Red Moon (Complete)

By TitoRudy1953

15.6K 1K 110

A vampire and human love trylogy. Mga pag-ibig na walang kamatayan kahit langit at lupa ang agwat sa isat-isa... More

Part 1 ... Duelo
Part 2 ...Unang Paghihiganti
Part 3 ..Pag-ibig na Walang Kamatayan
Part 4 . . . Konde Drakul
Part 5 ... Dugo ng Taong Lobo
Part 6 . . . Paghahanap kay Sofia
Part 7 . . . Ang Sumpa ni Yuri
Part 8 ... Babaeng Bampira
Part 9 . . . Poot na Nag-aapoy
Part 10 . . . Angkan ng mga Taong Lobo
Part 11 . . . Bampirang Makadiyos
Part 12 . . . Vladimir at Lucia
Part 13 . . . Pagsubok
Part 14 ... Bagong Vladimir . . Ang Bampira
Part 15 .. Ross at Michelle
Part 16 . . . Paghahanda sa Pagsalakay
Part 17 . . . Bampira Laban Taong Lobo
Part 18 ... Katapusan ng Paghihiganti ni Yuri
Part 19. . . Langit at Lupa
Part 20 . . . Nicholai
Part 21 . . . Jansen Ang Bagong Halimaw
Part 22 . . . Pagtatagpo ng Dalawang Puso
Part 23 . . . Sagupaan ng mga Bampira at Taong Lobo
Part 24 . . . Nabunyag na Lihim
Part 25 . . . Pangako
Part 26 . . Jansen ... Ang Halimaw
Part 27 . . . Vladivostok
Part 28 . . Paghihiganti ng Duke
Part 29 . . . Paghahanap kay Jansen
Part 30 . . . Bumaba ang Langit sa Lupa
Part 31 . . . "Mahal Kita Maging Halimaw Ka Man"
Part 32 . . . "Halimaw sa Dilim"
Part 33 . . . "Tagisan ng Lakas"
Part 34 . . . "Ang Lihim "
Part 35 . . . " The Boss "
Part 36 . . . " The Date "
Part 37 . . . "Muling Pagkabuhay ng Demonyo"
Part 38 . . . "Ang Katotohanan"
Part 39. . . " Ang Sorpresa"
Part 40 . . . "Kiel"
Part 41 . . . " Mahal Kita Maging Halimaw Ka Man"
Part 42 . . . "Sagupaan"
Part 43 . . . "Kasunduan"
Part 44 . . . "Gerald Von Hausler"
Part 45 . . . "Tatlong Puso sa Iisang Pag-ibig"
Part 46 . . . "Corregidor"
Part 47 . . . "Cruiser Yacht"
Part 48 . . ."Agaw Buhay"
Part 49 "Mahal Kita Maging Halimaw Ka Man!"
Part 50 . . . "Ensayo"
Part 51 . . . "Unang Laban"
Part 52 . . . "Milan"
Part 53 . . . "Ang Hudas"
Part 54 . . . "Morfori"
Part 55 . . . "Duelo"
Part 56 . . . "Mikhail"
Part 57 ... . "Ivano"
Part 58 . . . " Moog na Isla"
Part 59 . ."Mira"
Part 60 . . . "Sorpresa"
Part 61 . . . "Arielle"
Part 62 . . . "Astral Projection"
Part 63 . . . "Kiel"
Part 64 . . ."Lababan ng mga Nilalang ng Kadiliman"
Part 65 . . . "Pwersa Laban sa Pwersa"
Part 66 . . . "Limang Espirito ni Arielle"
Part 67 . . ."Preso"
Part 68 ... "Nag-aapoy na Galit"
Part 69 . . . "Kidnap"
Part 70 "Asul na Apoy"
Part 71 . . . "Pagsuko ng Taong Lobo"
Part 72 "Conde Drakul"
Part 73 " Igor Ang Higanteng Bampira"
Finale . . . " Arielle v/s Konde Drakul Huling Laban"

Part 74 "Higanti ni Borgel"

265 16 1
By TitoRudy1953


"Higanti ni Borgel"

---------

Pumula ang kabilugan ng buwan. Parang nagbabadya ng isang magaganap na kalagiman. Lahat ng mga alagad na bampira ni Estefano ay nasa labas ng mansion. Labas ang kanilang mga pangil at sumisingasing. Tumitingala silang lahat sa pulang buwan at kumukuha ng lakas. Nagbabantay sila sakaling sumalakay sina Yuri.

Sa loob ng mansion ay umuungol si Estefano. Inihiga siya ng kanyang amang bampira sa isang ataol. Hindi naghihilom ang kanyang mga sugat sa buong katawan kahit napa-inom na siya ng maraming dugo ng tao.

"Panginoon tulungan mo si Estefano. Hirap na hirap na siya." Sabi  ng  nagmamakaawang si Borgel. Nanatiling nakatayo si Conde Drakul sa  tabi ng ataol. 

"Borgel, wala na akong magagawa pa sa anak mo. Napa-inom ko na siya ng dugo ko pero hindi nagbago ang kanyang mga sugat. Kung gusto mong matapos na ang paghihirap ni Estefano ay ibilad mo siya sa arawan bukas at ganap na siyang masusunog at magiging abo." tugon ng konde.

"Ahhhhh! Gaganti ako aking panginoon. Mananagot ang may gagawan nito sa aking kaisa-isang anak."

"Kaya mo ba ang batang bampira Borgel?"

"Kakayanin ko panginoon."

"Hark! Hark! Hark! Pinatatapang ka ng iyong galit Borgel. Dalhin sa akin ang babaeng bihag. Kailangan ko ng karagdagang lakas bago ko harapin ang bata."

"Naririto na panginoon." Hawak ng isa niyang alagad ang babaeng nakatulala na. Inilapit siya kay konde. Ipiniling ng bampira ang ulo ng babae. Tumingala siya at sumingasing. Humaba ang kanyang dalawang pangil. Kinagat niya ang leeg ng babaeng tulala. Bumaon lahat ang kanyang mga pangil. Matapos ang ilang sandali ay bumitaw na siya. Tumulo pa mula sa kanyang bibig ang namumulang dugo.

"Sa inyo na siya! Ahhhhhhh! Ramdam ko ang panibagong lakas." sabi ng konde at itinulak niya ang babae na buhay pa. Sinalo ito ng isa niyang alagad na babaeng bampira.

Ngumanga ang alagad na bampira para muling kagatin ang walang malay taong babae.

"Argghhhhh!" Biglang namilipit ang babaeng bampira. Nabitawan niya ang tulog na babae at hinawakan niya ang kanyang  sariling leeg.

"Panginoon ano itong nangyayari sa akin? Arrkkkkkhhhh!" Gumuguhit paikot sa kanyang leeg ang manipis na sugat. Napanganga siya at dumilat ng malalaki ang mga pulang mata. Naputol ang kanyang leeg at nahulog sa sahig ang kanyang ulo. Biglang  nagliyab ang katawan at ulo bago naging abo.

Napatanga ang mga alagad ni konde lalo na siya at si Borgel. Umangat sa ere ang nakahigang babaeng kinagat  ni konde. Lumabas mula sa dalawang sugat sa leeg nito ang maitim na dugo. Naghilom ang mga sugat. Tumaas ito sa pagakakalutang sa ere at nanatili sa itaas.

"Panginoon ikaw ba ang may gawa nito?" Nagtatakang napatanong si Borgel.

"Hindi ako Borgel!" sagot ng konde.

Lumakas ang hangin sa loob ng sala ng villa. Lumiwanag ng kulay asul ang paligid. Lumitaw si Arielle na nakalutang sa ere. Naglalaro sa hangin ang kanyang mahabang namumulang buhok. Naglalagablab ang mapupula niyang mga mata.

"IKAW!" sigaw ni konde na nagulat.

"Bakit ka nagulat konde? Sayang at nahuli ako ng dating. Sana ikaw na ang napugutan ng ulo. Hindi magiging bampira ang babaeng kinagat mo dahil tinanggal ko ang kamandag mo sa kanyang katawan." sabi ni Arielle. Pinalibutan siya ng natitirang walong tapat na alagad ni konde.

Hindi lang si Conde Drakul ang nagulat. Maging sina Mira. Nakikita nila ang nakikita ni Arielle at naririnig nila ang usapan nina Arielle at konde.

"Papa anong gagawin natin? Mag-isa lang ang anak ko roon." Tanong  ng nag-aalalang ina.

"Kaharap na niya ang taong nagligtas sa akin mula sa mga pirata. Pupuntahan natin siya." sabi ni Yuri.

Hindi na sila sumakay pa at isa-isa na silang nawawala at mabilis na tumatakbo.

Galit na galit naman si Borgel. Nagtatagis ang  kanyang mga bagang at nanlilisik ang mga pulang matang nakatitig kay Arielle.

"Matagal na kitang naramdaman. Ngayong kaharap na kita ay magbabayad ka sa ginawa mo kay Estefano. Matanda na nga ako pero may taglay pa rin akong sapat na lakas para kalabanin ka." Gigil na sabi ni Borgel.

"Arghhhhhhhhh" Umungol si Estefano. Tumayo siya sa bumaba mula sa kinahihigang ataol. Sariwa pa rin ang kanyang mga sugat sa buong katawan. Tiniginan niya si Arielle at nanlilisik ang iisang mata.

"Papa! Iniipon ko ang aking lakas kaya hindi ako kumikibo. Tatapusin ko ang laban namin!"

"Ang mabuti pa bata ay sumanib ka na lang sa amin. Sa taglay na lakas naming tatlo ay wala kang tiyansang manalo pa. Sa aking walong alagad pa lamang ay hindi ka na mananalo. Naisahan mo lang ang isa kong alagad kanina." sabi ng konde.

"Hindi ako makapapayag konde na makasama ang batang iyan! Sa ginawa niya sa akin ay hindi ko siya mapapatawad!" Sigaw ni Estefano at umangat siya sa ere.

"Sinabi ko sayo kanina Estefano na sa muli nating pagkikita ay ibabalik kita mula sa iyong pinanggalingan. "tugon ni Arielle.

"Ahhhhhhhh!" Bumuo ng isang bolang apoy si Estefano. Ibinato niya ito kay Arielle.

"WHAM!" sumabog ang bolang apoy sa buong katawan ng bata. Nilamon siya nito. Sumabay na rin si Borgel.  Gumawa siya ng mga pwersang maiinit na hangin at ibinato niya ng sunod-sunod sa umaalimpuyong apoy na nakalukob kay Arielle. Lalo itong lumaki at naglagablab.

Napangiti si Estefano kahit masakit ang kanyang nararamdaman. Tinitignan niya ang ginawa niyang bolang apoy. Para itong araw na kumukulo ang mainit na apoy. Muli siyang gumagawa ng isa pang bolang apoy. Gusto niyang makatiyak na wala ng ligtas ang batang bampira.

Hindi pa niya natatapos ang ginagawa niyang bolang apoy ng mula sa nakalukob na  naglalagablab na apoy kay Arielle ay lumabas ang isang asul na bola. Mabilis itong tumama kay Estefano na nakalutang sa ere.

"YAHHHHHHH! Lumukob ang bolang asul kay Estefano. Sumabog sa loob ng bolang asul  ang ginagawa niyang bolang apoy at siya ang nilamon.

Nanlaki ang mga mata ni Borgel. Nakikita niyang namimilipit si Estefano sa loob ng bolang asul. Natutunaw ang buong kalamnan ni Estefano.

"ARGGGGHHHHHH!" Parang kandilang natunaw ang kanyang mga laman at lumabas ang buo niyang kanlansay na nakalutang pa rin sa ere. Patuloy siyang nilalamon ng bolang asul na apoy hanggang sa siya ay naging abo. Nawala ang bolang asul at nahulog ang mga abo sa sahig.

"ESTEFANOOOOO!" Maluha-luhang sumigaw si Borgel. Bumalik na sa pagiging alikabok ang kanyang anak na bampira.

Nagitla ang mga bampirang nakapaligid kay Arielle lalo na ng mawala na ang bolang apoy na nakalukob sa bata. May lumalabas na kulay asul na aura sa buong katawan ni Arielle at hindi man lang siya nagalusan.

Sumugod ang dalawang  tapat na alagad ni konde. Sa isang iglap ay nasa tabi na nila si Arielle. Sabay silang sumusunggab sa bata pero nakakailag ito sa kanila. Halos hindi na makita ang galaw ng tatlo sa bilis ng kanilang mga kilos. Napatalikod si Arielle kina konde at Borgel.

Sa galit ni Borgel ay sinamantala niya ang pagkakalingat ng bata habang abala ito sa pag-iwas sa dalawang bampira. Nawala si Borgel at biglang lumitaw sa likuran ni Arielle.  Sinunggaban niya ang batang bampira. Bigla siyang naging isang malaking sawang labinglimang talampakan ang haba at  lumingkis sa buong katawan ni Arielle. Bumagsak sila sahig na nakalingkis pa rin si Borgel.

Napangiti si konde. Umaalon ang mga kalamnan ng malaking sawa habang kumikilos ito. Sumisikip ang pagkakalingkis niya kay Arielle. Hindi na makita ang bata. Nakapulupot sa buong katawan niya si Borgel. Ngumanga ang bibig ng sawa at pumasok sa gitna ng nakarolyong katawan.  Isinubo ang ulo ng batang bampira.

"Hark! Hark! Hark! Sige Borgel. Lamunin mo siya ng buo. Ikaw lang pala ang tatapos sa kanya!" Sigaw nj Konde Drakul.

Nakangiti rin ang kanyang mga alagad habang dahan-dahang nilalamon  ng malaking sawa si Arielle. Hanggang baywang na ng bata ang nakapasok sa bunganga nito.

Sa labas ng villa ay nakarating na sina Yuri. Tinalon nila ang mataas na sementong pader at nakapasok sila sa loob ng bakuran ng villa. Nakita sila ng mga bantay na alagad ni Estefano.

"Igor! Isa ka na sa kanila! Traydor ka Igor?" sabi ni Ivano.

"Hindi ako traydor Ivano. Namulat lang ako sa katotohanan." sagot ng higanteng bampira.

Nagpakawala ng pwersa si Ivano. Inekis ni Igor ang dalawa niyang kamay na ang isa ay hawak ang matalas. Nagpalabas siya ng bolang apoy at sinalubong ang pwersang paparating. Sumabog ang dalawang pwersa sa harapan ni Igor at napangiti siya. Marunong na siyang gumawa ng bolang apoy at naisip si Arielle na nagturo sa kanya.

Nainis  si Ivano sa ginawa ng kaharap niya kaya nagpakawala siya ng sunud-sunod na mga pwersa. Itinaas ni Igor ang kaliwa niyang kamay at gumagawa rin  siya ng mga pwersang sumasalubong sa mga pwersang ibinabato sa kanya ni Ivano habang humahakbang siyang papalapit.

Hindi na napansin ni Ivano na nakalapit na sa kanya ang higanteng bampira. Sumisingasing siya habang gumagawa ng mga pwersa. May kumislap sa kanyang harapan ng tamaan ng liwanag ng buwan ang nakataas na matalas ni Igor. Pababa ang kislap ng matalas at tumama  ito sa kaliwang balikat malapit sa leeg ni Ivano.

"Argggghhh!" Bumaon  ang matalas at lumabas ito sa ibabang kanang kilikili ni Ivano. Nahati ang kanyang katawan. Nahulog sa lupa ang ulo na may isang kamay at nasunog ito kasabay ng katawang naiwang nakatayo pa na nagsimulang masunog. Naging abo si Ivano.

"Papa pumasok na kayo sa loob ng  villa ni Mira. Kami na ang bahala rito sa labas." sabi ni Nick.

"Sige Nick. Tara na Mira." Mabilis na nilampasan ng dalawa ang mga bampirang alagad ni Estefano.

"Beto, Vladimir, Ross, Ronaldo, Igor at  mga kapanalig, wala tayong ititirang buhay sa kanila." sabi ni Nick.

Nanalasa ang grupo. Kahit marami ang mga alagad ni Estefano ay dumaluhong sila. Hindi nakalalampas ng buhay  kina Nick at Igor ang bawat masalubong nilang kalaban. Dinilig ng dugo ang lupain ni Estefano. Ipinakita ni Igor kung gaano siya kabangis sa laban. Nawala na ang kanyang takot. Dinadakma niya sa buhok ang mga nakalalapit sa kanya at itinataas ito sa ere. Isang wasiwas ng kanyang matalas ay pugot ang ulo ng bampira saka niya ibinabato ang hawak na ulo.

Nagdikitan sina Ronaldo at Beto.  Para silang ipi-ipong pumagitna sa isang grupo ng kalaban. Ang naka-iilag kay Beto ay  hindi nakalulusot kay Ronaldo.

Pinagtutulungan naman nina Ross at Vladimir ang bawat bampirang kanilang nakakasagupa. Natuto na sila sa nakaraang laban.

Nagmamadali si Nick sa kanyang mga laban. Gusto na niyang makapasok sa villa. Wala na siyang nakikitang pangitain  mula kay Arielle. Wala siyang nariririg. Nakaramdam siya ng pag-alala sa anak.

"Arielle anak! Nasaan ka na?" Kinaka-usap niya si Arielle gamit ang mental telepathy. Walang sumasagot.

"Conde Drakul!" sigaw ni Yuri ng nakapasok na sila ni Mira sa sala ng villa.

"Ahhhhh! YURI! Muli tayong nagkita matapos ang ilang daang taon. Kumusta na ang nilikha kong bampira? Nakapaghiganti ka na ba?"

Humarap si konde kina Yuri at Mira. Hinahanap naman ni Mira ang kanyang anak. Hindi niya ito maramdaman sa paligid. Humarap  rin sa kanila ang walong alagad ng konde. Isang dambuhalang sawa ang nakikita nina Yuri at Mira. Nakatayo ito na halos walong  piye ang taas. Nakapulupot ang mahabang  katawan sa sahig, May namumukol na halos nasa gitna na ng katawan. Lumabas ang mahabang dila nito at nanlilisik ang mga matang nakatitig kay Mira.

"Tapos na ako sa nakaraan konde. Hindi ako naging isang halimaw na bampirang inaakala mo. Hindi kami pumapatay ng mga inosenteng tao o umiimom ng dugo ng tao. Nabuhay kami sa dugo ng mga hayop."

"Hark! Hark! Hark!" Kalokohan ang sinasabi mo Yuri. Tanging dugo ng tao ang nagbibigay sa atin ng lakas at kapangyarihan."

"Nagkakamali ka konde. Tignan mo kami. Lumakas kami kahit hindi kami nakatitikim kahit kapatak na dugo ng tao."

"Hindi ko gusto ang mga ginagawa ninyo sa aking mga nilikha. Bampira rin kayo kaya dapat ay sama-sama tayo. Ang mga tao lang ang mga kalaban natin. Hindi tayo dapat naglalaban,"

"Ang sino mang bampirang pumapatay ng mga inosenteng tao ay kalaban na namin konde."

"Yuri! Yuri! Ang lakas ng loob mong sabihan ako ng ganyan. Ako ang may likha sayo at maging sa iyong mga kasama. Kaya kong sirain ang aking mga nalikha katulad ng ipinagmamalaki ninyong batang bampira! Hark! Hark! Hark!"

"Pinatay mo ang aking apong si Arielle?"

"OO YURI! WALA NA SIYA! ANG SINO MANG KUMAKALABAN SA AKIN AY MATUTULAD SA KANYA!"

"ANONG GINAWA MO SA ANAK KO HALIMAW! MAGBABAYAD KAYONG LAHAT!" sigaw ni Mira na galit na galit. Sumingasing siya at pumula ang mata. Lumabas ang kanyang mga pangil. Humanda na siya upang daluhungin si Conde Drakul.

***********



Continue Reading

You'll Also Like

23.2M 623K 65
Hoping for a fresh start, Adrianna Walter reluctantly enrolls at Sinclaire Academy-an elite school for humans and vampires. But upon her arrival, she...