Red Moon (Complete)

TitoRudy1953 द्वारा

15.6K 1K 110

A vampire and human love trylogy. Mga pag-ibig na walang kamatayan kahit langit at lupa ang agwat sa isat-isa... अधिक

Part 1 ... Duelo
Part 2 ...Unang Paghihiganti
Part 3 ..Pag-ibig na Walang Kamatayan
Part 4 . . . Konde Drakul
Part 5 ... Dugo ng Taong Lobo
Part 6 . . . Paghahanap kay Sofia
Part 7 . . . Ang Sumpa ni Yuri
Part 8 ... Babaeng Bampira
Part 9 . . . Poot na Nag-aapoy
Part 10 . . . Angkan ng mga Taong Lobo
Part 11 . . . Bampirang Makadiyos
Part 12 . . . Vladimir at Lucia
Part 13 . . . Pagsubok
Part 14 ... Bagong Vladimir . . Ang Bampira
Part 15 .. Ross at Michelle
Part 16 . . . Paghahanda sa Pagsalakay
Part 17 . . . Bampira Laban Taong Lobo
Part 18 ... Katapusan ng Paghihiganti ni Yuri
Part 19. . . Langit at Lupa
Part 20 . . . Nicholai
Part 21 . . . Jansen Ang Bagong Halimaw
Part 22 . . . Pagtatagpo ng Dalawang Puso
Part 23 . . . Sagupaan ng mga Bampira at Taong Lobo
Part 24 . . . Nabunyag na Lihim
Part 25 . . . Pangako
Part 26 . . Jansen ... Ang Halimaw
Part 27 . . . Vladivostok
Part 28 . . Paghihiganti ng Duke
Part 29 . . . Paghahanap kay Jansen
Part 30 . . . Bumaba ang Langit sa Lupa
Part 31 . . . "Mahal Kita Maging Halimaw Ka Man"
Part 32 . . . "Halimaw sa Dilim"
Part 33 . . . "Tagisan ng Lakas"
Part 34 . . . "Ang Lihim "
Part 35 . . . " The Boss "
Part 36 . . . " The Date "
Part 37 . . . "Muling Pagkabuhay ng Demonyo"
Part 38 . . . "Ang Katotohanan"
Part 39. . . " Ang Sorpresa"
Part 40 . . . "Kiel"
Part 41 . . . " Mahal Kita Maging Halimaw Ka Man"
Part 42 . . . "Sagupaan"
Part 43 . . . "Kasunduan"
Part 44 . . . "Gerald Von Hausler"
Part 45 . . . "Tatlong Puso sa Iisang Pag-ibig"
Part 46 . . . "Corregidor"
Part 47 . . . "Cruiser Yacht"
Part 48 . . ."Agaw Buhay"
Part 49 "Mahal Kita Maging Halimaw Ka Man!"
Part 50 . . . "Ensayo"
Part 51 . . . "Unang Laban"
Part 52 . . . "Milan"
Part 54 . . . "Morfori"
Part 55 . . . "Duelo"
Part 56 . . . "Mikhail"
Part 57 ... . "Ivano"
Part 58 . . . " Moog na Isla"
Part 59 . ."Mira"
Part 60 . . . "Sorpresa"
Part 61 . . . "Arielle"
Part 62 . . . "Astral Projection"
Part 63 . . . "Kiel"
Part 64 . . ."Lababan ng mga Nilalang ng Kadiliman"
Part 65 . . . "Pwersa Laban sa Pwersa"
Part 66 . . . "Limang Espirito ni Arielle"
Part 67 . . ."Preso"
Part 68 ... "Nag-aapoy na Galit"
Part 69 . . . "Kidnap"
Part 70 "Asul na Apoy"
Part 71 . . . "Pagsuko ng Taong Lobo"
Part 72 "Conde Drakul"
Part 73 " Igor Ang Higanteng Bampira"
Part 74 "Higanti ni Borgel"
Finale . . . " Arielle v/s Konde Drakul Huling Laban"

Part 53 . . . "Ang Hudas"

180 13 1
TitoRudy1953 द्वारा


"Ang Hudas"

---------

Pagdating kinagabihan nina Nick at Mira sa villa ay tumawag si Nick kay Yuri. Sinabi niya ang kanyang nalaman tungkol sa nangyari sa kapatiran. Sinabi rin niya ang tungkol sa mga palaboy na nawala at ang gagawin nila ni Mira sa kinabukasan.

