MISS FOREIGNSYANA [Under Revi...

By Read_Gin

113K 6.1K 128

Sassy Lopez is a bubbly alluring maiden who grew up in the province. Desperate to help her family she decided... More

MISS FOREIGNSYANA
π—–π—›π—”π—£π—§π—˜π—₯ 𝟭
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53

CHAPTER 6

2.9K 194 2
By Read_Gin

Sassy's POV

Kanina pa tahimik dito sa loob ng kotse ni Kyle. Nakatingin lang ako sa bintana at siya naman nakatingin sa manebela. Di niya naman pinapaandar ang kotse. Nakita kong umalis na ang kotse ni Kent. Nakasunod naman ang kotse ni Kean.

May iilang kotse pang nakaparada pero hindi naman siguro namin hihintayin na makaalis lahat bago kami umalis diba?

Tumikhim siya kaya napalingon ako sa kaniya. Pareho kaming naiilang na tumingin sa isa't isa. Bakit ko kasi sinabi ang buong pangalan ko kanina e! Pano ko na malulusutan 'to? Umaygash! Maawa ka Kyle ayoko ng pag usapan ang nakaraan.

"So.. how are you?," casual niyang tanong habang nakatingin sa'kin.

"Anong how are you? Magkasama lang naman tayo mula kanina," bwelta ko.

"Alam mo ang ibig kong sabihin. We never saw each other for almost 4 years. Pa'no mo ako nahanap?"

Mabilis akong napasulyap sa kaniya. "Aba ang kapal, hindi kita hinanap ah!"

Baka iniisip na nitong hinanap ko talaga siya kasi gano'n ko siya kamahal— as best friend. Pero nagkakamali siya, never! Bakit ko pa hahanapin ang taong iniwan ako aber? Hindi ako tanga para maghabol sa taong nangakong babalik pero hindi naman pala.

"Well, but anyways dumating ka kahapon sa bahay, hindi ka man lang nagpakilala.," aniya.

"Huh? Bakit? Pano? Sa inasta mong 'yon magpapakilala pa ba ako? Tsaka kasalanan ko bang hindi mo man lang tinanong ang mga magulang mo kung sino ang kinuha nilang PA para sayo?," paliwanag ko. Hindi naman siya agad na nakasagot.

Teka.. pano kaya kung sabihin kong hindi ako 'yong best friend niya? Past is past naman na kasi. Tsaka hindi ko alam kung maibabalik pa ba namin ang dati. Lalo na ngayon na boss ko na siya.

"You changed, hindi kita nakilala. That blue eyes though, may kutob na ako pero hindi pa rin agad ako naniwala. Bagay pala sayo ang mahaba ang buhok e," ngumiti siya. Napahawak naman ako sa buhok ko. Kaya pala.. never niya pa kasi akong nakita na may mahabang buhok. Pareho kami ng haircut ng kuya ko dati e.

"Ano bang sinasabi mo?," nag iwas ako ng tingin at bumaling nalang sa bintana. Tama bang hindi ko sabihin ang totoo kahit obvious naman? Ayokong aminin sa kaniya na ako 'to, 'yong best friend niya na iniwan niya lang naman.

"Ilang beses ko ding sinubukan na bumalik sa probinsya kasi nangako ako sayo—"

"Alam mo hindi kita maintindihan, n-nagkakamali ka lang. Napagkamalan mo yata akong kakilala mo," pilit akong tumawa.

H'wag mo ng balikan, masakit.

Hindi siya agad nakasagot. Ilang segundo niya akong tinitigan at para bang binabasa ang nasa isip ko. "C'mon I know it's you, sino pa ba ang Sassy Lopez dito sa mundo, na taga probinsya at may asul na mga mata? Ikaw lang 'yon"

Hindi ako kumibo. Bahagya niyang inilapit ang mukha sa'kin. Bigla nalang tinambol ang dibdib ko. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko. Ramdam na ramdam ko ang init ng mga palad niya. Inangat niya ang mukha ko para tumingin sakanya.

"I know it's you, Sassy. We meet back when we were in grade 6. When I was in the midst of my lonely journey, you found me and their I found my home" Nilantad ng abuhin niyang mga mata ang alaala naming dalawa.

"Hi! My name is Sassy Lopez, I'm 12 years old. I live in Barangay Rosas. My hobbies are playing tagu -taguan and I sing and I dance and I — and I am helping my mother and my father and my brother — and we— we plant rice. I believe in the saying that time is gold. My talent is singing.. aheem! Aheem! ♪Di mo alam dahil sayo ako'y di makakain, di rin makatulog buhat ng iyong lokohin. ♪Kung ako'y muling iibig sana'y di maging katulad mo, tulad mo na may pusong batooooo whooooaaa yeahhh♪. Thank you"

Nagpalakpakan ang mga kaklase ko tsaka si Ma'am matapos kong magpakilala sa gitna. First day of school namin at nasa grade 6 na ako. Marami akong bagong kaklase. 'Yong iba galing sa ibang section last year. 'Yong iba naman galing sa ibang barangay. Pamilyar naman sila kasi lagi naman akong gumagala sa kalapit na barangay. Pero isang kaklase ko ang hindi ko malaman kung saan ba siya galing. Ngayon ko lang siya nakita. Para siyang artista, ang kulay ng kutis niya pangmayan kasi ang kinis at ang puti niya di tulad ng mga taga dito sa'min. Ang cute din niya hehe.

"My name's Kyle Vin Fuentes."

'Yon lang ang sinabi niya tapos bumalik na siya agad sa upuan niya. Ang tipid naman magsalita no'n. Sinundan ko siya ng tingin. Nang magtama ang mga mata namin do'n ko napansin na kulay grey pala ang kulay ng mga mata niya. Ngumiti ako at kumaway sa kaniya pero deadma ang Lolo niyo.

Habang may sinasabi si ma'am sa gitna napansin ko ang dalawang classmate kong lalaki. Sina Ronaldo at Marcelito. Nagbubulungan sila at nagtatawan. Nakaupo sila sa likod ni Kyle. Binantayan ko sila kasi may pakiramdam akong may hindi sila magandang gagawin. May sinulat si Ronaldo sa papel niya. Tapos pinunit niya 'yon at nilagyan ng tape. Maingat na tumayo si Marcelito at dinikit 'yong papel sa likod ni Kyle.

"Bak.la a.ko," basa ko do'n sa nakasulat sa papel. Palihim namang humagikgik ang dalawa. Walang ano ano'y nagtaas ako ng kamay.

"Yes, Sassy?," tawag sa'kin ni ma'am. Tumayo ako at tinuro sina Ronaldo at Marcelito. "May dinikit pong papel sina Ronaldo sa likod ni Kyle"

Kinapa naman ni Kyle ang likod at nakuha niya ang papel. Nakita kong bumuntong hininga siya nang mabasa ang nakasulat. Napayuko nalang siya.

"Ronaldo! Marcelito kayo ba ang may gawa niyan kay Kyle?," tanong ni ma'am. Mabilis namang umiling ang dalawa.

"Nakita ko kayo ah! Ma'am nakita ko sila," sabi ko.

"Magpaiwan kayong dalawa Ronaldo at Marcelito pagkatapos ng klase mag uusap tayo," sabi sa kanila ni ma'am. Pereho silang tumingin sakin pero tumawa lang ako. "Bleh!"

Recess na namin. Sasama sana ako sa mga kaibigan ko papunta sa canteen pero nakita ko si Kyle na mag isa sa room. Naka upo lang siya do'n habang nagc-cellphone. Nagpaiwan nalang ako. Lumapit ako sa kaniya at umupo sa tabi niya.

"Hi! Ako si Sassy"

"Alam ko," mabilis niyang tugon. Walang kasigla sigla ang boses niya. Ang lamig lang gano'n robot ba siya?

"Bago ka dito? Saang school ka galing?," sunod sunod kong tanong.

"Bakit?," iyon lang ang itinugon niya.

"Wala, gusto ko lang malaman. Bakit ang konti mo magsalita?"

"Anong pake mo?," aniya habang nakatutok pa rin sa cellphone.

Napanguso ako. "Ang sungit mo naman"

"Hindi mo kasi alam ang pakiramdam ng mag isa," sabi niya saka tumayo at lumipat sa ibang silya. Sumunod ako at umupo sa tabi niya.

"Alam ko ang pakiramdam ng mag isa. Pero alam mo hindi ka mag isa ngayon, nandito ako," ngumiti ako sa kaniya.

Hindi siya kumibo. Sumulyap ako sa nilalaro niya. Parang nakakatakot 'yong games niya. Ang dilim tapos may bigla nalang sumulpot na—

"ASWAAANNGGG!"

Napatalon ako sa kinauupuan ko. Tinignan niya ako at humagalpak siya ng tawa. Napangiti ako ng makitang tumatawa siya. Kanina ang seryoso kasi ng mukha niya. Marunong naman pala siyang ngumiti e.

"Slenderman X version 9 'to, gusto mo maglaro?," tanong niya. Umiling ako at bumalik na ulit sa tabi niya.

"Nakakatakot naman yan e," sabi ko.

"Mas nakakatakot mag isa," aniya habang nakatutok na ulit sa cellphone.

