Red Moon (Complete)

By TitoRudy1953

15.6K 1K 110

A vampire and human love trylogy. Mga pag-ibig na walang kamatayan kahit langit at lupa ang agwat sa isat-isa... More

Part 1 ... Duelo
Part 2 ...Unang Paghihiganti
Part 3 ..Pag-ibig na Walang Kamatayan
Part 4 . . . Konde Drakul
Part 5 ... Dugo ng Taong Lobo
Part 6 . . . Paghahanap kay Sofia
Part 7 . . . Ang Sumpa ni Yuri
Part 8 ... Babaeng Bampira
Part 9 . . . Poot na Nag-aapoy
Part 10 . . . Angkan ng mga Taong Lobo
Part 11 . . . Bampirang Makadiyos
Part 12 . . . Vladimir at Lucia
Part 13 . . . Pagsubok
Part 14 ... Bagong Vladimir . . Ang Bampira
Part 15 .. Ross at Michelle
Part 16 . . . Paghahanda sa Pagsalakay
Part 17 . . . Bampira Laban Taong Lobo
Part 18 ... Katapusan ng Paghihiganti ni Yuri
Part 19. . . Langit at Lupa
Part 20 . . . Nicholai
Part 21 . . . Jansen Ang Bagong Halimaw
Part 22 . . . Pagtatagpo ng Dalawang Puso
Part 24 . . . Nabunyag na Lihim
Part 25 . . . Pangako
Part 26 . . Jansen ... Ang Halimaw
Part 27 . . . Vladivostok
Part 28 . . Paghihiganti ng Duke
Part 29 . . . Paghahanap kay Jansen
Part 30 . . . Bumaba ang Langit sa Lupa
Part 31 . . . "Mahal Kita Maging Halimaw Ka Man"
Part 32 . . . "Halimaw sa Dilim"
Part 33 . . . "Tagisan ng Lakas"
Part 34 . . . "Ang Lihim "
Part 35 . . . " The Boss "
Part 36 . . . " The Date "
Part 37 . . . "Muling Pagkabuhay ng Demonyo"
Part 38 . . . "Ang Katotohanan"
Part 39. . . " Ang Sorpresa"
Part 40 . . . "Kiel"
Part 41 . . . " Mahal Kita Maging Halimaw Ka Man"
Part 42 . . . "Sagupaan"
Part 43 . . . "Kasunduan"
Part 44 . . . "Gerald Von Hausler"
Part 45 . . . "Tatlong Puso sa Iisang Pag-ibig"
Part 46 . . . "Corregidor"
Part 47 . . . "Cruiser Yacht"
Part 48 . . ."Agaw Buhay"
Part 49 "Mahal Kita Maging Halimaw Ka Man!"
Part 50 . . . "Ensayo"
Part 51 . . . "Unang Laban"
Part 52 . . . "Milan"
Part 53 . . . "Ang Hudas"
Part 54 . . . "Morfori"
Part 55 . . . "Duelo"
Part 56 . . . "Mikhail"
Part 57 ... . "Ivano"
Part 58 . . . " Moog na Isla"
Part 59 . ."Mira"
Part 60 . . . "Sorpresa"
Part 61 . . . "Arielle"
Part 62 . . . "Astral Projection"
Part 63 . . . "Kiel"
Part 64 . . ."Lababan ng mga Nilalang ng Kadiliman"
Part 65 . . . "Pwersa Laban sa Pwersa"
Part 66 . . . "Limang Espirito ni Arielle"
Part 67 . . ."Preso"
Part 68 ... "Nag-aapoy na Galit"
Part 69 . . . "Kidnap"
Part 70 "Asul na Apoy"
Part 71 . . . "Pagsuko ng Taong Lobo"
Part 72 "Conde Drakul"
Part 73 " Igor Ang Higanteng Bampira"
Part 74 "Higanti ni Borgel"
Finale . . . " Arielle v/s Konde Drakul Huling Laban"

Part 23 . . . Sagupaan ng mga Bampira at Taong Lobo

185 10 1
By TitoRudy1953

"Sagupaan ng mga Bampira at Taong Lobo"

-----------

Pusikit na ang kadiliman palibot sa malaking kampo. Malamig na banayad ang hangin. Tahimik ang kapaligiran. Nakahanda na ang mga mandirigma. Lahat ng may pana ay nasa itaas ng bakod na kahoy na may tuntungan na malapad. Naghihintay sila. Ang may mahahabang sundang ay nasa ibaba. Nakahilera sila. Ang makakapasok sa pinto at sa bakod ay kanilang haharangin. Lahat ay may suot ng damit na gawa sa manipis na bakal. Nakahanda na rin si Nick. Naisip niya ang kanyang ama at mga kapatid. Kung naririto lamang sila ay madali ng labanan ang mga taöng lobo. Naisip niya si Arianna. Nasa isang silid ng headquarter ang dalaga. Maya't maya ay nakaririnig na sila ng mga alulong.

" Awoooo! Awoooo! Awoooo!"

Daan-daang mga alulong.
Ang iba sa mga mandirigma ay nangingilabot sa kanilang naririnig na mga alulong. Alam nila kung ano ang kalaban pero ngayon palang nila mararanasan ang labanan ang mga taong lobo. Umakyat si Nick sa mataas na bakod. Sinabihan niya ang mga mamana na talian ng basahang may langis ang dulo ng kanilang pana. Hintayin ang signal ng taga senyas at sindihan ang basahan. Sabay-sabay ang pagpana. Sinunod ang sinabi niya ng mga mamamana. Tinignan ni Nick ang paligid ng kampo. Nakikita niya kahit pusikit ang kadiliman ng paligid. Nakita niya ang mga taong lobo. Dahan-dahang lumalabas sa gubat. Nasa kapatagan na sila. Hindi niya mabilang sa dami.

" Sabihan mo ang iba na maghanda na. Kapag malapit na sila ay magbibigay tayo ng senyas at sindihan na ang mga pana.

" Opo! Sagot ng taga senyas. Nagsindi ito ng sulo.

" Sige. Pasindihan mo na ang mga pana." atas ni Nick.

Winawaygay ng taga senyas ang sulo. Sindihan ng mga mamamana ang kanilang pana. Isa pang signal ng taga-senyas ay ini-umang na ang kanilang pana sa kadiliman sa ibaba. Nang makita ni Nick na malapit na ang mga taong lobo ay . . .

" Ngayon na!" atas niya.

Sumignal ang tagasenyas. Sabay-sabay na pinakawalan ang mga pana. Parang mga pulang apoy na lumipad sa ere ang mga pana. Pagbagsak sa lupa ay may tinatamaan sa mga taong lobo. Umulan ulit ng mga panang may apoy. Lumiwanag ang kapatagan. Nakita nila ang mga taong lobo na tumatakbo ng mabilis papalapit sa kampo. Umakyat sa bakod ang ibang mandirigmang may mahahabang sundang. Naghintay sa paglapit ng mga kalaban. Umulan ulit ng mga panang may apoy. Marami na ang natatamaan sa mga kalaban pero marami pa rin ang mga lumalabas sa gubat. Patuloy ang pag-ulan ng mga pana. Nakalapit na sa mataas na bakod ang mga taong lobo. Mabilis silang umakyat. Sinalubong sila ng matutulis na sundang. Ang iba ay nakapasok na sa kampo. Lumaban na ang may mga matatalas na mandirigma.

Nagbago na ang anyo ni Nick. Hawak ang kanyang matalas ay sinalubong na niya ang mga taong lobong nakapasok sa kampo. Sa bawat taga at wasiwas ng kanyang matalas ay may napuputol na katawan o ulo. Bumilis ang kanyang galaw. Halos hindi na siya makita ng ordinaryong tao. Para siyang ipo-ipo sa gitna ng maraming taong lobo. Nangangalahati na ang mga kalaban sa loob ng kampo. Marami na sa mga mandirigma ang namatay. Wakwak ang mga katawan. Ang iba ay putol-putol ang mga ulo, kamay at paa. Habang nakikipaglaban si Nick ay patingin-tingin siya sa kinatatayuan ng gusaling himpilan. Nakikita niyang nakikipaglaban din ang Duke at ang mga ayudante nito.

Napansin ni Nick ang tatlong taong lobo sa bubong ng gusaling himpilan. Gumagawa sila ng butas. Naisip niya si Arianna. Dagli siyang tumakbo. Nakapasok na ang tatlong taong lobo sa loob. Tumalon siya at lumapag sa bubong. Tumalon siya sa butas kung saan pumasok ang mga taong lobo. Bumagsak siya sa likuran ng dalawa.

Isang taga niya ay nasapol sa leeg ang isa. Tumilapon ang ulo. Humarap ang ikalawa. Binato niya ng punyal at bumaon sa kanang mata. Umatungal ang taong lobo. Nilapitan niya at tinaga sa ulo. Nahati ng ulo at nangingisay na bumagsak. Nakapasok ang ikatlo sa silid na pinagtataguan nina Arianna. Mabilis na kumilos si Nick papunta sa gibang pintuan. Pumasok siya.

Isang bigwas ng taong lobo ang sumalubong sa kanya. Hindi niya nailagan. Sapol siya sa balikat at nabitawan niya ang matalas. Bumalandra siya sa dingding. Sumugod ang taong lobo. Nagpagulong siya. Nadakma ang paa niya at hinila siya. Nahawakan ang hita niya at binuhat siya at saka inihagis. Bumagsak si Nick sa ibabaw ng isang mesita. Nawarak ito.

Dumaluhong ang taong lobo. Nadampot ni Nick ang nabaling paa ng mesita na patulis ang dulo. Nahawakan ang balikat niya ng taong lobo at iniangat siya. Bumuka ang bibig. Naglitawan ang mga matatalim na mga ngipin at mahahabang pangil. Akmang kakagatin na ang leeg niya ay tinusok niya ang bunganga ng hawak niyang paa ng mesita. Bumaon at lumusot sa batok ang paang kahoy.

Nabitawan siya. Hinawakan ng taong lobo ang kahoy para bunutin.

Dinakma ni Nick ang dibdib sa tapat ng puso at bumaon ang kanyang mga daliri. Nahawakan niya ang buto. Hinila niya. Nabali at tuluyan ng naipasok ang kamay. Sinakmal niya ang puso, at dinurog ito sa loob kasabay ng atungal ng taong lobo. Patay nang bumagsak sa sahig.

Lumingon siya at hinahanap si Arianna. Nakita niya sa isang sulok, kayakap ang dalawang alalay. Nakitang lahat ni Arianna ang nangyari.

" Arianna, nasaktan ka ba?" tumayo ang dalaga at yumakap sa kanya.

"Salamat at dumating ka mahal kong tagapag ligtas."

Hinalikan niya ang mga labi ng dalaga. Hindi niya napigilan ang nararamdaman. Nagpa-ubaya naman ang dalaga. Mainit ang halik ng dalaga. Ramdam nilang pareho ang pangangailangan ng isat isa.

" Tayo na. Sa kabilang silid kayo magtago muna. Lumabas sila at lumipat sa silid ng Duke.

" Ilagay ninyo ang trangkahan ng pinto. Hawakan mo ito." Isang punyal ang ibinigay niya sa dalaga.

" Mag-ingat ka mahal ko!"

" Ikaw rin aking Arianna. Babalikan kita!" umalis na si Nick.

Sinarado naman ng mga alalay ang pintuan ng silid. Paglabas ng binata sa headquarter ay nakita niya ang Duke na nakahiga sa lupa. Nakatayo sa harap niya ang isang taong lobo. Tumakbo ng mabilis si Nick. Hawak ang matalas ay tumalon siya. Tinusok niya sa bumbunan ang taong lobo ng palapag na siya. Natuhog ang ulo at tumagos sa baba ang matalas. Hindi na naka atungal ang halimaw. Napaluhod ito. Binunot ni Nick ang matalas. Tinigpas ang leeg, putol, talsik ang ulo sa ibabaw ng dibdib ng Duke. Napatayong bigla ang Duke. Gumulong ang ulo ng halimaw sa lupa na dilat ang mga mata.

" Maraming salamat Nick. " Dinampot ni Nick ang matalas ng Duke at iniabot sa kanya.

"Marami pa höng kalaban. Sabihan ang lahat ng mag-ipon-ipon sa gitna kundi ay mauubos tayong lahat. " sinunod ng Duke ang sinabi ni Nick.

Tinawag ang mga ayudante. Nagbigay ng senyas ang taga sensyas. Bumaba ang mga mandirigma na nasa itaas ng bakod. Atrasan ang mga mandirigma. Naipön lahat sa gitna ng kampo. Tumayo si Nick sa isang mesa. Sumigaw siya.

" Lahat ng may mahahabang sundang ay magdalawang hilera kayo paikot sa grupo. Mga mamana sa ikatlong hilera kayo, paikot sa grupo. Lahat ng may espada, maghanda sa gitna. Kapag sumugod sila ay umupo ang may mga sundang at pumana ang mga mamamana. Kapag malapit na sila ay itaas ang mga sundang. Kapag umatras sila ay umupo kayong muli at pumana naman ang mga mamamana. " mabilis na sumunod ang mga mandirigma.

Lahat ay mga pagod na. Sa labas ng kampo ay dumarating pa ang mahigit sa dalawang daang taong lobo.

Nangalahati na ang bilang ng mga Mandirigma. Nagkalat ang mga bangkay sa loob at labas ng kampo. Nasa gitna ng kampo ang mga natitira. Marami ang mga sugatan. Sa labas ng kampo ay parami ng parami ang mga taong lobo. Nangunguna ang pinakamalaki sa kanila na puti ang mga balahibo.

" Awoooo! Awoooo! Awoooo! " mga nakabibinging alulong ang naririnig ng mga mandirigma sa kalaliman ng gabi.

Ilang sandali pa ay tumahimik ang buong paligid. Naghihintay ang mga mandirigma. May naririnig sila, mga yabag ng mga kabayo. Papalakas ng papalakas. Humanda sila. Lahat ay nakatingin sa malaking pintuan ng bakod na wasak na. Lahat ay lumuhod at nagsimulang magdasal. Ini-isip nila ang kanilang mga naiwang mahal sa buhay sa Britanya. Papalakas ang mga yabag ng mga kabayo at mayamaya pa ay biglang pumasok sa pintuan ang tatlong malalaking karuwahe.

Tumigil sa tapat ng gusaling himpilan. Bumaba ang mga sakay. Ang pamilya Ivanoff. Laking tuwa ni Nick ng makita ang mga magulang at kapatid. Sumalubong agad siya kasama ang Duke.

" Papa, mabuti at nakarating kayo! " Bati ng binata.

" Kanina pa kami sana dapat dumating. Nasa malayo lang kami at nakita namin ang unang pagsalakay ng mga taong lobo. Nang tumigil sila ay sinamantala na namin. Kumusta ka na Nick?"

" Mabuti ho Pa. Naiwan sa Bolstok si Jansen. Siya si Duke Charles Croft ang pinuno ng mga mandirigma."

"Ikinagagalak ko po kayong makilala Duke! Ako ho si Yuri Ivanoff, siya si Sofia ang aking asawa at sila ang aking mga anak!" bati ni Yuri habang kinakamayan niya ang Duke.

" Ganoon din po ako. Salamat sa anak mong si Nick at buhay pa kami. Kung wala siya rito marahil ay ubos na kami."

" Kung ganoon ay maghanda na tayo. Muli silang sasalakay. Nag-iipon lamang sila ng lakas. Sofia, kayo nina Michelle, sa loob kayo ng gusali."

" Edward, samahan sila sa silid." atas ng Duke. Pumasok ang mga babae sa loob.

" Anong plano mo Nick" tanong ni Yuri.

" Pa, hayaan natin ang mga mandirigma rito sa loob. Sa labas tayo. Higit tayong makakakilos sa labas. "

" Sige. Magsama kayo ni Vladimir at kami ni Ross. Sa kaliwa kami at kanan kayo. Iwasang makagat kayo ng mga taong lobo kahit galos man lang."

" Opo Papa! " bumalik sa grupo ang Duke.

Lumabas naman sa pintuan ang apat na Ivanoff. Handa na ang lahat sa muling pagsalakay ng taong lobo.

***

Sa bayan ng Bolstok ay kumalat na ang balita sa apat na dalagitang natagpuang patay sa ibat-ibang lugar. Lahat ay pugot ang mga ulo, wakwak ang mga dibdib at nawawala ang mga puso. Takot na ang mga mamamayan. Lalo na sa pagkagat ng dilim. Lahat ay sarado ang mga kabahayan. Itinatago at binabantayan ang mga dalagita nila. Sa taberna ay iilan lang ang mga tao. Naka-upo si Jansen sa isang sulok. Nilapitan siya ni Nirvana.

" Jansen, ano na ang nangyayari rito sa bayan. Dati ay napakasaya rito. Ngayon, maaga pa lang ay wala ng tao sa labas." sabi ni Nirvana.

" Ewan ko Nirvana. Ako rin ay natatakot ng lumabas. Naaalala ko ang aking kapatid. Hanggang ngayon ay wala pa siya. " pagsisinungaling niya.

" Ano nga ba talaga ang nangyari sa inyo ni Sonya. Sinabi ko sa mga magulang niya na nagkahiwalay kami ng gabing paslangin siya. "

" Naghiwalay din kami. Iniwan ko siya. May katagpo raw siyang kasintahan niya kaya kunwari sumama sayo. Kaya naghanap na lang ako ng iba. Wala naman akong nakita kaya umuwi na lang ako at natulog. "

" Gusto mo ba mamaya? May kakilala ako!"

" Huwag na muna. Palipasin natin ang takot ng mga tao."

Tumayo siya at umakyat sa silid nila ni Nick. Binuksan niya ang bintana. Tumingin niya sa labas. Walang tao ang kalsada. May mga liwanag ang mga bintana ng ilang mga bahay at gusali. Lumabas siya sa bintana. Naglakad sa labas ng dingding na parang naglalakad lamang sa lupa. Pumunta siya sa bubong. Mula doon ay nagpalipat-lipat siya sa itaas ng mga gusali. May nakita siyang isang bintanang bukas at maliwanag sa loob. Nakahiga ang isang dalagita at kinukumutan ng ina. Napangisi si Jansen. Lumapit ang ina sa bintana. Sumilip sa labas. Hindi siya nakita. Nakatago siya sa dilim. Isinara ng babae ang bintana. Maya-maya pa ay namatay na ang ilaw. Naghintay si Jansen. Dahan-dahan siyang lumapit sa bintana. Inisip niyang bumukas ang bintana. Unti-unti itong nabubuksan. At pumasok siya sa loob. Lalong lumamig ang gabi. Halos madilim na ang buong bayan. Wala ng liwanag sa mga bintana. Kumakapal ang hamog. At isang malakas na sigaw ng isang dalagita ang umalingawngaw sa katahimikan.

"Aayyeeii!"

Nagbukasan ang mga ilaw sa mga bintana. Nagtahulan ang mga aso. Lumabas si Jansen sa bintana. Nakangisi. Naglakad siya sa dingding. Muling sumalakay ang halimaw sa bayan. Ang ika-limang biktima ay wala ng buhay.

***

Lumambong ang makapal na hamog sa kapaligiran ng kampo. Halos hindi na makita ilang dipa lang ang layo. Halos walang humihinga sa mga mandirigma. Naghihintay ng lagim ang malamig na gabi. Nakabibingi ang katahimikan. Sa labas ng kampo ay unti-unti ng nagbabago ang mga anyo ng mag-aamang Ivanoff. Naging itim na itim ang mga mata ni Nick. Naglabasan ang kanyang mga pangil. Tumalas ang kanyang mga pandama. Naririnig niya kahit ilang metro pa ang kaisipan ng pinakamalapit na nilalang. Lumakas ang kanyang pang-amoy. Nagsimula ng kumilos ang mga mag-aama. Hindi na nila hihintayin pang sumalakay ang mga taong lobo. Naging maliliksi ang kanilang pagkilos. Halos walang marinig sa kanilang mga yabag.

Umaayon ang kalikasan sa kanila. Lalong kumapal ang hamog. Ilang oras na lang ay magbubukang liwayway na. Bumilis ang lakad nina Nick at Ross. Mahigpit ang hawak ni Nick sa kanyang matalas at punyal. Naghiwalay silang magkapatid. Kumikilos na rin ang mga kalaban. Hindi nila alam na makakasalubong nila sa kapatagan ang mga Ivanoff. Tumatakbo na si Nick, walang kaingay-ingay at naaamoy na niya ang mga taong lobo. Itinaas niya ang matalas. Isang wasiwas niya ay natigpas ang ulo ng unang nakasalubong. Sunud-sunud ang mga tumitimbuwang sa mga kalaban. Walang kaalam-alam ang kasunod o katabi man lang. Humudyat na ang taong lobong puti ang kulay ng balahibo.

" Awoooo"

Nagsimula ng sumalakay ang mga halimaw!

" Awooo! Awooo! Awooo!" yumanig ang lupa sa dami ng sumasalakay.

Nakapasok na ang iba sa kampo. Sinunod ng mga mandirigma ang plano ni Nick. Sa unang bugso ng mga pana ay marami ang mga natumba sa mga nauunang halimaw. Nang malapit na sila ay ini-umang na ng  may mga sundang ang kanilang sandata. Marami ang mga natuhog na buhay pa at pinuputulan ng ulo ng may mga espada. Pag-atras ng mga halimaw kasunod nila ay ulan ng mga pana.

Nabuhayan ng loob ang mga mandirigma. Tama ang plano ni Nick. Ilang ulit na salakay-atras ang ginawa ng mga taong lobo. Hindi nila masira ang hanay ng mga mandirigma.

Sa labas ng kampo ay abala rin ang mag-aama. Higit ang bilis ni Yuri. Pulang-pula ang kanyang mga mata na dati ay kulay asul. Malayo pa ang halimaw ay lumuluha na ito ng dugo. Bulag na! Sa paglapit ni Yuri ay tinitigpas na lang ang ulo. Marami na ang nalalagas sa mga halimaw.

Nagbubukang liwayway na. Isang malakas na alulong ang kanilang narinig, ang may balahibong puti. Atrasan ang mga halimaw at pumasok sila sa kagubatan. Nang matahimik na ang paligid ay nagsigawan ang mga mandirigma. Nanalo sila sa labanan.

Bumalik na ang mag-aama. Sinalubong sila ng Duke na tuwang-tuwa. Lumabas na rin ang mga babae ng marinig nila ang mga sigawan.

Tumakbo si Arianna. Nakita niya si Nick na kasabay ng kanyang ama na naglalakad. Nagsalubong ang kanilang tingin ng binata. Napatakbo na rin si Nick. Nagtagpo sila sa gitna ng mga mandirigma. Yumakap si Arianna sa binata. Mahigpit! Binuhat ni Nick ang dalaga. Tumatawa sila kapwa. Inikot ni Nick ang dalaga na yakap niya ang baywang. Nagsisigawan ang mga mandirigma at nagpapalakpakan sa kanilang nakikita. Hinalikan ni Arianna sa labi ang binata. Mariin, maiinit, matagal. Nagkatinginan sina Yuri at ang Duke. Nagtawanan sila.

" Aking mga kasama, ipunin ang mga patay, lahat ay sunugin. Sa mga nakagat at buhay ay ikinalulungkot ko. Kailangang ay wakasan ang kanilang buhay kung hindi mamayang gabi ay mga halimaw na rin sila. " atas ng Duke.

*******

Continue Reading

You'll Also Like

23.2M 623K 65
Hoping for a fresh start, Adrianna Walter reluctantly enrolls at Sinclaire Academy-an elite school for humans and vampires. But upon her arrival, she...