SP Part 21: Mananakop (Season 1 Finale)

3.2K 186 35
                                    

PAUNAWA:

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

PAUNAWA:

"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."

Super Panget

AiTenshi

Jan 23, 2018

Unti unting nawala ang liwanag sa kanyang katawan at dito ay maigi kong inaninag kung anong klaseng pag papalit anyo ang kanyang ginawa.

Nanlaki ang aking mata sa nakita..

Hindi ko inaasahan na ganito ang kanyang ikalawang anyo.

Part 21: Mananakop

Unti unting bumulaga ang anyo ni Super Beki sa aking paningin noon mawala ang liwanag na bumabalot sa kanyang katawan.

"Eh bakit ganoon? Akala ko ba mag babago ang anyo niya? Bakit ganon pa rin? Buhok lang ang nabago dahil naging kulot ito." ang tanong ko kay Sin

"Aba e hindi ko alam. Hindi ko pa nakikita ang ikalawang bahagdan ng kapangyarihan niyang si Super Beki." sagot nito.

Habang nasa ganoong pag lipad ako ay siya namang pag tingin ni Super Beki sa akin, hinawi niya ang kanyang kulot na buhok na parang lalaban sa pageant at saka nag pose ala miss universe. "How do i look?" ang tanong niya.

"Edi dati pa rin! Wala namang nabago eh!" ang sagot ko naman. "Chaka ka pa rin!" pang aasar ko pa.

"Nag salita ang hindi chaka." maarte niyang sagot sabay tawag sa kanyang alalay. "Anna! Halika nga dito!"

"Nandyan na po!" ang wika ng alalay. Hawak niya ang dalawang boxing gloves at mabilis itong ikinabit sa kamay ni Super Beki. "Ano naman iyan?" tanong ko

"Edi boxing gloves bobang to!" ang sagot ni Beki sabay kumpas ng kanyang kamay.

Nag liwanag nanaman ang kanyang katawan at dito ay nakita ng aking dalawang mata ang pag laki ng kanyang braso at binti ala Taguro. Sumigaw ito na animo super saiyan habang patuloy na lumalaki ang kanyang balingkitang katawan.

"Hindi talaga nag papalit anyo si Queen Elsa dahil ayaw niyang makita ng lahat ang kanyang lakas bilang ang makasaysayang Beki Boxer na sumira sa mga Planeta ng malayong galaxy." wika ni Anna

"Hindi ako aware sa sinasabi mo!" ang sagot ko naman habang nakatingin kay Beki na noon ay palaki ng palaki ang katawan.

"Okay po. Start na natin ang fight na itey!" ang sagot ni Anna sabay hubad sa kanyang suot na gown. Tumambad sa aking paningin ang kanyang katawan na naka maiksing short na pula at bra na kulay itim. May hawak itong numero sa kamay. "Ano naman iyan?" tanong ko sa kanya.

Super Panget (BXB 2018)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon