PAUNAWA:
"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."
Super Panget
Season 3
AiTenshi
Feb 10, 2018
Part 39: Pag subok at Katatagan
"Pareng Ian, ano sa iyo?" ang tanong ni Kulas habang umoorder kami ng pag kain sa karenderya
"Gusto ko yung dinuguan at menudo!" ang naka ngiti kong sagot habang kumukuha ng inumin.
"Coming up! Sarap ng luto ni Aleng Tinay!" ang tugon ni Kulas.
Habang nasa ganoong posisyon ako ay tila nakaramdam ako ng kakaibang panlalabo ng aking paningin at kasabay nito ang matinding kirot ng aking ulo.
Sa bawat pag pintig ng aking puso ay ibayong sakit sa aking bungo ang aking nararamdaman dahilan para mabitiwan ko ng mga baso tray at matumba ang aking katawan sa lupa na ikinagulat ni Kulas at ng iba ko pang kaibigan.
"Tol! Anong nangyari?!" ang pag tawag nila
"Hinimatay! Tumawag kayo ng ambulansya!" ang natatarantang wika ng may ari ng karendiryang madalas namin kainan.
Naramdam ko nalang na binuhat ako at isinakay sa isang sasakyan patungo sa ospital.
Wala na akong natandaan pa..
Tahimik..
Pag mulat ng aking mata ay agad kong nakita ang doktor sa aking tabi. Masakit pa rin ang aking ulo ngunit bumalik na ang panlilinaw ng aking paningin. "Doc anong nangyari?" ang tanong ko
"Mabuti naman at maayos kana hijo. May kasama kaba dito? Nasaan ang mga magulang mo?" ang tanong niya
"Wala po. Mag isa lamang ako." ang sagot ko
"Alam mo hijo kaya hinahanap ko ang iyong mga magulang ay nais kong ipaliwanag sa kanila ang iyong kalagayan."
"Ano po ang ibig ninyong sabihin?" tanong ko naman.
"Seryoso at maselan ang iyong kalagayan ngayon hijo. Nais kong lakasan mo ang loob mo dahil ito lamang ang tanging makatutulong sa iyo at pangako na ibibigay ko ang lahat ng medikasyon upang ikaw ay maging maayos."
"Ano po ba ang sakit ko doc?" ang tanong ko naman
"Mayroon kang kanser hijo. At nasa pinaka mataas na bahagdan na ito." ang wika niya
"Kanser? Okay naman po ako ah. Paano nangyari?" ang tanong ko
"Karaniwan ang sakit na ito hindi nararamdaman ngunit unti unti nitong sinisira ang iyong katawan. Ang tumor ay isang limpak ng mga tissue na nabubuo kapag naiipon ang abnormal na mga selula. Sa normal na kalagayan, ang mga selula ay namamatay at napapalitan ng mga bagong selula habang ikaw ay nagkakaedad. Kung ikaw ay may kanser o tumor, hindi namamatay ang mga selula. Ang mga selula ng tumor ay lumalaki at dumadami kahit hindi naman ito kailangan ng katawan, at hindi tulad ng normal na matatandang selula, ang mga selula ng tumor ay hindi namamatay. Habang nagpapatuloy ang prosesong ito, ang tumor ay patuloy na lumalaki habang parami ng parami ang mga selulang naiipon sa limpak na mga tissue.
Ang pangunahing mga tumor sa utak ay nanggagaling sa iba't ibang mga selula na bumubuo sa utal at sa central nervous system at pinapangalanan depende sa uri ng selula kung saan sila nagmula. Ang pinaka madalas na uri ng brain tumor ay ang gliomas at astrocytic tumor. Ang mga tumor na ito ay nabubuo galing sa astrocytes at iba pang selulang glial, mga selulang nagnanapanatili ng kalusugan ng mga nerves. Ang ilan sa mga tumor ay hindi kakakitaan ng mga sintomas hanggang sa ito ay maging malaki kaya't magkakaroon ng seryoso at napakabilis nap ag hina ng kalusugan ng pasyenteng meron nito. Ang ilan sa mga tumor sa utak ay mabagal lumaki..
Ang isa sa pangkaraniwang sintomas ng tumor sa ulo na makikita bilang pangunahing palatandaan ay ang pag sakit ng ulo. Kadalasan, ang sakit ng ulo na dala ng brain tumor ay hindi nadadala ng mga gamot sa sakit ng ulo." ang paliwanag ng doktor
"Kung maagapan ito tatagal ka pa ng ilang buwan. Ngunit kung hindi ay tiyak na malalagay ka sa bingit ng kamatayan." ang wika ng doktor.
Natawa ako at napa hawak sa aking ulo. "Pag sinuswerte ka nga naman" ang bulong ko.
"Pare, lakasan mo ang loob mo." ang wika ni Kulas habang naka hawak sa aking balikat.
Nanatili akong nakadukdok sa aking tuhod at maya maya ay iniangat ko ang aking ulo at saka ako ngumiti "Hindi pa ako nakaka kalahati sa buhay. Lahat yata ng kamalasan ay sinapo ko na."
Bakas na bakas sa mukha nila ang awa at wala silang nagawa kundi ang yakapin ako. Ako naman ay napa luha nalang sa pinag halong takot at awa sa aking sarili. "Sa ngayon hijo bibigyan kita ng gamot upang maibisan mo ang pananakit ng iyong ulo." wika ng doktor
"Wala po akong pera doc." ang tugon ko
"Kami bahala. Para saan pa at naging kapatid ka naman pare." ang wika ni Kulas at dito ay nag ambag ambag sila para mabilhan ako ng ilang pirasong gamot.
Simula noong araw na iyon ay unti unti nang bumagsak ang pag asa ko sa buhay. Madalas na akong nakakaramdam ng pananakit ng aking ulo at karaniwan ay wala akong nagagawa kundi ang itiisin ito habang naka higa sa aking lumang papag.
Taglay ko ay ilang tableta na lulunukin ko upang maibisan ang ibayong sakit ngunit ilang oras na ginahawa lamang ang naibibigay nito at maya maya ay sasakit nanaman. Paminsan minsan ay tumulo ang dugo sa aking ilong o sa aking bibig kapag ako ay umuubo.
Siguro ay ito na nga ang aking karma dahil masama ako noon, hindi ko pinahahalagahan ang buhay ng iba at masyadong naging kampante sa aking mataas na estado. Ni hindi sumagi sa aking isipan na maaaring mag bago ang lahat sa isang iglap. Ang buhay nga ay talagang parang gulong, umiikot. At walang permanente kundi ang pag babago.
Nakakaramdam ako ng takot, lalo't alam kong nalalapit na rin ang aking katapusan. Minsan ay naiisip kong mamatay akong nag iisa, saan kaya ako ililibing? May mag aasikaso kaya sa bangkay na maiiwan ko? Malalaman kaya nila? O parang bula nalang ako nawawala at hindi na malalaman ng lahat.
Sa tuwing makakaramdam ako ng ibayong takot ay nagagawa kong tumakbo, hindi ko alam kung saan ako mag tutungo. Basta gusto kong makatakas, makaiwas sa kung anong bagay ang gumugulo at bumabagabag sa aking pag katao.
Tuwing hapon ay natatagpuan ko ang aking sarili na naka upo sa rooftop ng lumang gusali kung saan maigi kong pinag mamasdan ang buong paligid.
Nakatulala lang ako, tuliro at wala sa eksaktong katinuan.
Hihinga ako ng malalim, at ibubuga ko rin ito. Paulit ulit ang aking ginagawa hanggang sa muli sumagi sa aking isipan ang masayang buhay ko noon kasama si Rui, ang aking mga kaibigan at ang mga taong gumabay sa akin. Minsan ay sumasagi sa akin ang pag sisisi na sana ay hindi ako lumayo, sana ay hindi ako umalis, nagawa kong lahat ng pag kakamaling iyon dahil sa matinding sakit at pag daramdam. Sa isang iglap ay nag bago ang lahat.. Iyon siguro ang likas sa tao, kapag galit siya at punong puno ng emosyon ay nakakagawa siya ng mga bagay na labag sa kanyang kalooban o nakapag bibitaw ng salitang maka sasakit sa iba.
Tahimik sa itaas ng gusali.
Panaka nakang umiihip ang malamig na hangin, may kasama itong kirot na hindi ko mawari.
Habang nasa ganoong posisyon ako ay dinukot ko sa aking bulsa ang bote ng tabletang gamot at tinitigan ko ito.
Unti unting tumulo ang luha sa akin mata at kasabay nito ang pag tugtog ng isang kantang nag mumula sa katabing gusali. Isang kantang nag pa igting ng aking damdamin.
Another Now
Kate Alexa
Was only just the other day
It all just felt so real
Like nothing could go wrong
Was like a never ending dream
Nothing ever changed, for so long
But now you've gone away
And I've tried turning the page
And it's just not the same
But I'm breathing in, and I'm breathing out
I'm wide awake, but I can't hear a sound
Though I'm breathing in, I can't think about
Another you, another me, another now
Where do I go from here?
I've never felt so strange
I've never felt so torn
Cause ever since you came my way
I learned to live by you
And now I'm on my own
I know I need some time
To leave all this behind
Cause I'm still hanging on
But I'm breathing in, and I'm breathing out
I'm wide awake, but I can't hear a sound
Though I'm breathing in, I can't think about
Another you, another me, another now
I'm sitting here, I'm all alone
Don't wanna move, nowhere to go
Cause nothing's real
I just wanna hide
Cause you're not here
But I'm breathing in, and I'm breathing out
I'm wide awake, but I can't hear a sound
I'm breathing in, and I'm breathing out
I'm wide awake, but I can't hear a sound
Though I'm breathing in, I can't think about
Another you, another me, another now
Oh ho
Another you, another me, another now
Tiningnan ko ang aking kamay at hindi ko napigilang dumukdok sa aking sarili tuhod. Niyakap ko ang aking sarili at pilit na tinatagan ang aking dibdib..
"Pare, nandito ka lang pala. Para sa iyo." ang wika ni Kulas sabay abot sa akin ng isang supot na mansanas.
"Salamat. Paano ba kayo makakabawi sa inyo?"
"Wala iyon pare, basta ang nais namin ay mag pagaling. Tatagan mo ang loob mo. Alam mo, ang pag subok ay isang malaking bato lang iyan na kailangan mong iusad para maka alis ito sa iyong daraanan. Magiging maayos rin ang lahat." ang naka ngiti niyang sagot
Hinati ko ang mansanas sa dalawa at ibinigay sa kanya ang kalahati. Ngumiti ako at kinagatan ito. Kapwa namin itinuon ang aming atensyon sa palubog na araw sa kalangitan kung saan ang buong siyudad ay unti unting binabalot ng dilim.
Umaasa ako na sa pag sapit ng bagong liwanag ay maka kita ako ng bagong pag asa..
Itutuloy..