Red Moon (Complete)

By TitoRudy1953

15.6K 1K 110

A vampire and human love trylogy. Mga pag-ibig na walang kamatayan kahit langit at lupa ang agwat sa isat-isa... More

Part 1 ... Duelo
Part 2 ...Unang Paghihiganti
Part 3 ..Pag-ibig na Walang Kamatayan
Part 4 . . . Konde Drakul
Part 5 ... Dugo ng Taong Lobo
Part 6 . . . Paghahanap kay Sofia
Part 7 . . . Ang Sumpa ni Yuri
Part 8 ... Babaeng Bampira
Part 9 . . . Poot na Nag-aapoy
Part 10 . . . Angkan ng mga Taong Lobo
Part 11 . . . Bampirang Makadiyos
Part 12 . . . Vladimir at Lucia
Part 13 . . . Pagsubok
Part 14 ... Bagong Vladimir . . Ang Bampira
Part 15 .. Ross at Michelle
Part 16 . . . Paghahanda sa Pagsalakay
Part 17 . . . Bampira Laban Taong Lobo
Part 18 ... Katapusan ng Paghihiganti ni Yuri
Part 19. . . Langit at Lupa
Part 20 . . . Nicholai
Part 21 . . . Jansen Ang Bagong Halimaw
Part 22 . . . Pagtatagpo ng Dalawang Puso
Part 23 . . . Sagupaan ng mga Bampira at Taong Lobo
Part 24 . . . Nabunyag na Lihim
Part 25 . . . Pangako
Part 26 . . Jansen ... Ang Halimaw
Part 27 . . . Vladivostok
Part 28 . . Paghihiganti ng Duke
Part 29 . . . Paghahanap kay Jansen
Part 30 . . . Bumaba ang Langit sa Lupa
Part 31 . . . "Mahal Kita Maging Halimaw Ka Man"
Part 32 . . . "Halimaw sa Dilim"
Part 33 . . . "Tagisan ng Lakas"
Part 34 . . . "Ang Lihim "
Part 35 . . . " The Boss "
Part 36 . . . " The Date "
Part 37 . . . "Muling Pagkabuhay ng Demonyo"
Part 38 . . . "Ang Katotohanan"
Part 39. . . " Ang Sorpresa"
Part 40 . . . "Kiel"
Part 41 . . . " Mahal Kita Maging Halimaw Ka Man"
Part 42 . . . "Sagupaan"
Part 43 . . . "Kasunduan"
Part 44 . . . "Gerald Von Hausler"
Part 45 . . . "Tatlong Puso sa Iisang Pag-ibig"
Part 46 . . . "Corregidor"
Part 47 . . . "Cruiser Yacht"
Part 48 . . ."Agaw Buhay"
Part 49 "Mahal Kita Maging Halimaw Ka Man!"
Part 50 . . . "Ensayo"
Part 51 . . . "Unang Laban"
Part 52 . . . "Milan"
Part 53 . . . "Ang Hudas"
Part 54 . . . "Morfori"
Part 55 . . . "Duelo"
Part 56 . . . "Mikhail"
Part 57 ... . "Ivano"
Part 58 . . . " Moog na Isla"
Part 59 . ."Mira"
Part 60 . . . "Sorpresa"
Part 62 . . . "Astral Projection"
Part 63 . . . "Kiel"
Part 64 . . ."Lababan ng mga Nilalang ng Kadiliman"
Part 65 . . . "Pwersa Laban sa Pwersa"
Part 66 . . . "Limang Espirito ni Arielle"
Part 67 . . ."Preso"
Part 68 ... "Nag-aapoy na Galit"
Part 69 . . . "Kidnap"
Part 70 "Asul na Apoy"
Part 71 . . . "Pagsuko ng Taong Lobo"
Part 72 "Conde Drakul"
Part 73 " Igor Ang Higanteng Bampira"
Part 74 "Higanti ni Borgel"
Finale . . . " Arielle v/s Konde Drakul Huling Laban"

Part 61 . . . "Arielle"

203 18 1
By TitoRudy1953


"Arielle"

-------

Kinabukasan ay nasa cottage ang pamilya at pinag-uusapan pa rin nila ang himalang pagbubuntis ni Mira. Natutuwa silang lahat. Nang may mensaheng kanilang narinig sa kanilang isipan.

