Red Moon (Complete)

By TitoRudy1953

15.6K 1K 110

A vampire and human love trylogy. Mga pag-ibig na walang kamatayan kahit langit at lupa ang agwat sa isat-isa... More

Part 1 ... Duelo
Part 2 ...Unang Paghihiganti
Part 3 ..Pag-ibig na Walang Kamatayan
Part 4 . . . Konde Drakul
Part 5 ... Dugo ng Taong Lobo
Part 6 . . . Paghahanap kay Sofia
Part 7 . . . Ang Sumpa ni Yuri
Part 8 ... Babaeng Bampira
Part 9 . . . Poot na Nag-aapoy
Part 10 . . . Angkan ng mga Taong Lobo
Part 11 . . . Bampirang Makadiyos
Part 12 . . . Vladimir at Lucia
Part 13 . . . Pagsubok
Part 14 ... Bagong Vladimir . . Ang Bampira
Part 15 .. Ross at Michelle
Part 16 . . . Paghahanda sa Pagsalakay
Part 17 . . . Bampira Laban Taong Lobo
Part 18 ... Katapusan ng Paghihiganti ni Yuri
Part 19. . . Langit at Lupa
Part 20 . . . Nicholai
Part 21 . . . Jansen Ang Bagong Halimaw
Part 22 . . . Pagtatagpo ng Dalawang Puso
Part 23 . . . Sagupaan ng mga Bampira at Taong Lobo
Part 24 . . . Nabunyag na Lihim
Part 25 . . . Pangako
Part 26 . . Jansen ... Ang Halimaw
Part 27 . . . Vladivostok
Part 28 . . Paghihiganti ng Duke
Part 29 . . . Paghahanap kay Jansen
Part 30 . . . Bumaba ang Langit sa Lupa
Part 31 . . . "Mahal Kita Maging Halimaw Ka Man"
Part 32 . . . "Halimaw sa Dilim"
Part 33 . . . "Tagisan ng Lakas"
Part 34 . . . "Ang Lihim "
Part 35 . . . " The Boss "
Part 36 . . . " The Date "
Part 37 . . . "Muling Pagkabuhay ng Demonyo"
Part 38 . . . "Ang Katotohanan"
Part 39. . . " Ang Sorpresa"
Part 40 . . . "Kiel"
Part 41 . . . " Mahal Kita Maging Halimaw Ka Man"
Part 42 . . . "Sagupaan"
Part 43 . . . "Kasunduan"
Part 44 . . . "Gerald Von Hausler"
Part 45 . . . "Tatlong Puso sa Iisang Pag-ibig"
Part 46 . . . "Corregidor"
Part 47 . . . "Cruiser Yacht"
Part 48 . . ."Agaw Buhay"
Part 49 "Mahal Kita Maging Halimaw Ka Man!"
Part 50 . . . "Ensayo"
Part 51 . . . "Unang Laban"
Part 52 . . . "Milan"
Part 53 . . . "Ang Hudas"
Part 54 . . . "Morfori"
Part 55 . . . "Duelo"
Part 56 . . . "Mikhail"
Part 57 ... . "Ivano"
Part 58 . . . " Moog na Isla"
Part 59 . ."Mira"
Part 60 . . . "Sorpresa"
Part 61 . . . "Arielle"
Part 62 . . . "Astral Projection"
Part 64 . . ."Lababan ng mga Nilalang ng Kadiliman"
Part 65 . . . "Pwersa Laban sa Pwersa"
Part 66 . . . "Limang Espirito ni Arielle"
Part 67 . . ."Preso"
Part 68 ... "Nag-aapoy na Galit"
Part 69 . . . "Kidnap"
Part 70 "Asul na Apoy"
Part 71 . . . "Pagsuko ng Taong Lobo"
Part 72 "Conde Drakul"
Part 73 " Igor Ang Higanteng Bampira"
Part 74 "Higanti ni Borgel"
Finale . . . " Arielle v/s Konde Drakul Huling Laban"

Part 63 . . . "Kiel"

207 17 2
By TitoRudy1953

"Kiel"

----------

Matapos ang tatlong araw ay tumawag si Don Yuri kay Mang Damian sa Baguio.

"Hello Mang Damian. Ano na ang balita riyan?"

"Hello sir. Sinunod ko ang bilin ninyo. May nagmamatyag nga rito sa mansion."

"Magaling Mang Damian. Sige pwede mo ng ipaalam sa kanila kung nasaan ang isla. Kunwari ay nagbabakasyon kaming lahat dito."

"Masusunod po sir!"

"Sige na Mang Damian. Mag-ingat ka rin diyan. Sa safe room ka matulog pagdating ng gabi," 

"Opo sir!"

Ibinulsa na ni Yuri ang cp. Nasa sala silang lahat sa cottage kasama si Kiel.

"Humanda na kayo. Ilang araw lang at darating na rito sina Jansen." Sabi niya.

"Lolo dati ninyong anak si Jansen. Bakit po siya umalis sa inyo?" Tanong ni Arielle.

"Dahil naging masama siyang bampira Arielle. Pumatay siya ng maraming inosenteng mga tao. Nilabag niya ang utos ko."

"Gusto ko siyang makaharap lolo."

"Ha? Sa liit mong iyan ay gusto mong makaharap ang halimaw na si Jansen? May gatas ka pa sa mga labi. Anong magagawa mo?"
singit ni Kiel.

Tumayo si Mira na nainis sa sinabi ni Kiel pero sinenyasan siya ni Yuri na maupo ulit.

"Kiel, walang masama kung gusto ng bata na makaharap si Jansen. Dati kong itinuring na anak si Jansen. Curious lang ang bata sa pagkatao ni Jansen  kaya nasabi niyang gustong makaharap ito."

"At huwag mong mamaliitin ang anak ko Kiel. Kahit ikaw ay kaya niyang itumba!" Galit na sabi ni Mira na hindi na nakatiis sa naramdamang pagkainis kay Kiel.

"Anong sabi mo Mira? Ako kayang ay itumba ng paslit na iyan. Ha ha ha!" Tumawa siya na parang  nangungutya at dinuro pa niya ang bata. Si Nick na ang tumayo na nainis na rin kay Kiel.

"Bakit hindi mo subukan ang anak namin Kiel. Para na rin kayong nag-eensayo!" sabi ni Nick.

Namula si Kiel. Sa isip niya ay  isang bata lang ang ihaharap sa kanya. Sa tingin niya ay para siyang kinukutya at minamaliit ng mga bampira.

"Hindi ko papatulan ang anak ninyo Nick. Kawawa lang siya sa akin. Kung ikaw nga ay muntik ka na sa akin ang batang iyan pa?" Sabi ni Kiel at ngumisi pa siya at tinignan niya si Arielle na nakatingin din sa kanya.

"Lolo payagan po ninyo ako. Tuturuan ko lang siya ng leksiyon."  sabi ni Arielle na silang magkapamilya lang ang nakarinig.

'Sige apo!"

Tumayo ang bata at lumapit kay Kiel. Hinayaan siya ng lahat na ipinagtaka ng taong lobo.

"Takot ba kayo sa akin kaya ayaw ninyo akong labanan?" sabi niya kay Kiel.

"Hindi ako takot sayo. Iba akong magalit baka iba ang magawa ko sayo." tugon niya na nakangisi pa rin.

"Paano kung sabihin ko kina lolo na sinungaling ka! Kailan lang ay pumatay kayo ng tatlong batang lalake at kinain ninyo sila. Masasama kayong mga  taong lobo!" Gamit ang isip ay pinasok ni Arielle ang isipan ni Kiel. Hindi alam ni Kiel na ang magiging usapan nila ay maririnig ng lahat.

'Paano mo nalaman. Hindi ka pa isinisilang noon."  sagot niya sa bata.

"Nakikita ko lahat sayo kung ano ang mga ginawa mo sayong nakaraan. Gusto mong ipakita ko kina lolo? Alam kong papatayin ka nila kapag nalaman nila ang mga kasalanan mo. Labanan mo ako. Kapag tinalo mo ako ay ililihim ko ang mga lihim mo. Pero kapag tinalo kita ay pagdurusahan mo lahat ang mga kasalanan mo!"

"Sige! Kung gusto mong talagang masaktan. Tara sa labas." tugon niya sa bata at lumabas sila ng cottage.

Naglabasan na rin ang buong pamilya. Gusto nilang makita kung ano ang magagawa ni Arielle. Galit si Don Yuri ngayong nalaman niya ang lihim ni Kiel. Sumira ang taong lobo sa kasunduan nila noon na walang inosenteng tao ang mamatay na.

Dumating rin ang mga alagad ni Kiel. Nalaman nila ang sagupaan ng dalawa ng tawagin sila ng palihim ni Kiel  na hindi nalingid kay Arielle. Pumunta sila sa dalampasigan. Naghubad ng damit si Kiel. Sineseryoso na niya ang laban. Iniisip niyang buhay na niya ang nakataya. Wala na siyang pakialam kung bata man ang kalaban niya. Ang mahalaga ay manatiling lihim ang kanyang mga kasalanan.

"Sa akala mo ba ay bubuhayin pa kita! Sasabihin ko lang kay Don Yuri na nasobrahan ang pagbira ko sayo at hindi ko sinasadya ay maniniwala sila dahil ako lang ang makatutulong sa kanila  laban kina Jansen. Kaya humanda ka batang mayabang!" sabi ni Kiel.

Nangigigil si Mira ng marinig ang isipan ni Kiel. Gusto na niyang durugin ang taong lobo. Pinigilan siya nina Nick at Don Yuri.

Magkaharap na ang dalawa sa ibabaw ng mga batuhan sa dalampasigan. Para silang sina David at Goliath dahil sa laki ni Kiel kay Arielle.

Nagbago ang kulay ng mga mata ni Kiel. Nagsisimula na ring magbago ang kanyang anyo. Tinanggal niya ang takip ng isa niyang mata. Ukab ito. Lumabas na ang ang tunay niyang anyo. Isa na siyang mabangis na taong lobo. Lalo siyang lumaki at tumangkad.

"GROWWWLLLL "  Itinaas niya ang kanyang dalawang kamay. Nakabuka pa ang kanyang malaking bibig na tumutulo  ang laway. Nanlilisik ang kanyang matang nakatingin kay Arielle.

Nakatayo lang sa ibabaw ng isang malaking bato si Arielle. Hinihipan ng malakas na hangin ang kanyang mahabang buhok na nagbabago na ang kulay. Nagiging kulay pula ito mula sa pagiging ginintuang kulay. Naging berdeng matingkad lahat ang kanyang mga mata katulad ng kanyang ina. Lumabas  sa unang pagkakataon ang dalawa niyang pangil. Sumingasing na siya.

Biglang umigkas si Kiel. Halos labinglimang metros ang taas ng kanyang talon. Nakatingin siya sa ibabang babagsakan niya, si Arielle para kanyang sunggaban. Itinaas ni Arielle ang kanan niyang kamay. Isang malakas na pwersa ang lumabas sa kanyang palad. Sapol si Kiel sa dibdib ng malakas na pwersa. Tumilapon siyang pataas pa. Biglang nawala si Arielle sa kanyang kinatatayuan at lumitaw sa ibaba ni Kiel na nasa ere pa. Nakatingala ang lahat ng mga nanonood sa dalawa.

Muling nagpakawala ng isang pwersa ang bata at sapol ulit sa dibdib ang taong lobo na lalong tumilapon pataas. Nawala si Arielle at lumitaw sa likuran ni Kiel. Nakalutang sa ere ang bata at hinihintay niya ang papalapit na taong lobo na dilat ang matang nakatingin sa kawalan. Hinawakan niya ang batok ni Kiel. Sumisid siyang pababa sa lupa dala ang katawan ng taong lobo. Bago sila bumagsak sa basang buhanginan ay ibinato ni Arielle ang katawan ni Kiel pababa. Bumaon sa basang buhangin ang kalahating katawan ng taong lobo. Nasa ilalim ang ulo hanggang lampas baywang ang nakabaon. Ang mga paa ang nasa ibabaw. Hindi na gumalaw pa si Kiel. Takbuhan ang kanyang mga alagad upang hukayin ang buhangin at bunutin sa pagkakabaon ang kanilang pinuno.

"Ha ha ha! Ang galing mo apo! Ha ha ha! Nakalilipad ka pala! Nawala ang galit ko sa aking nakita!" sigaw ni Don Yuri na pinagmamasdan  ang kanyang magandang apo na nakalutang pa rin sa ere. Lumapag ito sa buhangin malapit sa pinagbaunan ni Kiel. Umiwas sa kanya ang mga alagad ni Kiel at halata sa kanilang mukha na kinatatakutan nila ang bata. Itinuro niya ang katawan ni Kiel at kusa itong nabunot sa pagkakabaon sa basang buhangin. Tulog ang taong lobo. Puro buhangin ang laman ng bibig at ang ukab na mata. Binuhat siya ng kanyang mga alagad.

"Halika rito apo ko!" sabi ng don at lumapit sa kanya si Arielle. Niyakap niya at kinarga.

"Lolo tama ba ang ginawa ko? Hindi ko siya pinatay. Alalay lang ang pwersang pinakawalan ko  para sa kanya. Binuhay ko siya para sayo lolo." sabi ng bata.

"Bakit apo? Gaano ba kalakas ang pwersa mo?"

"Ganito kalakas ang kalahati lolo!" Itinaas niya ang kanyang kaliwang kamay at parang itinulak niya ang hangin ng kanyang palad. Isang malaking puno ng niyog na halos limangpung metros ang layo sa kanila ang biglang sumabog ang katawan. Durog ang lahat ng himaymay ng puno. Naputol ang tinamaan ng pwersa at bumagsak ang puno ng niyog.

"Whoaaaa! Nakita ko na apo." sabi ng don na nagulat. Namangha silang lahat sa ipinakitang kakayanan ni Arielle.

"Tara na at pumasok tayong lahat sa cottage. Gusto kong mag-inuman tayong lahat. Saka ko na iisipin kung anong parusa ang igagawad ko kay Kiel." Masaya niyang sabi. Inakbayan naman ni Nick si Mira.

"Anong gagawin mo mahal kay Kiel kung hindi ka namin pinigilan ni Papa kanina?" bulong niya.

"Wala lang. Aalisin ko lang sana yung natitira pa niyang mata. Hi hi hi!" At kinurot niya si Nick sa baywang.

---------

Nakarating na kay Jansen kung saan naroroon ang buong angkan ni Yuri.  Dagli niyang inutusan ang lahat na sumakay na sa dalawang yate. Sumakay siya sa yate ni Vitorio. Sa loob ng isang espesyal na silid ay tumuloy si Jansen. Naka-upo sa isang mahabang sofa si Vitorio at umiinom ng dugo sa isang kopita ng datnan niya.

"Darating tayo sa isla bukas ng gabi Vitorio. Gusto kong ilaw ang humarap kay Yuri." Sabi niya at umupo siya sa isang sofa. Kumuha siya ng isang kopita at nilagyan niya ng dugo mula sa boteng katabi ng tray.

"Bakit ako lang ang haharap kay Yuri. Tayong dalawa dapat." tugon ni Vitorio.

"Gusto kong isipin niya na hindi mo ako kasama. Maghihintay kami ng mga alagad ko. Sasalakay kami ng hindi niya inaasahan."

"Malakas ang isipan ni Yuri. Malalaman niyang kasama kita."

" Vitorio! Para kang hindi isang bampira kung mag-isip. Sige subukan nating dalawa. Hanapin mo ako gamit ang iyong isipan. Pumikit ka muna." sinunod ni Vitorio ang sinabi ni Jansen. Pumikit siya. Nagbago ang anyo ni Jansen. Naging puting hamog na parang usok siya. Lumabas siya sa silid at ang bilog na bintana ang kanyang dinaanan na nakabukas. Dumilat si Vitorio. Wala na nga si Jansen. Ginamit niya ang kanyang isipan at parang radar itong naghahanap sa loob at labas ng yate. Ang isipan ng mga taong lobo ang kanyang nasasagap. Hindi niya nasasagap ang isipan ni Jansen. Pumasok ang puting usok sa bintana at nagbago ang anyo nito. Limitaw si Jansen.

"Ha ha ha! Tama ka Jansen. Hindi ka niya mararamdaman."

"Ako at ang mga alagad ko ay parang hamog sa gabi na kakalat sa buong isla. Ang mga mersenaryo ko at ang mga taong lobo ay nasa ilalim ng dagat. Maghihintay sila ng signal mo. Sabay kaming lahat na sasalakay sa isla."

"Mahusay ang naisip mong plano. Ang problema ko lang ay kung paano ko mapapaniwala si Yuri na wala akong intensiyon na masama sa pagpunta ko sa isla."

"Iyan ang isipin mo mula ngayon kung ano ang iyong magandang idadahilan sa kanya.  Tuso at matalino si Yuri. Isang pagkakamali mo lang ay patay tayong lahat. Iiwan na kita kaya mag-isip ka na  ngayon pa lang kung ano ang idadahilan mo sa kanya."

Muling naging puting usok si Jansen at lumabas sa bukas na bintanang bilog.

---------

Sa loob ng isang cottage ay nagising na si Kiel. Nakapalibot sa kanya ang jsnyang mga tauhan.

"Kumusta na ang pakiramdam mo Kiel?" Tanong ng isa at ibinigay kay Kiel ang damit nito.

"Medyo hilo lang pero okey na ako. Anong nangyari?"

"Para kang naging bola Kiel. Mabuti at hindi nilakasan ng bata ang pagbira sayo. Hindi ka na sana magigising ngayon."

"Oo nga Kiel. Kita namin paanong sumabog ang katawan ng punong niyog ng tamaan ng kanyang pwersang enerhiya. Kung katawan mo iyun naku Kiel sabog ang katawan mo. Wala kang kabuhay-buhay"

"Ganoon ba? Malakas nga siya." Nag-iisip siya ng malalim. Hindi niya akalain na matatalo siya ni Arielle. At alam ng bata ang kanilang sikreto.


***********

Continue Reading

You'll Also Like

23.2M 623K 65
Hoping for a fresh start, Adrianna Walter reluctantly enrolls at Sinclaire Academy-an elite school for humans and vampires. But upon her arrival, she...