Red Moon (Complete)

De TitoRudy1953

15.6K 1K 110

A vampire and human love trylogy. Mga pag-ibig na walang kamatayan kahit langit at lupa ang agwat sa isat-isa... Mai multe

Part 1 ... Duelo
Part 2 ...Unang Paghihiganti
Part 3 ..Pag-ibig na Walang Kamatayan
Part 4 . . . Konde Drakul
Part 5 ... Dugo ng Taong Lobo
Part 6 . . . Paghahanap kay Sofia
Part 7 . . . Ang Sumpa ni Yuri
Part 8 ... Babaeng Bampira
Part 9 . . . Poot na Nag-aapoy
Part 10 . . . Angkan ng mga Taong Lobo
Part 11 . . . Bampirang Makadiyos
Part 12 . . . Vladimir at Lucia
Part 13 . . . Pagsubok
Part 14 ... Bagong Vladimir . . Ang Bampira
Part 15 .. Ross at Michelle
Part 16 . . . Paghahanda sa Pagsalakay
Part 17 . . . Bampira Laban Taong Lobo
Part 18 ... Katapusan ng Paghihiganti ni Yuri
Part 19. . . Langit at Lupa
Part 20 . . . Nicholai
Part 21 . . . Jansen Ang Bagong Halimaw
Part 22 . . . Pagtatagpo ng Dalawang Puso
Part 23 . . . Sagupaan ng mga Bampira at Taong Lobo
Part 24 . . . Nabunyag na Lihim
Part 25 . . . Pangako
Part 26 . . Jansen ... Ang Halimaw
Part 27 . . . Vladivostok
Part 28 . . Paghihiganti ng Duke
Part 29 . . . Paghahanap kay Jansen
Part 30 . . . Bumaba ang Langit sa Lupa
Part 31 . . . "Mahal Kita Maging Halimaw Ka Man"
Part 32 . . . "Halimaw sa Dilim"
Part 33 . . . "Tagisan ng Lakas"
Part 34 . . . "Ang Lihim "
Part 35 . . . " The Boss "
Part 36 . . . " The Date "
Part 37 . . . "Muling Pagkabuhay ng Demonyo"
Part 39. . . " Ang Sorpresa"
Part 40 . . . "Kiel"
Part 41 . . . " Mahal Kita Maging Halimaw Ka Man"
Part 42 . . . "Sagupaan"
Part 43 . . . "Kasunduan"
Part 44 . . . "Gerald Von Hausler"
Part 45 . . . "Tatlong Puso sa Iisang Pag-ibig"
Part 46 . . . "Corregidor"
Part 47 . . . "Cruiser Yacht"
Part 48 . . ."Agaw Buhay"
Part 49 "Mahal Kita Maging Halimaw Ka Man!"
Part 50 . . . "Ensayo"
Part 51 . . . "Unang Laban"
Part 52 . . . "Milan"
Part 53 . . . "Ang Hudas"
Part 54 . . . "Morfori"
Part 55 . . . "Duelo"
Part 56 . . . "Mikhail"
Part 57 ... . "Ivano"
Part 58 . . . " Moog na Isla"
Part 59 . ."Mira"
Part 60 . . . "Sorpresa"
Part 61 . . . "Arielle"
Part 62 . . . "Astral Projection"
Part 63 . . . "Kiel"
Part 64 . . ."Lababan ng mga Nilalang ng Kadiliman"
Part 65 . . . "Pwersa Laban sa Pwersa"
Part 66 . . . "Limang Espirito ni Arielle"
Part 67 . . ."Preso"
Part 68 ... "Nag-aapoy na Galit"
Part 69 . . . "Kidnap"
Part 70 "Asul na Apoy"
Part 71 . . . "Pagsuko ng Taong Lobo"
Part 72 "Conde Drakul"
Part 73 " Igor Ang Higanteng Bampira"
Part 74 "Higanti ni Borgel"
Finale . . . " Arielle v/s Konde Drakul Huling Laban"

Part 38 . . . "Ang Katotohanan"

153 13 1
De TitoRudy1953

"Ang Katotohanan"

-------

Baguio, nagtatakip silim na ng dumating sina Nick at Mira sa mansion. Sinalubong sila ni Mang Damian sa bakal na gate. Ipinakilala ng binata ang dalaga sa matanda na kasintahan niya. Kinuha ng matanda ang maleta at sinamahan ang dalawa papasok sa mansion. Nasa loob ng sala ang mga magulang  ni Nick. Expected ang pagdating nila.

" Magandang gabi ho Papa, Mama. Ito ho si Mira ang sinasabi ko hong babaing napupusuan ko. " bati ng binata. Lumapit ang mag-asawa kay Mira.

" Ikaw pala si Mira, hindi na ako magtataka. May pagkahawig ka sa nauna niyang asawang matagal ng namatay. Kumusta ka iha? " bati ng donsa nahihiyang dalaga.

" At kasing amoy Papa!" sabi ng donya na nakangiti kay Mira na nagtataka sa pinag-uusapan nila.

"Oo nga! Pagpasok pa lang nila ay naamoy ko na. " sagot ng don.

Naguluhan na  si Mira sa pinag-uusapan ng mag-asawa. Nag-iisip siya.

"Magandang gabi rin po sa inyong lahat. May asawa si Nick? Ano po yung amoy na sinasabi ninyo?" sabi ng dalaga.

" Saka ko na ipaliliwanag sayo mahal ko. Mabuti pa ay sasamahan muna kita sa silid mo para makapag pahinga ka. Babalikan kita mamaya para sa hapunan natin. Mamaya mo na rin makikilala ang mga kapatid ko. " sabi ni Nick.

Umakyat sila sa itaas. Maya-maya pa ay bumalik na si Nick. Pumasok na silang lahat sa conference room.

Sa loob ng silid na pinag-iwanan ni Nick kay Mira ay  naka-upo ang dalaga sa kama. Pinagmamasdan niya ang buong paligid. Nagtataka siya kung bakit wala siyang makitang larawan man lang. Tinignan niya ang kahon ng mesita na nasa tabi ng kama. Isang makapal na aklat ang kaniyang nakita. Kinuha niya.

" Journal of Nicholai Ivanoff".

Na-curious siya. Binuklat. Unang pahina.

"I am Nicholai Ivanoff, born in the year 1507, on the 25th of November! "

Bigla niyang sinara ang aklat. Pinagpawisan siya pero hindi siya natakot. Binuklat niyang muli. Naglaktaw siya ng ilang pahina.

" I was dying. The epidemic killed all my sisters, brothers, nephews, nieces, and my loving dearest parents. Only few moments i will join them. Oh, God bless my soul! I felt i will not last longer. A man came and took me to his home. I was so weak. I was hungry ang thirsty yet i can't even swallow my own saliva. I heard the man's voice. He said, his name was Yuri Ivanoff and he will help me to live again. A new life where i will not die and grow old. No sickness can harm me. I just agreed and begged for the life he mentioned. I didn't want to die young. Then i just felt the pain on my neck. I lost consciousness. When I woke up I felt I was reborn. Yuri told me what I was later on. A VAMPIRE! " muling isinara ni Mira ang aklat.

Ibinalik niya ito sa kahön. Malakas ang tibok ng kanyang puso.

"Kaya pala ganoon na lang siya kalakas. Kung ganoon lahat sila ay mga bampira! Bakit hindi sila takot sa sinag ng araw, sa mga krus?" Bulong niya.

"Nick bakit hindi ko magawang matakot sayo? Ano itong nararamdaman ko? Ramdam kong noon pa ay nakasama na kita. Minahal na kita!" Iniisip niya. Tumayo siya at  lumabas ng silid.

Bumaba siya sa sala. May nakita pa siyang mga imahe ng mga santo rito. Hinanap niya si Nick. Nagtanong siya kay Mang Damian na papalabas sana ng mansion. Nalaman niyang nasa conference room silang lahat. Tinanong niya kung saan ang conference room at sinabi ng matanda. Pumunta siya roon. Kumatok muna siya at saka niya binuksan ang pinto. Lahat ay napalingon sa kanya.

"Kilala na kita Nicholai Ivanoff. Kayong lahat! Alam ko na ang mga pagkatao ninyo! Mga Bampira pala kayo!" Bungad niyang sabi.

Nagulat ang lahat sa sinabi ni Mira lalo na si Nick.

"Mahal ko. Magpapaliwanag ako sayo!" sumalubong siya sa dalaga.

" Paupuin mo siya Nick. Ako na ang magpapaliwanag. " umupo ang dalawa sa tabi ng don.

" Mira! Totoo ang sinabi mo. Kaming lahat ay mga bampira. Kami lang ng aking buong pamilya. Ang mga piling katiwala at ang matandang si Mang Damian ay alam ang aming mga pagkatao. Mula ng mabuo ko ang pamilyang ito, ni isang patak ng dugo ng tao ay walang natikman ang mga anak ko. Lahat sila ay pinag-ukulan ko ng panahon. Tinuruan ng mabuting asal. Hindi ko sila kadugo. Isa-isa ko lang silang natagpuan noong panahong kailangan nila ng tulong at pagmamahal. Ayokong danasin nila ang sinapit ko. Kung paano inalipusta ang angkan ko. Isa-isang pinatay ang mahal ko sa buhay ng mga taong gahaman sa kapangyarian."

Nagpatuloy si Don Yuri sa pagkwento. Nakikinig naman Mira. Sa kanya nakatingin ang iba.

"Nang panahon na gusto ko ng sumuko may isang nagbigay sa akin ng pag-asa upang lumaban. Naging biktima ako ng isang bampira. Binigyan niya ako ng panibagong buhay. Buhay ng isang halimaw. Hindi ko matanggap noong una pero na isip ko ang pagiging bampira lang ang tangi kong paraan upang makapaghiganti sa mga taong pumatay sa aking mga mahal sa buhay"

" Namili ako ng aking mga biktima. Mga masasamang loob lamang. Nagbago ang lahat ng ang pinaka huli kong biktima ay isang batang babae. Kinabukasan, naging balita ang pagkamatay ng bata. Nag huhumiyaw ang mga kapatid at magulang. Nasa tabi lang ako at narinig kong lahat at nakita kung gaano sila nasaktan sa ginawa ko. Na-alala ko ang aking mga mahal. Naramdaman ko ang sakit nila. Kaya isinumpa ko hindi na ako papatay ng mga taong walang kasalanan."

"Dugo ng mga hayop ang aking ininom upang lumakas. Hanggang sa kaya ko ng mabuhay ng hindi umi-inom ng dugo ng tao. At iyon ang simula. Nang matagpuan ko sila ay nabasa ko sa kanilang isipan ang kagustuhan nilang mabuhay at ginawa ko silang kagaya ko. Ayokong magkamali na makalikha ako ng isang halimaw. Si Nick ay isa sa mga napili ko at hindi ako nagsisi. Isa siyang mabuting tao na naging mabuting bampira. Lahat sila ay ikinararangal kong maging mga anak! " paliwanag ng don.

" Kung si Nick po ay isang bampira at ako'y tao, papaano kami magsasama?" tanong ng dalaga.

" Nasa sayo na ang kasagutan sa tanong mo iha. Matatanggap mo pa bang mahalin si Nick sa kabila ng mga nalaman mo ngayon?" tanong ng don.

Tumingin si Mira kay Nick.

"Mahal Kita! Maging halimaw ka man aking mahal na Nick." yumakap ang binata sa kanya.

Napaluha!

Napaluha rin ang mga kapatid ni Nick at nagpalakpakan sila. Hinalikan ng binata ang dalaga. Mariin, maalab, punung-puno ng pagmamahal.

" Hay, kaswerte mo talaga tol. Ilang daang taon ka ring naghintay!" sabi ni Ross ang kuya niya.

" Kung ganyang wala ng problema sa inyong dalawa ay  ituloy na natin ang usapan kanina." sabi ng Don.

" Papa, talaga bang mga bampira ang pumatay sa tatlong tao kagabi?" tanong ni Nick.

Nakikinig lang si Mira.

"Oo Nick. At marami sila. Nakita ko ang mga marka ng mga pangil sa mga buto. " sabi ng don.

"Kung ganoon po Pa ay mauulit na naman ang dati nating layunin na ubusin ang mga masasamang bampira?" tanong ni Vladimir.

" Oo anak. Kaya maghanda kayo. Ramdam kong may malakas na puwersa na kumikilos sa paligid natin."

"Papaano po ang mga angkan ni Berong. Malalaman nilang naririto na si Nick. " tanong ni Ross.

"Saka natin sila haharapin kapag nalutas na natin ang problema. Kaya Michelle sabihan mo lahat ng mga katiwala na umuwi na muna sila at magbakasyon. Bigyan mo ng sapat na salaping panggastos nila sa loob ng tatlong buwan. Si Mang Damian, alam naman niya ang gagawin. At Nick, dalhin mo na muna sa Maynila si Mira at saka ka bumalik dito. Ayokong mapahamak siya. " sabi ng don.

"Ayoko pong mapalayo kay Nick. Kung dito ho siya ay dito na rin ako. " sabi ng dalaga.

"Kung yan ang iyong pasiya, sige! Mag-ingat ka lang. Tuturuan ka ni Nick sa gagawin mong paghahanda. Magpahinga na kayo. Marami pa tayong gagawin bukas. " atas ng don.

Tumayo na silang lahat, at pumasok na sa kanilang mga silid. Dumilim na ang kalangitan. Sa hindi kalayuan sa mansion ay may mga matang nagmamatyag. Nakita niya ang pagdating ni Nick. Tumayo ang lalaki at naglakad papalabas ng kakahuyan para makipagkita kay Berong.

******

Continuă lectura

O să-ți placă și

23.2M 623K 65
Hoping for a fresh start, Adrianna Walter reluctantly enrolls at Sinclaire Academy-an elite school for humans and vampires. But upon her arrival, she...