SP Part 20: Masamang Kagandahan 2

3K 159 18
                                    

Ang ganda ng trans na ito promise

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Ang ganda ng trans na ito promise.. Talagang siya na ang Super Beki!

PAUNAWA:

"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."

Super Panget

AiTenshi

Jan 21, 2017

"Ito ang mang yayari sa hindi naka pasok sa banga." ang wika niya sabay Bratatatatat atatatatatat!!!

Binaril niya ang lahat ng mga pulis at mga tao sa paligid hanggang sa mamatay ang mga ito..

Ganoon kabilis ang pag hahasik ng lagim ng masamang kagandahan.

Part 20: Masamang Kagandahan 2

Bumulagta ang daan daang katao sa paligid na parang dinaanan ni kamatayan. Samantalang si Super Beki naman ay tuwang tuwa sa kanyang nakitang pag kamatay ng mga ito.

Binuksan niya ang kandado ng kulungan ng mga Miss Universe at pinalaya nila ang mga ito. Ang mga lalaking nakalutang naman ay nag simulang lumipad patungo sa kalungan na parang hinihigop ng malaking vacuum kapalit ng mga bihag.

Noong makita ko si Rui ay agad akong lumipad upang kunin ito. "Waaa. Sino ka ba?" ang gulat na tanong nito

"Wag kana mag tanong. Halika na!" ang sagot ko naman

"Hala, saan tayo pupunta? Pasok na ko sa Top 86 ng pogi eh. Bakit kukunin mo pa ko? Saka ummhh, naku wag kang mag papakita sa kapatid kong si Nai dahil galit sa pangit iyon, susunugin kana niya ng buhay!" ang wika ni Rui

"E wala akong paki sa kapatid mong super pogi, super cute, super hot at pinapatasya ng bayan. Umalis na tayo dito!" ang wika ko sabay katok sa ulo niya. Atleast naka ganti ako.

"Ha? Baka naman hindi ang kapatid ko ang tinutukoy mo. Eh mukhang chonggo yun, medyo pandak at maliit ng titi." ang pang aasar nito kaya naman muli ko siyang kinatusan. "Huwag mo nga siyang pintasan! Ipapakain kita kay Beki eh!" pananakot ko pa.

Habang nasa ganoong posisyon kami ay nakita ni Elsa ang aking ginawang pag takas kay Rui kaya naman ng alburuto ito at nagalit. "Hoy! Bakit yung pinaka gwapo ang nanakawakin mo sa akin? Ibalik mo iyan panget ka! Bading ka talaga!! Akin iyan!!"

"Hindi siya saiyo! Gago!" ang sigaw ko rin

"Bading ka talaga! Hindi ka naman babaihan! Kahilig mo sa gwapo!!!" ang sagot niya habang inilalayo ko si Rui.

Dinala ko si Rui sa isang gusali na malayo kay Super Beki. At noong makasiguradong maayos na siya ay nag tungo ako sa harap ng kanyang sasakyan para kuhanin ang iba pa. "Hoy Beki, pakawalan mo sila! Aba ang dami niyan ahh! Kaya mo ba iyan lahat?" ang tanong ko

Super Panget (BXB 2018)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon