MISS FOREIGNSYANA [Under Revi...

By Read_Gin

113K 6.1K 128

Sassy Lopez is a bubbly alluring maiden who grew up in the province. Desperate to help her family she decided... More

MISS FOREIGNSYANA
𝗖𝗛𝗔𝗣𝗧𝗘𝗥 𝟭
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53

CHAPTER 5

2.9K 173 6
By Read_Gin

Sassy's POV

Hindi ko akalaing sobrang galing pala maglaro ng basketball si Kyle. Dati magaling lang siya e. Ngayon lahat ng tira niya hindi nagmimintis. Kanina ko pa gustong magcheer dito e pero bilin niya kasi tumahimik daw ako. Para namang susundin ko talaga ang sinabi niya. Kumukuha lang ako ng bwelo.

Pinasa ni number 4 ang bola, nasalo ni Kyle. Nagdribble siya ta's umilag do'n kay number 23. Tapos nagdribble ulit.. humakbang papunta sa ring.. tumalon..

Shoot!

"AYOOOONNNN! Whoooaaa! Nice one!," sigaw ko pa.

Di ko na napigilang tumayo at pumalakpak. Nilingon ako ng ilang kasama niya at nginitian. Ang iba natawa lang. Nagtama ang mga mata namin ni Kyle, ngumiti ako at nagthumbs up pero tumalikod lang siya at nagpatuloy ulit sa paglalaro. Tatandaan ko ang numerong yan.


FUENTES
8


Nalibang ako sa panunuod sa kanila. Syempre panay ang tayo at palakpak ko kasi laging nakakashoot si Kyle. Minsan kapag nakakapuntos ang mga kasama niya pumalakpak din ako. Ba't kasi ako lang ang nanunuod dito? Sa'min sa probinsya kahit walang ganito kakintab na sahig at nasa ilalim lang ng tirik na araw ang dami pa ring nanunuod. Tsaka ang saya lang, sapat na ang basketball ring para makapaglaro 'yong mga kalalakihan do'n sa'min. Masyadong magara 'tong kina Kyle. May uniform pa sila e nakajersey oh. Sa'min 'yong mga naglalaro minsan wala ngang t-shirt e. Kaya ayon tustado ng araw ang balat.

Ilang oras din ang lumipas at natapos na silang maglaro. Tumayo ako at binuhat ang bag ni Kyle. Hindi naman gano'n kabigat, sakto lang. Ano bang laman nito? Tinawag sila ng coach nila kaya lumapit silang lahat.

"Coach dito pa rin ba ang susunod na practice? Hindi ba sa university? May pasok naman na sa lunes e," tanong ng may number 15 sa jersey. Si Gomez.

"Sa University na Dre, di ka umattend sa meeting no'ng isang araw 'no?," mapang asar na tumawa 'yong si number 4. Si Ruiz. Napakamot nalang ng batok si Gomez.

"Lagi kang wala sa meeting Kenneth isa pang absent mawawala ka na din sa team ko," sabi pa ng coach kay Gomez. Inasar naman siya ng mga kasama. "Walang aabsent sa practice sa susunod na sabado," bilin ng coach bago siya naunang lumabas ng court.

Pumihit si Kyle at agad na kumunot ang noo nang makita ako sa tapat niya. Ngumiti ako at inabot sa kaniya ang water bottle at towel na nakuha ko sa bag niya. H'wag niyang sabihin na ako pa magpupunas ng pawis niya. Ano siya Santo?

Kinuha niya sa kamay ko ang water bottle. Pinanuod ko siyang uminom. Napakagat ako ng pang ibabang labi ko habang pinapanuod siyang uminom. Bumaba ang tingin ko sa adams apple niya at napaawang nalang ang bibig ko.  Dumako ang mga mata ko sa leeg niyang pawis na pawis at sa biceps niyang ang sarap kurutin— umaygash!

"Hey!"

Nagulat ako at bahagyang napatalon. Tapos na pala siyang uminom, kanina niya pa inaabot sa'kin ang water bottle. Ang sama ng tingin niya sakin, patay malisya akong nag iwas ng tingin saka binigay sa kaniya ang towel. Naglakad siya papunta do'n kay Gomez at Ruiz.

Nang tuluyan siyang makalayo ay tumalikod ako at impit na napatili. Sinampal ko ang sarili ng dalawang beses. "Letche pinagpapantasyahan ko ba siya?! Bakit parang nauhaw ako bigla?" Wala sa sariling napainom ako ng tubig sa water bottle niya.  Napansin ba niyang nakatulala ako sa kaniya kanina? Ano kayang itchura ko habang pinapanuod siyang uminom? Hindi niya naman nababasa ang naiisip ko diba?

Bumalik ako do'n sa breabers— breakers — breacherts— ah basta! 'Yong inuupuan. Yakap yakap ko pa rin ang bag niya habang pinapakiramdaman ko ang sarili.

