Red Moon (Complete)

By TitoRudy1953

15.2K 1K 110

A vampire and human love trylogy. Mga pag-ibig na walang kamatayan kahit langit at lupa ang agwat sa isat-isa... More

Part 1 ... Duelo
Part 2 ...Unang Paghihiganti
Part 3 ..Pag-ibig na Walang Kamatayan
Part 4 . . . Konde Drakul
Part 5 ... Dugo ng Taong Lobo
Part 6 . . . Paghahanap kay Sofia
Part 7 . . . Ang Sumpa ni Yuri
Part 8 ... Babaeng Bampira
Part 9 . . . Poot na Nag-aapoy
Part 10 . . . Angkan ng mga Taong Lobo
Part 11 . . . Bampirang Makadiyos
Part 12 . . . Vladimir at Lucia
Part 13 . . . Pagsubok
Part 14 ... Bagong Vladimir . . Ang Bampira
Part 15 .. Ross at Michelle
Part 16 . . . Paghahanda sa Pagsalakay
Part 17 . . . Bampira Laban Taong Lobo
Part 18 ... Katapusan ng Paghihiganti ni Yuri
Part 19. . . Langit at Lupa
Part 20 . . . Nicholai
Part 21 . . . Jansen Ang Bagong Halimaw
Part 22 . . . Pagtatagpo ng Dalawang Puso
Part 23 . . . Sagupaan ng mga Bampira at Taong Lobo
Part 24 . . . Nabunyag na Lihim
Part 25 . . . Pangako
Part 26 . . Jansen ... Ang Halimaw
Part 27 . . . Vladivostok
Part 28 . . Paghihiganti ng Duke
Part 29 . . . Paghahanap kay Jansen
Part 30 . . . Bumaba ang Langit sa Lupa
Part 31 . . . "Mahal Kita Maging Halimaw Ka Man"
Part 32 . . . "Halimaw sa Dilim"
Part 33 . . . "Tagisan ng Lakas"
Part 34 . . . "Ang Lihim "
Part 35 . . . " The Boss "
Part 36 . . . " The Date "
Part 37 . . . "Muling Pagkabuhay ng Demonyo"
Part 38 . . . "Ang Katotohanan"
Part 39. . . " Ang Sorpresa"
Part 40 . . . "Kiel"
Part 41 . . . " Mahal Kita Maging Halimaw Ka Man"
Part 42 . . . "Sagupaan"
Part 43 . . . "Kasunduan"
Part 44 . . . "Gerald Von Hausler"
Part 45 . . . "Tatlong Puso sa Iisang Pag-ibig"
Part 46 . . . "Corregidor"
Part 47 . . . "Cruiser Yacht"
Part 48 . . ."Agaw Buhay"
Part 49 "Mahal Kita Maging Halimaw Ka Man!"
Part 50 . . . "Ensayo"
Part 51 . . . "Unang Laban"
Part 52 . . . "Milan"
Part 53 . . . "Ang Hudas"
Part 54 . . . "Morfori"
Part 55 . . . "Duelo"
Part 56 . . . "Mikhail"
Part 57 ... . "Ivano"
Part 58 . . . " Moog na Isla"
Part 59 . ."Mira"
Part 60 . . . "Sorpresa"
Part 61 . . . "Arielle"
Part 62 . . . "Astral Projection"
Part 63 . . . "Kiel"
Part 64 . . ."Lababan ng mga Nilalang ng Kadiliman"
Part 65 . . . "Pwersa Laban sa Pwersa"
Part 66 . . . "Limang Espirito ni Arielle"
Part 67 . . ."Preso"
Part 68 ... "Nag-aapoy na Galit"
Part 69 . . . "Kidnap"
Part 70 "Asul na Apoy"
Part 71 . . . "Pagsuko ng Taong Lobo"
Part 72 "Conde Drakul"
Part 73 " Igor Ang Higanteng Bampira"
Part 74 "Higanti ni Borgel"

Finale . . . " Arielle v/s Konde Drakul Huling Laban"

360 39 5
By TitoRudy1953

"Arielle v/s Konde Drakul Huling Laban"

---------

Hinahanap ni Mira ang kanyang anak. Hindi niya ito maramdaman. Tinignan niya ang malaking sawang nakatayo. May naka-umbok sa tiyan nito. Namula ang kanyang mukha dahil sa matinding galit. Lumitaw ang mga ugat sa kanyang noo at nagbaga ng kulay berde ang kanyang mga mata. Humahakbang siyang papalapit kay Borgel ang dambuhalang sawa.

"Kinain mo ang anak ko?" sabi niya kausap ang sawa gamit ang kanyang isipan na naririnig ng lahat ng mga bampira.

"Oo! Pinatay niya si Estefano ang aking kaisa-isang anak kaya dapat lang na buhay niya ang kabayaran!"

"Iyan ang pinakamalaking pagkakamaling nagawa mo! Ibang antas ang kapangyarihan ni Arielle. Kahit kaming lahat ay hindi na namin maabot ang kanyang kakayanan."

"Ha ha ha! Kahit anong sabihin mo pa ay huli na. Ano ang magagawa niya ngayong nasa loob na siya ng tiyan ko!"

"Hark! Hark! Hark! Oo nga naman. Kung malakas nga ang anak mo bakit hinayaan niyang kainin siya ni Borgel." sabi ni Konde Drakul na nang-uuyam pa.

Sumingasing si Mira dahil sa galit kay Borgel. Lalong nagbaga ang kanyang mga mata. Nabuo ang mga bolang apoy sa kanyang mga kamay.

"Babae huwag kang magkakamaling salingin si Borgel at ako ang makakalaban mo!" sabi ng konde at sumingasing na rin siya. Sumenyas siya at mabilis na humarang ang kanyang mga alagad sa pagitan nina Borgel at Mira.

"Subukan mong galawin si Mira konde at tayong dalawa ang magtutuos!" Pumulang bigla ang mga mata ni Yuri.

"Hark! Hark! Hark! Nilikha lang kita Yuri Ivanoff kaya kaya kitang durugin." Sumingasing ang konde. Uminit ang hangin sa paligid niya. Nagkulay pula ang buong paligid tanda ng lakas ng kanyang isipan. Nagbabagang pula na ang kanyang mga mata. Ngumanga siya at lumabas ang mga mahahabang pangil. Iniikot-ikot niya ang kanyang ulo at naglilitawan ang mga namumula niyang mga ugat sa buong katawan lalo na sa kanyang mukha. Nanlilisik ang tingin niya kina Mira at Yuri. Isang malakas na pwersa ang lumabas sa kanyang katawan. Kakaibang enerhiya na uminit bigla.

Itinaas ni Yuri ang kanyang mga kamay at isinangga sa kanyang mukha ang mga brasong naka-ekis. Sapol siya ng pwersa. Napaatras siya. Nawarak ang kanyang suot at gumuhit sa kanyang balat ang mga hiwa.

"PAPA!" Ibinato ni Mira ang mga bolang apoy sa tatlong bampirang nasa harapan ni Borgel. Lumiko ang mga ito at tumama sa dingding ng mansion. Sumiklab ang malaking apoy nang masunog ang mga makakapal na kurtina. Ibinaba ng konde ang kanyang isang kamay. Siya ang nagpaliko sa mga bolang apoy. Muling lumabas sa katawan niya ang mainit na pwersa. Sinangga ito ni Mira na gamit ang isa ring pwersa. Sumabog ang dalawang pwersa sa pagitan nila ng konde. Kapwa sila napaatras.

Hindi napansin ni Mira na sabay-sabay na nagpakawala ng mga pwersa ang tatlong alagad ng konde. Nasangga niya ang dalawa pero nakalusot ang pangatlo. Tumilapon siya. Katulad ni Yuri ay nasugatan siya pero hindi natumba.

"Ahhhhhh! Malakas ka babae!" Itinaas niya ang kanyang kanang kamay. Umiikot ang mainit na hanging nabubuo sa kanyang palad pero hindi ito kumawala. Bigla itong sumabog. Tumalsik si konde pero hindi natumba. Warak ang kanyang damit at umagos ang dugo sa mga sugat sa kanyang kamay at dibdib. Napatingin siya kay Yuri.

"Patas na tayo konde." Muling gumagawa ng pwersa si Yuri sa kanyang kamay.

Sumugod ang tatlong alagad ng konde kay Yuri. Kasing bilis sila ng hangin. Nauuna ang isang babaeng bampira. Nailagan ni Yuri ang suntok ng naunang bampira at lumampas sa kanya ang kalaban. Sinalubong niya ang ikalawa sabay ikot ng buong katawan at isinampal niya sa mukha ng ikalawang bampira ang pwersang nabuo sa kanyang palad. Sumabog ang ulo nito at biglang nagliyab ang buong katawan. Mabilis na nabunot niya ang kanyang matalas sabay yuko. Pag-ikot niya ay gumuhit ang matalas sa katawan ng ikatlong bambira. Nahati ang baywang nito. Natumba at naghiwalay ang katawan pagbagsak sa sahig. Biglang nasunog ang bangkay at naging abo. Hinarap niya ang naunang bampira. Isang wasiwas ng kanyang matalas ay tumilapon ang ulo nito.

Galit na galit ang konde sa nakita niyang pagkamatay ng kanyang tatlong alagad. Kumawala ang magkasunod na pwersa sa kanyang katawan. Nailagan ni Yuri ang unang pwersa pero nasapol ng ikalawa ang kanyang kamay. Tumilapon ang hawak niyang matalas at nabali ang kanyang kanang kamay.

Isa pang malakas na pwersa ang pinakawalan ng konde. Sinangga ito ni Mira na lumapit kay Yuri.

"Papa ang kamay mo!"

"Kaya ko ito Mira."Sabay nilang hinawakan ang kanilang mga ulo. Pinapasok ng konde ang kanilang kaisipan. Tinignan ni Mira ang konde at gumagawa siya ng harang sa isipan nila ni Yuri.

Sumingasing bigla ang dambuwalang sawa. Bumuka ang bibig nito.

"Kayong dalawa naman ang isusunod kong kakainin." sabi ni Borgel gamit ang kanyang isip. Lalo siyang tumaas na halos abot na sa kisame ang kanyang ulo. Umurong ang kanyang ulo at naghahanda ng tuklawin ang dalawa. Umigkas ang kanyang mahabang buntot.

"Wraaggghhhh!"

Binigwasan ang dalawa. Hindi na naka-iwas sina Yuri at Mira dahil nilalabanan nila ang isipan ni Konde Drakul. Kapwa sila tumilapon at bumangga sa dingding na bato ng mansion.

Napangiti ang konde sa ginawa ni Borgel dahil nakapasok na siya ng tuluyan sa isipan nina Yuri at Mira. Namilipit sa sakit ang dalawa pero nilalabanan pa rin ni Mira ang konde. Malapit ng mawalan ng malay tao si Yuri sa lakas ng isipan ng konde.

"PAPA! MIRA MAHAL KO!" Sigaw ni Nick na nakapasok na sa loob ng mansion. Nakita niyang nakahandusay sa sahig sina Yuri at Mira na kapwa duguan. Mabilis na nilapitan niya ang dalawa. Humarap siya kay konde. Dahil sa kanyang galit ay ibinato niya ang kanyang hawak na matalas sa konde. Huminto sa ere ang mahabang samurai na nauuna ang dulo ilang piye lang sa mukha ng konde. Bigla itong umikot at bumalik ng matulin kay Nick.

"TSUK!"

"NICK!" sigaw ni Mira.

Natusok sa dibdib si Nick at tumagos sa kanyang likod ang samurai. Bigla niya ring hinawakan ang kanyang ulo. Pinapasok ng konde ang kanyang isipan.

Ngumisi ang konde dahil natatalo na niya ang tatlo. Naghilom narin ang mga sugat sa kanyang katawan.

Gumapang naman ang dambuhalang sawang si Borgel papalapit sa tatlo upang sila ay kanyang lamunin. Bigla siyang huminto. Nagsasayaw ang kanyang ulo.

"Arrrrrrgghhhhhhhhh! Panginoon! Ano itong nararamdaman ko sa buo kong katawan. Napaka-init! Arghhhhhhhhhhh!"

Napatingin ang lahat sa dambuhalang sawa. Nagkakawag si Borgel. Lumuluwa ang ksmyang mga mata. Nawala sa konsentrasyon ang konde at napatingin siya sa dambuhalang sawa.

"Borgel anong nangyayari sayo?"

"Panginoong konde napakasakit ng nararamdaman ko. Buong kalamnan ko ay kumikirot!Ahhhh! Tulungan mo ako panginoon!"

Itinaas ng konde ang isa niyang kamay. Lumabas ang pulang bilog na liwanag at nilukob si Borgel para tulungang mawala ang sakit. Namimilipit pa rin ang buong katawan nito. Hindi tumatalab ang kapangyarihan ng konde.

"Borgel labanan mo! Hindi kita kayang gamutin. Walang talab sayo ang aking kapangyarihan!"

"Panginoon! Ahhhhhhhhh!"

Nagsisimulang mabiyak ng maliliit ang makapal balat ni Borgel. Lumalaki at humahaba ang mga hiwa sa pagitan ng kanyang mga kaliskis. Para siyang tinatadtad ng hindi nakikitang matalas. Lumabas ang mga asul na liwanag sa mga hiwa.

"Panginoooonnn tulungan mo akooooooo! Arggggggggggghhhhh!"

Sumabog ang buong dambuhalang katawan at ulo ni Borgel. Isang nakakasilaw na asul na liwanag ang lumitaw. Nasunog ang mga pira-pirasong laman ni Borgel at naging abo.

"Borgeeel!" Sigaw ng konde.

Lumitaw si Arielle na nakalutang sa ere. Nasa loob siya ng nakasisilaw na asul na liwanag. Tatlong bolang asul ang kumawala sa kanya at nasapol ang tatlong bampirang nasa kanyang harapan. Sumabog ang kanilang mga katawan at kagyat na naging abo.

"Arielle anak!" sigaw ni Mira.

"Mommy! Lolo! Daddy!"

Nakita ng batang bampira ang baling kamay ni Yuri. Nabunot ang samurai sa dibdib ng kanyang ama. Itinaas niya ang kanyang isang kamay at isang asul na bilog ang kumawala at binalot ang tatlo. Naharang ang isipan ng konde na nagtaka pa. Naghilom ang mga sugat ng tatlo at tumayo sila.

Tumingin si Arielle kay Konde Drakul. Ibang galit na ang nababakas sa kanyang batang mukha. Lumingon siya sa natitirang dalawang alagad ng konde.

"Ayeeeiiiiiiiii! Ahhhhhhhhhh!"

Umangat sila sa ere. Nagkakawag ang kanilang mga kamay at paa. Lumuha sila ng dugo. Lumabas ang dugo sa kanilang mga bibig, ilong at tenga. Hanggang sa sumabog ang kanilang mga katawan at nasunog.

"Napatay man ninyo ang lahat kong mga alagad ay madali rin akong makalilikha." Sabi ng konde.

Napaatras siya. Naramdaman niya na iba nga ang lakas at kapangyarihsn ng batang bampira na ngayon ay sa kanya nakatitig ang mga nanlilisik na nagbabagang berdeng mga mata. Nasa kasukdulan na ang galit ni Arielle kay konde.

Lumakas ang umiikot na mainit na enerhiya sa katawan ng konde. Nagpakawala siya ng mga pwersa kasabay ng paggamit ng kanyang isipan upang pasukin ang isipan ni Arielle.

Bumalik sa kanya ang mga pwersa. Tumilapon siya at bumangga sa pader. Nawala ang mainit na enerhiyang umiikot sa kanyang katawan. Nawala ang kulay pulang liwanag sa buong paligid. Biglang sumakit ang kanyang ulo. Pinasok ni Arielle ang kanyang isipan. Tumayo siya at napasigaw.

"YAHHHHHHHHIIIIIIIIIIIII!" Bigla siyang nawala.

Napatingin sina Yuri, Mira at Nick kay Arielle.

"Mommy, daddy, lolo babalikan ko kayo!" Bigla na ring nawala ang batang bampira.

-----------

Sa ibaba ng isang matayog na burol kung saan nakatayo ang lumang kastilyo ni Konde Drakul sa Transilvania ay lumitaw ang nanghihinang konde. Lumakad siya ng hindi nakatuntong ang mga paa sa lupa. Para siyang lumilipad ng nakatayo. Pumasok siya sa isang napakalumang sementeryo na itinayo pa noong isang ordinaryong tao pa lang siya. Pumunta siya sa gitna ng sementeryo na nakatayo ang isang malaking lumang museleo. Tinignan lang niya ang malaking tanikalang bakal sa pintuan ng museleo ay naputol na ito.

Pumasok siya sa loob. Isang malaking lumang nitso na gawa sa makapal na batong marmol ang nasa gitna. Tinignan niya ang makapal na takip na batong marmol. Gumalaw ito at nahulog. Isang lumang kabaong ang nasa loob ng nitso ang kusang bumukas ng tignan niya.

Isang gintong kopitang may takip ang nakapatong sa lupang nakakalat sa loob ng ataol. Kinuha niya ang kopita. Binuksan. Sariwang dugo na kumukulo pa ang laman ng gintong kopita. Ito ang kanyang dugo na kanyang itinago ilang daang taon na ang nakararaan. Ininom niya ang dugo. Sinaid niya ang laman ng kopita.

Dinakot niya ang lupa sa loob ng ataol. Ito ang lupa kung saan nakatirik ang unang kastilyong kanyang sinilangan. Ipinahid niya ang lupa sa kanyang buong katawan. Naghilom ang kanyang mga sugat at nakaramdam siya ng panibagong lakas at kapangyarihan.

"Ngayon ninyo matitikman ang bagsik ng aking paghihiganti!" Bulong niya sa sarili.

Lumabas siya sa lumang museleo. Pinagmasdan niya ang paligid. Tumingala siya sa namumulang bilog na buwan at itinaas ang dalawang kamay. Lalong lumalakas ang kanyang katawan at kapangyarihan.

Tinignan niyang muli ang paligid. Ngayon lang niya gagawin ang matagal na niyang gustong gawin, ang buhayin ang kanyang mga tapat na kawal na matagal ng namatay sa labanan noong tao pa lang siya.

Uminit ang paligid sa kanyang katawan at lumiwanag ng kulay pula. Lumitaw ang enerhiyang umiikot at kumalat ito sa buong lumang sementeryo.

"TUMAYO KAYONG LAHAT AKING MGA TAPAT NA KAWAL. TINATAWAGAN KO KAYONG LAHAT. SASAKUPIN NATIN ANG BUONG MUNDO UPANG TAYO ANG MAGHARI! SA TULONG NINYO AY BABALIKAN KO ANG BATANG BAMPIRA UPANG WAKASAN SIYA SAMPU NG KANYANG MGA MINAMAHAL. TUMAYO KAYOOOO!" Nakataas ang dalawa niyang mga kamay. Tumaas ang kanyang pagkakalutang sa ere.

Dumilim ang kalangitan. Lumakas ang ihip ng hangin. Tila na may bagyong paparating. Nagsimulang mabiyak ang mga batong nitsong nilumot na ng matagal na panahon. Umalsa ang mga lupang kinahihimlayan ng matagal ng mga patay. Lumabas ang mga kalansay na mga kamay mula sa ilalim ng mga umumbok na lupa. Mula sa mga nabitak na lumang mga nitso ay tumayo ang mga kalansay. Bumangon ang mga nakahimlay sa lupa. Suot ng mga kalansay ang kanilang mga punit-punit na lumang damit, uniporme at ang iba ay may suot na kinakalawang na bakal na uniporme.

Nagsimulang maglakad ang mga kalansay patungo sa gitna ng sementeryo kung saan nakalutang sa ere ang konde. Habang naglalakad sila ay nagkakalaman ang kanilang mga buto. Nagkaroon ng mga mata ang kanilang mga bungo. Nangamoy malansang mga bangkay ang buong lumang sementeryo.

Daan-daang nabuhay na mga patay ang papalapit kay konde. Napangiti ang panginoon ng mga bampira. Nasa gitna siya ng kanyang mga bagong alagad. Muling itinaas niya ang kanyang dalawang kamay.

Lumiwanag ng kulay asul ang harapan ng lumang museleo. Kumalat ang liwanag at sinakop ang pulang liwanag. Lumitaw si Arielle na ikinagitla ng konde. Nakalutang sa ere ang batang bampira. Hindi pa rin nagbabago ang nakabakas na galit sa kanyang mukha.

"Paano mo ako nasundan dito?"

"Hindi na mahalagang malaman mo pa kung paano kita nasundan. Wawakasan ko na ang kabuktutan mo. Bumuhay ka pa ng mga patay na matagal ng nananahimik. Wala kang kasing sama. Dahil sayo ay maraming mga inosenteng buhay ang nawala."

"AHHHHH! GUMAGANTI LANG AKO SA MGA TAO. DAHIL SA KANILA AY NAMATAY ANG PINAKAMAMAHAL KONG DUKESA. NARARAPAT LANG NA SILA AY PARUSAHAN KO!"

"Ang nakaraan mo ay tapos na. Pinagbayaran na nila ang kanilang mga kasalanan sayo. Pero ang gantihan ang ibang walang kinalaman at inosente ay isang malaking pagkakamali mo. Kaya dapat lang na pagbayaran mo ang iyong mga kasalanan."

"Hark! Hark! Hark! Mapapatay mo man ako ngayon ay muli akong mabubuhay dahil sa ako ay isang immortal!"

"Iyan ang huli mong pagkakamali. Hindi ka na mabubuhay pa kapag natapos na ako sayo!"

"Sugurin ninyo siya at patayin! Gamitin ninyo ang kapangyarihang ipinagkaloob ko sa inyo" atas ng konde sa kanyang mga nabuhay na kawal.

Umungol ang mga naglalakad na mga daan-daang bangkay. Umangat sa lupa ang karamihan at lumipad patungo sa batang bampira. Papalapit silang lahat kay Arielle.

Biglang sumiklab ang asul na liwanag mula sa katawan ni Arielle. Kakaiba ang pagkakatingkad ng asul na liwanag. Kumalat ito at sinakop ang buong lumang sementeryo. Umatungal ang mga bangkay. Tumigil sila sa paglalakad. Bumagsak sa lupa ang mga lumilipad. Nagsimula silang masunog. Lumiwanag ang buong lumang sementeryo dahil sa mga nasusunog na mga alagad ng konde.

Nagtakip ng mukha ang konde. Nang tumingin siya ay tahimik na ang lumang sementeryo. Wala na ang kanyang mga binuhay na mga alagad. Ang nakikita niya ay mga tumpok na mga abo na hinihipan ng malakas na hangin upang ikalat.

"AHHHHH! Magbabayad ka sa ginawa mo!"

Uminit ang enerhiyang umiikot sa buong katawan ng konde. Nagpakawala siya ng sunod-sunod na mga pwersa. Itinaas niya ang kanyang isang kamay. Lumutang sa ere libo-libong mga malalaking bato at pirapirasong bloke ng semento mula sa nasirang mga nitso. Pagkumpas ng konde ay mabilis na nagliparan ang mga ito patungo kay Arielle.

Sumabog ang mga pwersa at mga malalaking bato bago pa man sila tumama sa batang bampira. Bumukol ang mga namumulang ugat sa mukha ng konde. Tinitigan niya si Arielle upang pasukin ng kanyang isipan ang isipan ng batang bampira. Sumugod na rin siya na nakahanda ang mga mahahabang pangil at mga mahahabang kuko sa kanyang mga daliri.

Napatigil ang konde dalawang metro pa ang layo niya sa sinusugod na kalaban. Hindi siya makakilos. Hindi niya maigalaw ang kanyang mga kamay. Nanlaki ang kanyang mga namumulang mga mata.

"Ano ito? Anong ginawa mo sa akin?"

Hindi kumikibo si Arielle. Itinaas niya ang kanyang kanang kamay. Lumitaw ang lima niyang mga espirito. Hawak nila ang mga kamay, paa at ulo ng konde. Itinapat ni Arielle ang kanyang kamay sa dibdib ng konde. Tinitignan ito ng konde. Naging parang espirito ang kamay ng batang bampira at pumasok ito sa kanyang dibdib.

"AYEEEEEEIIIIIIII!"

Naramdaman niya ang walang kasing sakit na kirot sa buong katawan. Halos lumuwa ang kanyang mga mata. Nagsimulang nagiging abo ang kanyang mga paa. Marahan at unti-unting umaakyat ang pagiging abo niya. Nalalaglag ang mga abo at isa-isang kumikislap na parang nasusunog.

Nangilabot na sa takot ang dating panginoon ng mga bampira. Nakaramdam na siya ng kakaibang takot sa unang pagkakataon. Naisip niyang hindi na siya mabubuhay pa dahil kahit isang butil na abo ay wala ng matitira pa sa kanya. Nararamdaman niya ang sobrang sakit sa bawat butil na abong nasusunog.

"ARGHHHHIIIIIIIIIIIIIIIII!"

Hinugot ni Arielle ang kanyang kamay na hawak ang tumitibok na puso ng konde. Itinapat niya ito sa mukha ng konde upang makita habang nagiging abo ang kanyang katawan na nasusunog. Sumiklab ang puso ng kulay asul ang apoy. Nakita ng kondeng natupok ang kanyang puso at walang natira kahit abo man lang.

Ipinikit na niya ang kanyang mga mata na nakanganga pa ang bibig. Hindi na siya nakasigaw ng lamunin na siya ng pagiging abo ng kanyang ulo at nasunog. Tuluyan ng namatay si Konde Drakul at hindi na muling mabubuhay pa.

Tumingin si Arielle sa namumulang bilog na buwan. Pumuputi na ito. Nawawala na ang pamumula at nawala na rin si Arielle. Lahat ng mga nangyari ay nakita nina Mira, Nick at Yuri sa kanilang mga isipan.

---------

Nakabalik na sa kanilang villa sina Yuri. Tapos na ang kanilang laban. Ubos na ang mga masasamang bampirang naghahasik ng lagim.

"Yuri nasaan si Arielle?" Salubong na tanong ni Sofia.

"Darating rin siya. Hintayin natin. Tara sa loob. Kailangan naming uminom muna."

Pumasok silang lahat sa loob ng villa kasama ang kanilang mga kapanalig. Naglabas ng mga bote sina Michelle at Lucia. Isa-isang binibigyan sina Igor. Napa-upo sa mga sofa sina Yuri, Nick at Mira. Naghilom na ng tuluyan ang sugat sa dibdib ni Nick. Naghilom na rin ang nabaling kamay ni Yuri. Habang umiinom sila ng blood plasma ay lumiwanag ng kulay asul ang buong sala. Lumitaw si Arielle at nagulat silang lahat. Matangkad na siya at mukhang 14 na taong dalagita na ubod ng ganda.

"Mommy, Daddy, Lolo, Lola hi hi hi!"

Napatayo si Mira at sinugod ng yakap ang pinakamamahal na anak. Napaluha siya.

"Hu hu hu! Tinakot mo ako anak kanina. Akala ko ay tuluyan ka ng nawala sa amin ng daddy mo." Pinaghahalikan niya ang pisngi ng dalagita na nakangiti.

"Mommy kahit kailan ay hindi ako mawawala sa inyo."

Lumapit na rin sina Yuri, Sofia at Nick. Isa-isa silang yumakap kay Arielle. Tuwang-tuwa si Igor. Tinignan siya ni Arielle at kinindatan pa.

Kinabukasan ay nasa gazebo sa may hardin ang buong pamilya at pinag-uusapan nila ang nangyaring labanan. Masasaya sila dahil wala na silang kalaban pang mga taong lobo at mga masasamang bampira. Hawak ni Mira ang kanyang cp at kausap ang kanyang best friend.

"Bessy uuwi na kami sa Linggo!"

"Totoo bessy. Sabi kasi ni Kiel ay matatagalan pa kayo riyan sa Milan."

"Oo sure na! At may ipakikilala ako sayo!"

"Ha? Sino?"

"A basta. Isang sorpresa. Magugulat ka na lang."

"Hi hi hiz! Sige! Basta't huwag mong kalimutan ang pasalubong ko,"

"Okey. Sige na. Magkita na lang tayo pag-uwi namin. Kinukulit na ako nitong katabi kong ipakikilala sayo. Bye bessy."

"Sige bessy. Ingat kayo. Bye!"

"Mommy sino ho ang kausap ninyo?"

"Siya ang Tita Rona mo na parang kapatid ko na rin. Ipakikilala kita sa kanya sa pag-uwi natin."

"Ang sarap talaga ng feeling na may anak!" Malakas na sabi ni Sofia.

"Oo nga. Nakaka-inggit sila." tugon ni Michelle.

Narinig ni Mira ang usapan nila.

"Gusto ba ninyo talagang magka-anak na?" Nakangiting tanong ni Mira.

"Aba syempre!"

"Hi hi hi. Sige magkaka-anak na kayong tatlo! Sabihin ninyo kung babae o lalake ang gusto ninyong magiging anak!"

Natuwa ang tatlo sa sinabi ni Mira. Sinabi nila kung babae o lalake ang gusto nilang anak. Makalipas ang tatlong araw ay nagdadalangtao na sina Sofia, Michelle at Lucia. May makakalaro na si Arielle at tatlo pa. Lalong naging masaya ang buong psmilya ng mga bampira.

***WAKAS NA PO***

MARAMING SALAMAT SA INYONG LAHAT SA TIYAGA NINYO SA PAGHIHINTAY AT PAGBABASA.

KASUNOD NITO HO ANG "THE IMMORTALS" ANG BOOK 2.

HUWAG KALIMUTANG BUMOTO PO.

***

TIto Rudy

Continue Reading

You'll Also Like

23.2M 623K 65
Hoping for a fresh start, Adrianna Walter reluctantly enrolls at Sinclaire Academy-an elite school for humans and vampires. But upon her arrival, she...