Red Moon (Complete)

By TitoRudy1953

15.6K 1K 110

A vampire and human love trylogy. Mga pag-ibig na walang kamatayan kahit langit at lupa ang agwat sa isat-isa... More

Part 1 ... Duelo
Part 2 ...Unang Paghihiganti
Part 3 ..Pag-ibig na Walang Kamatayan
Part 4 . . . Konde Drakul
Part 5 ... Dugo ng Taong Lobo
Part 6 . . . Paghahanap kay Sofia
Part 7 . . . Ang Sumpa ni Yuri
Part 8 ... Babaeng Bampira
Part 9 . . . Poot na Nag-aapoy
Part 10 . . . Angkan ng mga Taong Lobo
Part 11 . . . Bampirang Makadiyos
Part 12 . . . Vladimir at Lucia
Part 13 . . . Pagsubok
Part 14 ... Bagong Vladimir . . Ang Bampira
Part 15 .. Ross at Michelle
Part 16 . . . Paghahanda sa Pagsalakay
Part 17 . . . Bampira Laban Taong Lobo
Part 18 ... Katapusan ng Paghihiganti ni Yuri
Part 19. . . Langit at Lupa
Part 20 . . . Nicholai
Part 21 . . . Jansen Ang Bagong Halimaw
Part 22 . . . Pagtatagpo ng Dalawang Puso
Part 23 . . . Sagupaan ng mga Bampira at Taong Lobo
Part 24 . . . Nabunyag na Lihim
Part 25 . . . Pangako
Part 26 . . Jansen ... Ang Halimaw
Part 27 . . . Vladivostok
Part 28 . . Paghihiganti ng Duke
Part 29 . . . Paghahanap kay Jansen
Part 30 . . . Bumaba ang Langit sa Lupa
Part 31 . . . "Mahal Kita Maging Halimaw Ka Man"
Part 32 . . . "Halimaw sa Dilim"
Part 33 . . . "Tagisan ng Lakas"
Part 34 . . . "Ang Lihim "
Part 35 . . . " The Boss "
Part 36 . . . " The Date "
Part 37 . . . "Muling Pagkabuhay ng Demonyo"
Part 38 . . . "Ang Katotohanan"
Part 39. . . " Ang Sorpresa"
Part 40 . . . "Kiel"
Part 41 . . . " Mahal Kita Maging Halimaw Ka Man"
Part 42 . . . "Sagupaan"
Part 43 . . . "Kasunduan"
Part 44 . . . "Gerald Von Hausler"
Part 45 . . . "Tatlong Puso sa Iisang Pag-ibig"
Part 46 . . . "Corregidor"
Part 48 . . ."Agaw Buhay"
Part 49 "Mahal Kita Maging Halimaw Ka Man!"
Part 50 . . . "Ensayo"
Part 51 . . . "Unang Laban"
Part 52 . . . "Milan"
Part 53 . . . "Ang Hudas"
Part 54 . . . "Morfori"
Part 55 . . . "Duelo"
Part 56 . . . "Mikhail"
Part 57 ... . "Ivano"
Part 58 . . . " Moog na Isla"
Part 59 . ."Mira"
Part 60 . . . "Sorpresa"
Part 61 . . . "Arielle"
Part 62 . . . "Astral Projection"
Part 63 . . . "Kiel"
Part 64 . . ."Lababan ng mga Nilalang ng Kadiliman"
Part 65 . . . "Pwersa Laban sa Pwersa"
Part 66 . . . "Limang Espirito ni Arielle"
Part 67 . . ."Preso"
Part 68 ... "Nag-aapoy na Galit"
Part 69 . . . "Kidnap"
Part 70 "Asul na Apoy"
Part 71 . . . "Pagsuko ng Taong Lobo"
Part 72 "Conde Drakul"
Part 73 " Igor Ang Higanteng Bampira"
Part 74 "Higanti ni Borgel"
Finale . . . " Arielle v/s Konde Drakul Huling Laban"

Part 47 . . . "Cruiser Yacht"

185 16 1
By TitoRudy1953

"Cruiser Yacht"

-------

Baguio, mag-aala-una na ng madaling araw ay bumababa sa taxi sina Mira at Rona. Mahamog ang gabi at sobra ang lamig. Parang nangatog ang mga tuhod ni Mira pagkababa niya ng taxi dahil hindi siya sanay sa lamig. Nabuksan ang ilaw sa ibaba ng bahay nina Rona at bumukas ang pinto.

"Mano ho Pang!"sabi si Rona na nagmano sa matanda. Sumunod na nagmano ay si Mira.

"Bigla yata ang pag-uwi ninyo Rona?" Pumasok ang dalawa hila ang kanilang mga maleta.

"Oho Pang. Ilang araw lang naman po kami rito at babalik na sa trabaho." Napansin ng matanda na hindi kumikibo si Mira.

"Ihahanda ko muna ang silid sa itaas. Nasa kusina ang mamang mo at nagtitimpla ng kape ninyong dalawa."sabi ng matanda at umakyat sa hagdanan.

"Bess hindi kaya magalit si bossing sa pag-uwi natin ng hindi niya alam?"

"Hindi bess. Nasaan na kaya siya ngayon? Bess nag-aalala ako. Pakiramdam ko nanganganib siya!" Sabi ni Mira.

--------------

Ilang milya sa Corregidor ay pabalik na ang cruiser yacht ni Jansen. Natutuwa si Igor ng tawagan siya ng kanyang mga tauhan sa isla na nahuli nila sina Yuri. Tinawagan niya si Jansen na nasa Baguio na natuwa rin. Kaya inutusan siyang bumalik na sa isla. Papunta na sana sila sa parte ng Ilocos dala ang kalahati ng kanilang mga alagad para sa paghahanda nila sa pagsalakay sa mansion ni Yuri sa Baguio. Nagbago ang plano ng malaman nilang nahuli sina Yuri sa isla.

Sa loob ng tunnel sa isla ay nakatayo pa rin ang tatlong bantay sa bukana ng maliit na tunnel. Tinitignan nila ang apat na bampira na nakahandusay sa semento.

"Masarap na ang tulog nila. Pabuksan mo na para matalian natin sila." Utos ng nakasuot na pulang ski mask. Sumenyas ang nautusan at bumukas ang sliding door na salamin. Pumasok silang tatlo sa loob ng tunnel.

Nilapitan nila ang apat at payuko na sila para damputin ang mga armas nina Yuri ng bigla dumilat ang mga ito.

'Huh!" "Tsak" "Ugh! Arkhh"

Mabilis na binunot ni Nick ang kanyang matalas at sa isang wasiwas lang nito ay tigpas ang ulo ng dalawang bantay. Nagulat naman ang ikatlong nakapulang ski mask ng nakatutok na sa leeg niya ang matalas ni Ross. Muling sumasara ang sliding door na salamin kaya dinampot ni Vladimir ang isang bangkay at iniharang sa bukana ng tunnel. Inipit ito ng salamin kaya hindi ito gaanong nasarado.

"Hindi kayo tinablan ng pampatulog?" Tanong ng bantay sa wikang Russo.

"Nalimutan ninyo yata na mga bampira kami at kaya naming hindi huminga kahit na ilang daang taon pa!" Sabi ni Yuri na ikinagulat ng bantay.

"Nasaan si Jansen?" Tanong niya.

"Hindi ko alam!" Pagmamatigas niyang sagot.

"Maghintay lang kayo at paparating na si Igor!" Iniisip niya na naririnig ng apat.

"Hindi mo rin lang sasabihin kung nasaan si Jansen kaya hindi na rin kita kailangan." Sabi ni Yuri at tumango siya kay Ross na nakita ng bantay. Gigilitin na sana ni Ross ang leeg ng bantay ng magsalita ito ng pasigaw pa.

"Nasa Baguio si Jansen at naghahanda sa pagsalakay sa inyo!"

"Kakanta ka rin pala nagmatigas ka pa!" Sabi ni Ross.

Bumukas bigla ang kakaibang pader sa dulo ng tunnel. Lumitaw ang mga mahigit sa dalawangpung banyagang bampira na sumisingasing. Halo sila, mga babae at lalakeng mga bampira. Napalingon sa kanila ang apat na sinamantala ng bantay. Bigla niyang itinulak si Ross sabay takbo palabas ng tunnel pero hindi siya umabot sa salaming pintuan.

"Katsak!" "Arkh!

Nahati ang katawan niya sa matalas ni Vladimir. Nagbago ang anyo ng apat at sumingasing na rin sila na labas ang kanilang mga pangil.

'Ross, Vlarimir hanapin ninyo ang control room. Kaming bahala ni Nick dito." Sabi ni Yuri at mabilis na tumalilis ang dalawa.

Humarap sina Nick at Yuri sa papasugod na mga bampira na nakataas ang kanilang dalang armas na may liquid silver nitrate ang ulo ng bala.

"Praat! Praaat!" "Arghh! Arkhh! Ughh!"

Instant death ang bawat tamaan ng mga bala kahit saang parte ng katawan tamaan ang mga bampira. Biglang nagbabaga ang kanilang mga katawan at nalulusaw na parang abo. Hindi na nakapagpalit ng magazines ang dalawa dahil sa dami at bilis ng kanilang mga kalaban kaya binunot na nila ang kanilang mga matalas.

Parang ipo-ipong kumilos sina Nick at Yuri at pumagitna sa mga bampira na mabilis ding kumikilos. Tumitilapon ang mga ulo o kaya ay nahahati ang mga katawan ng bawat madaanang kalaban ng dalawa.

Sa dulo ng mahabang tunnel ay nakita nina Ross ang isang sangay na tunnel na may pintuan ang nakasarang bukana. Sinipa ng malakas ni Vladimir ang pintuan at nagiba itong tumalsik papaloob sa tunnel. Hindi na nagulat ang apat na bantay sa loob. Inaasahan nila ang pagdating ng dalawang bampira kaya nakakubli sila sa likod ng mga mesang may mga monitor at control sa ibabaw.

"Praaattt! Praaaatttt!"

Humaging ang mga bala sa katawan ng dalawang bampira na parang malakas na hangin sa bilis ng kilos ng pumasok sa tunnel. Iglap lang ay nasa tabi na sila ng apat na bantay. Kumislap sa liwanag ng mga ilaw kanilang mga matalas ng isa-isang napugutan ng ulo ang mga bantay. Tumingin sila sa mga monitors pagkatapos. Lahat ng lugar sa buong isla ay nakikita nila sa maraming monitors. Ang loob ng mga tunnels ay may mga iba't ibang angulo. May dalawa pang kulungan na may mga banyagang bampira. Sa isang sangay na tunnel ay nakahiga sa semento si Kiel na nasa anyong tao na at tulog. Napangiti si Ross ng makita ang ayos ng pagkakahiga ni Kiel. Namamaluktot ito na parang bata. Hinanap ni Ross ang control ng mga pintuan at nakita niya sa isang mesa. May mga numero ang mga sangay na tunnel. Pinindot niya ang kulungan ni Kiel at bumukas ang sliding door na salamin.

Sa isang monitor ay nakikita nila na tapos na ang labanan sa kulungang pinasok nila. Palabas na sina Nick at Yuri.

"Pa sa ika-anim at ikapitong tunnel sa kanan ay may mga alagad pa ni Jansen. Nasa ika-limang tunnel sa kaliwa si Kiel at natutulog pa." Sabi ni Ross gamit ang kanilang mental telepathy.

"Sige at papasukin namin ang dalawang kulungan." Sagot ng don.

"Pa huwag na kayong magpagod pa! Mahusay ang ginawa nila sa mga tunnels. May pamatay sila ng mga bihag sa loob ng mga maliliit na tunnels." Sabi ni Vladimir na nasa kabilang control box na may nakasulat na sprinklers . Sa mga pindutan ay nakasulat ang water, gasoline at igniter para sa bawat sangay na tunnels.

Pinindot niya ang gasoline sa mga kulungan ng mga bampira. Sumirit ang gasolina sa mga sprinklers. Nataranta ang mga bampira na napaliguan ng gasolina. Pinindot niya ang igniter at biglang sumiklab ang malakas na apoy sa mga kulungan. Nagsisigaw sa sakit ang mga bampira na nagliliyab ang buo nilang mga katawan. Sa pagdaan nina Yuri ay malakas na ang apoy sa mga kulungan. Nalugmok na ang mga banyagang bampira na naglalagablab pa rin ang mga katawan.

Sa kulungan ni Kiel ay sumirit ang tubig mula sa mga sprinkler sa kisame. Nagising si Kiel. Tumayo siya at lumabas ng kulungan. Nakita niya sina Yuri at Nick.

"Ano na ang nangyari?" Tanong niya sa dalawa.

"Ikaw ang dapat magsabi kung ano ang nangyari sayo." Sagot ni Yuri.

"Naisahan nila ako." Sabi niya at napansin ang kulungan ng mga bampira na umaapoy sa loob.

"Ganyan sana ang mangyayari sayo Kiel kung hindi kami dumating. Barbeque na taong lobo." Sabi ni Nick. Umismid si Kiel.

"Tapos na tayo rito. Tayo na!" Sabi ni Yuri at palabas na sa dulong tunnel sina Ross at Vladimir. Hinintay nila ang dalawa.

"Pa sinira na namin lahat ng mga kagamitan nila roon. Namonitor namin na malapit ng dumating ang cruiser yacht ni Jansen." Sabi ni Ross.

"Sasalubungin natin sila." Ang sagot ng don.

Lumabas sila ng tunnel at naglakad papunta sa daungan ng mga malililiit na bangka at lantsa. Sa laot ay nakita na nila ang mga ilaw ng paparating na yate.

"Igor hindi sumasagot sa aking tawag si Bresnev."sabi ni Rene ang Pranses na pinuno ng mga banyagang mersenaryo. Nasa tabi ng piloto ng yate si Igor at tinitignan ang isla. Matalas ang kanyang paningin. May nakikita siya sa isla.

"Ibalik mo ang yate! Pumunta tayo sa isa nating isla. " Utos ni Igor sa piloto.

"Rene! Huwag mo na silang tatawagan. Si Jansen ang tawagan mo. Sabihin mong nakatakas sina Yuri at ubos na ang mga alagad sa isla!"

"Ha? Totoo?" Nagulat si Rene sa sinabi ni Igor.

"Oo Rene. Huwag mong maliitin ang ating mga kalaban. Kakaiba ang kanilang mga lakas at kapangyarihan. Sige na. Tawagan mo na si Jansen." Sumunod si Rene sa utos ni Igor. Muling tumingin sa isla ang higante. Nasayang ang pinagpaguran nila. Tiyak magsisimula silang muli. Papaliko na ang kanilang yate.

------------

"ANO? PUTA!" Sigaw ni Jansen sa ibinalita ni Rene. Ibinato niya ang hawak na cellphone dahil sa galit. Paalis na sana siya papuntang isla. Tuwang-tuwa pa naman siya kaninang nalaman niyang nahuli sina Yuri. Ngayon ay matinding galit at inis naman ang kanyang nararamdaman.

"Sabihan mo ang lahat na maghanda at aalis tayong lahat dito sa mansion ngayong gabi. Alam na nila tiyak kung nasaan ako. Dalhin ninyo ang aking higaan. "Utos niya sa tauhan niyang nakabantay sa tabi. Tumalima kaagad ito.

-------------

Sa isla napansin na nina Yuri na bumabalik ang yate.

"Pa natunugan nila tayo!" Sabi ni Nick.

"Tara balik tayo sa yate. Hahabulin natin sila. Kailangan tapusin na natin ito ngayong gabi." Sabi ni Yuri.

Tumakbo sila ng mabilis pabalik sa kanilang racer yacht. Nasa hulihan si Kiel na nasa anyong malaking asong lobo. Pagkasakay nila ay kaagad na pinaandar ni Ross ang makina at inilagay sa full speed ang control. Umaangat ang harapan ng yate sa tubig habang tumatakbo ito ng mabilis. Pinatay ni Ross ang mga ilaw upang hindi sila makita ng mga nasa cruiser yacht.

"Rene papuntahin mo sa likod ang mga tauhan mo. May humahabol sa atin. Buksan ang mga search lights sa likod." sabi ni Igor. Tinitignan niya ang monitor ng radar ng yate. May dalawang maliit na berdeng ilaw sa radar monitor. Ang malaki na nasa gitna ay ang yate nila at ang maliit na ilaw ay ang humahabol sa kanila. Mabilis ang galaw ng maliit na ilaw.

Limang daang metros na lang ang layo ng cruiser yacht kina Yuri nang umilaw ang mga search lights ng cruiser yacht.

