SP Part 50: Alien Civilization

2.3K 157 9
                                    

PAUNAWA:

"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."

Super Panget

Season 3

AiTenshi

Feb 22, 2018

Ilang minuto rin akong binalot ng asul na liwanag at maya maya naramdaman ko mas lumaki ang aking katawan. Ang aking kanang kamay ay naging isang baril, ang kaliwa naman ay nag karoon ng mahabang kuko na animo mga mahahabang patalim.

Nag taka ako sa aking nakita ngunit batid kong nag bago ang aking anyo. "Nai, ito ang iyong ikalawang bahagdan." ang wika ni Sin at dito ay sumiklab ang asul na liwanag sa aking katawan.

Pakiramdam ko ay mas lalo pa akong lumakas bagamat bumigat ng bahagyan ang aking mga braso. Ngunit ang liwanag sa aking paligid ay nag lalagablab na tila nag wawala sa pananabik. Hindi ako makapaniwala na ang pag nanais kong mabuhay ay ang mag dadala sa akin sa lebel ng ad molibira.

Part 50: Alien Civilization

Naabot ko ang ikalawang level ng aking kapangyarihan kasabay nito ang pag babago ng aking anyo. Ramdam ko ang kakaibang lakas na dumadaloy sa aking katawan bagamat tila may kung anong bigat sa aking pakiramdam.

Nag tapatan kami ni Super Pogi sa ere at kapwa kami nakatayo sa mag kalayong distansya. "Malaki ang pinag bago mo dahil mas lalo kang pumanget. Wala akong ideya na literal na halimaw ang Ad Molibiria mo." ang natatawang wika ng kalaban bagamat hindi ko nakikitang bumubuka ang kanyang bibig dahil naging matingkad na metal na ito.

Napatingin ako sa salamin ng isang sirang gusali sa aking tabi. Mukhang tama nga siya dahil lalo akong pumangit. Ang mga ngiping naka usli sa akin ay naging pangil. Ang aking mata ay naging purong asul at ang aking paa ay hindi ordinaryo dahil naging pang halimaw rin ito. "Halimaw nga, lalo akong pumangit." ang bulong ko sa aking sarili at agad kong binawi ang aking tingin sa salamin.

Sumiklab ang pulang liwanag sa katawan ni Troy at ganoon rin sa akin. Nag katinginan kami sa mata at pag katapos ay kapwa kami lumipad upang sagupain ang bawat isa.

Isang malakas na hataw ang aking ginawa at ganoon rin siya sa akin dahil kada pag aabot ng aming mga patalim ay lumilikha ito ng kakaibang liwanag at panaka nakang pag yanig. Mag tatama ang aking sandata at pag katapos ay didistansya kami sa isa't isa upang gamitin ang aming isa pang kamay na may baril at pana.

Patas lamang ang aming pag kilos at ganoon rin ang amin lakas..

Maya maya muli siyang dumistansya sa akin. "Pareho lang tayong halimaw. Huwag mong ibukod ang iyong sarili sa akin." ang wika ko

Natawa siya "Ikaw ang halimaw, ako ay isang Diyos. Alam mo na sa malayong galaxy ang mga nilalang na kalahating tao ay kabayo napaka sagrado. Sa kanila sumasamba ang bawat nabubuhay sa iba't ibang mundo. Naalala ko nga dati noong lumapag ako sa isang planeta sa ibang solar system, halos ganito rin ang aking anyo, ang lahat ay nag bigay pugay at lumuhod dahil ang akala nila ay isa akong Diyos na taga pag salba. Ang hindi nila alam ako ay isang Diyos na gugunaw sa kanila.

Wala naman akong mapapala sa mundong ito. Mababang uri ng sibilisasyon ang inyong mundo. Narito lamang ako upang tapusin ang aking mga katunggali at mag laro habang pinapanood kayong nag papatayan. Sina Beki, Ganda at ikaw Panget, lahat kayo ay mamatay." ang wika niya habang nakalutang padistansya sa akin.

Super Panget (BXB 2018)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon