SP Part 17: Maskara

3.3K 173 18
                                    

       

PAUNAWA:

"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."

Super Panget

AiTenshi

Jan 17, 2018

Part 17: Maskara

Reporter: Sa ngayon ay patuloy pa ring hinahanap ang sasakyang pang himpapawid ng alien na dumakip sa mga kandidata ng Miss Universe. Mukhang ang dayuhang ito ay galit sa magagandang babae ayon na rin sa kanyang babala noong nakaraang gabi na ang lahat ng kakabaihan sa planetang ito ay gagawing alipin at susunugin ng buhay.

Samantala nangangamba naman ang mga kompanya ng napkin at pasador na baka bumababa ang kanilang sales sa merkado sa oras na mabawasan ang kababaihan sa planetang ito. Kaya naman bilang pag hahanda sa nalalapit na krisis ay naisipan na rin nilang gumawa ng pasador para sa mga kalalakihan bilang alternatibo sa nag babadyang kalamidad.

Iyan lamang ang mga nag babagang balita sa mga oras na ito. Ako po si Liza Mae Lawit, magandang hapon.

End of news

"Naku mukhang seryoso talaga si Super Beki na sakupin ang ating mundo. May strategy ka na ba para siya ay mapuksa?" tanong ni Tex habang abala kami sa pag kain sa canteen.

"Wala nga e, basta ang kailangan ko lang gawin ay mawala ang sumpang kapangitan na ito."

"At talagang iyan pa ang inisip mo? Magugunaw na ang mundo ah."

"Lahat ng super hero ay gwapo at maganda. Ako lang ang panget! Naunawaan mo ba? Ako lang ang panget at kasumpa sumpa ang mukha!" asar kong sagot

"Oh edi mag maskara ka. Diba uso naman ang mga super hero na naka maskara. Si Spiderman, si Batman, si Ironman diba? Tapos si Kaneki ng Tokyo Ghoul ay naka maskara din. Kung hindi mo matake ang pez mo kapag super hero ka edi takpan mo ito." ang suhestiyon ni Tex dahilan para matigil ako sa pag kain.

"Alam mo may utak ka rin pala. Iyan ang pinaka matinong idea na narinig ko sa iyo."

"Ayos, bumili na tayo ng materyales ngayon. Alam mo na hindi pwedeng mag pagawa sa iba dahil ang identity mo ay mabubuking. Lahat na yata ng paraan ay sinubukan natin, sana naman ay epektib na ang isang ito." wika ni Tex.

"Yung pinaka mahal na materyales ang bilhin natin ha, ayokong mangati ang balat ko." pag iinarte ko.

At iyon nga ang set up, namili kami Tex ng mga gamit para sa pag gawa ng maskara na pag tatakip sa aking di kanais nais na mukha kapag nag papalit anyo. Sa tingin ko ay ito ang pinaka epektibo sa lahat, sana una palang ay naisip ko nang takpan ang aking mukha para walang problema.

Gumawa kami ng desenyong tribal na kulay asul ayon na rin sa awrang pumapaligid sa aking katawan kapag ako ay lumilipad o kaya ay nag lalabas ng enerhiya.

Kinahapunan, noong matapos namin ang maskara ay agad akong nag palit anyo upang subukan ito. Siyempre iniwasan kong humarap sa salamin dahil baka mag init pa ang ulo ko kapag nakita ko ang aking itsura. "Ayos naman pala itong maskara, komportable isuot at hindi mainit sa mukha."

"syempre naman Nai, mahal na ang materyales niyang upang hindi ka mag karoon ng allergy. Siguro naman ngayon ay wala nang makaka kita sa pez mo." sagot ni Tex

"Ayos! Subukan na natin!" ang excited kong tugon sabay taas ng aking kamay para lumipad..

Tahimik..

Super Panget (BXB 2018)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon