Red Moon (Complete)

Galing kay TitoRudy1953

15.6K 1K 110

A vampire and human love trylogy. Mga pag-ibig na walang kamatayan kahit langit at lupa ang agwat sa isat-isa... Higit pa

Part 1 ... Duelo
Part 2 ...Unang Paghihiganti
Part 3 ..Pag-ibig na Walang Kamatayan
Part 4 . . . Konde Drakul
Part 5 ... Dugo ng Taong Lobo
Part 6 . . . Paghahanap kay Sofia
Part 7 . . . Ang Sumpa ni Yuri
Part 8 ... Babaeng Bampira
Part 9 . . . Poot na Nag-aapoy
Part 10 . . . Angkan ng mga Taong Lobo
Part 11 . . . Bampirang Makadiyos
Part 12 . . . Vladimir at Lucia
Part 13 . . . Pagsubok
Part 14 ... Bagong Vladimir . . Ang Bampira
Part 15 .. Ross at Michelle
Part 16 . . . Paghahanda sa Pagsalakay
Part 17 . . . Bampira Laban Taong Lobo
Part 18 ... Katapusan ng Paghihiganti ni Yuri
Part 19. . . Langit at Lupa
Part 20 . . . Nicholai
Part 21 . . . Jansen Ang Bagong Halimaw
Part 22 . . . Pagtatagpo ng Dalawang Puso
Part 23 . . . Sagupaan ng mga Bampira at Taong Lobo
Part 24 . . . Nabunyag na Lihim
Part 25 . . . Pangako
Part 26 . . Jansen ... Ang Halimaw
Part 27 . . . Vladivostok
Part 28 . . Paghihiganti ng Duke
Part 29 . . . Paghahanap kay Jansen
Part 30 . . . Bumaba ang Langit sa Lupa
Part 31 . . . "Mahal Kita Maging Halimaw Ka Man"
Part 32 . . . "Halimaw sa Dilim"
Part 33 . . . "Tagisan ng Lakas"
Part 34 . . . "Ang Lihim "
Part 35 . . . " The Boss "
Part 36 . . . " The Date "
Part 37 . . . "Muling Pagkabuhay ng Demonyo"
Part 38 . . . "Ang Katotohanan"
Part 39. . . " Ang Sorpresa"
Part 40 . . . "Kiel"
Part 41 . . . " Mahal Kita Maging Halimaw Ka Man"
Part 42 . . . "Sagupaan"
Part 43 . . . "Kasunduan"
Part 44 . . . "Gerald Von Hausler"
Part 45 . . . "Tatlong Puso sa Iisang Pag-ibig"
Part 46 . . . "Corregidor"
Part 47 . . . "Cruiser Yacht"
Part 48 . . ."Agaw Buhay"
Part 49 "Mahal Kita Maging Halimaw Ka Man!"
Part 50 . . . "Ensayo"
Part 51 . . . "Unang Laban"
Part 52 . . . "Milan"
Part 53 . . . "Ang Hudas"
Part 54 . . . "Morfori"
Part 55 . . . "Duelo"
Part 56 . . . "Mikhail"
Part 57 ... . "Ivano"
Part 58 . . . " Moog na Isla"
Part 59 . ."Mira"
Part 60 . . . "Sorpresa"
Part 61 . . . "Arielle"
Part 62 . . . "Astral Projection"
Part 63 . . . "Kiel"
Part 64 . . ."Lababan ng mga Nilalang ng Kadiliman"
Part 65 . . . "Pwersa Laban sa Pwersa"
Part 66 . . . "Limang Espirito ni Arielle"
Part 67 . . ."Preso"
Part 69 . . . "Kidnap"
Part 70 "Asul na Apoy"
Part 71 . . . "Pagsuko ng Taong Lobo"
Part 72 "Conde Drakul"
Part 73 " Igor Ang Higanteng Bampira"
Part 74 "Higanti ni Borgel"
Finale . . . " Arielle v/s Konde Drakul Huling Laban"

Part 68 ... "Nag-aapoy na Galit"

228 14 2
Galing kay TitoRudy1953

"Nag-aapoy na Galit"

--------

Biglang kinabahan si Mira sa sinabi ng kanyang anak. Ngayon lang siya kinabahan ng husto mula ng magkakilala sila ni Nick.

"Anak anong nangyari sa ama mo?" tanong niya na labis na pag-aalala ang nababakas sa mukha.

"Nabihag po si daddy mommy. Sabihan po ninyo sina lolo at pupuntahan ko ho si daddy." Sagot ng bata.

"Sige anak. Mag-ingat kayong mag-ama. Susunod kami ng lolo mo." tugon ni Mira. Biglang nawala si Arielle.

Dinukot ni Mira ang kanyang cellphone at tinawagan si Yuri. Sinabi niya kung ano ang nangyari kay Nick at kung nasaan siya ngayon. Maghihintay siya sa kanilang pagdating.

Sa loob ng kulungan ay nahubaran na ng damit si Nick. Gising si Nick. Kung hindi lang siya nanghihina dahil sa dami ng dugong nawala sa kanya ay mapuputol niya ang mga tanikala sa kanyang mga paa at kamay.

"Kung hindi mo sasabihin kung nasaan ang mga kasama mo ay marami akong paraan para magsalita ka kahit isa ka pang bampira." Sabi ng bampirang nakatayo sa tabi ni Nick. Hawak niya ang matalim na scapel. Nakangisi naman ang apat niyang kasama sa loob ng kulungan.

Sinalat ng bampira ang dibdib ni Nick. Iniisip niya kung paano niya sisimulan ang paghiwa sa balat. Hihiwain na lang niya nang biglang lumitaw si Arielle sa kabila ng mesa. Nagulat ang bampira. Lalo siyang nagulat ng biglang humulagpos sa kamay niya ang ang hawak na scapel. Lumipad ito tumarak sa kanyang noo. Bumaon lahat ang anim na pulgadang haba ng scapel sa noo. Nabunot ang dalawang patalim na nakatarak sa mga pulso ni Nick at lumipad din. Tumarak ang mga patalim sa tig-isang mata ng bampira. Bumaon lahat ang mga patalim. Natumba ang bampira. Bago pa man bumagsak sa sahig ay nagliyab na ang buong katawan at naging abo.

Lumusob ang apat na bampirang nakatayo sa may pintuan ng kulungan kay Arielle. Hindi pa sila nakahahakbang ng ikalawang hakbang ay biglang sumabog na ang kanilang dibdib. Sabay-sabay silang nagliyab at naging abo rin. Ibinaba ni Arielle ang kanyang kaliwang kamay. Tinignan niya ang mga tanikala sa mga paa at kamay ni Nick. Naputol ang mga ito.

"Daddy! Hu hu hu!" Iyak ni Arielle habang tintignan ang duguan at nanghihinang si Nick.

Tumingkad ang berdeng kulay ng mga mata ng batang bampira at tinignan ang mga sugat ng ama. Mabilis na naghilom ang mga sugat. Ipinatong niya ang kanyang palad sa dibdib ng ama sa may tapat ng puso. Dumaloy ang isang malakas na pwersa. Bumilis ang tibok ng puso ni Nick. Dumodoble ang mga blood cells niya.

"Arielle anak. Hindi pa mamamatay ang daddy mo!" Bulong niya na nakangiti na.

"Daddy naman e!" sagot ng bata.

Umupo si Nick na nakaboxer short lang. Punit-punit na ang kanyang mga damit sa sahig. Sapatos na lang ang dinampot niya at isinuot. Bumukas ng kusa ang bakal na sliding door ng pintuan nang titigan ni Arielle. Lumabas ang mag-ama sa kulungan. Nauuna ang bata. Mahina pa si Nick at hindi pa kayang tumakbo ng mabilis kaya naglakad sila.

Nakita sila ng maraming bantay na bampira sa tunnel. Sumingasing ang mga bampira at naglabasan ang kanilang mga pangil. Tumakbo sila ng mabilis upang salubungin ang mag-ama. Nangunguna ang pinunong nakahuli kay Nick.

Nagliyab ang kulay berdeng mga mata ni Arielle at naglaro ang kanyang mahabang ginintuang buhok kahit walang malakas na hangin sa loob ng tunnel. Unti-unting pumupula ang kanyang buhok. Isang malakas na pwersa ang lumabas mula sa kanyang noo. Nabuo ang isang malaking naglalagablab na asul na apoy at umiikot ito. Sinakop nito ang ibaba at itaas ng tunnel. Sinalubong ng asul na apoy ang mga paparating na bampira na nabigla. Hindi na sila makaatras pa. Nilamon sila ng asul na apoy at kaagad silang naging abo. Natikman nila ang nag-aapoy na galit ni Arielle dahil sa ginawa nila sa kanyang mahal na ama.

Lumabas sa tunnel ang mag-ama. Nauuna sa kanila ang malaking naglalagablab na asul na apoy. Nahahati ito at pumapasok ang nahati sa mga sanga-sangang tunnels. Hindi alam ng mga bampira kung ano ang malakas na hanging pumipitong paparating. Huli na upang sila ay tumakbo. Abo na sila pagdaan ng asul na apoy.

Huminto sa paglakad si Arielle at nawala ang asul na apoy. Tumingin siya sa isang sanga ng tunnel.

"Daddy may bihag silang mga tao sa tunnel na ito." sabi ng bata.

"Sila marahil ang mga dinukot na palaboy." sagot ng ama.

Pumasok sila sa tunnel. Sa sahig ay puno ng mga abo. Ito ang mga labi ng mga bampirang nilamon ng asul na apoy. Dalawang sliding doors na bakal ang kusang bumukas. Nasa loob ng dalawang kulungan ang labinglimang mga dalagita na nag-iiyakan pa rin. Natakot pa sila kina Arielle ng makita nila ang mag-ama pero nakilala ng lima si Nick. Lumapit sila at isa-isang yumakap kay Nick at nagpasalamat.

"Ligtas na kayo. sumunod kayo sa amin. Basta huwag kayong matatakot kung ano man ang makikita ninyo. Naririto kami upang ipagtanggol kayo." Sabi ni Nick.

Nauna silang mag-ama. Kahit takot ay sumunod ang mga dalagita sa kanila. Malinis na ang mga tunnels na kanilang dinadaanan. Nilinis na ng asul na apoy. Nakarating sila sa bukana ng tunnel papasok sa malaking lumang simbahan.

Nagulat ang may limangpung bampira sa loob ng bulwagan ng simbahan nang makita ang mag-ama palabas ng tunnel. Sumingasing ang mga bampira at handa ng sagupain ang mag-ama. Biglang umurong ang isang parte ng dingding ng lumang simbahan. Lumabas sina Yuri, Mira, Ross, Vladimir Renaldo at Beto. Hawak nila ang kanilang mga matalas. Parang ipo-ipong dinaluhong nila ang mga kalabang bampira. Tumitilapon ang mga ulo, nahahati ang mga katawan at sumasabog ang mga dibdib ng mga bampira. Lumiwanag ang loob ng lumang simbahan dahil sa mga nagliliyab na katawan ng mga kalabang bampira. Wala pang tatlong minuto ay ubos na ang mga kalaban nila.

Mabilis na nilapitan ni Mira ang asawa at niyakap ng mahigpit. Hinalikan niya sa mga labi.

"Mahal ko! Labis mo akong pinag-alala. Hu hu hu!"sabi niya habang nakadikit ang kanyang pisngi sa dibdib ng asawa.

"Shhhhhh! Tahan na! Narito na ako!" sagot ni Nick.q

"Anong nangyari sayo Nick at wala kang damit? Ha ha ha!" tawa ni Yuri at lahat ay napatawa na. Nakasapatos at boxer short lang kasi si Nick.

"E balak yata nila akong suotan ng bagong damit kaya nila ako hinubaran!" Tugon niya na lalo silang tumawa.

Niyakap ni Nick si Arielle. Hinalikan niya sa pisngi at saka kinarga.

"Maraming salamat sa napakaganda kong anak. Iniligtas niya ang kanyang amang sutil. Ha ha ha!" Hinalikan niyang muli ang bata.

"Daddy hindi pa tayo tapos mamasyal ni mommy." sabi ni Arielle.

"Bukas na mahal ko. Uuwi muna tayo at magbibihis pa si daddy."

Lumakad si Yuri at nilibot ang loob ng lumang simbahan. Matagal na rin siyang hindi pumapasok dito mula ng manirahan sila sa Pilipinas.

"Papa saan kayo dumaan?" Tanong ni Nick.

"Ako lang ang may alam ng mga lihim na lagusan dito. Hindi ko sinabi sa kanila. Isang paghahanda ko sakaling dumating ang pagkakataong kailangan ko silang gamitin katulad ng nangyari ngayon."sagot ni Yuri.

"Beto, Renaldo isama na ninyo ang mga dalagita at ihatid sila sa kanilang mga magulang. "Atas ni Yuri sa dalawa. Nagpasalamat ang mga dalagita sa kanila bago sila sumama kina Beto at Renaldo. Sumama na rin sina Ross at Vladimir para masigurong ligtas ang mga dalagitang maka-uwi sa kanilang mga magulang. Pumasok sila sa lihim na lagusan.

"Kailangan matapos na ang mga kabuktutan ni Estefano. Sayang at wala siya rito ngayon. Nasaan na kaya siya?" Sabi ni Yuri.

"Lolo gusto mo hanapin ko siya? Alam ko na ho ang hitsura niya. Nakikita ko siya ngayon dito sa loob. Marami nga siyang pinatay lolo." sabi ng bata.

"Ha? Nakikita mo apo?"

Tumango si Arielle. Lumapit si Yuri sa kanya at si Mira. Hinawakan nila ang kamay ng bata na karga pa rin ni Nick. Nakikita na nila ang nakikita ng bata sa kanyang isipan. Mabilis na dumaraan ang mga nakaraan sa loob pa ng simbahan ni Estefano. Nakita nila ang ginawa ni Estefano simula pa nang una siyang pumasok sa loob ng lumang simbahan. Ang mga pagpatay niya sa mga birheng dalagita, ang mga kausap niya sa mga pulong ay nakita nilang lahat. Namanghang lalo si Yuri sa kakayanan ng kanyang apo.

"Lolo wala siya rito sa Milan."sabi ni Arielle. Hindi niya naramdaman ang mga alaga ni Estefano na nakakulong sa apat na kulungan sa isa sa mga tunnel dahil blanko ang kanilang mga isipan.

----------------

Sa isang lumang kastilyo sa bayan ng Transilvania sa bansang Romania ay papasok ang isang itim na sasakyan. Bumaba si Estefano. Sinalubong siya ng isang katiwala na isa ring bampira.

"Tumuloy na kayo sa bulwagan. Kanina pa naghihintay ang inyong ama." Sabi ng katiwala.
Pumasok si Estefano. Naka-upo sa isang mataas na sandalang upuan ang isang matandang hapis na ang mukha, payatin at nangingitim ang kulay ng balat na nangungulubot na sa katandaan. Siya si Borgel ang dating ministro ni Conde Drakul. Isa siya sa mga pinakamalakas at makapangyarihang bampirang nilikha ni Conde Drakul.

"Ahhhh! Ang suwail kong anak. Bakit ka pa nagbalik?" Sabi ng matandang bampira. Parang nanggagaling sa ilalim ng balon ang garalgal niyang boses.

"Tama ka ama ko. Hindi ako mabubuhay sa dugo lang ng mga hayop. Pinalakas ako ng mga dugo ng mga tao lalo na ng mga birhen."

"Malakas ka na pala. Mabuti at nagising ka na sayong katangahan. Naniwala ka kay Yuri. Tinalikuran mo ako na iyong sariling ama at lumikha sayo!"

"Matagal na akong nagsisi ama. Noon ko pa gustong pumarito wala lang akong panahon. Magkalaban na kami ngayon ni Yuri. Tinalo niya si Vitorio." Lumapit si Estefano at umupo sa tabing upuan ni Borgel.

"Natalo pala ang kapareho mong tanga. Bakit ka pumarito ngayon?"

"Dagdagan mo ang aking lakas at kapangyarihan ama para matalo ko si Yuri!"

"Ha ha ha! Ang suwail kong anak ngayon ay gustong tulungan ko siya. Talagang hindi ka mananalo kay Yuri dahil hindi si Yuri ang matindi mong makakalaban."

"Anong ibig mong sabihin ama?"

"Isang bata ang isinilang ng isang bampira at ang kanyang ama ay isa ring bampira. Mataas ang antas ng dugo ng bata bilang isang bampira. Purung-puro ang kanyang dugo. Kahit malayo siya ay naramdaman ko ang kanyang lakas. Kahit ako ay hindi mananalo sa kanya." Sumandal si Borgel sa kanyang upuan. Ipinikit niya ang kanyang mga mata.

"Anong gagawin ko ama upang matalo ko siya?" Dumilat si Borgel at tumingin kay Estefeno.

"Kilala ka na niya. Hinahanap ka niya sa Milan. Wala ka nang pagtataguan ng hindi ka niya matatagpuan kahit magpakalayo-layo ka pa. Iisa lang ang paraan para talunin mo siya kung matatalo mo nga."

"Anong paraan ama?"

"Inumin mo ang dugo ni Conde Drakul ang bampirang pinagmulan nating lahat." Sabi ng matanda.

"Saan ako kukuha ng dugo ng konde?"

"Matanda na ako para lumaban pa. Hindi ko na kaya. Masaya na ako na hanggang ngayon ay buhay pa ako. Kaya sayo ko na lang ibibigay ang tanging kayamanan ko. Goran kunin mo ang kopita sa aking taguan sa aking silid at dalhin mo rito." Sabi niya at sumunod ang kanyang katiwala. Makalipas ang ilang minuto ay bumalik si Goran dala ang gintong kopita na may takip. Ibinigay niya ito kay Borgel.

Binuksan ni Borgel ang takip ng kopita. Sariwang dugo ang laman kahit ilang daang taon na ang lumipas mula ng ibigay sa kanya ni Conde Drakul ito.

"Estefano inumin mo ito. Dugo ito ng lumikha sa akin."sabi ni Borgel at ibinigay ang kopita kay Estafano. Tinignan muna ni Estefano ang dugo bago niya ininom lahat.

"Ahhhhhhh! Tama ka ama. Kakaibang lakas ang aking nararamdaman ngayon. Ha ha ha!" Tinignan ni Estefano ang kanyang mga kamay. Kuminis at bumata ang kanyang balat. Nagmukha na siyang isang beinte años na lalake. Nararamdaman na niya ang kakaibang lakas at kapangyarihan. Ang lakas ni Conde Drakul.


**********

Ipagpatuloy ang Pagbabasa

Magugustuhan mo rin

23.2M 623K 65
Hoping for a fresh start, Adrianna Walter reluctantly enrolls at Sinclaire Academy-an elite school for humans and vampires. But upon her arrival, she...