Red Moon (Complete)

By TitoRudy1953

15.6K 1K 110

A vampire and human love trylogy. Mga pag-ibig na walang kamatayan kahit langit at lupa ang agwat sa isat-isa... More

Part 1 ... Duelo
Part 2 ...Unang Paghihiganti
Part 3 ..Pag-ibig na Walang Kamatayan
Part 4 . . . Konde Drakul
Part 5 ... Dugo ng Taong Lobo
Part 6 . . . Paghahanap kay Sofia
Part 7 . . . Ang Sumpa ni Yuri
Part 8 ... Babaeng Bampira
Part 9 . . . Poot na Nag-aapoy
Part 10 . . . Angkan ng mga Taong Lobo
Part 11 . . . Bampirang Makadiyos
Part 12 . . . Vladimir at Lucia
Part 13 . . . Pagsubok
Part 14 ... Bagong Vladimir . . Ang Bampira
Part 15 .. Ross at Michelle
Part 16 . . . Paghahanda sa Pagsalakay
Part 17 . . . Bampira Laban Taong Lobo
Part 18 ... Katapusan ng Paghihiganti ni Yuri
Part 19. . . Langit at Lupa
Part 20 . . . Nicholai
Part 21 . . . Jansen Ang Bagong Halimaw
Part 22 . . . Pagtatagpo ng Dalawang Puso
Part 23 . . . Sagupaan ng mga Bampira at Taong Lobo
Part 24 . . . Nabunyag na Lihim
Part 25 . . . Pangako
Part 26 . . Jansen ... Ang Halimaw
Part 27 . . . Vladivostok
Part 28 . . Paghihiganti ng Duke
Part 29 . . . Paghahanap kay Jansen
Part 30 . . . Bumaba ang Langit sa Lupa
Part 31 . . . "Mahal Kita Maging Halimaw Ka Man"
Part 32 . . . "Halimaw sa Dilim"
Part 33 . . . "Tagisan ng Lakas"
Part 34 . . . "Ang Lihim "
Part 35 . . . " The Boss "
Part 36 . . . " The Date "
Part 37 . . . "Muling Pagkabuhay ng Demonyo"
Part 38 . . . "Ang Katotohanan"
Part 39. . . " Ang Sorpresa"
Part 40 . . . "Kiel"
Part 41 . . . " Mahal Kita Maging Halimaw Ka Man"
Part 42 . . . "Sagupaan"
Part 43 . . . "Kasunduan"
Part 44 . . . "Gerald Von Hausler"
Part 45 . . . "Tatlong Puso sa Iisang Pag-ibig"
Part 46 . . . "Corregidor"
Part 47 . . . "Cruiser Yacht"
Part 48 . . ."Agaw Buhay"
Part 49 "Mahal Kita Maging Halimaw Ka Man!"
Part 50 . . . "Ensayo"
Part 51 . . . "Unang Laban"
Part 52 . . . "Milan"
Part 53 . . . "Ang Hudas"
Part 54 . . . "Morfori"
Part 55 . . . "Duelo"
Part 56 . . . "Mikhail"
Part 57 ... . "Ivano"
Part 58 . . . " Moog na Isla"
Part 59 . ."Mira"
Part 60 . . . "Sorpresa"
Part 61 . . . "Arielle"
Part 62 . . . "Astral Projection"
Part 63 . . . "Kiel"
Part 64 . . ."Lababan ng mga Nilalang ng Kadiliman"
Part 65 . . . "Pwersa Laban sa Pwersa"
Part 66 . . . "Limang Espirito ni Arielle"
Part 67 . . ."Preso"
Part 68 ... "Nag-aapoy na Galit"
Part 70 "Asul na Apoy"
Part 71 . . . "Pagsuko ng Taong Lobo"
Part 72 "Conde Drakul"
Part 73 " Igor Ang Higanteng Bampira"
Part 74 "Higanti ni Borgel"
Finale . . . " Arielle v/s Konde Drakul Huling Laban"

Part 69 . . . "Kidnap"

222 15 1
By TitoRudy1953


"Kidnap"

------

Nakabalik na sa villa sina Nick. Kaagad siyang uminom ng anim na boteng blood plasma na  inihanda nina Sofia.  Unti-unting nanumbalik ang kanyang lakas habang naka-upo siya sa sofa. Nasa sala silang lahat.

"Papa kailangan ay mabantayan ang mga palaboy. Sa nangyaring napakawalan natin ang mga bihag ni Estefano ay maaaring dumukot silang muli ng mga dalagita."sabi ni Nick.

"Naghabilin na ako kay Beto na magbantay muna doon ang ating mga kapanalig. Naisip ko na iyan Nick kanina pa."

"Mabuti kung ganoon Papa. Pero kailangan ay makita na natin kung nasaan si Estefano." sabi naman ni Ross.

"May nagmamasid na sa kanyang villa." Tugon ni Yuri.

Habang nag-uusap sila ay dumating si Renaldo at may kasama siyang isa nilang kapanalig.

"Yuri ito si Mika. Kararating lang niya galing sa Bolstok." sabi ni Renaldo. Kinamayan ni Yuri si Mika at binati naman siya ng iba.

"Yuri  narito na sa Milan ang grupo ni Aleksin. Marami sila. Nakipagkasundo siya kay Estefano para kalabanin ka. Mga tauhan niya ang nauna ng pumarito noon at sumama kay Vitorio."sabi ni Mika.

"Sinong Aleksin? Hindi ko yata siya kilala. Ngayon ko lang narinig ang pangalan niya. Ahhhhhh! Tauhan pala niya ang mga taong lobong sumalakay sa amin sa Pilipinas."tugon ni Yuri.

"Nakalaban na ninyo ang kanyang mga tauhan?" nagtatakang napatanong si Mika.

"Oo Mika. Wala na ang mga tauhan niya. Napatay namin silang lahat at nakakulong na rin si Vitorio na wala ng silbi."sagot ni Yuri.

"Patay na pala si Mikhail. Maganda kung ganoon. Siya ang supplier ng droga sa Rusya. Nagsaliksik ako tungkol kay Aleksin bago ako pumarito. Napag-alaman kong apo siya ni Boris Ivanoff. Pinalitan lang niya ang kanyang apelyido. Marami nang mga taong lobo sa Rusya ang gustong makipagkasundo sayo Yuri. Gusto na nila ng kapayapaan. "

"May buhay pa pala sa angkan ni Boris. Ngayon ko lang nalaman iyan. Salamat sayo Mika. Sabihin mo sa mga gustong maka-usap ako na magpapasabi ako sa kanila sa pagpunta ko sa Rusya. Tatapusin ko muna ang problema kina Estefano at sa Aleksin na ito.  Kailan sila makararating dito sa Milan."

"Ayon sa aking inpormante na nasa sa grupo niya ay sa Castella di Regazzo sa bayan ng Regazzo sila magkikita-kita. Nasa malapit  ng Route 44 ang kastilyo. Nasa itaas ito ng bundok.  Pag-aari ito ni Estefano. Maaaring nasa  kastilyo na silang  lahat ngayon. Nauna silang pumarito sa akin dalawang araw ng nakaraan."

"Ross kunin mo ang mapa at tignan natin kung nasaan ang Castella di Regazzo." Atas ni Yuri, Tumayo si Ross at kinuha ang mapa.

"Here Papa!" Ipinakita ni Rose ang kastilyo sa hawak niyang mapa  ng siya ay bumalik.

"Renaldo ipunin mo ang ating mga kapanalig dito sa Milan. Magkita tayo sa hotel na ito sa Regazzo mamayang  hapon. Huwag kayong magpapahalata. Baka may espiya na si Estefano sa lugar na ito. " Sabi ni Yuri.

"Sige Yuri. Lalakad na kami ni Mika ngayon din." tugon ni Renaldo.

"Maghanda kayo at lalakad na tayo mayamaya Nick, Vladimir, Ross manmanan ninyo ang kastilyo pagdating natin sa Regazzo."

"Oo Papa" sagot ni Nick.

--------------

Nagpupuyos sa galit si Estefano ng dumating siya sa kanyang villa. Ang masamang balita ang sumalubong sa kanya.  Namatayan na kasi siya ng maraming alagad ay natakasan pa ng mga bihag niya kaya galit na galit siya kay Ivano.

"Isa kang inutil Ivano. Ilang beses mo na akong binigo." Galit ni sabi ni Estefano.

"Estefano nasa kastilyo ako sa  Regazzo. Naghahanda kami roon sa pagdating nina Aleksin. Dumating na sila.  Mamaya na rin ang pagdating ni Igor na ipinasundo ko at sa kastilyo na siya tutuloy.

"Ahhhh! Hayop na Yuring iyan! May malakas nga siyang kasama sabi ni ama."

"Sinabi ko na nga sayo noon na malakas ang isipan ng kasama nilang babae. Ayaw mong maniwala sa akin." tugon ni Ivano na nakangisi pa.

"TANGA! Hindi ang tinutukoy mong babae ang sinasabi ko. Isang batang babae ang kasama nina Yuri na malakas at makapangyarihan. Anak siya ng dalawang bampira. Paano kaya nagawa nina Yuri na magka-anak ang kasama nilang bampira?" sabi ni Estefano at nawala ang ngiti ni Ivano ng masigawan siyang isang tanga. 

"Baog tayong mga bampira. Paano sila magkaka-anak Estefano?" tanong naman ni Ivano na ikina-iritang lalo ni Estefano.

"BOBO ka talaga Ivano! Inulit mo lang ang tanong ko at sa akin mo pa itinatanong. Leche!  Manahimik ka na nga lang. Lalo mo lang akong ginagalit. Ang mabuti pa ay pumunta ka sa lumang simbahan at kunin ninyong lahat ang mga alaga ko.  Dalhin sila rito. Sabihan ang lahat kong alagad na pumarito. " atas ni Estefano.

"Pero Estefano may nagbabantay na sa mga palaboy. Baka makatunog sila na naroroon kami at tawagin nila sina Yuri. Hindi namin sila kaya."

"Nakikinig ka ba Ivano sa sinabi ko o may makapal na luga na iyang mga tenga mo? Sinabi ko bang puntahan ninyo ang mga palaboy? BOBO! Ang dami nating lagusan patungo sa kulungan ng aking mga alaga. Bakit sa tunnel ng mga palaboy kayo dadaan? Lumayas ka na nga!" Yuko ang ulo ni Ivano at inis na inis kay Estefano. Kinamot pa niya ang kanyang kalbong ulo. 

--------------

Nakahanda ng umalis sa villa sina Yuri. Apat na itim na SUV ang kanilang mga sasakyan. May kasama silang sampung kapanalig. Papasakay na sila ng dumating ang isang kotse. Bumaba ang kapanalig nilang nagmamanman sa villa ni Estefano. Lumapit siya kay Yuri.

"Dumating na si Estefano kagabi Yuri. Abala sila kagabi. May dumating na dalawang 20 footers na containers. Hindi ko nakita ang mga nilalaman pero sa tingin ko ay mahalaga. May maraming escorts na sasakyan kasi. Nagdatingan rin sa villa ang mga alagad ni Estefano. May pinaghahandaan sila." sabi ng kapanalig.

"Ano Papa? Uunahin ba natin si Estefano?"tanong ni Nick. Nag-iisip si Yuri. Naisip niyang  papunta na sa Regazzo sina Renaldo.

"Unahin muna natin ang Regazzo at isunod natin si Estefano habang hati pa  ang kanilang pwersa. Kapag nagsanib ang kanilang mga grupo ay mahinirapan tayong labanan sila. Sige sakay na para maaga tayong makarating sa Regazzo.

Apat na oras ang  itinakbo ng mga sasakyan ang mga  daang  patungong Regazzo. Sumabay sila sa maraming turistang hitch hikers sa mga kabundukan na nagtse-check-in sa isang hotel ng nasa bayan na sila nang makarating na sila. Nakasuot silang lahat ng pang-hiking na damit at rubber hiking boots. May mga backpacks pa sila para hindi sila punahin.

Magkahawak kamay ang mag-ina ng pumasok sa hotel. Nakamakapal na kulay orange na jacket at pulang ski mask si Arielle. Malamig ang mga kabundukan ng Regazzo. Matapos makapagcheck-in ang grupo ay lumabas na sina Nick para magmanman sa kastilyo. Lumabas din ang mag-ina. Gustong mamasyal muna ng bata. Nagpahatid sila sa driver nilang kapanalig sa isang children's park.

Sa loob ng kastilyo ay nagpapahinga si Aleksin matapos ang kanilang mahabang biyahe mula Rusya. Nakaramdam siya ng gutom. Pumasok ang kanyang kanang kamay.

"Bakit Yakob?" Tanong niya at umupo siya sa gilid ng kama.

"Nagugutom ang ating mga kasamahan. Hindi sapat sa kanila ang mga karne ng baka at baboy. Mahigit tayong tatlong daan. Pinalabas ko ang apat nating mga tauhan. Gamit nila ang isang itim nating   closed van. Mangunguha sila ng mga bata."

"Magaling. Sige gisingin mo ako sa pagbalik nila. Gutom na rin ako. Nasaan ba ang higanteng bampira?"

" Nasa basement siya kasama ang iba pang mga bampira. Hindi ko sila pwedeng utusan. May araw pa kasi."

"Sabihin mo sa iba na magbantay sa labas ng kastilyo. Mahirap na tayo ay malusutan."

"Oo Aleksin."  Lumabas ang kanang kamay ni Aleksin at nahiga naman siya sa kama.

----------

Ang  malawak na children's park na karatig ng isang animal zoo ay puno ng mga tao. Nasa paanan ito ng isang bundok. Buong pamilya ng mga Italyano ang dumadagsa sa park. Karamihan sa mga tao ay mga bata. May mga dalagita rin at binatilyo na hindi kasama ang kanilang mga magulang. Grupo grupo ang mga kabataan.

Pumasok ang itim na van sa park patungo sa zoo. May mga daan na pwedeng dumaan ang  mga may sasakyan patungo sa mga kakahuyan na may mga kulungan ng mga malalaking hayop at ito ang dinaanan ng van.

Sa may kulungan ng mga elepante ay tuwang-tuwa si Arielle na nagpapakain ng isang batang elepante. Naka-upo silang mag-ina sa mahabang upuang bato katabi ng bakod. Inilalabas ng maliit na elepante ang kanyang mahabang ilong at kinikuha ang mga mani sa palad ng bata. Masaya ang pakiramdam ni Mira sa nakikita niya ang inosenteng tuwa ni Arielle.

"Hi hi hi! Nakatutuwa siya Mommy! Gusto pa niya ng mani. Naubos niya ang isang supot!"

"Sige dumito ka lang at bibili pa ako."

"Opo mommy!"

Tumayo si Mira at iniwan si Arielle na nakikipaglaro sa ilong ng batang elepante. Malayo-layo ang bilihan ng mani.

Napadaan ang itim na van malapit sa kulungan ng mga elepante. Pauwi na ang mga tauhan ni Aleksin ng makita ng katabi ng driver si Arielle.

"Ihinto mo saglit. May batang nag-iisa lang. Ayun!" Sabi ng katabi ng driver at itinuro si Arielle. Tumigil ang kanilang sasakyan.

"Sapat na ang walong kabataan sa loob. Maliit na bata pa lang iyan." Sabi ng driver.

"Mga ganyang bata ang paborito ni Aleksin. Dito ka lang at ako ang kukuha."sabi ng isa. Inilabas niya ang isang panyo at nilagyan ng chloroform.

Bumaba siya sa sasakyan at pinuntahan si Arielle. Palingon-lingon siya sa mga tao kung may nakakapansin sa kanya sa paglapit sa bata. Tumayo siya sa likuran ni Arielle. Lumingon muna magkabila kung may nakatingin sa kanila. Wala. Abala ang mga tao  sa kani-kanilang mga kasamang bata. Mabilis niyang tinakpan ng panyo ang bibig ni Arielle at niyakap. Sabay karga sa bata at mabilis na naglakad pabalik sa van. Kinatok niya ang likurang pinto ng van. Bumukas ito. Iniabot niya ang batang hindi kumikilos sa isa sa dalawang nagbabantay sa loob ng van. Itinabi si Arielle sa walong natutulog na kabataan.

"Tara na. Bilisan mo baka may maghanap na sa mga kinuha natin." Sabi ng kumuha kay Arielle  na  sumakay at umupo sa tabi ng driver. Umabante ang van para lumabas na sila sa park.

Sa tindahan na bilihan ng pagkain ay nakapagbayad na si Mira ng binili niyang mani at fruit juice. Kalalabas lang niya sa tindahan.

"Mommy!"

"Arielle bakit ka narito?" Lumitaw bigla ang isang espirito ni Arielle sa harap ni Mira. Siya lang ang nakakikita sa espirito ng  bata. Nag-uusap sila gamit ang kanilang isipan.

"Dinukot ako mommy ng mga tauhan nung Aleksin na sinasabi ni lolo. Akala nila ay tulog ako. Narinig ko kasi ang usapan nila na may dinukot sila kaya hinayaan kong kunin din nila ako. Mommy walong kabataan ang kasama ko ngayon dito sa loob ng van."

"Uuwi ako sa hotel anak. Sasabihin ko kina lolo mo ito at susunod kami kaagad kung saan ka nila dadalhin. Mag-ingat Arielle anak!"

"Opo mommy!"

Nawalang bigla ang espirito ni Arielle. Bigla ring nawala si Mira sa kinatatayuan. Mabilis na siyang tumatakbo pabalik sa hotel. Malaki ang tiwala niya kay Arielle pero kailangan pa rin ng bata ang tulong nila.

----------

Pumasok ang itim na van sa kastilyo. Ibinaba ang mga natutulog na bihag at dinala sa basement ng kastilyo. Ipinasok silang lahat sa isang kulungan. Tuwang-tuwa ang mga nagbuhat sa kanila dahil makakakain  na sila ng sariwang karne na mainit-init pa.

Dumilat ang mga mata ni Arielle nang wala na ang mga taong lobong bumuhat sa kanila. Pinagmamasdan niya ang kanyang mga kasamang kabataan sa loob ng kulungan. Limang dalagita at tatlong binatilyo ang mga natutulog pa. Lumabas ang asul na apoy sa kanyang kanang kamay habang nakatingin sa rehas na bakal ng kulungan.


Sa silid ni Aleksin ay kumatok sa pinto ang kanyang kanang kamay. Tumayo si Aleksin nang pumasok ito.

"Aleksin may nakuha na silang pagkain natin. Walong kabataan at isang sampung taong gulang na bata, ang paborito mo!" Masayang balita ng kanang kamay niya.

"He he he! Magandang balita iyan. Kumakalam na nga ang tiyan ko! Ihanda ang bata.  Huwag muna siyang papatayin. Masarap ang humigop ng mainit na dugo mula mismo sa kanyang katawan. He he he!" Ngising aso si Aleksin at lumabas sila ng silid.

Sa hotel ay nagulat si Yuri sa balita ni Mira. Mapapa-aga ang pagsalakay nila sa kastilyo. Sinabihan nila ang kanilang mga kapabanalig na nasa kabilang mga kwarto. Nagbibihis na sila ng kanilang mga espesyal na kasuotan.

"Sofia mahal, Michelle, Lucia sa labas kayo ng kastilyo. Kayo ang bahala sa mga makatatakas sa amin. Dalhin ninyo ang mga kasuotan nina Nick, Ross at Vladimir." Sabi ni Yuri.

Nang tapos na silang lahat sa pagbibihis ay inihanda na nila ang kanilang mga armas.

"Makinig kayong lahat. Hindi tayo gagamit ng mga sasakyan para hindi tayo makita ng mga tao. Lahat tayo ay tatakbo. Limangpung metro mula sa kastilyo tayo hihinto at palilibutan natin  ang kastilyo. Hintayin ninyo ang hudyat ko bago tayo sumalakay. Priority natin ang mailigtas muna ang walong bihag nilang kabataan. Nasa loob na ng kasyilyo ang aking apo na si Arielle. Tayo na!" Sabi ni Yuri na gamit ang kanyang isipan na narinig ng lahat.

Lumabas sila ng mga kwarto at isa-isang nawawala. Muling magsasagupa ang mga taong lobo at mga bampira. Ito na ang ubusan ng lahi at angkan sa pagitan nina Yuri at Aleksin. Dalawang angkan na matagal ng magkatunggali mula pa noong isang pangkaraniwang tao si Yuri. Ito na ang katapusan ng kanyang paghihiganti sa natitirang dugo ni Boris Ivanoff ang kanyang kinasusuklaman at mortal na kaaway.


************

Continue Reading

You'll Also Like

23.2M 623K 65
Hoping for a fresh start, Adrianna Walter reluctantly enrolls at Sinclaire Academy-an elite school for humans and vampires. But upon her arrival, she...