"Praaaaat! Praaaatttt! Praaaatttt!"

Nagzigzag ang takbo ng yate nina Yuri.

"Huwag ninyong hayaang makalapit!" Sigaw ni Rene sa kanyang mga tauhang banyaga. Mabilis ang racer yacht. Nawawala ito sa mga search lights kaya nahihirapan silang patamaan ito.

"Pa sa kanan kayo pumunta. Lulusong ako at sa kaliwa ako pupunta." Sabi ni Nick.

"Sige Nick. Ross dalhin mo sa kanan." Sabi ng don.

"Praaatttt! Praaatttt! Praaaatt!"

Patuloy silang pinapaputukan. Tumalon sa dagat si Nick ng mawala ang search lights. Mabilis siyang tumakbo sa ibabaw ng tubig. Humiwalay siya sa yate at sa kaliwa ng cruiser yacht siya pumunta. Nakita niyang bukas ang kinalalagyan ng speed boat sa kaliwang gilid ng cruiser yacht. May dalawang nakatayong banyaga at ang isa ay may hawak na search light. Mahabang high powered na armas ang dala ng isa. Pero hindi nila inaasahang hindi yate ang papalapit sa kanila. Ginamit ni Nick ang kadiliman at dumikit siya sa gilid ng cruiser yacht. Nang nasa ibaba na siya ng lagayan ng speed boat ay bigla siyang tumalon pataas.

Hawak ang matalas ay lumapag siya sa tabi ng may hawak na armas.

"Katsak! Tsak!" "Arghhh! Ughhh!"

Tigpas ang ulo nito at agad niyang isinunod ang may hawak na search light. Nakita siya sa monitor sa security room. Tumunog ang sirena na ang ibig sabihin ay may nakaakyat na kalaban sa cruiser yacht.

"Pakawalan ang mga alagad!" Sigaw ni Igor.

Nagmadali siyang lumabas sa pilot house at bumaba sa ikalawang deck. Bumukas ang mga pintuan ng mga kabina sa pinaka-ibabang deck na may mga banyagang bampira. Naglabasan silang lahat. Inutusan ni Rene na bumaba ang kanyang mga tauhan sa ikalawang deck upang hanapin ang nakaakyat na kalaban. Dumikit naman sa kanang gilid ng cruiser yacht ang yate nina Yuri. Tumalon sina Yuri, Vladimir at Kiel sa kanang lagayan ng speed boat. Paglapag ni Kiel ay nag-anyong malaking asong lobo sabay na tinalon ang nakabantay na banyaga. Isang kagat lang niya sa leeg nito ay natanggal ang ulo ng banyaga. Pumasok siya sa isang pasilyo upang harapin ang mga bampirang paakyat sa ikalawang deck.

Nasa kabilang pasilyo naman si Nick. Iniisa-isa niya ang mga banyagang may mga armas. Binabaril siya pero naiilagan niya ang mga bala. May tumatama sa kanya pero hindi tumatagos sa kanyang suot na damit. Paakyat siya sa pilot house.

Sa isang pasilyo ay nakasagupa nina Yuri at Vladimir ang mga banyagang bampira. Ginamit nila ang kakiputan ng pasilyo. Bawat nakakaharap nila ay nawawalan ng mga ulo. Hindi sila mapaligiran ng mga bampira na umaatras papasok sa lounge room.

Nakapasok na rin si Kiel sa lounge room at ang ilang mga bampira na galing sa ibabang deck. Ginamit ni Kiel ang kanyang liksi at bilis. Bawat makagat niya ay kanyang iwinawasiwas ang katawan. Wakwak kung bitawan saka niya tinatanggalan ng ulo.

Nagpanagpo sa kaliwang lagayan ng speed boat sina Igor at Rene na may kasamang ilang tauhan. Alam nilang tagilid na sila. Ibinaba nila ang speed boat sa dagat saka sila sumakay. Galit na galit si Igor pero nag-aalala siya sa gagawin ni Jansen kapag nalamang tinalo sila nina Yuri. Mabilis na lumayo ang speed boat sa cruiser yacht.

************

Continue Reading

You'll Also Like

23.2M 623K 65
Hoping for a fresh start, Adrianna Walter reluctantly enrolls at Sinclaire Academy-an elite school for humans and vampires. But upon her arrival, she...