"Mag-ingat kayong dalawa ni Mira. Tuso at malalakas sina Vitorio at Stefano. Huwag muna kayong makipagkita sa kanilang dalawa. Alamin pa ninyo ang mga detalye tungkol sa nangyari sa kapatiran. Kilala mo ang mga tapat sa atin Nick. Alamin mo kung sino ang mga naging hudas at alam mo na ang mga parusa sa kanila." Sabi ni Yuri.

"Oo papa. Tatawagan ko na lang kayo ulit."

Pagkababa ng cp ay dinampot niya ang kanyang bath towel. Nasa shower pa si Mira ng pumasok siya sa loob bath room.

"Can i join you mahal?" Napangiti ang dalaga ng makita siya sa pintuan ng shower room. Puno pa ng mga bula ng shampoo ang kanyang buhok. Tumapat siya sa dutsa.

"Hi hi hi!! Halika mahal. Masarap ang lamig ng tubig." Sagot ng dalaga habang binabanlawan ang kanyang buhok.

Pumasok si Nick at yumakap sa dalaga. Pareho na silang nababasa sa buong katawan.

"Hindi ako magsasawang pagmasdan ka mahal ko!" Bumibilis ang tibok ng kanyang puso dahil sa pagkakadikit ng hubad nilang mga katawan. At hinalikan niya sa mga labi ang kanyang mahal.

---------

Kinabukasan hapon na ng magpahatid kay Renaldo ang dalawa malapit sa manhole. Matapos bilinan ni Nick si Renaldo ay bumaba na sila sa kotse. Walang tambay malapit sa manhole kaya nakapasok ang dalawa. Muli silang pinagtitinginan ng mga palaboy nang pumasok sila sa tunnel. Dumami na ang mga palaboy dahil sa mga kabataang hindi lumabas. Maingay sa loob. May malalakas na tugtugan mula sa mga portable stereos. Nagsasayawan ang ilang mga kabataang babae na maiikli ang mga suot na damit at makakapsl ang mga make-up. Tumigil sila sa pagsasayaw ng makita ang dalawa. May ilang kabataang lalake ang sumunod sa kanila at natipuhan pa nila si Mira na naka fit na fit ang suot na black leather jeans at itim na jacket.

Malayo pa lang sila sa kwarto nina Gino ay naririnig na nila ang mga nag-uusap sa loob.

"Loreto hayaan mo na si Gino. Huwag na ninyo siyang isama." Boses ng ina ni Gino na nagsusumamo sa kausap.

"Bakit dahil ba sa may natagpuan na siyang mina ng ginto? Nasaan ang kinita mo kahapon Gino? Paldo ang iyong bulsa alam ko. Nakapamili ka pa kahapon. Akina ang pera!"

"Loreto wala siyang kinita. Ang mga dayo ang bumili kahapon."

"Huwag na nga kayong magsinungaling kung ayaw ninyong masaktan lahat! Akina ang kinita mo!" Sigaw ng lalake.

"Ayaw mong ibigay? Halughugin ninyo ang mga gamit nila pati na ang kanilang mga katawan" utos ng lalake.

"Eeeeeeeeee!" Sigaw ng isang batang babae.

Pumasok bigla sina Nick at Mira. Nakayuko ang isang lalake at kinakapkapan si Gino. Naghahalungkat naman ang isa sa nakasabit ng cabinet sa pader. Nakatayo sa dulo ng katre ni Gino ang nag-utos sa kanila, si Loreto. Napalingon si Loreto sa dalawa. Kasing tangkad siya ni Nick pero higit na malaki ang kanyang katawan. Bakat sa tee-shirt niya ang kanyang namimintog na dibdib. Malalaki ang kanyang mga kamao at mabalahibo ang mga braso. Siya ang lokal na pinuno ng mga gangster sa sector nina Gino. Takot ang lahat ng nakatira sa loob ng tunnel kay Loreto.

"Ahhhh! Mabuti at bumalik ang mga ginto sa aking teritoryo." Sabi ni Loreto na pinandidilatan pa ng kanyang mata si Nick.

"Gwarkkkkkhhh!" Walang sabi-sabing sinakmal ni Nick nang kanyang kanang kamay ang leeg ni Loreto. Hinawakan ni Loreto ng kanyang dalawang kamay ang braso ni Nick para tanggalin ang pagkakasakal sa kanya pero hindi niya matinag bagkus pa ay lalong humigpit at dumiin ang pagkakasakal sa kanyang leeg. Napaluhod siya sa semento at namula ang buong mukha at parang lumuluwa ang kanyang mga mata.

Sumugod ang dalawang tauhan niya kay Nick.

"Pak! Pak!" "Aghhh! Arghhh!"

Isang straight jab ng kaliwang kamay na nakaladlad ang palad ni Mira ang sinalubong ng isang kumapkap kay Gino. Sumabog ang kanyang ilong at lagas ang apat na ngipin sa harapan. Umalsa pa ito sa semento at pagbagsak ay tulog na. Back hand strike ng kanang kamay ng dalaga ang ginamit sa ikalawang lalake. Sapol ito sa kanang pisngi na napangiwi sa sakit. Tumalsik ang mga ngipin niya mula kanang bagang. Naduling pa siya na umikot ang buong katawan at sa pagbagsak sa semento ay nanginig bago nawalan ng malay tao.

"Mula sa oras na ito ay ayokong makita ko pa ang pagmumukha ninyong lahat sa lugar na ito. Sa oras na nalaman kong ginugulo mo pa sila rito ay hahanapin kita at hindi lang ito ang gagawin ko sayo! Uhmmm!"

"Graaaawwwkkkhh!"

Pinirat ni Nick ang buong kanang tenga ni Loreto. Natanggal ito at sumama pa ang konting balat ng kanyang kanang pisngi. Binitawan siya ni Nick. Aringking ito sa sakit na sumisirit ang dugo mula sa kanyang sugat. Tinakpan niya ng kanang kamay ang kanyang sugat at dinampot ang kanyang tenga sa semento.

"Gisingin mo sila at lumayas kayo!" Sabi ni Nick.

Tarantang ginising ni Loreto ang dalawa niyang tauhan. Sinapo ng dalawa ang kanilang mga bibig ng magising. Shocked pa sila at nahihilo ng tumayo. Karipas ng takbo ang tatlo palabas ng kwarto at ng tunnel. Nagulat ang mga palaboy ng makitang tumatakbo sina Loreto na duguan ang mga mukha. Umurong naman ang mga kabataang lalakeng sumusunod kina Nick at Mira. Natakot sila ng makita ang nangyari kina Loreto.

"Maraming salamat po!" Ang sabi ng ina ni Gino na nanginginig pa sa takot kina Loreto. Tumigil naman sa pag-iyak ang batang babae na nakayakap sa kanyang ina.

"Huwag na kayong mag-alala. Hindi na sila babalik dito at hindi na nila guguluhin pa si Gino." Sabi ni Nick.

Inayos ni Gino ang mga upuang natumba at pina-upo ang dalawa.

"Maraming salamat po sir Nick. May trabaho na nga pala ako doon sa tindahan ninyo ng alak."

"Mabuti kung ganoon Gino. Mula ngayon ay magpakabuti ka na para sa kanila. Aayusin kong makalipat kayo ng tirahan para makapag-aral kayo ng mga kapatid mo."

Natuwa ang ina ni Gino sa sinabi ni Nick.

"Samaham mo kami ngayon Gino doon sa sinabi mong simbolo at pwede mo na kaming iwanan doon. Bumalik ka rito!"

"Sige po sir Nick. Tara na ho!" Tumayo silang tatlo. Matapos mag-paalam sa ina ni Gino ay lumabas na sila ng kwarto. Nawala ang mga tugtugan sa tunnel. Nakatayo sa harap ng kanilang mga kwarto ang mga palaboy. Nagbubulungan sila at nakangiti kina Nick at Mira ng papadaan na silang tatlo. May ilang pumapalakpak pa. Natutuwa sila sa nangyari kina Loreto.

Lumabas ang tatlo sa tunnel. Pumasok sila sa mga lagusan. Dinaanan nila ang ibang mga tinnels na may nakatirang mga palaboy. Ilang lagusang pasikot-sikot ang kanilang pinasok bago nila narating ang bukana ng isang malaking lagusan.

"Ito ang sinadabi kong lagusan na kinatatakutan naming pasukin. Narito ang simbolo." Lumapit si Gino sa kanto sa bukana ng lagusan at kinuskos ng kanyang kamay ang makapal na alikabok. Lumitaw ang simbolo.

"Salamat Gino. Sige na at bumalik ka na sa inyo. Kaming bahala na rito."

"Sige po sir Nick, mam Mira at salamat po ulit!"

Iniwan na sila ni Gino. Pinagmasdan ng dalawa ang loob ng lagusan. Kahit walang ilaw sa loob at pusikit ang kadiliman ay nakikita nila ng maliwanag ang loob.

"Mahal handa ka na ba?" Tanong ni Nick.

"Oo aking Nick!"

"Mula ngayon ay isarado mo ang iyong isipan. Maririnig nila ang ating pagdating." Bulong ni Nick.

"Pwede ko namang isara mahal ang ating isipan. Makakapag-usap tayo na tayong dalawa lang ang makaririnig." Sagot ng dalaga.

"Magagawa mo mahal?"

"Opo mahal ko!"

"Hmmm. Naiiba ka talaga! Tara na!"

Hinalikan muna niya ang dalaga saka sila pumasok sa lagusan. Para silang pusang naglalakad sa kadiliman. Walang ingay ang kanilang mga yapak. Parang hindi tumutuntong sa sementong sahig ang suot nilang rubber shoes. Inaamoy nila ang hanging amoy lupa at lumot. Amoy na pinatanda ng ilang daang taong lumipas ang lagusan. Paliko-liko ang lagusan. May mga sumasangang lagusan kanilang nakikita. Tinitignan nila ang mga simbolo bago sila pumasok. Isang oras na ang lumipas ng tumigil sila sa paglakad.

"May dalawang bantay pagliko natin sa kanan!" Sabi sa isip ni Mira.

"Sa akin ang nasa kanan at sayo ang isa!" Sagot ni Nick.

Bigla silang nawala. Nag-uusap ang dalawang bampirang bantay ng biglang ...

"Gwarrkhh! PLOKKK!"

Wakwak ang lalamunan at lumabas sa dibdib ang puso ng isang nasa kanan. Sumabog naman ang ulo ng nasa kaliwa. Bigla silang nagliyab at nagbaga ang mga katawan bago naging mga abo.

Lumitaw ang dalawa. Sa dulo ng lagusan ay may nakikita silang liwanag. Nagpatuloy sila sa paglalakad. Bago dumating sa dulo ng lagusan ay nakita ni Nick ang isang guwang sa kaliwang pader. Kasyang dumaan ang isang tao. Pumasok siya upang matignan ang loob at kasunod si Mira. Pataas ang guwang at napansin ni Nick na gawang pader na semento ang isang dinding. Mataas na ang naakyat nila ng may nakita silang munting mga sinag ng liwanag na nanggagaling sa kabila ng pader.

Dalawang pulgada ang awang at isang metro ang haba ng mga siwang. Mga disenyo ng pader malapit sa kisame sa loob ng buwagan ng lumang simbahan nasa ilalim ng lupa ang kanilang nakita. Nag tig-isang siwang sila at sumilip. Nakita nila ang ibaba ng bulwagan. Tatlong upuan ang nasa harap ng isang altar. May naka-upo sa gitnang upuan. Nakapalibot ang maraming bampira sa bulwagan. Isa ang lumapit sa mga upuan at naupo sa kanang upuan.

"Stefano! Vitorio" Sabi ni Nick.

"Ilang araw ka sa Pilipinas Vitorio." Tanong ni Stefano.

"Hindi ko alam. Reresolbahin muna namin ang problema ni Jansen ang ating ikatlong pinuno kay Yuri Ivanoff. Gusto mo bang sumama? Para lalo tayong malakas laban jay Yuri."

"Hindi na. Kaya na ninyong dalawa ni Jansen si Yuri." Sagot ni Stefano at uminom ng alak sa hawak niyang kopita.

"Hindi nila makakaya si Yuri. May tatlong anak siyang malalakas na bampira lalo na si Nicholai." Malakas na sabi ng isang bampirang nakatayo at lumapit sa harapan nina Vitorio at Stefano.

"Nicolo! Hayop kang hudas ka!" Nanggagalaiti sa galit si Nick.

"Sino siya mahal?"

"Siya ang pinagkakatiwalaan ni Papa sa Paris. Sino pa kaya ang mga kasama niyang hudas?

"Gaano ba kalakas ang sinasabi mong Nichokai?" Tanong ni Vitorio.

"Nag-iisa niyang nilabanan ng sabay-sabay ang tatlongpung bampira sa timog ng Dresden sa Alemanya noong taong 1885 at napatay niyang lahat." Sabi ni Nicolo.

"Nagawa mo iyon mahal?" Si Mira. Lumingon siya kay Nick.

"Tsamba lang yun mahal!" At nakangising tumingin sa dalaga.

"Bawat anak ni Yuri ay may kanya-kanyang lakas at kakayanan. Bihasa sila sa lahat ng uri ng labanan. Tinalo nila ang ilang daang mga taong lobo sa Rusya. Kaya hindi madali kina Jansen at Vitorio ang talunin ang angkan ni Yuri."

"Hmmmm! Vitorio himukin mo si Yuri na magpunta rito sa Milan. Ako mismo ang pupugot sa kanyang ulo. Sabihin mo kay Jansen pumunta rin siya rito para sundan siya nina Yuri kung hindi mo siya mahihimok. Balwarte na natin ang buong Europa lalo na rito sa Milan. Nakipagkasundo na ako sa mga taong lobo sa Rusya na galit kay Yuri. Sa tulong nila ay matatapos na ang angkan ni Yuri. Sige na Vitorio. Lumakad ka na. Tapos na ang ating pulong ngayong gabi. " Sabi ni Stefano.

Isa-isang nawawala ang mga bampira. Nakatayo pa si Nicolo sa harapan ng dalawang pinuno na umiinom pa ng kanilang alak.

"Mahal gusto mo ay pasabugin ko ngayon ang ulo ni Nicolo?" Sabi ng dalaga na seryoso ang mukha.

"Huwag mahal. Kailangan ko siya ng buhay para malaman ko kung sino pa ang mga hudas na kasama niya." Sagot ni Nick.

************

पढ़ना जारी रखें

आपको ये भी पसंदे आएँगी

23.2M 623K 65
Hoping for a fresh start, Adrianna Walter reluctantly enrolls at Sinclaire Academy-an elite school for humans and vampires. But upon her arrival, she...