Red Moon (Complete)

Por TitoRudy1953

15.5K 1K 110

A vampire and human love trylogy. Mga pag-ibig na walang kamatayan kahit langit at lupa ang agwat sa isat-isa... Más

Part 1 ... Duelo
Part 2 ...Unang Paghihiganti
Part 3 ..Pag-ibig na Walang Kamatayan
Part 4 . . . Konde Drakul
Part 5 ... Dugo ng Taong Lobo
Part 6 . . . Paghahanap kay Sofia
Part 7 . . . Ang Sumpa ni Yuri
Part 8 ... Babaeng Bampira
Part 9 . . . Poot na Nag-aapoy
Part 10 . . . Angkan ng mga Taong Lobo
Part 12 . . . Vladimir at Lucia
Part 13 . . . Pagsubok
Part 14 ... Bagong Vladimir . . Ang Bampira
Part 15 .. Ross at Michelle
Part 16 . . . Paghahanda sa Pagsalakay
Part 17 . . . Bampira Laban Taong Lobo
Part 18 ... Katapusan ng Paghihiganti ni Yuri
Part 19. . . Langit at Lupa
Part 20 . . . Nicholai
Part 21 . . . Jansen Ang Bagong Halimaw
Part 22 . . . Pagtatagpo ng Dalawang Puso
Part 23 . . . Sagupaan ng mga Bampira at Taong Lobo
Part 24 . . . Nabunyag na Lihim
Part 25 . . . Pangako
Part 26 . . Jansen ... Ang Halimaw
Part 27 . . . Vladivostok
Part 28 . . Paghihiganti ng Duke
Part 29 . . . Paghahanap kay Jansen
Part 30 . . . Bumaba ang Langit sa Lupa
Part 31 . . . "Mahal Kita Maging Halimaw Ka Man"
Part 32 . . . "Halimaw sa Dilim"
Part 33 . . . "Tagisan ng Lakas"
Part 34 . . . "Ang Lihim "
Part 35 . . . " The Boss "
Part 36 . . . " The Date "
Part 37 . . . "Muling Pagkabuhay ng Demonyo"
Part 38 . . . "Ang Katotohanan"
Part 39. . . " Ang Sorpresa"
Part 40 . . . "Kiel"
Part 41 . . . " Mahal Kita Maging Halimaw Ka Man"
Part 42 . . . "Sagupaan"
Part 43 . . . "Kasunduan"
Part 44 . . . "Gerald Von Hausler"
Part 45 . . . "Tatlong Puso sa Iisang Pag-ibig"
Part 46 . . . "Corregidor"
Part 47 . . . "Cruiser Yacht"
Part 48 . . ."Agaw Buhay"
Part 49 "Mahal Kita Maging Halimaw Ka Man!"
Part 50 . . . "Ensayo"
Part 51 . . . "Unang Laban"
Part 52 . . . "Milan"
Part 53 . . . "Ang Hudas"
Part 54 . . . "Morfori"
Part 55 . . . "Duelo"
Part 56 . . . "Mikhail"
Part 57 ... . "Ivano"
Part 58 . . . " Moog na Isla"
Part 59 . ."Mira"
Part 60 . . . "Sorpresa"
Part 61 . . . "Arielle"
Part 62 . . . "Astral Projection"
Part 63 . . . "Kiel"
Part 64 . . ."Lababan ng mga Nilalang ng Kadiliman"
Part 65 . . . "Pwersa Laban sa Pwersa"
Part 66 . . . "Limang Espirito ni Arielle"
Part 67 . . ."Preso"
Part 68 ... "Nag-aapoy na Galit"
Part 69 . . . "Kidnap"
Part 70 "Asul na Apoy"
Part 71 . . . "Pagsuko ng Taong Lobo"
Part 72 "Conde Drakul"
Part 73 " Igor Ang Higanteng Bampira"
Part 74 "Higanti ni Borgel"
Finale . . . " Arielle v/s Konde Drakul Huling Laban"

Part 11 . . . Bampirang Makadiyos

195 12 1
Por TitoRudy1953

"Bampirang Makadiyos"

------------

Nakarating si Yuri sa kaparangan na nasa pagitan ng dalawang bundok. Malalago ang damuhan na namumulaklak na at nagbibigay kulay sa kapaligiran. Natatanaw na niya ang kanilang dampa ni Sofia. Malamig na ang simoy ng hangin tanda ng papalapit na taglamig.

Bumaba siya sa kabayo. Tinanggal niya ang renda ng kabayo at kanyang pinakawalan. Malayang tumakbo ito patungo sa ilang kabayong nangangain ng mga damo malapit sa kanilang dampa.

Pumitas si Yuri ng mga bulaklak na iba't ibang kulay. Nanggagaling ang simoy ng hangin mula sa dampa kaya tiwala siyang hindi siya maamoy ni Sofia.

Nakikita niya ang kanyang mahal na nakatalikod sa kanya at nagpapakain ng mga alagang usa. Marahan ang kanyang paghakbang. Walang ingay o kaluskos. Ilang hakbang na lang at nasa likuran na siya ni Sofia.

"Hihihi! Kailangan mo pa ba akong sorpresahin Yuri mahal ko?"

"Ha? Alam mong narito na ako? Paano?" Laking gulat niya.

Humarap si Sofia sa kanya.

"Kanina lang! Naramdaman ko at narinig ang tibok na iyong puso mahal ko. Kaya alam kong nasa malapit ka na!"

"Oh Sofia, aking mahal! Kakaiba ang iyong kapangyarihan." Niyakap niya ang dalaga.

Pumasok sila sa dampa at humiga sila sa isang papag na nilatagan ng makakapal na balat ng tupa.

"Magpahinga ka na muna aking Yuri. Pagal pa ang iyong katawan. Nabasa ko kanina sayong isipan kung anong ginawa mo sa mga angkan ni Boris. Nakatakas pala siya."

"Oo, nakaligtas siya sa ating paghihiganti pero makikita pa rin natin siya ngayon alam na natin kung saan siya nagtago. Magpapalipas muna tayo rito ng ilang linggo at pupunta tayo sa siyudad ng Vladivostok. Malapit na ang pagbagsak ng niyebe magiging napakalamig na ang lugar na ito para sa atin."

"Hindi ka ba nagsisisi mahal at ginawa kitang bampira?" Humarap siya kay Sofia.

"Hindi at wala akong pagsisihan pa. Basta't kasama kita aking Yuri hanggang sa walang hanggan!"

"Oo mahal. Hanggang sa walang hanggan ay makakapiling mo rin ako!" At hinalikan niya ang asawa.

******

Sumapit ang taglamig. Halos nababalutan ng makapal na niyebe ang buong Rusya maging ang mga karatig na bansa sa buong Europa.

Vladivostok, isang progresong syudad na nasa malapit sa hangganan ng Rusya at Ukraine. Mahigit sa limang daang libong mamamayan ang naninirahan na pinaghalong mayayaman at pinakamahirap. Sentro ng kalakalan sa timog ng Rusya dahil sa malawak na ilog Kiev.

Maraming mangangalakal ang dumadagsa sa syudad. Araw-araw ay may mga barkong dumadaong sa pantalan sa ilog. Kahit taglamig ay patuloy ang datingan ng mga barko na galing pa sa ibang bahagi ng Rusya at Europa.

***

Sa tapat ng isang mansiyon na may malawak na lupain sampung milya mula sa siyudad ay huminto ang isang malaking karosa.

Bumaba si Yuri at nilapitan siya ng isang katiwala.

"Magandang hapon po Ginoong Yuri. Ako ho si Ivan nangangasiwa rito sa bago ninyong biling manor." Bati ng katiwala habang sinasabayan niya sa paglalakad si Yuri.

"Magandang hapon din Ivan. Sino-sino ba ang mga kasamahan mo rito?"

Sagot niya at binuksan ng katiwala ang pintuan sa likod ng karosa. Bumaba si Sofia na inalalayan ni Yuri.

"Ivan, ito si Sofia ang aking asawa."

"Magandang hapon po madam. Ginoo, kasama ko po ang aking asawa na nasa loob ng mansiyon at apat na tauhan kasama ang kanilang mga pamilya dito ho sa manor. Wala ho kaming anak na mag-asawa. May maliliit po kaming mga bahay sa likuran ng mansiyon. Kung gusto ninyo ay tatawagin ko silang lahat para makilala ninyo."

"Huwag na Ivan. Bukas ko na lang sila haharapin. Sa ngayon ay gusto muna naming magpahingang mag-asawa. Malayo ang aming nilakbay."

" Siya sige ho. Kayo ang masusunod."

Naunang lumakad si Ivan para buksan ang pinto ng mansion.

"Pagod ka ba mahal?" Sa isip ni Yuri kausap si Sofia.

"Hindi naman mahal. Maganda itong napili mong lugar. Malayo sa kabihasnan." Sagot ni Sofia.

"Anong pakiramdam mo ngayong may makakasalamuha ka na ng ibang tao? Malakas ang pang-akit ng kanilang dugo."

"Naaamoy ko nga sila mahal pero kaya ko ng pigilin."

"Salamat kung ganoon."

Pumasok sila sa mansion. Malawak ang bulwagan. Malinis at mamahalin ang mga muwebles. Napansin ni Yuri and mga rebulto ng mga Santo at Santa. Sa isang panig ng bulwagan nakatayo ang isang malaking krusipiho na gawa sa kahoy. Mga Kristyanong tulad nila ni Sofia ang unang may-ari ng manor.

Hindi siya nasilaw ng mga santo o ng krusipiho. Nakiramdam siya. Naalala niya ang sinabi ni Conde Dracula.

Lumapit si Sofia sa krusipiho. Hinayaan naman ni Yuri ang asawa. Hindi niya sinabi kay Sofia ang sinabi noon ni Konde Dracula na ikamamatay nila ang banal na tubig at mga krusipiho kapag matagal na nadaiti sa kanila.

Ngayong nasa harapan na siya ng krusipiho ay alam na niya ang sagot. Dahil sa hindi niya pag-inom ng dugo ng tao ay nakalapit na siya sa mga rebulto ng mga santo at krusipiho.

Hinayaan pa rin niya si Sofia na hawakan nito ang krusipiho at narinig niya sa kanyang isipan ang pagdarasal ng asawa.

Napangiti si Yuri at nagdasal na rin upang magpasalamat at humingi ng tawad.

*****

Dalawang mangangaso ang nagpapainit ng kanilang katawan sa isang siga sa loob ng kagubatang karatig ng bayan ng Maldev. Dalawang usang bundok ang kanilang napatay.

Kinakatay ng isa ang isang usa upang alisin ang lamang loob. Naaamoy ng kanilang mga alagang aso ang sariwang dugo ng usa kaya nagtatahulan ang mga ito. Wala silang kaalam alam na may nagmamatyag sa kanila. Tahimik itong nakatayo sa likod ng mayabong na halamanan. Naaamoy din niya ang sariwang dugo ng usa pero ang kinasasabikan niya ay ang dugo ng dalawang mangangaso. Tumingala siya sa kalangitan. Maliwanag ang bilog na buwan. Tumutulo ang kanyang laway mula sa sa kanyang bibig na nilalabasan ng mga mahahabang pangil. Bloody red na ang kulay ng kanyang mga mata. Marahan siyang kumilos papalapit sa dalawang tao na nakatalikod sa kanya.

Biglang tumahimik ang mga aso. Lahat ay humiga na parang takot. Napahinto ang mangangaso sa kanyang ginagawa.

"Spotty! Anong nangyayari sa inyo! Here boy!" Sabi niya at hinagisan niya ng karne ang aso. Hindi pinansin ng aso ang karne. Nakatingin ito sa nilalang na nakatayo sa likuran ng mangangaso.

"Grooowwwll!"

Napatingala ang mangangaso sa narinig niya.

"Ahhhhh!"

Halos 7 piye sa taas ang taong lobo na nakataas ang kanyang kamay. Labas ang mga mahahabang kuko. Nanlilisik na nakatitig sa kanya ang mga mapupulang mata.

"Aayyeeee! Arghhh!"

Isang malakas na bigwas ng taong lobo ay naputol ang ulo ng mangangaso. Natumba ang katawan at nangisay. Tumilapon ang ulo sa harap ng kasama niya na nagulat at natakot.

"Aaaaahh!" Napatayo siya at kumaripas ng takbo. Pero bumabaon sa makapal na niyebe ang kanyang mga paa. Dahil sa takot at pagkataranta ay napasubsob siya sa niyebe. Pagtayo niya ay nasa harap na niya ang isa pang taong lobo na nakabuka ang bunganga.

"Aaayyyeee!" Kinagat siya sa leeg na halos nangalahati sa pagkawakwak. Nangingisay siyang iniangat hanggang sa matanggal ang kanyang ulo.

Nagbago ang anyo ng mga taong lobo.

"Hark! Hark! Hark! Walang takot talaga ang mga taga kabilang bayan Assov! Dito pa sila dumadayong mangaso." Sabi ni Petrovich.

"Matutuwa si papa sa mga sariwang karneng ito. Hark! Hark! Hark!" Sagot ni Assov.

*****

Isang mahabang karuwahe ang mabilis na hinihila ng anim na kabayo ang bumabagtas sa daang patungo sa hangganan ng Rusya at Ukraine. Sinasamantala ng kutsero ang manipis na niyebe sa daan. Sakay nito ang labing dalawang pasahero. Tumatakas sila mula sa bayan ng Maldev.

Sa unang kompartamento nakasakay ang bagong kasal na sina Vladimir at Lucia. Kasama nila ang kanilang mga magulang at kapatid. Malaki ang ibinayad nila para makatakas. Nakasagutan ng mga magulang nila ang mga Gustav na kilalang naghahari sa kanilang maliit na bayan. Kailangan nilang makalayo sa mga Gustav. Ang sino mang kumakalaban sa kanila ay nawawala na parang bula. Halos lahat ng mamamayan sa Maldev ay parang mga preso sa sarili nilang bayan. Bawat kalsadang palabas sa bayan ay may bantay. Lakas loob ang pagtakas nila ngayon na sana ay hindi sila nahuli.

Malaking pasasalamat nila ng makatawid na sila sa hangganan at lalo pang pinapabilis ng kutsero ang takbo ng mga kabayo. Alam niyang hindi pa rin sila ligtas hanggat hindi nila nararating ang syudad ng Vladivostok.

"Awoooooo! Awoooooo!

"Igor bilisan mo. Narito na ang mga halimaw! Aabutan na nila tayo!" Sigaw ng isa sa mga tripulante na naka-upo sa likuran ng karuwahe. Ikinasa niya ang hawak na mahabang baril.

"Awoooooo! Awoooooo!

Mabilis ang takbo ng mga taong lobo. Para silang mga dambuhalang asong tumatakbo.

Bang! Bang!

Binabaril sila ng mga tripulante ng karuwahe pero umiilag lamang sila. Dalawang taong lobo ang tumalon ng mataas at lumapag sa ibabaw ng karuwahe. Isa-isa nilang sinasakmal ang apat na tripulante at inihulog sa daan.

Sa bilis ng karuwahe ay biglang natanggal ang isa sa mga gulong nito sa likuran. Natumba ito at nabali ang giyang kahoy ng mga kabayo. Nagpagulong-gulong ang karuwahe sa kalsada. Nabuksan ang mga pintuan. Tumalsik palabas ang ilang mga pasahero sa loob. Habang gumugulong ito ay mahigpit na niyakap ni Vladimir ang kanyang asawang si Lucia. Pumikit na lamang siya. Biglang tila may pumalo sa kanyang ulo at siya ay nawalan ng malay tao.

*****

Seguir leyendo

También te gustarán

23.2M 623K 65
Hoping for a fresh start, Adrianna Walter reluctantly enrolls at Sinclaire Academy-an elite school for humans and vampires. But upon her arrival, she...