Red Moon (Complete)

By TitoRudy1953

15.6K 1K 110

A vampire and human love trylogy. Mga pag-ibig na walang kamatayan kahit langit at lupa ang agwat sa isat-isa... More

Part 1 ... Duelo
Part 2 ...Unang Paghihiganti
Part 3 ..Pag-ibig na Walang Kamatayan
Part 4 . . . Konde Drakul
Part 5 ... Dugo ng Taong Lobo
Part 6 . . . Paghahanap kay Sofia
Part 7 . . . Ang Sumpa ni Yuri
Part 8 ... Babaeng Bampira
Part 9 . . . Poot na Nag-aapoy
Part 10 . . . Angkan ng mga Taong Lobo
Part 11 . . . Bampirang Makadiyos
Part 12 . . . Vladimir at Lucia
Part 13 . . . Pagsubok
Part 14 ... Bagong Vladimir . . Ang Bampira
Part 15 .. Ross at Michelle
Part 16 . . . Paghahanda sa Pagsalakay
Part 17 . . . Bampira Laban Taong Lobo
Part 18 ... Katapusan ng Paghihiganti ni Yuri
Part 19. . . Langit at Lupa
Part 20 . . . Nicholai
Part 21 . . . Jansen Ang Bagong Halimaw
Part 22 . . . Pagtatagpo ng Dalawang Puso
Part 23 . . . Sagupaan ng mga Bampira at Taong Lobo
Part 24 . . . Nabunyag na Lihim
Part 25 . . . Pangako
Part 26 . . Jansen ... Ang Halimaw
Part 27 . . . Vladivostok
Part 28 . . Paghihiganti ng Duke
Part 29 . . . Paghahanap kay Jansen
Part 30 . . . Bumaba ang Langit sa Lupa
Part 31 . . . "Mahal Kita Maging Halimaw Ka Man"
Part 32 . . . "Halimaw sa Dilim"
Part 33 . . . "Tagisan ng Lakas"
Part 34 . . . "Ang Lihim "
Part 35 . . . " The Boss "
Part 36 . . . " The Date "
Part 37 . . . "Muling Pagkabuhay ng Demonyo"
Part 38 . . . "Ang Katotohanan"
Part 39. . . " Ang Sorpresa"
Part 40 . . . "Kiel"
Part 41 . . . " Mahal Kita Maging Halimaw Ka Man"
Part 42 . . . "Sagupaan"
Part 43 . . . "Kasunduan"
Part 44 . . . "Gerald Von Hausler"
Part 45 . . . "Tatlong Puso sa Iisang Pag-ibig"
Part 46 . . . "Corregidor"
Part 47 . . . "Cruiser Yacht"
Part 48 . . ."Agaw Buhay"
Part 49 "Mahal Kita Maging Halimaw Ka Man!"
Part 50 . . . "Ensayo"
Part 51 . . . "Unang Laban"
Part 52 . . . "Milan"
Part 53 . . . "Ang Hudas"
Part 54 . . . "Morfori"
Part 56 . . . "Mikhail"
Part 57 ... . "Ivano"
Part 58 . . . " Moog na Isla"
Part 59 . ."Mira"
Part 60 . . . "Sorpresa"
Part 61 . . . "Arielle"
Part 62 . . . "Astral Projection"
Part 63 . . . "Kiel"
Part 64 . . ."Lababan ng mga Nilalang ng Kadiliman"
Part 65 . . . "Pwersa Laban sa Pwersa"
Part 66 . . . "Limang Espirito ni Arielle"
Part 67 . . ."Preso"
Part 68 ... "Nag-aapoy na Galit"
Part 69 . . . "Kidnap"
Part 70 "Asul na Apoy"
Part 71 . . . "Pagsuko ng Taong Lobo"
Part 72 "Conde Drakul"
Part 73 " Igor Ang Higanteng Bampira"
Part 74 "Higanti ni Borgel"
Finale . . . " Arielle v/s Konde Drakul Huling Laban"

Part 55 . . . "Duelo"

191 13 2
By TitoRudy1953

"Duelo"

------

Dumistansiya sina Mira at Renaldo kay Nick. Alerto sila kapwa sa gagawin ng mga bampira. Nawala naman ang mga ngiti ni Morfori. Napansin niya na iba ang titig ni Nick sa bowl. Binabasa niya ang isipan ni Nick pero hindi siya makapasok. May malakas na isipan ang humaharang sa kanya. Sinubukan niyang basahin din ang isipan nina Mira at Renaldo. Hindi rin siya makapasok.

"May alam na ba kayo tungkol sa akin? Masama ito! Humanda kayong lahat! Kapag kumilos ng hindi maganda ang tatlo ay sugurin na ninyong lahat." Sa isip niya. Tumahimik ang mga bampirang nasa loob ng bulwagan. Nawala sa loob niya na maaaring mabasa nina Nick ang kanyang iniisip na siya namang nangyari.

"Morfori! Morfori! Kailan ka pa naging duwag?" Sabi ni Nick.

Tumahimik ang loob ng bulwagan. Lahat ay nakatingin kina Nick at Morfori.

"Anong duwag ang pinagsasabi mo Nicholai?"

"Huwag na tayong maglokohan pa Morfori! Alam mo ang alam ko. Tayong dalawa na lang ang magduelo. Walang makikialam sa mga kasamahan mo!"

"Pinatatawa mo ako Nick. Tatlo lang kayo. Bakit pa kita lalabanan ng duelo? Talong -talo kayo sa dami namin."

"Bakit hindi natin subukan. Ipakita mo sa kanila na kaya mong mamuno."

"Mukhang may ipinagmamalaki kang lakas Nicholai. Oo aaminin ko. Pumatay na ako ng mga inosenteng tao. Alam mo ba kung ano ang naramdaman ko ng malasahan ko ang kanilang dugo? Kakaibang sarap! Mas masarap pa sa makipagniig sa isang babae. Iyon ang matagal na ipinagkait ninyong mga Ivanoff sa amin. Pagkain natin ang mga tao! Tama sina Stefano at Vitorio. Gusto mo ng duelo? Pagbibigyaan kita para makita mo kung gaano ako pinalakas ng dugo at puso ng isang dalagang birhen! Hindi rin naman kayo makalalabas ng buhay!" Sumenyas si Morfori.

Pumasok sa loob ng villa ang kanyang mga tauhan. Sumara ang mga gawang shutters na bakal ng mga bintana at pintuan. Nagbago ang mga anyo ng mga bisita ni Morfori. Lumabas ang kanilang mga pangil at namula ang mga mata.

Nagbago na rin ang anyo ng dalawa. Sumingasing si Renaldo. Lumabas ang kanyang mga pangil. Ang maamo niyang mukha ay naging mabalasik. Inilabas niya ang kanyang dalawang matalas. Korteng half moon na may habang walong pulgada ang mga talim na may hawakan sa gitna. Mabisa sa mga dikitang labanan.

Humarap naman si Mira sa mga bisita ni Morfori. Nagkulay berde ang kanyang mga mata. Pinagmamasdan niya ang bawat bampira at nakahanda kung kikilos sila ng hindi niya magugustuhan.

"Tumabi kayong lahat! Sa gitna tayo Nicholai!" Sabi ni Morfori at pumagitna sila sa bulwagan.

Hinubad ni Morfori ang kanyang pang-itaas na damit. Ipinakita ang kanyang malaking katawan. Sumingasing siya at lumalabas ang kanyang mga pangil. Pumula ang kanyang mga mata.

"Pagmasdan mong mabuti ang hinamon mo ng duelo Nicholai. Hindi na ako ang dating Morfori na kilala mo noon. Hark! Hark! Hark!"

Lalo pang humaba ang kanyang mga daliri at mga kuko. Lumaki at umumbok ang kanyang mga tadyang. May umusling matutulis na buto sa kanyang mga siko. Humaba ang mga ito hanggang sa anim na pulgada. Humaba ng bahagya ang kanyang panga at tumulis ang kanyang mga ngipin.

"Ano ngayon ang masabi mo hambog na Nicholai!"

"Ang pangit mo Morfori!" Nagbago na rin ang kanyang anyo. Humaba ang kanyang mga kuko. Sumingasing siya at lumabas ang kanyang mga pangil. Naging pulang lahat ang kanyang mga mata.

"Mahal alisto kayo! Traydor ang mga alagad ni Stefano." Sabi ni Nick.

Nag-iikutan ang dalawa sa gitna ng bulwagan. Tinitignan nila kung ano ang gagawin ng bawa't isa. Nakatingin si Morfori sa mapupulang mga mata ni Nick. Nagulat siya ng biglang nagbago ang mga kulay. Naging matingkad na kulay ginto ang mga mata ni Nick. Kumilos si Morfori na kasing bilis ng hangin at sumugod na. Pagdakma niya kay Nick ay nawala ito.

Sa mga mata ni Nick ang tingin niya sa kilos ni Morfori ay slow motion. Mabagal na maiilagan niya. Kaya nagside step lang siya. Sinuntok niya sa panga si Morfori.

Nakita ng mga bampira na biglang nawala si Morfori ng sumugod kay Nick pero bigla ring nawala si Nick. Lumitaw si Morfori na biglang napangiwi ang mukha at tumalsik ang dugo mula sa kanyang bibig. Lumitaw si Nick na nasa tabi lang ni Morfori. Umikot ang buong katawan ni Morfori na nakataas ang kanang siko upang tuhugin si Nick. Inilag na paatras ni Nick ang kanyang ulo. Lumampas ang sikong may naka-usling buto. Sinuntok ni Nick ng kanyang kaliwang kamao ang tagiliran ng kalaban. Bumaluktot ang katawan nito na lumagutok ang dalawang tadyang. Lumayo siya kay Nick.

"Mahusay Nicholai! Hindi ko inasahang gumaling ka na rin pala." Hinahaplos niya ang kanyang tagiliran.

"Hindi mo pa nakikita Morfori ang talagang kakayanan ko. Isa lang ang makikita mo. Kaya kitang tapusin nang minsanan kung gugustuhin ko pero hindi ko gagawin."

Si Nick naman ang biglang nawala. Kumilos agad si Morfori pero nagulat siya nasa harap na niya si Nick. Umiwas siya at lumihis ng takbo pero biglang sumulpot sa harapan niya si Nick. Kahit anong bilis niya sa mga pag-iwas ay si Nick ang lumilitaw sa kanyang harapan. Nataranta siya nang ang nakikita niya ay tatlong Nick na. Nagsimula siyang makaramdam ng mga sakit sa buong katawan. May bumabaong mga suntok na dinudurog ang kanyang mga buto. Nabali ang mga naka-usling buto sa kanyang mga siko. Biglang nahihiwa at nabubutas ang kanyang balat at kalamnan. Inuunti-unti siya ni Nick.

Sabay silang lumitaw. Duguan ang buong katawan ni Morfori. Hawak ni Nick ang dalawang putol na buto na may bahid pang dugo.

"Ahhhhhh! Patayin silang lahattttt!" Sigaw niya at nawala siya.

Sumugod na ang bampira. Sumalubong sina Mira at Renaldo. Hawak ang dalawang matalas iniwasiwas ni Renaldo ang kanyang mga kamay habang umiikot ang kanyang katawan. Dalawa ang tama ng bawat kalabang nadidikitan niya. Tuhog ang puso at wakwak ang leeg na halos maputol na. Sa anim na bampirang sinalubong niya lahat sila ay nagliyab at naging abo.

Agad na bumagsak sa semento ang walong bampirang sinalubong ni Mira. Hindi nila nakuhang makalapit. Hawak nila ang kanilang mga ulong namimilipit sa sakit. Pagkalampas ni Mira sa kanila ay sumabog ang kanilang mga ulo, nagliyab ang mga katawan at naging abo. Nakataas ang kanyang kanang kamay na sa bawat makaharap na bampira ay tumitilapon ng malayo habang sumasabog ang dibdib. Pagbagsak ay nagliliyab na ang katawan. Nagulat ang ibang mga bampira sa nakita nilang kakayanan ni Mira at napaatras sila pero isa-isa naman silang bumabagsak. Dinadaanan sila ni Nick na sa paglampas niya sa kanila ay wala na silang ulo.

Hindi ang tatlo ang nakulong sa loob ng villa kundi ang mga bampirang bisita at tauhan ni Morfori. Sa takot nila ay nagtakbuhan na sila at naghahanap ng daan para makatakas kina Nick. Pero makapal ang mga bakal na shutters sa mga bintana at pintuan. Wala silang malalabasan. Iniisa-isa sila ng tatlo. Naubos ang mga bampira sa loob ng bulwagan ng villa. Umakyat sa ikawang papalapag ang tatlo at inisa-isa nila ang mga kwarto. May ilang nagtatago na si Renaldo na ang tumapos sa kanila. Nawala si Morfori.

"Sa basenent mahal! Ramdam ko siya!" Sabi ni Mira.

Bumaba sila sa bulwagan. Hinanap nila ang daan patungo sa basement. Nakita ito ni Nick sa isang pasilyo. Bumaba sila sa basement at sumalubong sa kanila ang apat na natirang mga tauhan ni Morfori. Nguni't bago sila nakalapit kina Nick ay hindi na sila makagalaw.

"Sayo na sila Renaldo!" Sabi ni Mira at napangiti si Renaldo. Nilampasan nina Mira st Nick ang apat na bampira na napangiwi ang mga mukha sa sakit na nararamdaman. Tinapos ni Renaldo ang paghihirap nila.

Wala ng lagusan sa basement at wala rin si Morfori.

"Dito mahal sa kabila ng dingding na ito. "Sabi ni Mira.

Isang malaking kabinet ang nakatayo sa gilid ng dingding. Hinawakan ni Nick ang kanto ng kabinet at hinila. Natumba ito. Isang makapal na pintuang bakal ang tumambad sa dalawa. Nakalocked ito sa loob. Itinulak ni Nick ng kanyang dalawang kamay at nayupi ito sa gitna. Natumba ito papaloob sa lihim na silid.
Napatayo ang isang tauhan ni Morfori na nasa harap ng mga monitors at controls ng mga cameras at shutters na bakal.

Sumugod siya kay Mira pero bigla siyang tumilapon pabalik. Sinipa siya ni Nick sa dibdib. Isang tunog ng makina ng lantsa ang kanilang narinig.

"Mahal tumatakas si Morfori!" Sabi ni Mira.

"Renaldo sayo na ang isang ito. Hahabulin namin si Morfori." Sabi ni Nick. Tumakbo silang dalawa ni Mira papasok sa isang pasilyo.
Tumilapon ang pintuan sa ibaba ng villa sa likod. Lumabas ang dalawa. Tumakbo sila papunta sa pribadong pantalan. Wala na ang lantsa. May isang daang metro na ang layo ng lantsa sa pantalan. Mabilis ang takbo nito. Isa siyang racing boat na may apat na makina sa likod. Naka-angat ang unahan dahil sa bilis ng takbo.

"Hindi na natin siya maabutan!" Sabi ni Nick.

"Kaya natin siyang abutan mahal!" Parang hamon kay Nick ang sinabi ng dalaga.

"Tara!" Ang tugon niya at bigla silang tumakbo.

Nauuna si Mira. Binilisan ni Nick ang pagtakbo. Nagkulay ginto na ang kanyang mga mata pero nauuna pa rin si Mira. Halos hindi na sila tumatapak sa ibabaw ng tubig. Naabutan na nila ang lantsa. Ilang metro na lang ang layo ng lantsa sa kanila ng umigkas silang dalawa at lumapag sa ibabaw ng lantsa.

Nagulat pa si Morfori ng makita sina Mira at Nick. Humina ang takbo ng lantsa hanggang sa huminto ito. Pinahinto ni Mira ng hindi ginagalaw ang mga kontrols.

"Kahanga-hanga ang lakas ng kakayanan ni Mira Nicholai." Nasabi niya ng may tanda ng pagsuko.

"Sayang at nagkamali ka ng pinanigan Morfori. Alam mo na ang parusa sa isang katulad mo!"

"Alam ko Nick. Gawin mo ng mabilis ...Ughhh!"

Hawak na ni Nick ang kanyang puso. Hindi na niya natapos ang kanyang sasabihin. Nagliyab siya at naging abo kasabay ng kanyang puso.

Umandar ang mga makina ng lantsa. Iniliko ito ni Nick pabalik sa pantalan.

"Mahal habang tumatagal ay lumakas ka!" Bulong ni Nick at inakbayan ang dalaga.

"Ewan ko mahal. Basta't inisip ko lang na magagawa ko.

Pinabagal ni Nick ang takbo ng lantsa at hinalikan sa mga labi ang mahal niya.

***********







Continue Reading

You'll Also Like

23.2M 623K 65
Hoping for a fresh start, Adrianna Walter reluctantly enrolls at Sinclaire Academy-an elite school for humans and vampires. But upon her arrival, she...