Red Moon (Complete)

By TitoRudy1953

15.6K 1K 110

A vampire and human love trylogy. Mga pag-ibig na walang kamatayan kahit langit at lupa ang agwat sa isat-isa... More

Part 1 ... Duelo
Part 2 ...Unang Paghihiganti
Part 3 ..Pag-ibig na Walang Kamatayan
Part 4 . . . Konde Drakul
Part 5 ... Dugo ng Taong Lobo
Part 6 . . . Paghahanap kay Sofia
Part 7 . . . Ang Sumpa ni Yuri
Part 8 ... Babaeng Bampira
Part 9 . . . Poot na Nag-aapoy
Part 10 . . . Angkan ng mga Taong Lobo
Part 11 . . . Bampirang Makadiyos
Part 12 . . . Vladimir at Lucia
Part 13 . . . Pagsubok
Part 14 ... Bagong Vladimir . . Ang Bampira
Part 15 .. Ross at Michelle
Part 16 . . . Paghahanda sa Pagsalakay
Part 17 . . . Bampira Laban Taong Lobo
Part 18 ... Katapusan ng Paghihiganti ni Yuri
Part 19. . . Langit at Lupa
Part 20 . . . Nicholai
Part 21 . . . Jansen Ang Bagong Halimaw
Part 22 . . . Pagtatagpo ng Dalawang Puso
Part 23 . . . Sagupaan ng mga Bampira at Taong Lobo
Part 24 . . . Nabunyag na Lihim
Part 25 . . . Pangako
Part 26 . . Jansen ... Ang Halimaw
Part 28 . . Paghihiganti ng Duke
Part 29 . . . Paghahanap kay Jansen
Part 30 . . . Bumaba ang Langit sa Lupa
Part 31 . . . "Mahal Kita Maging Halimaw Ka Man"
Part 32 . . . "Halimaw sa Dilim"
Part 33 . . . "Tagisan ng Lakas"
Part 34 . . . "Ang Lihim "
Part 35 . . . " The Boss "
Part 36 . . . " The Date "
Part 37 . . . "Muling Pagkabuhay ng Demonyo"
Part 38 . . . "Ang Katotohanan"
Part 39. . . " Ang Sorpresa"
Part 40 . . . "Kiel"
Part 41 . . . " Mahal Kita Maging Halimaw Ka Man"
Part 42 . . . "Sagupaan"
Part 43 . . . "Kasunduan"
Part 44 . . . "Gerald Von Hausler"
Part 45 . . . "Tatlong Puso sa Iisang Pag-ibig"
Part 46 . . . "Corregidor"
Part 47 . . . "Cruiser Yacht"
Part 48 . . ."Agaw Buhay"
Part 49 "Mahal Kita Maging Halimaw Ka Man!"
Part 50 . . . "Ensayo"
Part 51 . . . "Unang Laban"
Part 52 . . . "Milan"
Part 53 . . . "Ang Hudas"
Part 54 . . . "Morfori"
Part 55 . . . "Duelo"
Part 56 . . . "Mikhail"
Part 57 ... . "Ivano"
Part 58 . . . " Moog na Isla"
Part 59 . ."Mira"
Part 60 . . . "Sorpresa"
Part 61 . . . "Arielle"
Part 62 . . . "Astral Projection"
Part 63 . . . "Kiel"
Part 64 . . ."Lababan ng mga Nilalang ng Kadiliman"
Part 65 . . . "Pwersa Laban sa Pwersa"
Part 66 . . . "Limang Espirito ni Arielle"
Part 67 . . ."Preso"
Part 68 ... "Nag-aapoy na Galit"
Part 69 . . . "Kidnap"
Part 70 "Asul na Apoy"
Part 71 . . . "Pagsuko ng Taong Lobo"
Part 72 "Conde Drakul"
Part 73 " Igor Ang Higanteng Bampira"
Part 74 "Higanti ni Borgel"
Finale . . . " Arielle v/s Konde Drakul Huling Laban"

Part 27 . . . Vladivostok

167 11 1
By TitoRudy1953

  "Vladivostok"

------

Pumunta si Nick sa hotel.  Kinausap niya ang kanyang ama at mga kapatid. Sinabi niyang lahat ang mga narinig at ang natuklasan tungkol kay Jansen. Galit na galit si Yuri.

" Ang walanghiya. Uunahin muna natin si Gustav.  Ngayon din ay tutungo tayo sa mönasteryo. Makikipag-usap ako sa Duke. Kailangang kumilos na tayo bago pa man makapamuksa si Gustav. Tiyak akong siya ang dayuhang bisita sa kastilyo. Wala kayong babanggitin tungkol kay Jansen. Tayo mismo ang huhuli sa kanya. Kailangan ko siya ng buhay!" sabi ni Yuri.

Nag-impake na sila at sumakay sa karuwahe. Ilang oras pa ay nasa monasteryo na ang mga Ivanoff. Nagpatawag ng pulong ang Duke. Kasama ang obispo ay nag-usap-usap sila.

" Kung tama ang hinala ni Nick ay kailangan na nating kumilos mahal na Duke. " sabi ni Yuri.

" Kung ganoon ay  ihahanda ko na ang mga mandirigma at maglalakbay kami patungong Vladivostok."

" Kilala ko ang obispo ng Vladivostok. Magpapasugo ako para masalubong ang pagdating ninyo roon." sabi ng obispo.

" Hindi kaya magiging kapuna-puna ang biglang pagpunta ng maraming mandirigma sa Vladivostok? " tanong ni Ross.

" Magsusuot ng mga abito ang lahat. Itatago ang mga sandata sa mga karuwahe. Huwag kayong mag-alala. Taon-taon ay nagpupunta ang mga pari sa simbahan ng Vladivostok. " sabi ng obispo.

" Edward, ihanda ang lahat! Mamayang gabi ay aalis tayo! " atas ng Duke sa kanyang ayudante.

" Sofia, maiwan na kayo nina Michelle dito. Kami na lang ang magtutungo sa Vladivostok. " sabi ni Yuri.

" Oo mahal ko. Maghihintay kami rito. " yumakap siya sa asawa.

Lumabas si Nick at pinuntahan si Arianna. Nakita niya ang dalaga sa isang balkonahe. Nakatanaw sa malayo.

" Mahal kong Arianna, ano ang ginagawa mo rito?"

" Gusto kong makita ang kapaligiran. Ang liwanag ng araw. Nangangamba ako aking Nick na baka hindi ka na magbalik. Pinagmamasdan ko ang kalangitan. Ang kagandahan ng langit at ng lupa! Mahal na mahal kita. " lumuluha ang dalaga.

Humarap siya sa binata. Hinawakan ni Nick ang kanyang baba, iniangat at hinalikan ang mga labi. Yumakap si Arianna sa binata.

" Aking Arianna. Huwag kang mangamba. Babalik ako. Hintayin mo ako aking pinakamamahal." Idinikit ng dalaga ang pisngi niya sa dibdib ng binata. Lumuluha.

" Nais kong pakinggan ang tibok ng puso mo mahal ko. Na sana ay patuloy itong tumitibok!"

" Ang puso ko'y tanging sayo lamang! Walang makaka-angking iba kundi ikaw aking Arianna."

" At ang buhay ko'y sayo lamang aking Nick. Kapag nawala ka ay bababa ako sa lupa upang hanapin ka." muling hinalikan ni Nick ang dalaga.

Maramdamin at  puno ng pagmamahal ang halik. Nagsimulang pumatak ang banayad na ulan. Lumuluha ang langit at sinasalo ng lupa! Muling nagsanib ang langit at lupa!

***

Sumapit ang dilim. Lumikas na ang mga mandirigma. Lahat ay naka-abito na may talukbong sa ulo. Marahan ang takbo ng kanilang mga kabayo. Nakasakay ang mga Ivanoff sa kanilang mga karuwahe. Dalawang araw ang kanilang lalakbayin patungong Vladivostok.

***

Sa abandonadong hospital ay nakatayo na ang lahat ng bampira. Si Jansen na ang kinilala nilang pinuno. Nasa tabi niya si Nirvana na isa na ring bampira. Patay na si Amir at naging bampira na rin. Kinagat siya ni Nirvana.

" Mahal kong Jansen. Lumakas ang pakiramdam ko sa aking sarili. " sabi ni Nirvana.

" Hindi ka magsisisi aking Nirvana. Habang panahon na tayong magsasama. Hindi ka na tatanda! Ha ha ha! " sagot ni Jansen.

" Mga alagad ko! Simula ngayong gabi ay  tayo na ang maghahari sa mundo! Ha ha ha! Sulong! Magsilabasan kayong lahat. Gusto kong dumami pa kayo! " lumabas ang mga bampira.

Nagkahiwa-hiwalay sila sa labas. Nilamon sila ng kadiliman. Lumabas din sina Nirvana at Jansen. Nagbago ang anyo ni Jansen. Niyakap niya si Nirvana. Lumipad siya. Kayakap ang bampira. Nawala sila sa madilim na kalangitan.

***

Narating ng mga bampira ang isang maliit na pamayanan. Lumapag sa daang papasok sa pamayanan si Jansen yakap si Nirvana sa baywang.

"Ubusin ninyo ang mga tao rito. Wala kayong ititira kahit mga bata. Dalhin sa akin ang mga babaing birhen. Walang gagalaw sa kanila. Sige mahal Kong Nirvana. Magpakasawa ka na! Hahaha!"

Dinilig ng dugo ang munting pamayanan sa pagsalakay ng mga bampira. Mga sigaw ng mga babae at lalake, iyakan ng bata ang gumulantang  sa katahimikan ng gabi. Walang nakaligtas kahit isa man. Makalipas and ilang oras ay muling timahimik ang buong pamayanan. Nasusunog na ang mga bahay. Pasan ng mga bampira ang mga malalakas ang katawan na kanilang mga biktima. Iniwan nila ang mga matatanda at batang nasa loob ng mga bahay na nasusunog.

Sa harapan ni Jansen ay ang bangkay ng mga dalagitang birhen na pugot ang mga ulo at wakwak ang kanilang dibdib.

"Ama ko at mga kapatid malapit na ang ating pagkikitang muli. Ako ang inyong  kikilalaning panginoon lalo ka na Nick. Hahaha!"

***

Sa liblib na lugar sa kagubatan ng Bolstok ay nagtipon-tipon ang mga taong lobo. Galing sila sa iba't ibang bansa na ipinatawag ni Malec. Mahigit silang tatlong daang halimaw na galit na galit sa sinapit ng kanilang mga kapatid sa kamay ng mga dayuhan. Sa gitna nila ay nakatayo si Malec sa ibabaw ng isang malaking bato.

"Ngayong narito na kayong lahat ay ipalalasap  natin sa mga dayuhan ang walang kasing sakit na kamatayan. Tutungo tayong lahat sa Vladivostok. Doon natin sila uubusing lahat. Ipaghihiganti natin ang ating mga kapatid! Hark! Hark! Hark!" Sigaw ni Malec

"Awoooooo! Awoooooo!"

Sabay-sabay silang umalulong.

***

Mataas na ang araw ng makarating ang mga mandirigma sa cathedral ng Vladivostok. Tumuloy sila sa malaking kumbento. Sinalubong sila ng isang prayle na alam ang pagdating nila. Sinabihan ng Duke ang kanyang mga ayudante na magpahinga na muna sila. Kinausap nila ang obispo. Nalaman nila kung nasaan ang kastilyo ni Duke Constan. Nagmungkahi si Nick na magmamasid muna siya at pag aaralan ang lugar. Pumayag si Yuri. Kasama si Ross ay  lumakad na ang dalawa.

