S3 NOTE

2K 138 22
                                    

Busy si kuya Rui

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Busy si kuya Rui..

************

Mag kwentuhan muna tayo..

Ano ba ang mayroon sa Season 3? Ito ang finale season ng Super Panget, nandito ang moral lesson, ang puso, ang kasagutan sa inyong mga tanong. Sobrang dami ko nang nagawang fantasy story, halos ang mga ito na ang naging trademark natin. Nakakatuwa no? kung ano pa yung mahirap isulat siya pa yung nakahiligan kong gawin. Sabi ko nga sa aking sarili, ngayong 2018 mas ilelevel up ko ang pag susulat, iyon ang resolution ko ngayong taon, so sana mag improve tayo.

Wala naman akong intensyon na sumikat o makilala kaya nga tahimik lang ako, okay na sa akin yung may ilang kaibigan sa facebook at dito sa wattpad. Isa ka ba doon? Hindi rin ako mahilig mag promote o mang hingi ng comments o votes kung ano lang yung ibigay sa akin ng tao ay masaya na ako.

Bilang manunulat, mas lumalakas ako kapag nakaka tanggap ng positibong feedback sa mga mambabasa pero mas lalo rin akong lumalakas kapag pinapintasan ako o nakaka tikim ng negatibong feedback. Ako yung tipo ng manunulat na mag aalis ng kwento kapag pinintisan ito PERO wag ka dahil kapag ibinalik ko ito ay sinisigurado kong pulido na at maayos na.

Tungkol sa mga wrong spelling, errors at typos, wala tayong magagawa diyan, tao lang ako, naduduling rin paminsan minsan, malaki kana ikaw na ang bahalang mag adjust.

Tungkol naman sa mga insidenteng may kahawig na eksena sa pelikula o sa anime na napanood nyo, unawain nyo nalang na walang orihinal sa mundo. Ang ugali at pangalan mo nga ay may kamukha, kwento ko pa kaya?

Tungkol naman sa "pinoy super tagalong style" ko sa pag susulat, maganda nga diba? Atleast lumalalim ang vocabulary ninyo sa tagalong. Eh anong gusto nyo salitang alien ang gamitin ko? May nag papasalamat pa nga sa akin dahil pumasa sila sa Filipino subjects nila. LOL

Yun lang po..

And I... Thank You!

Super Panget (BXB 2018)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon