MISS FOREIGNSYANA [Under Revi...

By Read_Gin

113K 6.1K 128

Sassy Lopez is a bubbly alluring maiden who grew up in the province. Desperate to help her family she decided... More

MISS FOREIGNSYANA
𝗖𝗛𝗔𝗣𝗧𝗘𝗥 𝟭
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53

CHAPTER 7

2.8K 186 4
By Read_Gin

Sassy's POV

Hindi ko alam kung saan kami pupunta ni Kyle. Ayaw niya naman kasing sabihin. Sinuot ko nalang ang dilaw kong baro't saya kasi wala naman na akong ibang pang alis na damit. Tinirintas ni ate Nida ang hanggang bewang kong buhok tsaka pinahiram niya ako ng flat shoes. Tsenelas lang kasi ang meron ako tsaka sakto naman hindi gano'n kalaki ang paa ni ate Nida kahit medyo chubby siya.

"Sigurado kang ayaw mo talagang pahiramin kita ng damit? Maghahanap ako ng kakasiya sayo," sabi ni ate Nida matapos niya akong lagyan ng polbo. Nandito ako sa kwarto nila ni mama. May salamin sila dito e tsaka sabi ni ate Nida dito niya na daw ako aayusan.

"H'wag na ate, okay na 'to. Hindi ba maganda?," tumayo ako at umikot sa harap niya. Hindi siya agad nakasagot. "M-Maganda naman pero kilala mo naman si young master kapag hindi niya nagustuhan siguradong masasabon ka"

Muli akong tumingin sa pabilog na salamin na nakadikit sa pader. Maayos naman akong tignan ah, malabong ikakagalit niya 'to. Pambansang kasuotan kaya ng mga kababaihan ang baro't saya.

"Isusumbong ko siya kay Dr JP Rizal Mercado Y Alonso Realonda"

"Ha?"

Tumawa ako. "Umaygash nakalimutan ko, ang pilipinas pala ang pinaglaban ni Dr. JPRMYAR, hindi itong baro't saya." Hindi naman maipinta ang mukha ni ate Nida habang nakatingin sa'kin. "Sorry 'be hindi kita magets. Tayo ka na diyan baka hinihintay ka na ni young master sa labas"

Naglakad na kami palabas ni ate Nida. Nakasalubong namin si madam Flor nang dumaan kami sa fucking grand hall. "Hi! Good morning po," bati ko sa kaniya.

"Saan ka naman pupunta?," lumapit sa'kin si madam Flor at pinasadahan ng tingin ang suot ko. Nasa likod lang ang mga kamay niya habang tinitignan ako mula ulo hanggang paa. "May pupuntahan daw kami ni Kyle— este ni young master"

May sasabihin pa sana si madam Flor pero bigla nalang dumating si Kyle na kakababa lang ng hagdan. Agad na nagbow si ate Nida tsaka si madam Flor. Di naman hari 'yang si Kyle Vin ah ba't kailangan magbow sa kaniya?

Hindi ako nagbow at nanatili lang na nakatayo. Napalingon ako ng higitin ni madam Flor ang braso ko. Pinandilatan niya ako ng mata. "Po?"

"Yumuko ka!," mahinang sabi niya sakto lang para marinig ko. Sumulyap ako kay Kyle na nagc-cellphone at parang di nga kami napansin dito. Napipilitan akong nagbow. 'Yong bow na parang maaabot na ng ulo ko 'yong sahig. Itinago na ni Kyle ang cellphone sa bulsa niya. Nag angat siya ng tingin at nakita niya ako.

"Anong ginagawa mo?," nagtatakang tanong niya. Umayos ako ng tayo at malawak na ngumiti. "Sabi nila magbow ako." Nginuso ko sina madam Flor at ate Nida pero pareho na silang nakayuko ngayon.

"Bow ba 'yon? Tsk, sumunod ka na, aalis na tayo" bwelta ni Kyle bago kami lampasan.

Nagulat ako kasi bigla nalang sumulpot si Vivian. Nagbow siya tapos binuksan ang pinto para makalabas si Kyle. Napailing nalang ako. Kaya naman na niyang buksan ang pinto para sa sarili niya e. Feeling prinsepe talaga 'tong Kyle na 'to dati hindi naman siya ganiyan.

"Alis na po ako," paalam ko kina madam Flor. "Ate Nida pakisabi nalang kay mama umalis ako"

Ngumiti si ate Nida at kumaway. "Ingat!"

***


Napahinto ako sa tapat ng mall. Hindi ko mapigilan ang humanga sa sobrang laking gusali sa harap ko. Sa probinsiya meron ding mall pero sa barangay namin wala. Kapag gumagala ako nadaraanan ko ang mall sa kalapit na barangay. Never ko naman nasubukang pumasok. Natatakot ako e baka hulihin ako do'n. Bawal yata pumasok kapag wala kang pera pambili.

"Let's go"

Nakangiti akong sumunod kay Kyle papasok sa mall. Pinagsawa ko ang mga mata ko sa kakatingin sa mga bagay na ngayon ko lang nakita. Mga magagarang damit sa likod ng glass wall, mga food stalls, mga bilihan ng laruan at kung ano ano pa. May mga pamilya kaming nakakasalubong, mero'n namang couple tsaka syempre 'yong mga solo flight.

"Ano palang gagawin na'tin dito?," tanong ko.

"Baka matutulog," aniya.

"Ah talaga? Bakit 'di mo sinabi, sana nagpajama man lang ako"

"Bakit ba kasi ang dami mong tanong?," tugon niya habang hindi ako nililingon.

"Anong madami? E isa nga lang 'yon," bwelta ko.

Hindi siya umimik. Tumahimik nalang ako at sumunod sa kaniya. Sa kung saan man siya pupunta. Napansin kong ang ilang nakakasalubong namin napapatingin sa'kin. Ba't kaya? Napatingin ako sa suot ko, wala namang dumi. Kinalabit ko si Kyle at inis naman siyang lumingon.

"May dumi ba ako sa mukha?," tanong ko.

"What?"

"Tignan mo kung may dumi kasi napansin ko napapatingin sa'kin 'yong mga tao e," sinabayan ko siya sa paglalakad. Napipilitan pa siyang tumingin sa'kin. Ibinaba niya ang kamay kong nakalapat sa pisngi ko. Pinagmasdan ko ang bawat pagkurap ng mapungay at abuhin niyang mga mata. Heto nanaman, hindi ko mapigilang humanga sa maamo niyang mukha.

"Wala naman," sabi niya. Sumulyap siya sa mga nakakasalubong namin. 'Yong babae halatang nagpipigil ng tawa matapos pasadahan ng tingin ang suot ko. Ano bang problema nila?

"Ano bang pumasok sa isip mo at 'yan ang sinuot mo?," nayayamot na tanong ni Kyle. Napataas naman ang kilay ko sa tinuran niya. Pinasadahan ko din ng tingin ang suot niya. Meron pa siyang sunglasses na nakasabit sa puting t-shirt niya ta's itim ang shorts niya at — mukhang mamahalin ang sapatos niya. "Edi sige ikaw na ang rits kid!"

"The point here is, iayon mo sa okasyon ang susuotin mo tsk!"

"Alam mo bang ito ang sinusuot ng mga kababaihan noon? Kahit nasa bahay lang sila tapos kapag may pupuntahan sila ibang desenyo naman ng baro't saya ang susuotin nila. Ngayon mo sabihin sa'kin kung bakit big deals ang pagsusuot ko nito ngayon," paliwanag ko. Pinagkrus niya ang braso sa dibdib at bagot akong tinignan. Akala mo naman teacher niya ako sa Math kung makatingin siya parang nagpapaliwanag ako ng aralin na di naman siya interesado.

"It's deal, by the way. Not deals"

"Edi ikaw na matalino, dictionary ka ba?"

"Because I give meaning to your life?," ngumisi siya. Nagbibiro ba siya? Hindi 'yon pick up line e. Naiinis ako kasi mas pinagtuunan niya ng pansin ang grammar ko kesa sa paliwanag ko.

"Bahala ka, basta ako susuotin ko kung anong gusto ko!," nauna akong naglakad at nilampasan siya. Narinig ko ang mahinang tawa niya.

Napahinto ako ng mapagtanto na hindi ko naman pala alam kung saan pupunta. Nilingon ko siya. "Saan ba tayo pupunta?"

"I thought you know. Do'n," tinuro niya ang may nakasulat na National Book Store. Tumango nalang ako at nauna ng pumunta do'n. Ngayon siya na ang nakasunod sa'kin. May iba pa ring napapatingin sa'kin pero hindi ko nalang pinapansin.

Sa tingin ko naman walang masama sa suot ko. Hindi naman ipinagbabawal ang baro't saya diba? Tsaka wala naman akong nasasaktang iba dahil nagsuot ako nito. Sino ba ang naiinitan e ako naman. Di nga ako nagrereklamo buti nalang malamig dito sa loob ng mall.


"Wow! Ang ganda naman niyan Aling Dulce. Sa sabado nalang po ang bayad ah kasi hindi pa po nasuswelduhan si papa kahapon"

Nakangiting inabot sakin ni Aling Dulce ang tinahi niyang baro't saya. Buwan ng wika kasi namin ngayon at kailangan magsuot kami ng national costume.

"Saka mo na isipin ang bayad, isuot mo na iyan at baka malate ka sa program niyo"

"Opo, thank you so very very much"

Simula pa no'ng baby ako si Aling Dulce na ang nagtatahi ng mga damit ko. Best friend kaya sila ni mama. Pero ewan ko ba't di ko naging ninang si Aling Dulce. Baka ayaw niya.

"Merly! Sa'n ka pupunta?," tawag ko sa kaibigan ko nang makita ko siya sa hallway. Mukhang nagmamadali siya.

"Magsisimula na ang program!," sigaw niya habang tumatakbo papunta sa stage. Kasali kasi siya sa Glee club. 'Yong kumakanta kanta tuwing may program.

Sumunod ako sa kaniya. Ang dami ng tao sa baba ng stage. Ang ganda tignan kasi lahat nakasuot ng national costume. Parang bumalik lang kami sa nakaraan. Umakyat si Merly sa stage kasama ang mga kagrupo niya sa Glee club.

Iginala ko ang paningin sa paligid. Napasimangot ako nang hindi mahanap ang hinahanap ko. "Nasa'n na 'yon?"

"Handa, awit!"

Inilagay ko ang kamay sa dibdib at tumayo ng tuwid. Nagsimula nang umawit ang Glee Club. Natapos ang pag awit ng lupang hinirang pero hindi ko pa rin makita si Kyle.

Pabagsak akong umupo sa bakanteng silya. Nawalan na ako ng ganang manuod ng program. Sabi niya pupunta daw siya pero wala naman siya dito.

Maya maya lang habang nagsasalita ang host do'n sa stage bigla nalang may tumakip sa mga mata ko. Ang bango ng kamay niya. Pamilyar sa'kin ang pabango niya kaya napangiti ako.

"Sino 'to? Nestor ikaw ba 'yan?," biro ko at tumawa pa.

Inalis niya ang pagkakatakip sa mga mata ko. Nilingon ko siya. Nangamatis ang mukha ko nang makitang sobrang gwapo niya sa suot na barong. Ayos na ayos ang buhok niya. Gusto kong matawa dahil ginaya niya ang buhok ni  Dr. JPRMYAR pero ang totoo ang cute niyang tignan.

"Anong Nestor? Crush mo 'yon 'no lagi mong binabanggit e," sabi niya. Umupo siya sa tabi ko. Hindi ko mapigilan ang mapangiti.

"Di ah, ikaw crush ko e," sabi ko. Nanlaki ang mga mata ko at agad na napatakip ng bibig. Nang sulyapan ko siya nakatingin pa rin siya sa stage. Nakahinga ako ng maluwag, hindi niya yata narinig ang sinabi ko. Buti nalang.

Merong intermission number ang grade 5. Sumayaw sila ng tinikling. 'Yong isang babae, hanggang bewang ang buhok niya. Hindi ko naiwasang makaramdam ng kaunting inggit.

"Ang ganda ng buhok niya 'no," sabi ko habang hindi inaalis ang tingin do'n sa nagsasayaw na babae.

Napasulyap sa'kin si Kyle. Hindi ko siya nilingon. Binalik niya ang tingin sa stage at ngayon pareho na naming tinitignan ang babaeng may nakakaagaw pansing buhok.

"Maganda din naman buhok mo ah," sabi niya. Tumingin ako sa kaniya at ngumiti. "Panlalaki gupit ko, maganda ba 'yon?," tumawa ako. Kahit ang totoo, medyo nasasaktan ako kasi gusto ko din ng mahabang buhok tulad ng ibang babae. Pero hindi pwede. Bakit kasi iba ang kulay ng buhok ko?

"Kahit anong gupit, bagay naman sayo," sabi pa niya. Ngumiti nalang ako. Simula no'ng makilala ko si Kyle at naging kaibigan ko siya. Never pa niyang ipinadama sa'kin na naiiba ako.

Natapos na ang intermission number ng grade 5. Sinundan ko ng tingin ang babae hanggang sa makababa siya ng stage. "Ang ganda niya 'no?"

Matunog na ngumiti si Kyle. Tumingin siya sa'kin. "Sino?"

"'Yong babae, ang ganda ng buhok niya tsaka ang ganda niya," sabi ko. Tumango siya. Maya maya pa umusog siya ng konti kaya ang lapit na namin sa isat isa.

"Bakit?,"  nagtatakang tanong ko. Bumulong siya sa tainga ko.

"May nakita ako.. mas maganda pa do'n sa tinuro mo"

"Saan?," agad kong inilibot ang paningin sa paligid.

"Her eyes were blue, her smiles were perfect it's true. The most beautiful girl I know, it's you"



Marahan kong sinampal ang sarili at nang magising ako. Bakit ko ba iniisip 'yon? Ang mga alaalang 'yon. Bakit ba panay na ang pagf-flashback sa isip ko?

Pinanuod kong magtulak ng cart si Kyle habang namimili ng mga school supplies. Minsan kaya, naiisip din niya ang mga alaala na magkasama kaming dalawa?

"Tignan mo 'to kung magugustuhan mo," nilingon niya ako. Lumapit ako sa kaniya at tinignan ang mga notebooks sa counter. "Pumili ka ng gusto mo," aniya.

"Teka bakit? Gusto mong ako ang pumili ng notebook mo?," tumawa ako ng mahina. Hanapan ko nga 'to ng panget na notebook.

"It's for you, stupid"

"S-Sakin?," tinuro ko pa ang sarili. Di ako makapaniwalang bibilhan niya ako ng school supplies. Masyado naman siyang mabait kung gano'n.

"Just grab everything you need," sabi niya. Tumunog ang cellphone niya kaya agad niya 'yong tinignan. "Sagutin ko lang 'to." Tumango ako at ngumiti. Naglakad siya palabas ng bookstore at saka niya sinagot ang tawag.

Umaygash! Teka bakit ba ako nakangiti? H'wag kang ngumiti Sassy ano ba. Bakit kasi bigla nalang siyang naging mabait tapos nagpaalam pa na sasagutin niya lang ang tawag? Bakit? Feeling girlfriend ako gano'n? Aish ano magiilusyon nalang ako dito.

"I hope I have a boyfriend like him"

Napalingon ako sa babaeng nagsabi no'n. Dalawa sila, parehong nakatingin kay Kyle do'n sa labas. Hindi nila yata napansin na nakatingin ako sa kanila.

"Yeah girl, gusto ko din 'yong sinospoil ako," sabi pa 'nong babae na may kulay green na highlights sa buhok niya.

Ilang minuto pa at ibinaba na ni Kyle ang cellphone. Pabalik na siya sa loob ng bookstore. Nagsimula ng maglakad ang dalawang babae. Napasulyap sila sa'kin. Mabilis akong nag iwas ng tingin at nagkunwaring tumitingin tingin sa mga notebooks.

"Hindi rin siya mapili, look his girlfriend's jologs." Malakas ang pagkakasabi ng babae nang dumaan sila sa likod ko. Nagtawanan pa sila. "No girl, naligaw siya galing talaga siya sa ibang panahon"

Nang makalayo na sila, saka lang ako nag angat ng tingin. Ako ba ang tinutukoy nilang jologs? Galing sa ibang panahon? Anong karapatan nilang sabihin 'yon? Porque hindi branded na crop top, rip jeans at high heels ang suot ko? Jologs na ako?

"Nakapili ka na ba?"

Bahagya akong napatalon sa gulat dahil bigla nalang sumulpot sa tabi ko si Kyle.

"Oo nakapili na ako," Nilagay ko sa cart ang kahit anong mabunot ko. Bahala na pareho lang namang notebook 'to.

"Anong pinili mo?," tanong niya.

"Ikaw— este ito!," mabilis kong winagayway ang notebook. "I-Ikaw anong napili mo?"

Letche ano ba naman 'tong pinagsasabi ko.

Continue Reading

You'll Also Like

17K 938 27
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...
100K 6.7K 4
Maia Celine Zorales vowed to never cross paths with Finley Angelo Suarez again... which was hard considering that they are attending the same school...
35.2M 1.2M 37
Agatha suffers from a rare disorder that makes her sleep in a long period of time. But what happens when the modern-day sleeping beauty meets an idio...
176M 3.9M 68
[BAD BOY 2] You can't turn a bad girl good, but once a good girl's gone bad, she's gone forever. Yang ang motto ni Candice. Sa pagmamahalan na meron...