SP Part 37: Dapit Hapon

2.3K 168 20
                                    

PAUNAWA:

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

PAUNAWA:

"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."

Super Panget

Season 3

Feb 10, 2018

"Hoy! Buhatin nyo na itong mga bakal at iakyat doon sa gusali! Bilisan ninyo!" ang malakas na sigaw ng bisor

Araw araw kong naririnig ang kanyang sigaw at gayon rin ang ingay ng mga makina sa site na iyon kung saan ako nag ttrabaho bilang construction worker.

Halos mag iisang taon na rin akong nakatira sa malayong siyudad na ito, walang kamag anak, walang kaibigan at walang kakilala.

Ako bilang ordinaryong si Nai, halos nakalimutan ko na rin kung sino at ano ako dati. Dito, araw araw ay pag subok para mabuhay. Kayod dito, kayod doon para maka kain. Kung suswertehin ay matutulog akong walang laman ang aking tiyan.

"Ian, inom ka muna!" ang wika ng mga tambay sa eskinita kung saan ako nakatira.

Iyon ang tinawag nila sa akin ayon na rin sa aking kagustuhan. Bagamat noong unang dating ko rito ay nakilala nila ako bilang si Nai Natchakal ang anak ng isa sa pinaka mayamang tao sa bansa. Pero itinanggi ko ito at sinabing kamukha ko lamang iyon dahil ako ay hamak na palaboy lamang. Noong una ay ayaw nilang maniwala ngunit noong nag tagal na ako dito ay hindi na issue iyon sa kanila.

Nangungupahan lamang ako sa isang maliit na silid sa isang squatters area. Paano ako naka kuha ng silid? Ibinenta ko yung relo ko at kwintas na gamit ko noong unang buwan na nandito ako halos naging mahirap ang buhay ko noon, wala akong ala ala kundi ang lumang pantalon at wasak na damit na natira sa akin sa gusali kung saan ako lumapag noon.

Ngayon, ito na aking bagong mundo. Ang aking bagong buhay..

Part 37: Dapit Hapon

Flashback

Nag liwanag ang aming katawan at nag balik na sa normal ang aking paligid.

Natagpuan ko ang aking sarili sa itaas ng gusali kung saan ako naka upo kanina.

Wala akong pang itaas na damit.. At mula sa aking kinauupuan ay narinig ko ang isang tinig. "Nai, kalimutan mo kung sino ka." ang wika nito

At noong mapatingin ako sa aking dibdib ay unti unting nabura ang tatak na SP dito. Nawala ang aking kapangyarihan at nakaramdam na ako ng pag kalula sa mataas na gusali.

Isang malakas na tawa ang aking narinig at kasabay noon ang isang pulang liwanag na bumabagsak sa malayong siyudad kung saan ako nag mula.

Tahimik..

Super Panget (BXB 2018)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon