SP Part 4: Katapat

3.9K 210 29
                                    

PAUNAWA:

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

PAUNAWA:

"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."

Super Panget

AiTenshi

Dec 31, 2017

"Aba e trip ko lang na makasama ang baby bro ko. Saka bakit parang ayaw mo sa akin e hindi naman ako panget diba? Kung lahat ay kaya mo, pwes ako ay hindi. Alalahanin mong mas mayaman, mas makapangyarihan ako sa iyo. Lahat ng aksyon mo ay kaya kong ibaligtad. Kapag sinabi kong gawing kang Janitor doon sa plaza ay magiging janitor ka. Kapag sinabi kong ipatapon ka sa probinsya at ipapatapon ka. 18 ang kompanyang pag aari ni papa. 9 doon ay sa akin.. Ano hahabol ka? Ilan ang sayo? WALA DIBA? Umaasa ka lang sa yaman namin na ibinibigay sa iyo or should i say YAMAN KO na ibinibigay sayo. Kaya kapag sinabi ko dito ako sa kwarto matutulog at mag sstay ay iyon ang mangyayari." ang wika niya sabay hagis ng isang magasin sa aking harapan. "Baka hindi mo nabasa ang issue na iyan." ang naka ngisi niyang wika

Tiningnan ko ang magasin at dito ay nakita ko ang picture ni Rui. Number 8 most powerful entrepreneur ng taon. At isa rin sa pinaka mayaman at the age of 20's.

"Ano, palag? Hindi lahat ng gusto mo ay makukuha mo baby brother." wika pa niya

Part 4: Katapat

"So hindi ka naka palag? Mali ka naman kasi ng binangga. Kung payamanan lang e mas mayaman yung kuya Rui mo. Hindi mo siya kaya." ang wika ni Tex

"Ako pa rin ang tunay na anak kaya wala siyang habol doon. Saka biruin mo doon nag enrol si mokong sa pinaka malaking campus dito sa siyudad. So cheap, kasama ng middle class at mahihirap."

"Pinaka malaking campus dito sa siyudad, ang students doon ay middle class at mahihirap pero pinaka maganda ang turo doon. Ang lahat ng student doon ay matatalino, mga top natcher sa board exams at doon nag graduate ang mahuhusay na scientist, entrepreneurs at mga doctor ng bansa. Lahat ng propesyonal ay doon galing. Nag entrance exam nga ako doon e kaso hindi ako pumasa sobrang taas ng standard nila." ang wika ni Tex

"Kung sa bagay, okay na rin na nandoon siya. Kaysa naman dito pa siya pumasok tiyak na hindi titino ang buhay ko."

"Pero sa tingin ko mahal ka naman ng kuya mo. Siguro ay gusto ka lang talaga niyang makasama."

"Hindi ko alam, basta malakas ang kutob ko na may binabalak siyang hindi kanais nais."

"Napapraning ka lang Nai, ang mabuti pa ay umuwi na tayo dahil kanina pa tapos ang klase natin. Wala naman akong balak maging best student sa pamamagitan ng pag tambay dito sa hallway at pakikipag chismisan sayo. Oy, ingat ka ha. Yung isang classmate natin na gwapo ay binugbog ng mga panget na estudyante sa kabilang bayan, baka maya maya ay ikaw na ang isunod nila. Malaki pa naman ang galit nila sa iyo." pananakot ni Tex

Super Panget (BXB 2018)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon