Red Moon (Complete)

By TitoRudy1953

15.6K 1K 110

A vampire and human love trylogy. Mga pag-ibig na walang kamatayan kahit langit at lupa ang agwat sa isat-isa... More

Part 1 ... Duelo
Part 2 ...Unang Paghihiganti
Part 3 ..Pag-ibig na Walang Kamatayan
Part 4 . . . Konde Drakul
Part 5 ... Dugo ng Taong Lobo
Part 6 . . . Paghahanap kay Sofia
Part 7 . . . Ang Sumpa ni Yuri
Part 8 ... Babaeng Bampira
Part 9 . . . Poot na Nag-aapoy
Part 10 . . . Angkan ng mga Taong Lobo
Part 11 . . . Bampirang Makadiyos
Part 12 . . . Vladimir at Lucia
Part 13 . . . Pagsubok
Part 14 ... Bagong Vladimir . . Ang Bampira
Part 16 . . . Paghahanda sa Pagsalakay
Part 17 . . . Bampira Laban Taong Lobo
Part 18 ... Katapusan ng Paghihiganti ni Yuri
Part 19. . . Langit at Lupa
Part 20 . . . Nicholai
Part 21 . . . Jansen Ang Bagong Halimaw
Part 22 . . . Pagtatagpo ng Dalawang Puso
Part 23 . . . Sagupaan ng mga Bampira at Taong Lobo
Part 24 . . . Nabunyag na Lihim
Part 25 . . . Pangako
Part 26 . . Jansen ... Ang Halimaw
Part 27 . . . Vladivostok
Part 28 . . Paghihiganti ng Duke
Part 29 . . . Paghahanap kay Jansen
Part 30 . . . Bumaba ang Langit sa Lupa
Part 31 . . . "Mahal Kita Maging Halimaw Ka Man"
Part 32 . . . "Halimaw sa Dilim"
Part 33 . . . "Tagisan ng Lakas"
Part 34 . . . "Ang Lihim "
Part 35 . . . " The Boss "
Part 36 . . . " The Date "
Part 37 . . . "Muling Pagkabuhay ng Demonyo"
Part 38 . . . "Ang Katotohanan"
Part 39. . . " Ang Sorpresa"
Part 40 . . . "Kiel"
Part 41 . . . " Mahal Kita Maging Halimaw Ka Man"
Part 42 . . . "Sagupaan"
Part 43 . . . "Kasunduan"
Part 44 . . . "Gerald Von Hausler"
Part 45 . . . "Tatlong Puso sa Iisang Pag-ibig"
Part 46 . . . "Corregidor"
Part 47 . . . "Cruiser Yacht"
Part 48 . . ."Agaw Buhay"
Part 49 "Mahal Kita Maging Halimaw Ka Man!"
Part 50 . . . "Ensayo"
Part 51 . . . "Unang Laban"
Part 52 . . . "Milan"
Part 53 . . . "Ang Hudas"
Part 54 . . . "Morfori"
Part 55 . . . "Duelo"
Part 56 . . . "Mikhail"
Part 57 ... . "Ivano"
Part 58 . . . " Moog na Isla"
Part 59 . ."Mira"
Part 60 . . . "Sorpresa"
Part 61 . . . "Arielle"
Part 62 . . . "Astral Projection"
Part 63 . . . "Kiel"
Part 64 . . ."Lababan ng mga Nilalang ng Kadiliman"
Part 65 . . . "Pwersa Laban sa Pwersa"
Part 66 . . . "Limang Espirito ni Arielle"
Part 67 . . ."Preso"
Part 68 ... "Nag-aapoy na Galit"
Part 69 . . . "Kidnap"
Part 70 "Asul na Apoy"
Part 71 . . . "Pagsuko ng Taong Lobo"
Part 72 "Conde Drakul"
Part 73 " Igor Ang Higanteng Bampira"
Part 74 "Higanti ni Borgel"
Finale . . . " Arielle v/s Konde Drakul Huling Laban"

Part 15 .. Ross at Michelle

192 12 1
By TitoRudy1953

"Ross at Michelle"

---------

Makalipas ang ilang araw ay nasa silid sina Yuri at Sofia ng narinig nila ang ingay sa ibaba. Lumabas sila at bumaba sa bulwagan. Maraming tao sa bulwagan at kinakausap ni Ivan ang mga ito.

"Ivan anong nangyari?" Tanong ni Yuri. Nakikita niya ang iba't ibang pamilya. May mga bata pa at mukhang pagod at gutom ang nababakas sa kanilang mga mukha.

"Ginoong Yuri ang iba ho sa kanila ay ang mga dati nating kasamahan dito na umalis noong isang araw at sumama ang iba sa pagbalik nila rito." Sabi ni Ivan.

"Bakit sila nagbalik?" Tanong ni Sofia.

Bumababa naman sa hagdanan sina Vladimir at Lucia. Nakita nila ang halos isang daang katao ang nasa bulwagan.

"May epidemya raw pong kumakalat sa Vladivostok at marami na ang mga nagkakasakit at namamatay. Bumalik sila dito para humingi ng tulong na sana raw po ay dito na muna sila sa ating manor." Sagot ni Ivan.

"Marami pa ba tayong mga bakanteng bahay?" Ani ni Yuri.

"Marami ho ginoo. Yung mga iniwan nila. Pero hindi lahat ay makakatira." Sagot ni Ivan.

"Sige Ivan. Bumalik na sila kung saan sila dating tumira at isama na muna ang ibang pamilya pansamantala. Ang mga kalalakihan ay magtulungan muna at gumawa ng mga bagong tirahan. Pakainin mo na muna sila Ivan." Atas ni Yuri.

"Salamat po Ginoong Yuri. Kay buti ng inyong kalooban." Sabi ng isang ina na nakayakap sa kanya ang dalawang batang maliliit.

"Salamat din po. Ivan marami pa ba tayong mga trigo sa kamalig?

"Marami pa ho ginoo. Patapos na ang taglamig at makapagtatanim na tayo. Marami pa rin ang ating mga tupa at baka at inaalagaang mabuti ng ating mga kasamahan sa bukid."

"Mabuti kung ganoon Ivan. Sige na at ituro mo sa kanila ang kanilang mga tirahan."

"Opo ginoo."

"Mahal pupunta muna ako sa siyudad. Aalamin ko kung ano na ang nangyayari roon."

"Sama ako Yuri." Sabi ni Vladimir.

"Sige. Yorac pakihanda ang dalawang kabayo."

"Masusunod Yuri."

*****

Vladivostok, tahimik ang pantalan sa ilog Kiev. Walang kalakalan. May mga ilang barko ang nakadaong. Nagyeyelo pa rin ang ibabaw ng ilog. Sarado ang mga malalaking kamalig. Ilang tao at karuwahe ang labas-masok sa pantalan.

Tahimik rin ang mga kalye at eskinita sa siyudad. Nasa pamamahay nila ang mga mamamayan. May mga karosa ang laman ay mga bangkay na papunta sa libingan. May mga pulis at sundalo at pinapa-uwi ang bawat taong nakikitang walang ginagawa sa mga lansangan.

Mahahaba ang pila ng mga tao sa mga tindahan ng mga pagkain at harina.

Puno na ang mga hospital ng mga may sakit at marami pa ang mga dumarating para magpagamot. May inilalabas ding mga bangkay. Kumalat na ang epidemya sa buong siyudad.

Marahan ang pagpapatakbo ng mga kabayo nina Yuri at Vladimir sa lansangan. Nakikita nila ang kalunos-lunos na kalagayan ng mga tao lalo na ang mga mahihirap. May mga malalaking siga sa tabi ng kalsada at nagkukumpulan ang ibang taong walang tirahan para magpainit. Patuloy ang pag-ulan ng nyebe at lalong lumalamig ang panahon.

Nasa tapat sila ng gate papasok sa pantalan ng makita nila ang isang matandang lalaking nakalugmok sa lupa ang sinisipa ng dalawang kabataan.

"Akina ang dala mo sabi! Ummm!" Sigaw ng isa sa mga sumisipa sa matanda.

"Maawa na kayo. Konting gamot at pagkain lang ito!" Sagot ng matanda na nagmamakaawa sa dalawa.

Kaagad na bumaba sa kabayo si Yuri. Nilapitan niya ang tatlo at walang sabisabing dinakma niya sa batok ang isa sa mga kabataan. Hinagis niya ito at humampas sa pader ng pantalan ang katawan. Kahit na nasaktan ay nakatayo pa rin at biglang tumakbo. Nagitla naman ang kasama niya at bigla rin itong tumakbong palayo.

Hinawakan ni Yuri ang matanda at tinulungang makatayo.

"Salamat ginoo." Sabi ng matanda.

"Saan ho ba kayo nakatira? Tanong ni Yuri.

"Sa isa sa mga barkong nakadaong sa pantalan ginoo. Bumili lang ako ng gamot at konting pagkain para sa mga amo ko na malubha ang mga sakit. Hindi ko alam kung makatutulong nga itong gamot na dala ko sa kanila."

"Yuri isa akong manggagamot. Baka may maitulong ako sa kanila." Sabi ni Vladimir.

"Sige. Puntahan natin sila." Sumakay si Yuri sa kanyang kabayo at iniangkas niya ang matanda sa kanyang likuran. Itinuro ng matanda ang barkong sinasakyan nila.

*****

Napakalamig ng kabina ng pumasok sina Yuri. Dalawang tao ang nakahiga sa tig-isang kama. Nilapitan kaagad sila ni Vladimir at pinulsuhan.

"Sila ang aking amo ginoo. Si Ross at Michelle. Mga Pranses kami at patungo sana a St. Petersburg. Naabutan kami rito ng pagtigas ng yelo sa ilog kaya hindi nakapaglayag ang barko. Malalakas sila dati. Mga atleta sila sa France at magaling na eskrimador si Ross. Bagong kasal silang dalawa at sa St. Petersburg sana ang honeymoon nila. Nitong nakaraan mga linggo ay bigla na lang silang dinapuan ng sakit. Hindi namin alam kung anong sakit. Ilang doktor na ang tumingin sa kanila pero hindi sila napagaling. Kahapon pareho silang nagsuka ng dugo. Kawawa naman sila ginoo. Kay babata pa nila para mamatay ng walang katuturan. Sana ginoo ay matulungan ninyo sila." Lumuluhang sabi ng matanda.

"Yuri hindi na sila magtatagal. Masyado ng mahina ang kanilang mga pulso at resistensya." Sabi ni Vladimir

"Ano ba ang sakit nila?" Tanong ni Yuri habang pinagmamasdan niya ang dalawa.

"Isang uri ito ng impeksyon o virus at pinahina ang immune system nila. Ang mga pantal pantal at mga sugat ay tanda ng humina na ang immune system nila at hindi na nalabanan ang impeksiyon sa loob ng katawan."

"May magagawa pa ba tayo Vladimir?"

"Hindi ko alam kung tatalab pa ang gamot sa kanila pero subukan natin. Akina ho ang dala ninyong gamot." Sabi ni Vladimir.

Ibinigay ng matanda ang hawak niyang maliit na kahon kay Vladimir. Binuksan ni Vladimir ang kahon. May laman itong dalawang heringgilyang may lamang gamot. Kinuha niya ang isa at itinurok kay Ross at isinunod niya si Michelle.

"Maghintay pa tayo ng isang oras bago umepekto ang gamot."

"Vladimir saan nila nakuha ang mga sakit nila?"