Sa kastilyo ni Duke Constan ay balisa si Gustav. Wala pang balita mula sa Bolstok. Galit na galit siya. Ipinatawag niya ang Duke.

" Duke! Ano ang balita mula sa dalawa mong inutil?"

" Wala pa Gustav. Baka wala pa silang maibabalita kaya wala pa tayong natatanggap na mensahe. Hayaan mo, magpapapunta ulit ako mamaya!"

" Anong mamaya! Ngayon na! Carl! Kumuha ka ng isang bihag. Dalhin mo rito. Nauuhaw ako!" atas ni Gustav.

" Oo Gustav. Ngayon din!" umalis si Carl at bumaba si isang hagdang bato, pababa sa ilalim ng kastilyo.

***

Nasa malapit sa kastilyo na ang magkapatid. Pinag-aralan nila kung papaano mapapasok ang kastilyo.

" Ross, bukas ng umaga na tayo dapat sumalakay. Masosorpresa sila." Sabi ni Nick.

" Oo Nick! Tara na para malaman na nila ama " at bumalik na sila sa kumbento.

Sa kumbento ay nag-usap-usap ang mga Ivanoff, ang Duke at ang obispo. Sinabi ni Nick kung ano ang nakita nila sa kastilyo.

" Kung bangin ang gilid at likuran ng kastilyo ay mahihirapan tayong pumasok sa loob. Napakataas ng pader na bato. " sabi ng Duke.

" May paraan pa. Aatake ang lahat ng mandirigma sa harapan. Magdadala ng langis. Lalangisan ang malaking pintuang kahoy. Susunugin natin. Kapag natupok na ito ay makakapasok na kayo. Kung hindi manlalaban ang mga katiwala ng kastilyo ay huwag silang sasaktan. Kami ng mga kapatid ko ay sa likod  dadaan habang abala sila sa harapan. Sasalakay tayo sa pagbubukang liwayway. Kailan bago magdilim ay nasa loob na tayong lahat. Hindi natin alam kung gaano kalakas ang puwersa ni Gustav." sabi ni Nick.

" Maganda ang plano mo. Sang-ayon ako. Lalakad tayo bukas ng bago magbukang liwayway. " sagot ng Duke.

" Kung ganoon ay nais kong magmisa mamaya at lahat ay magsisimba. Para mabendisiyunan ko na rin ang lahat. " sabi ng obispo.

" Monsignor, kami po ay mauuna na. Matarik po ang bangin na aming aakyatin." Sabi ni Yuri. Pumayag naman ang obispo.

***

Madilim pa ng bumalik sina Jansen sa abandonadong hospital. Isang karatig na maliit na bayan  na naman ang kanilang sinalakay. Yakap niya si Nirvana ng makita niya ang isang lumang sementeryo lumapag sila. Isang lumang malaking museleo ang kanilang pinasok. May hagdang bato na pababa sa ilalim ng lupa ang kanilang nakita. Bumaba sila. Sa loob ay dalawang malalaking nitso na gawa sa marmol ang nakapwesto sa gitna ng silid. Makapal ang mga takip at may lock. Sinira niya ang mga lock. Inalis niya ang mga takip na makakapal. Dalawang ataol ang laman ng mga nitso. Binuksan niya. Dalawang kalansay ang laman ng mga ataol. Inalis niya ang mga kalansay. Humiga siya sa isang ataol at sa isa naman si Nirvana. Nagpahinga sila.

************

Continue Reading

You'll Also Like

23.2M 623K 65
Hoping for a fresh start, Adrianna Walter reluctantly enrolls at Sinclaire Academy-an elite school for humans and vampires. But upon her arrival, she...