Ano bang nangyayari sa'kin? Hindi ako pwedeng humanga sa kaniya. Sa kagwapuhan niya. Sa katawan niya. Aaaahhhh! Ba't naman ako hahanga sa katawan niya? Kadiri 'tong pinag iisip ko. Tandaan mo best friend mo siya Sassy, siya 'yong dating best friend mo.. na dating crush mo din. Aish.. ayaw ko na.

"Mauna na kami, kita nalang tayo sa University," paalam pa ng mga kasama ni Kyle. Nauna na silang lumabas. Naiwan naman kami ni Kyle tsaka 'yong si Gomez at Ruiz.

"Dre, di mo ba ipapakilala 'tong kasama mo?," sabi ni Ruiz habang nakatingin sa'kin. Nakatingin na pala silang tatlo sa'kin. Ngumiti lang ako. Ang cute nitong si Ruiz, nawawala 'yong mata kapag nakangiti.

Tumayo ako at lumapit sa kanila. "Hi!," kumaway pa ako sa kanila.

"Ilang days na kayo ni Kyle?," walang prenong tanong ni Ruiz. Binato naman siya ng nakakamatay na tingin ni Kyle kaya nagpeace sign siya.

"Ayusin mo naman ang tanong Dre," sabi naman ni Gomez. Tumingin siya sa'kin. Nakikita ko si kuya Sam sa kaniya. Seryoso pero parang kalog din naman. "You're American, right? You only understand few Tagalog words? Your blue eyes is beautiful like you"

Ngumiti ako. Ba't ba siya nag English? Parang maganda naman ang sinabi niya may beautiful akong narinig e.

"She's from the province," saad ni Kyle.

"Tama siya!," pagsang ayon ko.

Sabay namang napatingin sa'kin si Ruiz at Gomez. "Nagtatagalog ka?," sabay nilang sambit.

"Ul*l anong akala niyo sa kaniya foreigner? PA ko 'to galing probinsya," sabat ni Kyle.

Nagkatinginan naman ang dalawa na animong hindi makapaniwala. Bakit ba nila naisip na hindi ako nagtatagalog e panay sigaw nga ako kanina ng Ang galing niyo! Good game! Tapos iniisip pa nilang di ako nagtatagalog?

Napatingin sila sa suot ko. Nakasuot lang naman ako ng asul na blouse at palda na hanggang sakong tsaka naka tsenelas din ako.

"Oo nga dre, 'yong damit niya di naman pang foreigner," mahinang saad ni Ruiz.

"Ano naman? By the way, I'm Kenneth Gomez. You can call me Kent," nilahad niya ang kamay at ready ng makipagshake hands. Nakangiti ko namang tinanggap ang kamay niya.

"Kean James," ani Ruiz tsaka nakipagshake hands din.

Bigla akong napaisip, lahat sila ang pangalan nagsisimula sa K. Sign na ba 'to? Sila ba ang tunay na kahulugan ng KKK?

Napailing lang si Kyle bago niya agawin sa'kin ang water bottle. Akala mo naman inaangkin ko e. Mabilis kong iniwas ang paningin sa kaniya nang makitang iinom nanaman siya. Napasinghap ako ng maalalang uminom ako sa tubig niya kanina. Umaygash hindi naman niya siguro ako nakita. Dahil kung hindi siguradong patay nanaman ako nito.

"Ikaw anong pangalan mo?," tanong ni Kent.

"Sassy.. Sassy Lopez"

Naibuga ni Kyle ang iniinom na tubig. Ano nanaman ang problema ng isang 'to?

"Dre ayos ka lang?," tinapik siya ni Kean at Kent sa braso. Tumingin sa'kin si Kyle. Ang sama nanaman ng tingin niya. Ano nanamang kasalanan ko???

"Anong sabi mo?," kunot noong tanong niya.

"Wala—"

"Ang pangalan mo, sabihin mo ulit," putol niya sa sasabihin ko.

"Sassy? Sassy Lopez?," naguguluhang sambit ko.

"Sassy? Tangin@," napaatras siya at pumihit patalikod. "Bakit hindi mo sinabi?!"

"E bakit galit ka?!," pasigaw ko ring tanong.

"Uy Dre panong nangyari na ngayon mo lang nalaman pangalan ng PA mo?," nagtatakang tanong ni Kean.

Aish.. umaygash ngayon alam na niyang ako 'to ang dating best friend niya.

Continue Reading

You'll Also Like

28.4M 1M 68
(Academy Series #1) The Gonzalez heir, Kairon, was sent to Garnet Academy to ensure his safety against the suspected hierarchy war. Appointed as the...
336K 23K 94
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
625K 39.1K 58
Eight different students with eight different stories. No one told them that entering Royalonda High will be one of the biggest events of their lives...
177K 3.3K 74
She's Floricel Valencia Tahimik na buhay lang ang tanging gusto nya kaya nag paka layo layo sya sa pamilya nya. Pero talagang mapag laro ang tadhana...