"May nakita na akong kasong ganito sa isang maliit na bayan sa Bolstok. Gawa ito ng mga pulgas na nahawa ng isang uri ng peste ng mga hayop. Kumalat ang peste sa mga tao dahil sa mga daga. Nakagat sila ng mga nahawang mga pulgas ng mga daga Yuri!"

"Hmmm! " Tinignan ni Yuri ang loob ng kabina. Marumi at nangangamoy pa. Napansin din niya ng paakyat sila sa barko. Luma na ito at narumi ang paligid na may maraming kalat. Narinig din niya na maraming pasahero at tripulante ng barko ang namatay na.

Makalipas ang isang oras ay wala pa ring pagbabago sa dalawa. Muli silang pinulsuhan ni Vladimir.

"Yuri hindi na sila msgtatagal. Ano mang sandali ay maaari na silang mamatay."

"Kumuha ka ng karuwahe Vladimir at dadalhin natin sila sa mansion."

"Sige Yuri. Maiwan ko na muna kayo."

Nagmadaling lumabas ng kabina si Vladimir.

"Ginoo hindi na ako makakasama sa kanila. Sa ikatlong araw ay may barkong maglalayag patungong France. Kailangan kong masabihan ang kanilang mga magulang."

"Kayo ho ang masusunod. Sakaling mabuhay man sila asahan ninyo ipapaalam ko rin sa kanilang magulang. Yuri Ivanoff po ang pangalan ko. Malapit sa hangganan ng syudad sa timog ang aking manor." Sagot ni Yuri.

*****

Huminto ang karuwahe sa tapat ng mansion nina Yuri. Kasunod silang nakakabayo. Kagyat na bumaba ang dalawa at binuksan ang pinto ng karuwahe. Binuhat ni Yuri si Ross at ni Vladimir si Michelle. Isang katiwala ang nag bukas ng malaking pintuan ng mansion.

"Tawagin mo si Ivan at pasunurin mo sa basement." Atas ni Yuri sa katiwala. Mabilis siyang naglakad papuntang basement.

Ipinasok nila ang dalawa sa isang silid at inihiga sa tig-isang kama. Dumating sina Sofia at Lucia na nagtataka.

"Mahal hubaran mo ng damit ang babae at punasan ang kanyang katawan. Kumuha kayo ng bagong damit para sa kanilang dalawa. Ako ng bahala rito sa lalake." Sabi ni Yuri.

Hinubaran niya ng damit si Ross. Pumasok si Lucia na may dalang timba ng tubig at pamunas. Kinuha ni Yuri at pinunasan niya si Ross.

Bihis na ang dalawa ng dumating si Ivan.

"Ivan sabihan mo lahat. Linisin mabuti ang mga bahay. Patayin ang lahat na makikita nilang mga daga o pusa man. May pesteng kumakalat sa syudad. Ayokong umabot yun dito."

"Paano ang ating mga alagang hayop ginoo.?"

"Obserbahan ninyo lahat. Huwag munang palalabasin sa mga kural at kulungan. Kapag may napansin kayong may nagkasakit patayin kaagad at sunugin."

"Masusunod ginoo." Lumisan na si Ivan.

"Mahal sino sila. Napakahina na ng tibok ng kanilang mga puso." Tanong ni Sofia.

Hinawakan ni Yuri ang kamay ni Sofia at nabasa nito ang nasa isipan niya kung paano nakilala ni Yuri ang dalawa.

"Namamatay na sila mahal." Sabi ni Sofia.

"Kung ganoon wala na tayong magagawa kung hindi ito."

Yumuko si Yuri kay Ross at kinagat niya ito sa leeg. Ginaya na siya ni Vladimir kay Michelle.

Ilang saglit pa ay huminto na sa pagtibok ang kanilang mga puso.

*****

Continue Reading

You'll Also Like

23.2M 623K 65
Hoping for a fresh start, Adrianna Walter reluctantly enrolls at Sinclaire Academy-an elite school for humans and vampires. But upon her arrival, she...