"Hmm bakit ba parang ang lalim ng pinaghuhugutan mo? Ganito nalang.. simula ngayon hindi ka na mag iisa. Sasamahan na kita palagi dahil magiging magkaibigan na tayo forever," sabi ko.

Napatigil siya sa nilalaro at sumulyap sakin. "Promise?"

"Promise!," nagpinky promise kaming dalawa. Muli ko nanamang nasilayan ang ngiti niya.

"Tsaka 'wag mo ng isipin 'yong kanina ah masama lang talaga ugali nila Ronaldo e," sabi ko.

"Ah.."

"Hindi ka naman bakla diba?"

"Hindi, ikaw bakla ka ba?"

"Hindi ah! Babae ako tignan mo nakapalda ako," depensa ko. Naningkit ang mga mata nya. Tinignan niya ang mukha ko tsaka 'yong buhok ko. "Ba't hindi mahaba ang buhok mo? Ang gupit mo panlalaki. Tomboy ka?"

"Hindi! Kapag kasi mahaba ang buhok ko maraming pangkulay sa buhok ang magagamit. E nagtitipid kami kulang pa sa pangkain namin ang kinikita ng papa ko sa bukid"

Hinawakan niya ang buhok ko. Hinayaan ko lang siya, ginulo ko ang buhok niya at pareho naman kaming natawa.

"Bakit kinukulayan ang buhok mo?," nagtatakang tanong niya. Lumapit ako sakanya para bumulong. "Kasi bawal daw ang blonde 'yong buhok dito"

"Blonde? You're not a foreigner, aren't you?"

"Huh? Sabi ni kuya may sakit ako e, tignan mo blue ang mata ko"


Naputol ang pananaginip ko ng gising nang ipreno ni Kyle ang sasakyan. Bumuntong hininga ako. Hindi pala ako nananaginip ng gising, bumabalik lang ang alaala ng nakaraan.

"I wonder why you forgot about me, masyado na yatang matagal ang apat na taon," mahihimigan ang lungkot sa boses niya.

Matagal ang apat na taon. Pero maniwala ka, hindi kita nakalimutan.

***

Linggo.

"Ma, wala ba tayong day off?"

"Hindi ka ba sinabihan nila ma'am tungkol sa day off mo? Ang alam ko linggo ang day off ng mga katulong dito", paliwanag ni mama. Tumango na lang ako. Pinapanuod ko sya habang nagluluto dito sa dirty kitchen. Tulog pa naman si Kyle kaya wala pa akong gagawin.

Nang maboryong ako sa kusina naisipan ko na hanapin si ate Nida. Makikipagkwentuhan nalang muna ako sa kaniya habang wala pa naman akong ginagawa.

Habang naglalakad sa pasilyo nakasalubong ko si Vivian. "Hi! Good morning," bati ko. Hindi niya ako nilingon. Nilampasan niya ako na animong hangin lang ako. Hmm bakit kaya ayaw niya akong pansinin?

Naabutan ko si ate Nida na nagdidilig ng halaman sa garden. Tinulungan ko siya at nalibang na rin ako sa pakikipag kwentuhan sa kaniya.

"May pasok ka na pala bukas, good luck nalang sayo sana hindi ka pahirapan ni young master," sabi ni ate Nida. Umupo kami sa bench nang matapos kami sa pagdidilig.

"Hindi naman siguro," sabi ko. Natawa nalang ako sa naisip. Ngayong kilala na niya ako. Duda akong magpapatuloy ang pagsusungit niya.

"SASSY!"

Nangibabaw ang boses ni Kyle. Sabay kaming napalingon ni ate Nida sa glass door. Mabilis kaming tumayo nang makitang ang sama ng tingin ni Kyle. Ano ba 'yan masama gising.

"Magbihis ka may pupuntahan tayo," sabi niya.

"Saan?"

"Pwede bang h'wag ka ng magtanong? Double time! Don't make me wait", aniya bago kami talikuran. Sumimangot lang ako. Grabe akala ko magiging mabait na siya. Bakit ba siya ganiyan?

"Bilis na 'be, baka magalit pa sayo si young master," marahan akong itinulak ni ate Nida papasok sa loob ng mansion.

Continue Reading

You'll Also Like

1.6M 71.8K 103
"I will rule all of you." Raiven said to the last section. Mahirap makihalubilo sa isang seksiyon na lahat ay lalaki. Mas lalong mahirap kung makas...
28.4M 1M 68
(Academy Series #1) The Gonzalez heir, Kairon, was sent to Garnet Academy to ensure his safety against the suspected hierarchy war. Appointed as the...
24.7M 558K 157
This is not a love story. This is a story about LOVE.
590K 15.2K 46
Cassette 381 Series #1 For Serenity Hiraya AΓ±asco, being an honor student has always been a piece of cake. She would never understand the word "failu...