SP Part 11: Natatanging Damdamin

3.5K 184 10
                                    

PAUNAWA:

"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."

Super Panget

AiTenshi

Jan 9, 2017

Patuloy na hinigop ang aking katawan ang enerhiyang naka palibot sa aming daigdig at habang nasa ganoong posisyon kami ay bigla lamang nag liwanag ng husto ang isa sa mga bituin sa kalayuan.

At maya maya ay mabilis itong sumibat patungo sa aming mundo..

"Nai, ang iyong laban ay mag sisimula na.." ang seryosong salita niya habang nakatingin sa berdeng liwanag na papasok aming daigdig.

Part 11: Natatanging Damdamin

"Master Nai, ayos lang po ba kayo?" ang tanong ni Kohei.

Noong mag balik sa normal ang aking ulirat ay natagpuan ko ang aking sarili sa loob ng sasakyan naka upo at parang walang nangyari. "Nasaan yung batang pulubi? Nasaan ba tayo?" ang tanong ko na may panginginig ng katawan.

"Yung pulubing inabutan niyo po ng pera ay kanina pa naka alis. Ngayon ay pabalik na tayo sa bahay. Sinuspende po ang klase dahil may nag babadyang malakas na bagyo. Kanina habang pauwi tayo ay bigla na lamang may gumuhit na berdeng liwanag sa kalangitan at nawala ito doon sa gitna ng karagatan. Ang sabi nila ay isa raw ito delubyo." ang wika ni Kohei.

"Berdeng liwanag? Bakit hindi ko alam iyon? Bakit hindi ko nakita?"

"Eh ewan ko po master, nakatulala po kayo kanina, ang akala ko ay hindi kayo interesado." sagot nito.

Noong mga oras na iyon lalo akong napaisip. Kakaiba rin ang aking pakiramdaman. Pakiwari ko ay may kung anong mainit na bagay sa aking dibdib at nakakaramdam ako ng pang hihina sa aking katawan at kalamnan. Para bang gusto kong mahiga at matulog.

Ang huli kong natandaan ay kausap ko ang lalaking ang pangalan ay Sin at isinalin niya sa akin ang kanyang kapangyarihan. Bukod pa roon ay hindi ko alam kung realidad ba lahat o parte lang iyon ng aking malikot na pag iisip.

FLASH BACK

Nag simulang umilaw ang aking katawan at dito ay kapwa kami binalot ng asul na liwanag na animo ipo ipo kasabay nito ang pag init ng aking dibdib na wari'y nag aapoy hindi ko malaman.

Habang nasa ganoong posisyon kami ay nag liwanag ang paligid ng Earth at dito ay unti unting hinigop ng aking katawan ang mga enerhiyang liwanag na iyon. "Ang mga liwanag na iyan ang ay ang aking kapangyarihan. Lahat ng iyan ay lilipat sa iyong katawan at tataglayin mo ang aking lakas." wika ni Sin

Patuloy na hinigop ang aking katawan ang enerhiyang naka palibot sa aming daigdig at habang nasa ganoong posisyon kami ay bigla lamang nag liwanag ng husto ang isa sa mga bituin sa kalayuan.

At maya maya ay mabilis itong sumibat patungo sa aming mundo..

"Nai, ang iyong laban ay mag sisimula na.." ang seryosong salita niya habang nakatingin sa berdeng liwanag na papasok aming daigdig.

End of flashback

Pag pasok ko sa aming silid ay nakaramdam ako ng kakaibang pag kahilo at panginginig ng aking katawan kaya naman agad akong nahiga at nag balot ng makapal na kumot.

Ang aking katawan ay parang nag yeyelo sa labas ngunit sobrang init pag dating sa gawing dibdib. Hindi ko na maunawaan kung anong nangyayari sa akin ngunit pakiramdam ko ay hihimatayin ako o malalagutan ng hininga.

Super Panget (BXB 2018)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon