Red Moon (Complete)

By TitoRudy1953

15.6K 1K 110

A vampire and human love trylogy. Mga pag-ibig na walang kamatayan kahit langit at lupa ang agwat sa isat-isa... More

Part 1 ... Duelo
Part 2 ...Unang Paghihiganti
Part 3 ..Pag-ibig na Walang Kamatayan
Part 4 . . . Konde Drakul
Part 5 ... Dugo ng Taong Lobo
Part 6 . . . Paghahanap kay Sofia
Part 7 . . . Ang Sumpa ni Yuri
Part 8 ... Babaeng Bampira
Part 9 . . . Poot na Nag-aapoy
Part 10 . . . Angkan ng mga Taong Lobo
Part 11 . . . Bampirang Makadiyos
Part 12 . . . Vladimir at Lucia
Part 13 . . . Pagsubok
Part 14 ... Bagong Vladimir . . Ang Bampira
Part 15 .. Ross at Michelle
Part 16 . . . Paghahanda sa Pagsalakay
Part 17 . . . Bampira Laban Taong Lobo
Part 18 ... Katapusan ng Paghihiganti ni Yuri
Part 19. . . Langit at Lupa
Part 20 . . . Nicholai
Part 21 . . . Jansen Ang Bagong Halimaw
Part 22 . . . Pagtatagpo ng Dalawang Puso
Part 23 . . . Sagupaan ng mga Bampira at Taong Lobo
Part 25 . . . Pangako
Part 26 . . Jansen ... Ang Halimaw
Part 27 . . . Vladivostok
Part 28 . . Paghihiganti ng Duke
Part 29 . . . Paghahanap kay Jansen
Part 30 . . . Bumaba ang Langit sa Lupa
Part 31 . . . "Mahal Kita Maging Halimaw Ka Man"
Part 32 . . . "Halimaw sa Dilim"
Part 33 . . . "Tagisan ng Lakas"
Part 34 . . . "Ang Lihim "
Part 35 . . . " The Boss "
Part 36 . . . " The Date "
Part 37 . . . "Muling Pagkabuhay ng Demonyo"
Part 38 . . . "Ang Katotohanan"
Part 39. . . " Ang Sorpresa"
Part 40 . . . "Kiel"
Part 41 . . . " Mahal Kita Maging Halimaw Ka Man"
Part 42 . . . "Sagupaan"
Part 43 . . . "Kasunduan"
Part 44 . . . "Gerald Von Hausler"
Part 45 . . . "Tatlong Puso sa Iisang Pag-ibig"
Part 46 . . . "Corregidor"
Part 47 . . . "Cruiser Yacht"
Part 48 . . ."Agaw Buhay"
Part 49 "Mahal Kita Maging Halimaw Ka Man!"
Part 50 . . . "Ensayo"
Part 51 . . . "Unang Laban"
Part 52 . . . "Milan"
Part 53 . . . "Ang Hudas"
Part 54 . . . "Morfori"
Part 55 . . . "Duelo"
Part 56 . . . "Mikhail"
Part 57 ... . "Ivano"
Part 58 . . . " Moog na Isla"
Part 59 . ."Mira"
Part 60 . . . "Sorpresa"
Part 61 . . . "Arielle"
Part 62 . . . "Astral Projection"
Part 63 . . . "Kiel"
Part 64 . . ."Lababan ng mga Nilalang ng Kadiliman"
Part 65 . . . "Pwersa Laban sa Pwersa"
Part 66 . . . "Limang Espirito ni Arielle"
Part 67 . . ."Preso"
Part 68 ... "Nag-aapoy na Galit"
Part 69 . . . "Kidnap"
Part 70 "Asul na Apoy"
Part 71 . . . "Pagsuko ng Taong Lobo"
Part 72 "Conde Drakul"
Part 73 " Igor Ang Higanteng Bampira"
Part 74 "Higanti ni Borgel"
Finale . . . " Arielle v/s Konde Drakul Huling Laban"

Part 24 . . . Nabunyag na Lihim

172 13 1
By TitoRudy1953


"Nabunyag na Lihim"

--------

Tatlong araw at tatlong gabing sinusunog ang mga bangkay. Nangalahati ang mga mandirigma. Nagtalaga na rin sila ng mga bantay sa bukana ng kagubatan. Paminsan-minsan ay nagmamatyag din si Nick kung may alagad si Malec na magmamasid sa kampo. Tahimik ang grupo ni Malec. Maraming sugatan sa mga alagad niya. May dumating galing ng Pransiya at higit sa dalawang daang katao. Hindi matanggap ni Malec na natalo sila. Kaya pinaghahanda niyang muli ang mga natitira niyang mga alagad. Hihintayin nila ang kabilugan ng buwan.

Sa kampo ay ipinatawag ng Duke ang mga ayudante niya. Kasama ang mga Ivanoff ay nagpulong sila.

"Ipinatawag ko kayo dahil sa mungkahi ni Nick. Tayo ang sasalakay sa kanila habang mahina pa sila. Kaya ihanda ang ating mga tauhan. " sabi ng Duke.

" Mahal na Duke, makakaya po ba natin sila?" tanong ng isang ayudante.

" Kung susunod tayo sa plano ni Nick ay makakaya natin sila. "

" Ano po ba ang plano ni Nick. "

" Sabihin mo na Nick. " atas ng Duke.

" Hindi kalayuan dito ang kanilang kuta. Ilang oras na paglalakbay lamang. Aalis tayo ng magbubukang liwayway. Apat na grupo tayo. Palilibutan natin sila. Kailangan sabay-sabay ang ating pagsalakay para wala silang matakbuhan. Bawat grupo ay may kasamang isa sa amin na mangunguna. Lilinisin namin ang dadaanan ng grupo. Kailangan patahimikin ang mga tagamasid nila na nakakalat sa kagubatan. " sabi ng binata.

" Sige, sang ayon kami. Kailan tayo lalakad?"

" Bukas ng madaling araw. Sabihan na maghanda na sila."

" Sige." natapos ang pulong.

Lumabas na ang mga ayudante. Lumabas na rin si Nick. Lumabas siya ng kampo at pumunta sa batis. Binaybay niya ang pampang. Nakarating siya sa isang tagong lugar na natatakpan ng mga halaman at malalaking bato. Naghubad siya. Lumusong sa tubig at nilublob niya ang kanyang ulo. Matagal. Nang angatin niya ay may bumato sa kanyang likod. Napalingon ang binata.

" Arianna! Anong ginagawa mo rito?"

" Nakita kitang lumabas ng kampo kaya sinundan kita! " Biglang naghubad ang dalaga.

Pinagmasdan siya ni Nick. Lumusong siya sa tubig at lumapit kay Nick.

" Napakaganda mo aking Arianna! Simula pa lang na makita kita ay nabihag mo na ang aking puso. Walang araw at gabi kitang hindi ini-isip."

Yumakap ang dalaga kay Nick.

" Mahal na mahal din kita aking Nick. Ayoko ng mawalay sayo!"

" Papaano ang iyong ama?"

" Mauunawaan niya ako!"

" Aking Arianna, langit ka, lupa ako! Magkaiba ang ating daigdig. "

" Isama mo ako sa daigdig mo kung ganoon dahil ikamamatay ko kapag nawala ka sa buhay ko!" Hinalikan niya ang binata.

Maalab, mapusok! Binuhat ni Nick ang dalaga. Nilapag niya sa isang malapad na bato. Hinalik halikan niya ang mukha, ang dibdib. Nagpaubaya na si Arianna.

" Angkinin mo ako ngayon aking mahal. Iyong-iyo ako, puso't katawan!"

" O, aking Arianna, pinakamamahal ko. Sana ay wala na itong katapusan! " Ang dalawang katawan ay naging iisa na lang, iisang damdamin, pagmamahal na walang hanggan. Ang mahinang daloy ng batis ay dahan-dahang rumaragasa sa mga batuhan. Humalo ang pulang patak ng pag-ibig sa malinaw na tubig na tanging ang kalikasan ang mistulang naging saksi sa dalawang pusong magmamahalan.

***

Madaling araw na. Apat na grupo ng mga mandirigma ang tahimik na lumabas ng kampo. Pagdating sa hangganan ng kagubatan ay nagkahiwalay sila. Nagpa-una ang mga Ivanoff. Ginagalugad nila ang madawag na gubat. Para hindi sila maramdaman at maamoy ay sa itaas ng mga puno sila nagpalipat-lipat. May ilan silang napatay na tagamasid. Narating nila ang hangganan ng kabahayan ng mga taong lobo. Tahimik ang mga bahay. Suminag na ang araw.

Maingat at dahan-dahang pumuwesto ang mga mandirigma. Naghihintay ng hudyat. Lumapit si Nick sa taga senyas. Sinabihan niyang sasalakay na sila. Humuni na parang ibon ang tagasenyas. Inihanda na ang mga panang may apoy ang dulo. Muling humuni pa. Pinakawalan na ang mga pana. Parang ulan na dumapo sa mga bahay ang mga panang may apoy. Nagsimulang magliyab ang mga bahay. Paulit-ulit ang pagpana nila. Naglabasan ang mga taong lobo. Nasorpresa sila.

Sa tuwing may lalabas sa mga umaapoy na bahay ay pana ang sumasalubong sa kanila. Hindi nila alam kung saan tatakbo at magtatago. Lumabas si Malec sa kanyang kubol. Nagsisigaw siya. Nagbago ang anyo niya. Naging puting taong lobo. Nagbago na rin ng anyo ang kaniyang mga alagad.

Sumugod na ang mga mandirigma sa pangunguna ng mga Ivanof at ng Duke. Mahigpitan ang labanan. Wala ng maatrasan ang mga alagad ni Malec. Naging mabangis siya. Sa bawat madakma niyang mandirigma, isang kagat lang ng leeg ay putol na. Gaoon din si Nick, wala ng buhay bawat halimaw na makasagupa niya patay kapag iniwan na.

Hanggang sa makaharap niya si Malec ang higanteng puting taong lobo. Mabalasik ang mukha ni Malec. Tumutulo ang halong laway at dugo sa kanyang bunganga. Sumisingasing pareho ang magkatunggali. Malaki at malakas si Malec ngunit maliksi ang binata. Ilang libong kalaban na ang kanyang nakaharap at alam na niya ang gagawin.

Sumugod si Malec at sumugod na rin si Nick. Nang malapit na ang higante ay biglang humiga si Nick sa lupa at nagpadausdos siya paharap sa higante. Nang nasa pagitan na siya ng mga paa nito ay tinaga niya ang isang hita ni Malec. Halos naputol ang hita at umatungal si Malec. Yumuko para dakmain ang binata. Gumulong si Nick at tumayo sa likod ni Malec. Isang wasiwas ng kanyang matalas ay nahiwa ang likod ni Malec mula batok pababa na lalong nagpagalit sa higante. Mahaba ang kanyang kamay. Nakuha niyang bigwasan si Nick at bumaon ang mga kukong matatalim sa kanyang dibdib. Nawarak ang damit ng binata. Apat na mahahabang sugat at malalalim ang naramdaman niya. Natumba ang binata sa lupa.

Tinaas ni Malec ang isang paa para tapakan ang ulo ng binata. Nagpagulong ang binata at bumagsak ang paa ni Malec sa lupa pero nadakma niya ang isang kamay na may hawak ng matalas ni Nick at iniiangat siya sa ere. Bumuka ang kanyang bibig para sakmalin ang leeg ni Nick. Hindi napansin ni Malec ang isang kamay ni Nick na may hawak na punyal. Kahit na nakabitin ang binata ay nasakyod niya sa panga si Malec. Bumaon ang punyal sa ilalim ng panga, pataas. Nagulat na lang si Malec sa kanyang naramdaman. Bumaön ang punyal hanggang sa kanyang utak. Nabitiwan niya si Nick na sinamantala ng binata. Buong lakas na tinaga ang tiyan ng higante. Parang puno ng saging na nahati ito. Bumulwak ang dugo at mga laman loob. Bumagsak sa lupa ang kalahati ng katawan ni Malec at naiwan ang mga paang nakatayo pa. Patay na si Malec.

Nakita ng mga taong lobo ang nangyari sa kanilang pinuno. Lalo silang naging mabalasik pero wala na silang lakas para lumaban pa. Lalong nabuhayan ng loob ang mga mandirigma. Pinapana nila ang ilang natitirang mga halimaw at kapag naigupo na saka nilalapitan at pinupugutan ng ulo. Naubos ang mga halimaw.

Nagbunyi sina Duke at ang mga mandirigma. Nakita nila si Nick na nakalugmok sa lupa. Nanghihina dahil sa dami ng dugong nawala. Nilapitan siya ng mga kapatid. Agad na binalutan ang katawan  para maampat ang pagdurugo ng apat na sugat. Binuhat nila ang binata na tila nawawalan na ng malay tao. At pumikit ang kanyang mga mata. Tuluyan ng nawalan ng malay tao.

Nagkamalay si Nick sa loob ng isang silid. Pagmulat ng mga mata niya ay mukha ni Arianna ang una niyang nakita. Naka-upo ang dalaga sa tabi niya at pinupunasan ang mukha at katawan. Malalalim ang mga sugat ng binata.

" Mahal ko, huwag kang aalis, huwag mo akong iwan." bulong ng dalaga.

Nasa silid din ang mga kapatid at magulang ni Nick.

" Arianna, hindi mamatay si Nick. Gaano mo siya kamahal.?" tanong ni Sofia.

" Kahit buhay ko'y ibibigay ko ho sa kanya. Mabuhay lang siya!" sagot ng dalaga.

" Kaya mong tanggapin ang tunay niyang pagkatao.?"

" Opo, ano man ang pagkatao niya ay kaya kong tanggapin at mahalin!"

" Kung ganoon ay manood ka at gagaling na siya! " sabi ni Sofia.

Lumapit si Lucia, may dala itong bag na yari sa balat ng hayop. Iniangat nila ang ulo ni Nick. Inilapit ang dulo ng bag sa bibig ng binata. Dahan-dahan siyang umiinom hanggang sa maubos ang laman ng bag. Unti-unting lumalakas ang binata. Nakita ni Arianna ang dugong dumaloy mula sa bibig ng binata. Unti-unti ring naghihilom ang mga sugat. Akala ni Arianna ay namamalikmata lang siya pero totoo ang nakikita niya.

" Sino ka ba talaga aking Nick?" tanong ng dalaga.

" Isa siyang bampira Arianna. Ang dugong ininom niya ay dugo ng usa na nagpalakas at nagpagaling sa kanya. Dugo ng mga hayop ang ini-inom naming lahat at ni isang tao ay wala kaming pinatay o sinaktan. " sabi ni Yuri.

" Mga bampira ho kayo? Kayo ho ba ang hinahanap ni ama? "

" Hindi kami. Si Gustav at ang mga alagad niya ang hinahanap ng ama mo at kami rin ay naghahanap sa kanya upang siya ay puksain. " sagot ni Yuri.

" Kung totoo ho ang iyong sinabi ay asahan ninyong mananatili ang lihim ninyo sa akin at hindi malalaman ng ama ko. " sagot ng dalaga .

" O aking Nick kaya pala sinabi mo sa akin na magkaiba ang ating daigdig. Na ako ay langit at ikaw ay lupa. Mahal ko ang langit at lupa ay laging magkatapat at ikaw ang katapat ng puso ko." niyakap niya ang binata.

" Pinakamamahal rin kita aking Arianna. Lalo akong sumaya na natanggap at mahal mo pa rin ako sa kabila ng nalaman mo na ang pagkatao ko. Iingatan kita aking mahal!" buløng ng binata.

Natawa ang mga kapatid niya at magulang.

" Arianna, lalagyan muna natin ng benda ang dibdib niya at mananatili muna siya rito sa silid ng ilang araw para hindi makahalata at maghinala ang ama mo. " sabi ni Yuri.

At lumabas na sila sa silid. Nakasalubong nila ang Duke.

" Kumusta na si Nick? " tanong niya.

" Papalakas na siya. Hindi gaanong malalalim ang mga sugat niya. Ilang araw lang ay maaari na siyang tumayo."

" Salamat sa Diyos. " sagot ng Duke.

Isang ayudante ang dumating.

" Mahal na Duke. May dumating pong emisaryo ng Opispo ng Bolstok. " sabi ng ayudante.

" Papasukin mo!" sagot ng Duke.

Pumasok ang emisaryo at nagbigay galang siya.

" Mahal na Duke. Ako po si Padre Torino at pinapunta po ako rito ng aming obispo upang anyayahan kayong lahat na sa monasteryo ng Bolstok manatili muna. Nakatanggap po siya ng sulat mula sa Santo Papa. Kami po ay handang makipagtulungan sa inyo mapuksa lamang ang mga salot."

" Marami pong salamat Padre. Bukas din po ay magtutungo kami sa Bolstok. Asahan po ninyo ang aming pagdating. Sila po pala ang pamilya Ivanoff na makakasama namin sa monasteryo. " sagot ng Duke.

" Ikinagagalak ko po kayong makilala. Mauuna na po ako mahal na Duke para ibalita sa obispo ang nangyari rito at ang pagdating ninyo. Paalam na ho! " sabi ng pari.

" Paalam na rin po. " sagot ng Duke.

Lumabas na ang pari. Sinabihan ng Duke ang kanyang ayudante na maghanda na ang lahat para sa pag-alis nila kinabukasan patungong Bolstok.

***********

Continue Reading

You'll Also Like

23.2M 623K 65
Hoping for a fresh start, Adrianna Walter reluctantly enrolls at Sinclaire Academy-an elite school for humans and vampires. But upon her arrival, she...