SP Part 29: Labanan ng Kagandahan

2.5K 153 11
                                    

PAUNAWA:

"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."

Super Panget

Season 2

AiTenshi

"Excuse me! Hindi fake ang suso ko! Baka iyang sayo ang peke dahil isa kang bakla!"

"Mas okay nang maging baklang mukhang babae kaysa babaeng mukhang bakla! Like you!" ang sigaw Beki.

"At talagang hoping kapa na maging isang magadang bakla? Funny much! It will never happen. Mamatay ka nalang sa inggit sa frenshness petchay ko! At wala ka non! Baklang monster!" ang pang aasar pa ni Ganda.

Noong mga sandaling iyon ay parang naka etchepwera na ako. Patuloy na nag kainitan sina Beki at Ganda. Parehong mag kaiba ng interest. Parehong tuso at makapangyarihan. Sino kaya ang mag tatagumpay sa dalawa, ang nag taksil o ang pinag taksilan?

Part 29: Labanan ng Kagandahan

"Ilang daang taon na ang naka lilipas ngunit tayo ay mag katunggali pa rin. Kung sa bagay hindi natin maaaring maiwasan ang inggit diba? Lalo kana beki, dahil bata pa lamang tayo ay imbyerna kana sa akin dahil mas maganda, mas matalino at mas habulin ako ng boys kesa sa iyo!" ang wika ni Super Ganda.

"Ngunit ang kagandahan mo ay napantayan ko. O, sabihin na nating nahigitan ko pa." sagot ni Beki

"Anong kagandahan iyan? Artipisyal, ang suso mong peke, ang ilong mong peke, ang bewang mong peke. O, sabihin na nating ang lahat sa iyo ay peke. Aminin mo na AKO ang idolo mo kaya ginusto mo ring maging maganda. Diba?" mataray na sagot ni Super Ganda

Natawa si Beki at lumakad ito patungo kay Ganda. "Naunawaan kita, alam kong galit ka dahil ang katawan ko ay fresh, wala pang nakakagamit at murang mura pa. Ang katawan mo ay gamit na gamit na, laspag at boom butas na! Ooopps, sorry kung pina alala ko sa iyo yung pag kakagahasa mo noong kabataan natin." ang pang aasar ni Beki

"Ang pang gagahasa sa akin. Akala mo ba ay hindi ko alam na ikaw ang may pakana noon? Dahil naiinggit ka sa akin, dahil ako ang madalas nilalapitan ng mga lalaki para mahalin at pag alayan ng buhay nila. Ikaw? Nilalapitan ka lang kapag may kailangan sila, kapag wala silang pang bisyo, pang sugal o pang bigay ng regalo sa akin. Ako ang tunay na babae, ikaw ay isang peke, mapag panggap at feelingerang bakla. Dapat sa iyo ay pinapatay!" ang sagot ni Ganda sabay tutok ng malaking sandata niya kay Beki.

Dito nag simulang mag tapatan ng lakas ang dalawang mag karibal. Sinimulan ni Ganda ang atake sa pamamagitan ng pag liliwanag ng bunganga ng kanyang kanyon. Mukhang gagamitin nanaman niya ito upang itumba ng mabilisan ang kalaban. Ang sandata niyang iyon ay talagang mapanira kaya't isang buga pa nito ay maaaring mawasak na ng tuluyan ang buong siyudad.

Hindi natinag si Super Beki sa kanyang kinalalagyan. Maya maya ay nag simula nanamang lumaki ang kanyang katawan na parang si Taguro. Ibang klase rin ang bakla ito dahil kapag nag palit siya sa estado ng ad molibiria ay daig pa ang isang libong mandirigmang lalaki sa kanyang hindi mapapantayang lakas.

Bumuga mula sa bunganga ng sandata ni Ganda ang isang higanteng bala. Ito ang ikatlong beses na nakita ko ito. Ang kaibihan na lang ngayon ay hindi na ako sasalo nito kundi ang isa rin sa aking katunggali.

Tila ba napako si Beki sa kanyang kinalalagyan at maya maya ang tatakbo ito para sagupain ang balang palapit sa kanya.

Nag liwanag ang kanyang katawan at hinawakan ng kanyang dalawang kamay ang bala upang piglin.

Super Panget (BXB 2018)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon