry ma, excited lang kasi ako. Tsaka simula nang dumating ako dito, maraming bagong bagay akong na experience. Sana nandito din sina kuya at papa"

Hinaplos ni mama ang buhok ko kaya mas lalo akong dumikit sa kaniya at inihilig ang ulo sa balikat niya. "Hayaan mo magkakasama rin tayong buong pamilya"

Ngumiti ako at niyakap ng mahigpit si mama. Hindi gano'n kaperpekto ang buhay ko. Wala akong yaman na maipagmamalaki sa iba. Simple lang ang buhay namin sa probinsya. Isang kahig isang tuka. Mahirap, kaya nakipagsapalaran na rin ako dito sa maynila. Nagbabasakaling makatulong sa pamilya. Hindi ko naman akalaing sobra sobrang tulong ang ibibigay sakin ni Lord.

"O sya tama na ito, wala bang inuutos sayo si young master?," tanong ni mama. Kumalas ako sa pagkakayakap sa kaniya.

"Po? Sabi niya tinatawag niyo daw ako e," sabi ko.

"Aba'y hindi naman kita tinawag, hindi ko nga alam na nakauwi na pala kayo. Wala naman akong iuutos o sasabihing importante, teka lang at tatapusin ko na itong niluluto ko at maya maya lang darating na sila ma'am"

Aish! Ang lakas din ng amats ng lalaking 'yon. Matapos niyang tawaging mama ang mama ko. Inuto pa akong tinatawag daw ako ni mama.

"Sige po, pupunta muna ako kay Kyle— este kay young master," Tinahak ko ang pasilyo papunta sa kwarto ni Kyle.



Kyle's POV

Kinuha ko ang huling libro sa study table. Ilalagay ko na sana sa bookshelf nang may mahulog mula sa libro. I crouched to grab the photo.

Apat na taon na ang lumipas, masaya ako at hindi ko nawala 'to. Isang lumang litrato ng dalawang batang magkaakbay. Nakatingin ang babae sa camera, ang ganda ng ngiti niya. Ang lalaki naman nakatingin lang sa mukha ng babae.. na para bang sa wakas nahanap na niya ang pinakamagandang babae sa buong mundo. Na para bang iyon na ang huling beses na makikita niya ang babae. Sa mga oras na 'yon, alam nilang ang nararamdaman nila sa isa't isa.. hindi magkaiba.

"The b-bird is— is f–f–fly—flying in— in the s-sky"

Pumalakpak ako matapos basahin ni Sassy ang huling sentence sa binabasang libro. Her face turned bright when she smiled.

Nasa playground kami ng school. Tinuturuan ko siyang magbasa ng English. Nakaupo ako sa tapat niya at ang triangle shape na mesa ang nasa pagitan namin. Maraming naglalaro dito sa playground pero hindi naman masyadong istorbo sa pagpractice namin ng pagbabasa.

"Gumagaling ka na sa English, konti nalang mas magaling ka na kay ma'am," biro ko. Pareho naman kaming natawa. "Niloloko mo naman ako e, ang hirap kaya nito"

Nilipat niya sa next page ang libro. Nangalumbaba ako sa mesa habang nakangiti at nakatingin sa kaniya. Kahit madalas siyang tuksuhin ng ibang mga bata dito dahil sa haircut niya, hindi ko pa rin maiwasang humanga sa kaniya. I admire her pretty face so much. She's so beautiful like those red roses in the plant boxes, I hope she knows.

"Ito babasahin ko tapos itranslate mo sa Tagalog ah.," she said cheerfully. Tumango ako. "Game!" Nakatingin lang ako sa kaniya. Hindi ko alam kung bakit pero sa araw araw na kasama ko siya, paganda siya ng paganda sa paningin ko.

Kapag kasama ko si Sassy hindi ko nararamdamang malungkot ako. Hindi ko na nararamdamang mag isa ako. I met new friends though, I like spending my time with Sassy. Hindi ko alam pero komportable ako sa kaniya.

"Tom c-confe— confe-sed — teka pano ba basahin 'to?," tinuro niya sakin ang word na nahihirapan siyang basahin. "Sundan mo ako. Con"

"Con"

"Fessed"

"Fessed!"

"Confessed"

"Con— Confessed!"

"Good, tama 'yon"

Ngumiti siya at muling bumalik sa binabasa. Seeing her smile makes me smile too. Ang sarap sa pakiramdam kapag nagagawa ko siyang mapangiti.

"Tom conf— confessed to Ana. He s-said— I l-like you"

Matapos basahin ang sentence ay tumingin siya sakin. Napalunok ako. Bakit sa dami ng sentence 'yon pa ang binasa niya. Hindi ko alam na meron palang ganiyang sentence diyan sa libro ko.

"Anong tagalog no'n?," tanong niya.

"Alam mo na 'yon, ang dali lang e"

Tumawa siya. Isinara niya ang libro at itinulak palapit sa'kin. "I like you lang naintindihan ko"

"Umamin daw si Tom kay Ana, sabi niya, gusto kita," I told her.

Napangiti siya sa sinabi ko. Binalot ng katahimikan ang paligid. Sa sandaling 'yon nawala ang ingay na nagmumula sa ibang batang naglalaro. Nakatingin lang kami ni Sassy sa mata ng isat isa.

Ako kaya.. kailan ako magkakaroon ng lakas ng loob na umamin sa kaniya?

"Sassy!"

Sabay kaming napalingon kay Merly. "Nando'n na sa gate kuya mo, sinusundo ka na"

Mabilis na tumayo si Sassy at niligpit ang mga gamit. Tumayo na din ako. Nilagay ko ang libro sa bag ko at naglakad na kami palabas ng playground. Napahinto kami sandali dahil merong mga batang nags-selfie sa exit. Merong bagong mural sa bandang exit ng playground kaya madaming nagp-picture at ginagawa 'yong background.

"Picture din tayo?," tanong ko kay Sassy.

Mabilis siyang napalingon sa'kin at nakita ko ang pagkislap ng mga mata niya. Excited siyang tumango.

"Papicture naman kami sandali oh isa lang," sabi niya do'n sa grade 4 na batang babae.

"Ito na gamitin mo," inabot ko ang cellphone ko sa bata at tumayo na kami ni Sassy sa gitna ng mural. No'ng una ay hindi namin alam ang gagawing pose. Tumayo lang kami at awkward na ngumiti sa camera.

"Ate, kuya, panget ng kuha niyo. Try niyo po magtabi kayo, closer pa po..," lumapit samin ang grade 4 na babae at bahagya akong itinulak palapit kay Sassy. I felt Sassy's soft and warm skin touched mine. We stood closer.. and closer. " Ayan! Smile na kayo"

Nagkatinginan kami ni Sassy. Inakbayan niya ako kaya inakbayan ko din siya. "Alam mo hindi lang si Tom ang umamin..," usal ni Sassy habang hindi nakatingin sa'kin. "Sabi ni Ana.. gusto din kita," she added.

"1.. 2.. 3.. SMILE!"



KNOCK! KNOCK! KNOCK!

"Hello! Bubuksan ko na 'to kung di ka pa rin sasagot"

Nabitawan ko ang litrato nang marinig ang boses ni Sassy. Mabilis ko 'yong pinulot at tinago sa drawer. Naglakad ako papunta sa pinto at binuksan 'yon.

"What?"

"Sabi mo tinatawag ako ni mama, hindi naman pala. Liar!," pinagkrus niya ang braso sa dibdib.

"Uto uto ka kasi"

She glared at me. "Uto uto ka kasi Nye Nye," she mocked.

"Yan dyan ka magaling"

Nakita kong parating si Vivian dala dala ang mga pinamili namin kanina. Nilingon din siya ni Sassy. "Alis na nga ako"

Hindi pa siya nakakalayo huminto siya at lumingon. "Oo nga pala, hindi naman bawal ang magtsenelas sa school bukas diba?"

I looked at her intently. Nagbow si Vivian bago ipasok sa loob ng kwarto ang mga school supplies.

"Bakit magt-tsenelas ka?," maingat kong tanong.

"Bakit bawal ba?"

"No, but it's more appropriate if you wear shoes," I told her.

Bumuntong hininga siya. She walked slowly towards me while scratching her forehead. "Kasi ano e.. w-wala akong sapatos. Okay na?"

Hindi ako nakasagot. "Tsaka pwede bang nakaganito lang ako bukas?," tinuro niya ang suot na baro't saya.

"Don't worry, maybe next week dadating na din ang uniform mo. Don't you like that baro't saya?," I asked.. and smiled.

"Syempre gusto ko 'to!," tumawa siya.

Maya maya pa tumigil siya sa pagtawa at bumuntong hininga. "Pero seryoso.. ito lang ang matinong damit ko kasi.. mahirap ang buhay buti nalang mahal ako ni Aling Dulce, madalas libre nalang ang mga damit na tinatahi niya para sa'kin. Wala kasi kaming pambili ng mga bagay tulad ng — Teka! Bakit ko ba sinasabi 'to sayo? Aish! Aalis na pala ako tawagin mo nalang ako kung may kailangan ka."

I watched her leave. Kahit hindi niya sabihin lahat ng 'yon alam ko naman ang tungkol sa estado ng buhay nila. Noon pa. Hindi ko man siya nagawang tulungan noon, babawi ako ngayon.

"Wala na po ba kayong iuutos, young master?," boses 'yon ni Vivian.

Nilingon ko siya na kakalabas lang ng pinto. Umiling ako. "No, you can leave" Nagbow siya at umalis na.

Kinuha ko ang phone ko na nakapatong sa study table at nagdial ng numero.

"Hello?"

"Dior fashion house, how can I help you?"

Continue Reading

You'll Also Like

908K 36.9K 53
ELYU SERIES #1 In the sleepy town of San Juan, La Union, the waves are unrelenting. Sereia Montanez leads a quiet life with no desire to rule the wav...
325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
743K 16K 57
Published under IMMAC PPH Cyienna Calixta Marcielo-more on-Ciara Callista Martell, a Runaway Royalty to get away from what her mother wants, running...
24.9K 1.3K 27
- refers to being entangled or ensnared by a strong desire or urge to do something that may be considered wrong or forbidden. 05 | 15 | 24