" Sir may malaking lantsang patungo rito sa isla. May sampung kilometro pa ang layo niya." Sabi ng nag-ooperate na kapanalig nila sa mga monitors at radar.

" I-zoom mo ang long range na camera natin at i-patch mo ang video rito sa cottage." Sagot ni Yuri.

"Yes sir."

Binuksan ni Vladimir ang monitor sa sala ng cottage. Lumabas ang kuha sa lantsa na lumalaki hanggang sa nakikita na ang mga taong nakatayo sa ibabaw ng lantsa.

"Si Kiel at ang mga kasama niya." Sabi ni Nick.

"Ang mga taong lobo."sabi ni Sofia.

"Sabi ko kay Nick na papuntahin dito si Kiel. Pero hindi sila titira sa bunker. Sabihin kay Mang Benny na ihanda ang ibang mga cottages. Doon sila titira at walang babanggit sa inyo tungkol sa bunker. Sabihin sa ating mga kapanalig na simula ngayon ay sa loob muna sila ng bunker. Lalabas sila sa takdang panahon. "Atas ni Yuri.

"Papa ipapasyal ko muna si Mira sa Palawan. Malapit na lang naman dito. Gagamitin namin ang yate." Sabi ni Nick.

"Bro ano yan second honeymoon?" Tukso ni Ross.

"Ha ha ha! Siguro!" Sagot ni Nick.

"Sige Nick. Ingat lang kayong dalawa lalo na buntis yang kasama mo!"

"Oo papa!"

Lumabas sila upang salubungin ang grupo ni Kiel sa pantalan. Nakasalubong nila si Mang Benny na may dalang isang bungkos na singkamas. Kumislap ang mga mata ni Mira at napatakbo siya. Nagtinginan ang pamilya.

"Mam Mira ito lang po ang nabili ng kasama ko sa malaking pulo." Bungad ng matanda at ibinigay ang mga singkamas sa dalaga.

"Maraming salamat po Mang Benny. Sapat na ho ito!" Kaagad na tinanggal ng dalaga ang isang malaking singkamas. Binalatan gamit ang mga ngipin at kinagat. Sarap na sarap siya sa pagnguya.

"Iyan ba ang mga sinasabi mong singkamas mahal?" Tanong ni Nick at natutuwa habang pinagmamasdan ang dalagang kumakain.

"Oo mahal ko. Gusto mo?" Kumuha ng isa si Nick at ginaya si Mira sa pagbalat. Natuwa ng matikman ang singkamas.

Nakadaong na ang malaking lantsa sa pantalan. Bumaba sina Kiel at ang mga kasama niya. Sinalubong siya ni Don Yuri.

"Maligayang pagdating Kiel!" Sabi ng don.

"Ahhh! Don Yuri malaki rin pala itong isla ninyo! Kailan darating sina Jansen dito?" Tanong ni Kiel na inaayos ang takip ng isang mata niyang bulag.

"Kapag handa na tayong lahat Kiel. Magpaparamdam ako sa kanya na narito kami sa isla." Sagot ng don.

Iginala ni Kiel ang kanyang tingin at nakita sina Nick at Mira sa likuran nina Sofia at Michelle. Nakatalikod sa kanya ang dalaga. Lumapit siya sa dalawa.

"Mira, Nick narito lang pala kayong dalawa sa isla." Sabi niya habang papalapit siya.

"Oh Kiel! Kumusta ka na?" Sabi ng dalaga ng lumingon siya. Kinakain pa rin niya ang singkamas na nakikita ni Kiel.

"Mabuti naman Mira. Balita ko ay buntis ka raw. Totoo ba?" Madyo nakangisi siya.

"Ang bilis naman ng balita. Iilan lang kaming nakaka-alam. Oo Kiel buntis nga ako." Sagot niya.

Sumama ang loob ni Kiel pero hindi siya nagpahata. Lumapit si Yuri sa kanila.

"Tayo na Kiel. Sasamahan ko kayo sa titirahan ninyong mga cottages." Sabi ng don.

Naiwan sina Nick at Mira sa pantalan. Sumakay sila sa racer yatch. Palayo na sila ng lingunin sila ni Kiel. Galit pa rin siya kay Nick dahil sa pagpatay ni Nick sa kapatid niya at ang pagbulag sa kanyang mata at alam ito ng mga angkan ni Yuri.

Nasa laot na ang dalawa. Nasa wheel si Nick ng yate at nakayakap sa likod niya ang dalaga.

"Sana ay palaging ganito na lang tayong dalawa mahal ko!" Sabi ng dalaga.

"Huwag kang mainip mahal. Darating rin tayo sa gusto mo. Sa ngayon ay kailangan munang mawala ang mga kalaban ng ating angkan. Kumusta na ang baby natin?" Tugon ng binatang bampira.

"Mabuti naman siya mahal. Sana ay lumaki na siya. Gusto ko na siyang makita, mayakap at mahalikan. Sana ay kamukha mo at gusto ko ay babae."sabi niya.

Sa loob ng kanyang sinapupunan ay biglang bumilis ang pagbuo ng fetus. Nagkaroon na ito ng kasarian. Isang babae. Nabuo ang mga daliri sa mga kamay at paa. Lumalaki siyang bigla. Isa na ngayon siyang sanggol at sumipa pa.

"Ayyy! Mahal gumalaw siya!" Sabi niya at napangiti siya.

"Ha? Paano gagalaw ng malakas si baby e fetus pa lang siya!" Sagot ni Nick.

"Hawakan mo ang tiyan ko mahal!"

Humarap si Nick kay Mira at tinignan niya ang tiyan nito.

Huh! Mahal umumbok na ang tiyan mo. Lumaki siyang bigla!" Sinalat niya ang tiyan. Wala siyang makita pero nararamdaman niyang gumagalaw ang sanggol.

"Hi hi hi! Babae nga siya mahal. Sinabi ko lang ang gusto ko at naging babae siya at lumalaki ng mabilis. Hi hi hi! Ay! Oo anak ko. Papa mo ang humahawak sa tiyan ko. Dinarama ka niya!" Sabi ni Mira.

"Ha? Nagsasalita na siya?" Gulat si Nick.

"Oo mahal ko! Teka! Pumikit ka mahal." Hinawakan ni Mira ang kamay ni Mick. Pumikit si Nick.

Nakikita na ni Nick ang sanggol. Lumalaki na ito at tumutubo na ang mga buhok sa ulo.

"Anak kausapin mo ang daddy mo!" Sabi ni Mira.

"Daddy!" Sabi ng sanggol gamit ang kanyang isip.

"Ha! Ha ha ha! Ako nga anak si daddy. Mula ngayon ay Arielle na ang pangalan mo. Gusto mo ba?" Sabi ni Nick na tuwang-tuwa.

"Opo daddy! Daddy lolo ko ba si Lolo Yuri?"

"Ha? Nabasa mo ang nakaraan ko? Oo anak kahit hindi natin siya kadugo ay lolo mo siya."

"Isa pala akong bampirang katulad ninyo ni mommy daddy!"

"Oo Arielle isa kang himalang napakagandang bampira. Ayaw mo ba?"

Nakikinig lang si Mira sa usapan ng mag-ama at nakangiti siya. Lumaki pa ang kanyang tiyan. Napansin ito ni Nick.

"Gusto ko daddy."

"Salamat anak. Gusto ko ay maging isa kang mabait na bampira. Nakita mo na siguro ang parehong nakaraan namin ng mommy mo. Kung ano ang ginawa namin ay siyang gawin mo sana anak!"

"Opo daddy!

"I love you Arielle anak ko!" Sabi ni Mira.

"I love you too mommy at daddy!"

"I love you too Arielle. Huwag ka munang magmadaling lumabas. Nasa dagat pa kami ng mommy mo!" Sabi ni Nick.

Inalis na ni Nick ang kanyang kamay sa tiyan ni Mira.

"I love you so much mahal. Babalik na tayo sa isla!" Sabi niya at hinalikan niya sa mga labi si Mira. Humarap siya sa wheel at pina-ikot niya ng mabilis pakanan. Lumiko ang yate pabalik sa isla. Inilagay niya sa full speed ang makina at umangat ang harapan ng yate.

Malayo pa lang ang yate sa isla ay bumubusina na ito ng malakas.

"Papa sabihin ninyo kay Mang Benny na salubungin kami sa pantalan. Dalhin ang golf cart. Malapit ng manganak si Mira!"

"Ha! Sige sasabihin ko!" Sagot ng don ng marinig ang sinabi ni Nick. Lahat sila ay napatayo sa kanilang mga upuan at nagmadaling lumabas ng cottage. Tinawag ng don si Mang Benny at binilinan na salubungin sa pantalan sina Nick.

Dumaong ang yate sa pantalan. Naghihintay na si Mang Benny. Nagulat ang matanda ng bumaba sa yayte ang dalawa. Malaki na ang tiyan ni Mira. Pang-walong buwang sanggol na ang laki ng tiyan. Isinakay ni Nick si Mira sa cart. Siya na ang nagmaneho.

Nagulat din sina Yuri ng makita si Mira. Binuhat ni Nick si Mira na natatawa pa.

"Dalian mo Nick at ipasok siya sa silid. Michelle, Lucia ihanda ninyo ang kama at mga gamit para sa panganganak ni Mira." Sabi ni Sofia.

"Hi hi hi! Bakit ba kayo mukhang natataranta? Kaya ko naman at hindi sumasakit ang tiyan ko." Sabi ng dalaga.

Ibinaba siya ni Nick sa sala. Pero inalalayan pa rin siya ni Sofia at pumasok na sila sa silid. Naiwan ang mga lalake sa sala.

"Papa kakaiba ang anak namin ni Mira. Arielle ang pangalan niya. Katulad siya ng kanyang ina. Kaya niyang isara ang kanyang isipan. Nagka-usap kami at nabasa niyang lahat ang nakaraan ko. Kilala na niya kayong lahat at Lolo Yuri ang tawag niya sayo papa. Matured na kaagad ang kanyang isipan. Matalino siyang bata" Kwento ni Nick.

"Ha ha ha! Magaling Nick! Pambihira nga siyang bata. Teka lang! Ano ang isusuot niya? Tawagin si Mang Benny at magpakuha tayo ng mga damit pang bata." Sabi ng don na nagagalak.

Naupo sila at naghintay. Wala pang isang oras ng lumabas na si Sofia.

"Napakaganda niyang bata! Kamukha niya si Nick pero may hawig din siya kay Mira." Balita ni Sofia. Tayuan ang mga lalake at nagmadaling pumasok sa silid.

Nakahiga sa kama si Mira at katabi si Arielle. Lumapit sila sa kama. Lumapit si Nick kay Arielle. Nakangiti ito at nakatingin sa kanya. Berdeng berde ang kulay ng kanyang mga mata. Namumulang ginintuan ang buhok. Hinawakan ng sanggol ang isang daliri ni Nick.

"Maligayang pagdating Arielle anak sa bago mong mundo." Sa isipan ni Nick.

Ngumiti si Arielle at tinignan ang mga nakapaligid sa kama.

"Ang dami kong mga tita at tito daddy! Pwede ko ho bang mahawakan ang kanilang mga daliri?" Tugon niya.

Naglapitan sa kanya ang mga lalake. Nauna si Yuri. Inabot niya ang kanyang kamay kay Arielle. Hinawakan ng sanggol ang isang daliri. Nabasa niyang lahat ang mga nakaraan ni Yuri hanggang sa kasalukuyan.

"Kaya ka pala naging bampira Lolo Yuri masakit ang iyong nakaraan. Pareho kayo ni Lola Sofia." Sabi ni Arielle.

Sumunod ay sina Ross at Vladimir. Natuwa silang lahat sa pagsilang ni Arielle. Isang araw lang ang lumipas ay malaki na siya at naglalakad na. Sa ikalawang araw ay kasing laki na siya ng isang pitong taong gulang na bata. Hindi umaalis sa tabi niya sina Nick at Mira. Nakalakihan kaagad niya ang mga dalang mga damit pang bata ni Mang Benny na kilala na rin niya. Kaya nagpabili na ng malalaking mga damit si Yuri sa matanda. Sa ikatlong araw ay kasing edad na siya ng isang sampung taong gulang na bata. Naging madaldal siya at malambing sa lahat lalo na kay Yuri na siya na niyang lagi ng kasama.

Ikaapat na araw ay hindi na siya tumangkad at tumanda. Lahat ng mga kaganapan sa kanya ay isinusulat ni Vladimir sa kanyang isang medical journal na para kay Arielle lang. May ibang mga journals siya tungkol sa mga taong nakagat ng mga bampira at naging mga bampira. May mga batang nakagat na nanatiling mga bata. May mga matatanda na bumata naman ng ilang taon. Kakaiba si Arielle. Mabilis ang development ng kanyang mga cells at ngayon ay biglang huminto sa pagtanda.

Ikalimang araw ay lumabas na sa cottage ang maglolo. Naglakad sila sa dalampasigan. Nakakasalubong nila ang ibang mga katiwala sa isla na bumabati sa don at kay Arielle. Natutuwa sila na may magandang bata sa isla. Nakita sila ni Kiel na lumapit sa kanila.

"Ang ganda ng batang kasama mo Don Yuri." Bati ni Kiel. Tinignan siya ni Arielle.

"Arielle siya si Kiel. Kiel ito ang aking apo. Anak nina Mira at Nick."sabi ni Yuri.

"Ha? Siya ang anak ni Mira? Ang bilis naman niyang nanganak!" Sabi ni Kiel na nagtataka.

"Ano ang nakapagtataka Kiel? Anak siya ng isang bampira kaya natural lang sa amin ang bilis ng kanyang paglaki." Sabi na lang ni Yuri.

"Isa kang taong lobo!" Sabi ni Arielle.

"Alam mo?" Tanong ni Kiel na nagulat.

"Oo at may gusto ka sa mommy ko!" Diretsahang sabi ni Arielle.

"Noon pa yun. Ngayon ay wala na!" Pagsisinungaling niyang sagot sa bata na nakatingin sa kanyang iisang mata.

"Si daddy ang bumulag sayo at galit ka kay daddy. May ginagawa kayong ritual sa bundok. Pumapatay kayo ng mga inosenteng tao at kinakain ninyo." Sabi ng bata.

"Ano? Wala na akong galit sa daddy mo at yung ritual na sinasabi mo ay matagal na yun. Hindi na namin ginagawa yun ngayon. Sige Don Yuri pupuntahan ko na muna ang mga kasama ko." Sabi niya na halata sa kanyang mukha ang pagsisinungaling. Nagmadali siya sa paglalakad makalayo lang kay Arielle.

"Apo totoo ba yung sinabi mo tungkol kay Kiel?" Tanong ni Yuri ng wala na si Kiel.

"Opo lolo. Nabasa kong lahat ang itinatagong laman ng isipan niya."

"Hmmmm! Magaling apo. Tara unahan tayo sa pagtakbo!" Yaya niya sa bata.

Biglang nawala si Yuri. Kasing bilis ng hangin ang kanyang pagtakbo. Paglingon niya ay kasunod na niya ang kanyang apo na tumatawa pa sa pagtakbo at nilalampasan na siya.

**********

Continue Reading

You'll Also Like

23.2M 623K 65
Hoping for a fresh start, Adrianna Walter reluctantly enrolls at Sinclaire Academy-an elite school for humans and vampires. But upon her arrival, she...