Red Moon (Complete)

By TitoRudy1953

15.6K 1K 110

A vampire and human love trylogy. Mga pag-ibig na walang kamatayan kahit langit at lupa ang agwat sa isat-isa... More

Part 1 ... Duelo
Part 2 ...Unang Paghihiganti
Part 3 ..Pag-ibig na Walang Kamatayan
Part 4 . . . Konde Drakul
Part 5 ... Dugo ng Taong Lobo
Part 6 . . . Paghahanap kay Sofia
Part 7 . . . Ang Sumpa ni Yuri
Part 8 ... Babaeng Bampira
Part 9 . . . Poot na Nag-aapoy
Part 10 . . . Angkan ng mga Taong Lobo
Part 11 . . . Bampirang Makadiyos
Part 12 . . . Vladimir at Lucia
Part 13 . . . Pagsubok
Part 14 ... Bagong Vladimir . . Ang Bampira
Part 15 .. Ross at Michelle
Part 16 . . . Paghahanda sa Pagsalakay
Part 17 . . . Bampira Laban Taong Lobo
Part 18 ... Katapusan ng Paghihiganti ni Yuri
Part 19. . . Langit at Lupa
Part 20 . . . Nicholai
Part 21 . . . Jansen Ang Bagong Halimaw
Part 22 . . . Pagtatagpo ng Dalawang Puso
Part 23 . . . Sagupaan ng mga Bampira at Taong Lobo
Part 24 . . . Nabunyag na Lihim
Part 25 . . . Pangako
Part 26 . . Jansen ... Ang Halimaw
Part 27 . . . Vladivostok
Part 28 . . Paghihiganti ng Duke
Part 30 . . . Bumaba ang Langit sa Lupa
Part 31 . . . "Mahal Kita Maging Halimaw Ka Man"
Part 32 . . . "Halimaw sa Dilim"
Part 33 . . . "Tagisan ng Lakas"
Part 34 . . . "Ang Lihim "
Part 35 . . . " The Boss "
Part 36 . . . " The Date "
Part 37 . . . "Muling Pagkabuhay ng Demonyo"
Part 38 . . . "Ang Katotohanan"
Part 39. . . " Ang Sorpresa"
Part 40 . . . "Kiel"
Part 41 . . . " Mahal Kita Maging Halimaw Ka Man"
Part 42 . . . "Sagupaan"
Part 43 . . . "Kasunduan"
Part 44 . . . "Gerald Von Hausler"
Part 45 . . . "Tatlong Puso sa Iisang Pag-ibig"
Part 46 . . . "Corregidor"
Part 47 . . . "Cruiser Yacht"
Part 48 . . ."Agaw Buhay"
Part 49 "Mahal Kita Maging Halimaw Ka Man!"
Part 50 . . . "Ensayo"
Part 51 . . . "Unang Laban"
Part 52 . . . "Milan"
Part 53 . . . "Ang Hudas"
Part 54 . . . "Morfori"
Part 55 . . . "Duelo"
Part 56 . . . "Mikhail"
Part 57 ... . "Ivano"
Part 58 . . . " Moog na Isla"
Part 59 . ."Mira"
Part 60 . . . "Sorpresa"
Part 61 . . . "Arielle"
Part 62 . . . "Astral Projection"
Part 63 . . . "Kiel"
Part 64 . . ."Lababan ng mga Nilalang ng Kadiliman"
Part 65 . . . "Pwersa Laban sa Pwersa"
Part 66 . . . "Limang Espirito ni Arielle"
Part 67 . . ."Preso"
Part 68 ... "Nag-aapoy na Galit"
Part 69 . . . "Kidnap"
Part 70 "Asul na Apoy"
Part 71 . . . "Pagsuko ng Taong Lobo"
Part 72 "Conde Drakul"
Part 73 " Igor Ang Higanteng Bampira"
Part 74 "Higanti ni Borgel"
Finale . . . " Arielle v/s Konde Drakul Huling Laban"

Part 29 . . . Paghahanap kay Jansen

167 10 1
By TitoRudy1953

"Paghahanap kay Jansen"

--------

Napatay lahat ng bampira sa kastilyo ni Duke Constan. Pinalaya lahat ng mga nakakulong sa mga karsel sa ilalim ng kastilyo. Nagbunyi ang mga katiwala at mga mandirigma. Lumabas si Duke Constan sa kanyang pinagtataguang silid. Nagkita sila ng kanyang asawang Dukesa at mga anak. Nag-iyakan ang mag-anak. Masaya sina Yuri at ang mga kapatid ni Nick. Natapos at napuksa nila ang isa pang salot ng lagim. Nasa sala ang lahat at nagsasaya ng makita nilang bumababa sa hagdang bato si Nick at karga ang walang buhay ng si Duke Charles Croft. Biglang nalungkot ang lahat. Lumuha ang mga ayudante at mga mandirigma. Lumuhod sila tanda ng paggalang sa kanilang mahal na duke.

Nagpasalamat si Duke Constan sa lahat. At sinabi niya ang dahilan kung bakit kailangan niyang sundin ang mga utos ni Gustav. Nagpasalamat siya kay Duke Croft. Lumuluha siya habang nagsasalita. Naunawaan ng lahat ang Duke. Gumawa ang mga katiwala ng isang karosa. Sinapinan nila ng puting tela. Nilagyan nila ng maraming bulaklak. Inilagay ni Nick ang mga labi ni Duke Croft sa ibabaw. Inayos, nasa ibabaw ang mga kamay, hawak ang krus at nasa tabi ang kanyang espada. Tinakpan nila ng bandila ng Britanya.

Nagsimula ang prusisyon pauwing Bolstok. Dumaan ang prusisyon sa cathedral ng Vladivostok. Lumabas ang mga pari at ang Obispo. Nalaman nilang napuksa na ang mga bampira. Binasbasan ng obispo ang mga labi ng duke. Nagpatuloy ang prusisyon.

Ikatlong araw ng marating ang monasteryo ng Bolstok. Nasa kalsada ang mga mamamayan. Lumabas ang mga pari at ang obispo. Nalungkot sila ng malamang ang Duke ang namatay.

Lumabas sina Sofia, at Arianna. Sinalubong siya ni Nick. Yumakap ang dalaga. Lumuluha.

" Siya ba si ama mahal?" tanong ng dalaga.

" Oo mahal ko! Mahal na mahal ka niya, yan ang huli niyang sinabi. Nakaganti na siya sa pumatay sayong ina." humagulgol ang dalaga.

Yumakap siya ng mahigpit sa binata.

" Huwag kang mag-alala. Mahal na mahal kita aking Arianna. Hinding-hindi kita pababayaan!"

Inayos ng mga mandirigma ang mga labi ng Duke sa isang tumpok na mga troso. Nakabalot ito ng puting tela. Nakapila sila at dumadaan sa tabi ng bangkay ng duke. Bawat isa ay naghahagis ng mga bulaklak. Halos matabunan na ang bangkay. Lumapit sina Arianna at Nick. Naglagay sila ng mga bulaklak.

" Pinakamamahal kita aking Ama. Masaya na rin ako dahil kapiling mo na si Ina! Paalam Ama ko!" bulong ng dalaga.

Sinilaban ang mga troso. Nagliyab ang tumpok na kahoy. Malungkot ang lahat at lumuha. Wala na ang bayani ng Britanya, si Duke Charles Croft!

Tatlong araw at tatlong gabing nagpahinga ang mga mandirigma. Si Edward ang naging komandante nila. Handa na sila sa kanilang paglisan pabalik ng Britanya. Tapos na ang kanilang misyön. Ibinigay ng obispo ang mga gintong salapi para sa mga mandirigma at sa mga naiwang mahal ng mga namatay. Nagpa-alam si Edward sa mga Ivanoff at kay Arianna. Ibinigay ni Arianna ang espada ng kanyang yumaong ama kay Edward. At lumisan ng ang mga mandirigma.

Naging abala na si Yuri ng dalawang araw. Nasa pandayan siya. Nang matapos ang kanyang ipinagawa sa mga panday ay isinakay nila ito sa isang karuwahe. Tinawag ni Yuri ang kanyang mag anak. Nag-usap-usap sila.

" Oras na para hanapin si Jansen. May kutob akong nasa malapit lang siya ng Vladivostok. Sundan natin ang kanyang dinaanan. " sabi ni Yuri.

" Papa, anong parusa ang igagawad mo sa kanya. ?" tanong ni Vladimir

" Malalaman din ninyo kapag nahuli na natin siya ng buhay. " sagot ni Yuri.

" Papa, mauna na ho ako. Sasalubungin ko na lang kayo kapag nalaman ko na kung nasaan si Jansen. " mungkahi ni Nick.

" Sige. Habang umaga pa ay mauna ka na. Bukas ng madaling araw kami aalis. "

" Opo Papa.!" lumapit ang binata kay Arianna. Niyakap niya at hinalikan sa mga labi.

" Mag ingat ka aking Nick."

" Oo mahal kong Arianna. Mag-iingat ako para sayo. " at lumakad na siya.

Sakay ng kabayo ay sinundan ni Nick ang dinaanan ni Jansen, ang lumang daan sa gitna ng gubat. Habang tumatakbo ng mabilis ang kabayo ay inaamoy niya ang hangin. Malapit ng dumilim ng patigilin niya ang kabayo. Itinali sa isang madawag na halamanan. Umakyat siya sa puno. Mula sa itaas ay nagpalipat-lipat siya ng puno hanggang sa marating niya ang hangganan ng gubat. Nakita niya ang ilang kabahayan sa malayo. Pati na ang lumang abandonadong hospital. Nagtaka siya kung bakit wala siyang makitang tao isa man. Lumatag ang kadiliman ng gabi. Nagbago ang anyo ni Nick. Nanatili siya sa kanyang kinatatayuan sa isang malaking sanga sa itaas ng malaking puno. Nakikita at naaamoy niya ang kapaligiran. May naririnig siyang dumarating na tila lumilipad.

" Wooshh! Wooshh! Wooshh!"

Dumaan sa ibabaw niya. Parang isang higanteng paniki. Pinagmasdan niya ito patungo sa lumang hospital. Lumapag sa harap. May kasamang babae. Nawala ang pakpak ng lalaki.

" Jansen! Halimaw ka!" Bulong niya.

Pumasok ang dalawa sa gusali. Naghintay si Nick. Ilang minuto pa ay nagsisipag labasan na ang mga bampira. Maging sa apat na bahay ay may lumabas din. Naglalakad lamang sila. Isa-isa silang naglaho sa dilim. Umupo si Nick. Matiyagang naghintay. Ilang oras pa bago bumalik ang mga bampira. May kaniya-kaniyang buhat na tao. Pumasok na sila sa gusali at sa mga bahay. Naghintay muna si Nick ng ilang minuto. Tumayo na siya, tumalon at nagpalipat-lipat na sa mga puno hanggang sa marating na niya kung saan nakatali ang kaniyang kabayo. Sumakay siya at pinatakbo ang kabayo pabalik sa Bolstok. Isang oras ang nagdaan ay nakasalubong niya ang dalawang karuwahe. Huminto sila. Bumaba ang Papa niya. Sinabi niya kung saan makikita si Jansen.

" Sige. Kapag malapit na tayo ay itatabi natin ang mga karuwahe. Maglalakad na lang tayo." sabi ni Yuri.

Muli siyang sumakay sa karuwahe. Pinatakbo nila ng mabilis ang mga kabayo. Sumisikat na ang araw ng huminto sila. Bumaba silang lahat at tumakbo. Nakarating sila sa itaas ng isang burol. Tanaw nila ang mga bahay at ang lumang hospital!

"Papa may dumarating. Sa norte sa pagitan ng dalawang puno." Sabi ni Nick.

Nakita nina Yuri ang dalawang lalake. Nakamasid din sa mga bahay. Nag-uusap ng mahina at narinig nila ang usapan.

"Josep bumalik ka kina Ravec. Sabihin mo nakita na natin ang pinagtataguan ng mga dayuhang bampira. Wala sila sa monasteryo."

"Sige! Hintayin mo kami rito."

Paatras na umalis ang isa. Umupo naman ang naiwan sa likod ng maraming halaman.

"Mga taong lobo sila. Ross, Vladimir, Nick akyat tayo sa itaas ng mga puno. Hintayin natin ang pagdating nila."

"Bakit papa? Sugurin na natin sina Jansen habang may araw pa!" Sabi ni Ross.

"Hayaan nating sila muna ang maglaban. Saka tayo kikilos kung sino ang matitira sa kanila. Magtago kayo sa itaas."

"Sige papa!"

Sa isang iglap ay nawala ang apat. Nasa itaas na sila ng mga puno. Nakakubli sa mga dahon. Naghihintay.

***

Takip silim na. Nagdaratingan ang mga taong lobo. Nakikita ni Nick na iniikutan ng mga taong lobo ang mga bahay at ang lumang hospital. Sa silangan ay lumilitaw na ang bilog na buwan. Kumakalat na ang kadiliman nakatayo ang mga taong lobo at nakatingala. Tinitignan nila ang kabilugan ng namumulang buwan. Naghubad sila ng kanilang mga pang-itaas na damit. Nagbabago ang kanilang mga anyo. At sabay sabay na....

"Awoooooo! Awoooooo!

Sumalakay na sila sa mga bahay at sa lumang hospital. Umupo si Nick sa sanga na kanyang kinatatayuan.

Malalaki at malalakas ang mga taong lobo. Marami at mabibilis naman ang mga bampira. Lumabas na ang ibang mga bampira at sinasalubong ang mga sumasalakay na mga taong lobo.

Dinadakma ng mga taong lobo ang mga bampira at kinakagat nila sa leeg kasabay ng pagwasiwas nila sa katawan ng kanilang biktima. Patay na pagbitaw nila na ang iba ay napuputulan pa ng ulo. Pinagtutulungan naman ng ilang bampira ang ibang taong lobo. Tatlo laban sa isa. Kinakagat ng isang bampira ang leeg ng taong lobo na hawak naman ng dalawa at pinupugutan ng ulo pagkatapos manghina ang mga taong lobo.

Mula sa isang bintana sa ikalawang palapag ng hospital ay biglang lumabas si Jansen. Sakmal niya sa kanyang mga paa na ang mga daliri ay katulad ng mga daliri niya sa kanyang mga kamay. Natuhog ng kanyang mahabang buntot sa likod ang taong lobo at tagos ang matulis na dulo sa dibdib. Lumipad si Jansen at habang papa itaas siya ay pinugutan niya ng ulo ang kanyang biktima at saka binitawan ito.

Habang pabagsak ang patay na taong lobo ay biglang bumulusok pababa si Jansen at tinuhog niya sa likod ng kanyang buntot ang isa pang taong lobo. Tulad ng ginawa niya sa una pugot na ang ulo ng kanyang biktima at hinuhulog niya ito mula sa itaas at saka muli siyang dumadagit ng isa pang biktima. Mabilis ang pagkilos at paglipad ni Jansen. Marami na siyang napapatay na kalaban. Lahat ay nakikita nina Nick at nagulat naman sina Yuri sa bagong anyo ni Jansen na ganap ng isang mabagsik na halimaw

Sa ibaba ay lumabas sa pintuan ang isang babae. Si Nirvana. Tumakbo ito ng mabilis at tinalon sa likuran ang isang taong lobo. Hinawakan niya ang ulo at ipinaling sabay kagat sa leeg. Lupaypay na ang taong lobo ng bitawan ni Nirvana at kanyang pinugutan ang ulo.

Hindi nakita ni Nirvana ang isang taong lobo sa kanyang likuran. Dinakma siya sa likuran at kinagat sa leeg. Nagpupumiglas si Nirvana pero malakas ang taong lobo. Biglang sumisid pababa si Jansen na galit na galit. Tinuhog niya sa likod ang taong lobong nakakagat kay Nirvana. Nabitawan nito si Nirvana na lupaypay na bumagsak sa lupa. Isang bigwas ni Jansen sa leeg ng taong lobong nakatuhog sa kanyang buntot ay tumilapon ang ulo. Binuhat ni Jansen si Nirvana at lumipad siya. Nawala si Jansen sa kadiliman ng gabi.

Mahigit isang oras ng naglalaban ang dalawang grupo. Nananalo ang mga bampira.

"Oras na. Humanda kayo. Tayo naman ang kikilos. Ubusin natin silang lahat!" Sabi ni Yuri sa isip niya na narinig ng tatlo. Binunot nila ang kanilang mga matalas at sabay-sabay silang tumalon.

******

Continue Reading

You'll Also Like

23.2M 623K 65
Hoping for a fresh start, Adrianna Walter reluctantly enrolls at Sinclaire Academy-an elite school for humans and vampires. But upon her arrival, she...