"Kasunduan"
Nagkalat ang mga bangkay sa loob at labas ng mansion. Bumaba sa sala sina Nick. Agad namang pinuntahan ni Donya Sophia si Don Yuri na inaalalayan nina Vladimir at Ross na maka-upo sa sofa. Tinignan ni Donya Sophia ang mga sugat ng don.
"Michelle kumuha kayo ng dugo dalian ninyo."
"Opo!"
Nag-aalala si Mira sa nakikita niya sa don.
"Nick malaki ang sugat ng papa mo."
"Huwag kang mag alala. Mamaya lang ay gagaling na siya."
Bumalik si Michelle na may dalang tray. Mga dugo na nasa plastic packs ang nasa tray at baso. Kinuha ng donya ang baso at binuksan ang isang plastic pack. Isinalin sa baso ang laman at ibinigay sa don. Ininom ito ni Don Yuri.
Nakawalong baso siya ng dugo. Unti-unting naghihilom ang kanyang mga sugat. Namangha si Mira sa kanyang nasaksihan.
"Dugo ng hayop ang ininom ni papa Mira. Lahat kami yan ang nagpapalakas sa amin maliban lang kung mapupugutan kami ng ulo o kaya madudukot ang aming mga puso."
"Nick, dalhin ninyo lahat ang mga bangkay sa basement para masunog ni Mang Damian." Atas ng don.
"Papa hindi ba natin hahabulin si Jansen. Alam namin kung saan siya nagtatago!" Sabi ni Ross.
"Hindi na. Hindi siya magtatagal doon. Hahanapin natin siya sa Maynila."
"Paano ang angkan ni Berong. Patay na siya."
"Palagay ko ay hindi muna sila kikilos ngayon. Marami ang namatay sa kanila. Dadalawin natin sila bukas."
Nagsimulang buhatin nina Nick ang mga bangkay. Sinusunog naman ni Mang Damian ang mga bangkay sa isang malaking pugon sa basement ng mansion.
---------
Nag iiyakan ang mga naulilang kamag anak ng mga namatay na taong lobo sa munting pamayanan. Kahit tanggap na nila ang kanilang kapalaran ay masakit pa rin sa kanila ang mawalan ng mahal sa buhay.
Sa isang bahay ay nakahiga si Kiel. Laylay ang kanyang balikat. Naghihilom na rin ang kanyang sugat. Hindi niya makalimutan ang ginawang pagpugot ng vampira sa kanyang Lolo Berong. Nagkamali sila sa pagsalakay. Hindi nila sukat akalain na maraming bampira ang kanilang makakasagupa.
Malakas ang higanteng bampirang kanyang nakasagupa at kakaiba ang pumatay sa kanyang lolo. Kakaiba ang kanilang mga amoy at hindi niya makakalimutan. Gaganti sila ang iniisip niya.
---------
Sa basement ng guhong gusali ay nakahiga si Igor sa mga tuyong damo. Hindi pa naghihilom ang kanyang leeg. Sa kisame ng basement ay nakabitin si Jansen. Para siyang paniking nakatiklop ang dalawang pakpak at itinatago ang ulo. Wala na siyang buntot.
Takip silim na ng bumuka ang kanyang pakpak. Bumaba siya.
"Igor bumalik ka sa yate. Kailangan nating magpalakas ng puwersa. Kailan darating ang mga pinatawag ko sayo?"
"Sa isang linggo pa Jansen. Si Verna bakit wala pa siya?"
"Patay na si Verna Igor. Kung buhay siya dapat ay narito na siya!"
" Ahhhh! Gaganti ako Jansen. Dudukutin ko ang mga puso nila."
"Ang pinagtatakhan ko ay bakit may mga taong lobo tayong nakalaban. Sino sila? Kalaban din sila nina Nick?"
"Malakas yung nakalaban ko Jansen. Hindi siya taong lobo lamang!"
"Tara Igor. Balik muna tayo sa yate."
"Mahina pa ako Jansen. Hindi ko pa kanyang tumakbo ng malayo."
"Dito ka muna. Babalik ako!"
Lumabas si Jansen sa basement. Madilim na sa paligid. Lumipad siya. Maghahanap siya ng masisila para sa kanila ni Igor.
Lumipad siya ng mataas. Umiikot siya sa kalangitan. Tumitingin siya sa ibaba. Naghahanap siya ng nag-iisang tao lang. Wala siyang makita. Isang ilaw ang kanyang napansin. Headlight ng isang motorsiklo. Sinundan niya. Dumadaan ito sa makitid na daan sa gitna ng isang malawak na bukid. May naka-angkas sa likod ng drayber.
Sumisid siya ng mabilis at dinagit niya ang naka- angkas.
"Eeeeeeeeeee!"
"Huh! Loida!" Sigaw ng drayber at na out balance ang motorsiklo. Natumba ito. Naipit ang drayber na nauntog ang ulo sa lupa. Nakatulog!
"Eeeeeeeeeeeee!"
Sumisigaw ang babae at nagwawala. Napatingala siya at nakita niya ang halimaw na may hawak sa kanya. Nakangisi ito na labas ang mga pangil. Namumula ang mga matang nakatitig sa kanya.
"Eeeeeeeee!"
Nawalan siya ng malay tao.
Lumapag si Jansen sa tabi ng guhong gusali. Binuhat niya ang babae at bumaba sa basement.
Natuwa si Igor ng makita ang babae. Mabilis siyang lumapit.
"Igor ang ating hapunan!" Sabi ni Jansen.
Sabay nilang kinagat sa magkabilang leeg ang babae. Winakwak ni Jansen ang dibdib at dinukot ang puso. Kinain niya.
"Ahhhhh. Pwede na rin kahit hindi na siya birhen."
"Kung tapos ka na sa kanya Igor pugutan mo na ng ulo! Hark! Hark! Hark!"
Kinuha ni Igor ang kanyang espada at pinugutan niya ng ulo ang babae.
Naghilom ang sugat ni Igor sa leeg. Humaba naman ang buntot ni Jansen.
"Tayo na Igor. Magkita na lang tayo sa yate."
"Oo Jansen at babalikan natin sila. Hindi ako matatahimik hanggat hindi ko naipaghihiganti si Verna.
Lumabas sila sa basement. Lumipad si Jansen at biglang nawala si Igor. Tumatakbo na siya ng matulin halos kasing bilis ng hangin.
-----------
Kinabukasan ay nagpupulong ang mga natitira sa angkan ni Berong. Nasa sa sentro sila ng mga bahay. Mga matatanda, bata, kababaihan at natitirang mga lalake. Nag-uusap sila kung sino ang kanilang magiging pinuno kapalit ng namatay na si Berong. Karamihan ay si Kiel ang gusto.
Nag-usap ang mga matatanda. Ipinatawag nila si Kiel. Lumabas ito sa kanyang bahay at pumagitna sa kanila.
" Kiel napagpasiyahan naming lahat na mula sa araw na ito ay ikaw na ang kikilalanin naming pinuno. Ano man ang magiging desisyon mo at ipag-uutos ay aming susundin." Sabi ng isang matanda.
"Kung iyan ang inyong gusto ay pumapayag ako!"
"Awooooooooo!"
Sabay-sabay nilang alulong.
Biglang lumitaw sa gitna nila sina Don Yuri. Nakahanda ang mga bampira. May dala silang mga armas at suot ang mga damit na bakal. Lahat ay nagulat. Nagtakbuhan ang mga bata at nagtago. Nagitla rin si Kiel at ang mga matatanda.
"Kung gusto ninyong magka-ubusan tayo ngayon sige magbago kayo ng anyo!" Sigaw ni Don Yuri.
"Huwag!" Sigaw ni Kiel.
"Sinira ninyo ang pinag-usapan nating kapayapaan ng salakayin ninyo kami."
Sabi ni Don Yuri.
"Hindi kami sasalakay kung hindi ninyo pinatay ang kapatid ko!" Sagot ni Kiel.
"At hindi ko papatayin ang kapatid mo kung hindi niya pinagtangkaang biktimahin ang isang inosenteng tao!" Sigaw ni Nick.
Nagkatinginan ang mga matatanda.
"Lahat tayo rito ay mga halimaw pero ako at ng aking pamilya ay walang pinatay kahit isa mang inosenteng tao. Sumumpa kami at nagkasundo ni Berong na mananatili ang kapayapaan sa pagitan natin kung walang sino sa atin ang papatay ng sino mang inosenteng tao. Sumira kayo sa ating kasunduan!"
" Don Yuri patay na si Lolo Berong ko. Bilang bagong pinuno ng aming angkan ay gusto kong magkaroon muli tayo ng bagong kasunduan."
"Isinusumpa ko sampu ng aking mga ninuno at sa harap nila na aking angkan na wala ng sino man sa amin ang papatay ng sino mang inosenteng tao!" Sigaw ni Kiel.
"Kung ganoon mula sa oras na ito ay magkakaroon na ng kapayapaan sa ating mga lahi. Ang sino mang lumabag sa ating kasunduan ay kamatayan ang kaparusahan." Sagot ng don.
"Sumasang ayon ako sayo Don Yuri."
At nagkamay silang dalawa.
"Don Yuri gusto ko sanang malaman ay kung sino ang bampirang pumatay ay Lolo Berong."
"Siya si Jansen ang itinakwil kong anak. Napatay na namin ang iba niyang alagad pero nakatakas siya kasama ang isang higante niyang alagad. Amin silang hahanapin upang tuluyan na silang mapuksa!"
"Hayaan mong tumulong kami sa paghahanap sa kanila Don Yuri. Gusto kong ipaghiganti ang aking Lolo Berong at ang iba ko pang kalahi na kanilang pinatay."
"Gawin mo ang nararapat mong gagawin huwag ka lang lalabag sa ating kasunduan."
"Salamat Don Yuri!"
"Kami ay aalis na. Hanggang sa muli nating pagkikita!"
Biglang nawala ang apat na bampira.
"Kiel paano ang mga pinatay nilang mga mahal namin?" Tanong ng isang matandang babae.
"Hahayaan muna natin. Kapag lubos na tayong malakas at buo na ang pagtitiwala nila saka tayo kikilos. Uubusin natin ang mga lahi ng mga bampira!"
"Awwwwwooooooooo!"
************